Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Disyembre 16, 2017

Walang Espesyal na Pagtrato sa Iglesia

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosWalang Espesyal na Pagtrato sa Iglesia

Liu Xin    Lungsod ng Liaocheng, Lalawigan ng Shandong
    Matapos kong sundin ang Diyos nitong mga nakaraang taon, nadama kong nagdanas na ako ng ilang mga pagdurusa at nagbayad na ng totoong halaga, kaya unti-unti akong nagsimulang mamuhay sa aking mga natamo sa nakaraan at ipinagmarangya ko ang aking kataandaan. Naisip ko: Umalis ako ng tahanan sa loob ng maraming taon at walang narinig ang aking pamilya mula sa akin sa mahabang panahon. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, tiyak na lilingapin ako ng iglesia. Kahit na hindi ko ganaping maayos ang aking gawain ay hindi nila ako pauuwiin. Ang pinakamalalang mangyayari ay aalisin lamang nila ako at pagagawin ako ng iba pang gawain. Dahil sa ganitong pag-iisip, wala akong anumang pasanin sa anumang paraan sa aking gawain. Nagbulag-bulagan ako sa lahat ng bagay, at tiningnan ko pa ang gawain ng ebanghelyo bilang isang pasanin, at palaging namumuhay sa mga paghihirap at pagdadahilan. Kahit na naramdaman kong akusado ang aking puso at sinisi ang aking budhi dahil masyadong marami ang aking utang sa Diyos dahil sa aking walang interes na pag-uugali, at na ako ay matatanggal sa madali o malaon, ako pa rin ay nagpatianod lamang taglay ang kaisipang umaasa na swertehin, na nagpakatamad sa aking mga araw sa iglesia.
    Ang Diyos ay matuwid at banal. Sa huli, matapos ganap na sirain ang aking gawain sa pamamagitan ng aking pangmatagalang walang interes na mga pakikitungo, pinaalis ