Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na cristo.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na cristo.. Ipakita ang lahat ng mga post

Enero 5, 2018

Kabanata 45. Nalilitong Mga Tao Ay Hindi Maliligtas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 45. Nalilitong Mga Tao Ay Hindi Maliligtas

     Ito ay nasabi, “Siyang sumusunod hanggang sa katapusan tiyak maging ligtas,” subalit madali ba itong praktisin?Hindi, at maraming tao ay walang lakas upang sumunod hanggang sa katapusan. Marahil kapag sila ay makasagupa ng sandaling pagsubok, o kaya’y kirot, o kaya’y tukso, pagkatapos sila ay babagsak, at ngayon wala nang lakas upang kumilos pasulong. Mga bagay na magaganap sa bawat araw, kahit malaki o kaya’y maliit, maaring kalugin ang inyong pagpasya, saklawin ang inyong puso, lilimitahin ang inyong abilidad upang gawin ang inyong tungkulin, o kaya’y kontrolin ang inyong pagpapatuloy - mga bagay na ito dapat kailangan taratuhin ng taimtim, nararapat maging maingat sa pagmamasid upang matamo ang katotohanan, at lahat ng mga bagay na magaganap nasa sakop ng karansan. Maraming tao ang bibitiw kapag negatibo ang sapitin nila at walang lakas upang bumangon pagkatapos ng bawat dagok.. Mga taong ito ay mga hangal at pangkaraniwang tao, na gumugogol sa habang-buhay na walang natamong katotohanan, kaya papano sila sumusunod hanggang sa katapusan? Kung sakaling tulad nito na mangyayari sa inyo ng sampung beses subalit wala kayong makakamit galing dito samakatwid kayo ay isang pangkaraniwan at isang taong walang kabuluhan.

Kabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

   Ang susi sa pagkamit ng isang pagbabago ng disposisyon ay alamin ang sariling kalikasan, at ito ay dapat manggaling mula sa pagbubunyag ng Diyos. Tanging sa salita ng Diyos kayang malaman ang kaniyang sariling karima-rimarim na kalikasan, makilala sa kaniyang sariling kalikasan ang mga sari-saring lason ni Satanas, matanto na siya ay hangal at mangmang, at makilala ang mahina at mga negatibong elemento sa kaniyang sariling kalikasan. Kapag ang mga ito ay ganap nang nalaman, at kaya mong tunay na talikdan ang laman, palaging isinakatuparan ang salita ng Diyos, at may kaloobang walang pasubaling nagpapasakop sa Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay sinimulang ang landas ni Pedro. Kung wala ang biyaya ng Diyos, kung walang pagliliwanag at gabay mula sa Banal na Espiritu, ay magiging napakahirap lakaran ang daang ito, dahil ang mga tao ay walang katotohanan at hindi magagawang ipagkanulo ang kanilang sarili.

Disyembre 15, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosSalita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

    Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla. Kayo ay hindi basta makapaniwala na kayo ang mga inápó ni Moab. Si Moab ay itinapon sa lupaing ito pagkatapos isumpa. Ang lahi ng anak ni Moab ay naipasa pababa hanggang ngayon, at kayong lahat ang kanyang mga inápó. Wala Akong magagawa—sinong may gawa na maisilang ka sa bahay ni Moab? Naaawa Ako sa iyo at hindi Ako sang-ayon na magkaganito ka, nguni’t ang katunayan ay hindi mababago ng mga tao. Ikaw ay isang inápó ni Moab, at hindi Ko masasabi na ikaw ay isang inápó ni David. Kung kanino ka mang inápó, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kaya lamang ikaw ay isang nilalang na mababa ang katayuan—ikaw ay isang nilalang na mula sa hamak na kapanganakan. Ang buong sangnilikha ay dapat maranasan ang buong gawain ng Diyos, lahat sila ay mga pinag-uukulan ng Kanyang paglupig, at dapat na makita nilang lahat ang Kanyang matuwid na disposisyon, at maranasan ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ngayon ikaw ay isang inápó ni Moab at dapat mong tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo, kaya kung ikaw ay hindi isang inápó ni Moab, kung gayon hindi ba’t kailangan mo ring tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo? Dapat mong kilalanin ito! Sa katotohanan, ang kasalukuyang paggawa sa mga inápó ni Moab ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Yamang ang gawain ay ginagawa sa inyo, ito ay may napakalaking kabuluhan. Kung ang gawain ay ginawa sa mga inápó ni Ham ito ay hindi magiging makabuluhan dahil sila ay hindi mula sa gayong hamak na kapanganakan at ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kapareho ng kay Moab. Ang mga inápó ng pangalawang anak ni Noe na si Ham ay isinumpa lamang—sila ay hindi nagmula sa pakikiapid. Sila nga lamang ay may mababang katayuan, dahil isinumpa sila ni Noe at sila ay mga alipin ng mga alipin. Sila ay may mababang katayuan, subali’t ang kanilang orihinal na kahalagahan ay hindi mababa. Tungkol kay Moab, alam ng mga tao na siya sa pasimula ay may mababang katayuan sapagka’t ipinanganak siya mula sa pakikiapid. Bagaman ang katayuan ni Lot ay napakataas, si Moab ay nagmula kay Lot at sa kanyang anak na babae. Bagaman si Lot ay isang matuwid na tao, si Moab ay ang pinag-ukulan pa rin ng sumpa. Si Moab ay may mababang halaga at may mababang katayuan, at kung hindi man siya isinumpa siya ay mula sa karumihan, kaya siya ay iba kay Ham. Hindi siya kumilala at lumaban, nagrebelde laban kay Jehova, ang dahilan kung bakit siya ay nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar. Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo. Ang paggawa sa inyo ngayon, mga inápó ni Moab, ay hindi para sadyang hamakin kayo, kundi para ibunyag ang kabuluhan ng gawain. Ito ay isang dakilang pag-aangat para sa inyo. Kung ang isang tao ay may katwiran at kabatiran, sasabihin niya: “Ako ay isang inápó ni Moab. Tunay na hindi ako karapat-dapat sa ganito kadakilang pag-aangat ng Diyos na aking natanggap ngayon, o sa gayong dakilang mga pagpapala. Ayon sa aking ginagawa at sinasabi, at batay sa aking estado at kahalagahan—ako ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa gayong kadakilang mga pagpapala mula sa Diyos. Ang mga Israelita ay may dakilang pag-ibig sa Diyos, at ang biyaya na kanilang tinatamasa ay ipinagkaloob Niya sa kanila, nguni’t ang kanilang estado ay lalong higit na mataas kaysa sa atin. Si Abraham ay napakatapat kay Jehova, at si Pedro ay napakatapat kay Jesus—ang kanilang katapatan ay nakahihigit sa atin ng makaisandaang ulit, at batay sa ating mga pagkilos tayo ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng biyaya ng Diyos.” Ang paglilingkod ng mga taong ito sa Tsina ay hindi maaaring madala sa harap ng Diyos kahit kailan. Ito ay ganap na magulo, at ang lubhang pagtatamasa ninyo ngayon ng biyaya ng Diyos ay totoong pagtataas ng Diyos! Kailan ba ninyo nahanap ang gawain ng Diyos? Kailan ba ninyo naisakripisyo ang inyong buhay para sa Diyos? Kailan ba ninyo naisuko ang inyong pamilya, inyong mga magulang, at ang inyong mga anak? Wala sa inyong nakabayad ng malaking halaga! Kung hindi sa paglalabas ng Banal na Espiritu sa iyo, ilan sa inyo ang makakayang isakripisyo ang lahat? Dahil lamang sa kayo ay napuwersa at napilitan kaya kayo ay nakasunod hanggang ngayon. Nasaan ang inyong debosyon? Nasaan ang inyong pagsunod? Batay sa inyong mga pagkilos, matagal na sana kayong winasak—dapat sana ay winalis kayo nang malinis. Anong karapatan ninyo na magtamasa ng gayong kalaking mga pagpapala—kayo ay ganap na hindi karapat-dapat! Sino sa gitna ninyo ang bumuo ng kanyang sariling landas? Sino sa gitna ninyo ang nakasumpong sa totoong daan sa kanyang sarili? Kayong lahat ay tamad at matakaw, walang-kwentang hampaslupa na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan! Palagay ba ninyo ay napakadakila ninyo? Ano’ng inyong ipagyayabang? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inápó ni Moab, ang inyo bang kalikasan, ang inyong lugar ng kapanganakan ang pinakamataas? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inapo ni Moab, hindi ba kayong lahat ay tunay na mga anak ni Moab? Ang katotohanan ba ng mga katunayan ay mababago? Ang paglalantad ba ng inyong kalikasan ngayon ay sumasalungat sa katotohanan ng mga katunayan? Tingnan kung gaano kayo kaalipin, ang inyong mga buhay, ang inyong mga pag-uugali—hindi ba ninyo alam na kayo ang pinakamababa sa lahat ng mababa sa gitna ng sangkatauhan? Ano’ng inyong ipagyayabang? Tingnan ang inyong katayuan sa lipunan. Hindi ba’t kayo ay nasa pinakamababang antas? Palagay ba ninyo ay nagkamali Ako sa pagsasalita? Inialay ni Abraham si Isaac. Ano’ng inyong naialay? Inialay ni Job ang lahat ng bagay. Ano’ng inyong naialay? Napakaraming tao ang nagbigay ng kanilang mga buhay, nagtayâ ng kanilang mga ulo, nagbuhos ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nakabayad ba kayo ng halagang iyan? Sa pagkukumpara, kayo ay hindi kailanman kwalipikadong magtamasa ng gayong kalaking biyaya, kaya nagkakamali ba sa inyo kung sabihin ngayon na kayo ang mga inápó ni Moab? Huwag ninyong tingnan ang inyong mga sarili nang napakataas. Wala kang maipagyayabang. Ang gayong kadakilang kaligtasan, gayong kalaking biyaya ay ibinigay sa inyo nang libre. Wala kayong naisakripisyo, nguni’t basta nagtamasa ng biyaya nang libre. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tunay na daang ito ba ay isang bagay na nasumpungan ninyo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap? Hindi ba’t ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng puso sa paghahanap at sa partikular ay wala kayong mga puso ng paghahanap ng katotohanan, ng pananabik sa katotohanan. Nangakaupo lamang kayo at nasisiyahan dito, at nakamit ninyo ang katotohanang ito nang walang pagsisikap sa inyong bahagi. Ano’ng inyong karapatan na dumaing? Palagay mo ba ay ikaw ang pinakamahalaga? Kumpara sa mga yaon na nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at nagbubô ng kanilang dugo, ano’ng inyong maidaraing? Ang pagwasak sa inyo ngayon din ay kusang darating! Bukod sa pagtalima at pagsunod, wala kayong iba pang pagpipilian. Kayo ay basta hindi karapat-dapat! Karamihan sa inyo ay tinawag, nguni’t kung hindi kayo napilit ng kapaligiran o kung hindi kayo natawag, kayo ay lubos na hindi handang lumabas. Sino ang handang talikdan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga tao na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan at naghahanap ng isang maluhong pamumuhay! Kayo ay nagkamit ng gayong kalaking mga pagpapala—ano pa ang inyong masasabi? Ano’ng inyong mga idinaraing? Nagtamasa kayo ng pinakadakilang mga pagpapala at ng pinakadakilang biyaya sa langit, at ang gawain ay naibunyag ngayon sa inyo na hindi pa kailanman nagawa sa lupa noong una. Hindi ba ito isang pagpapala? Dahil kayo ay lumaban at nagrebelde laban sa Diyos, kayo ngayon ay sumailalim sa ganito katinding pagkastigo. Dahil sa pagkastigong ito nakita ninyo ang habag at pag-ibig ng Diyos, at higit pa nakita ninyo ang Kanyang pagkamatuwid at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, inyong nakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at inyong nakita ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakamadalang sa mga katotohanan? Hindi ba’t ito ay isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay punô ng kahulugan! Kaya mas mababa ang inyong katayuan, mas ipinakikita nito ang pagpapataas ng Diyos, at mas pinatutunayan nito kung gaano kahalaga ang Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay isang kayamanang walang-katumbas na halaga! Hindi ito makukuha kahit saan, at sa pagdaan ng mga kapanahunan walang sinuman ang nakapagtamasa ng gayong kadakilang kaligtasan. Ang katunayan na ang inyong katayuan ay mababa ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinakikita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi nagwawasak.

Disyembre 12, 2017

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing    Lalawigan ng Shanxi

    Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at mailigtas.

Disyembre 8, 2017

Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

Disyembre 2, 2017

Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong

     Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon, nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.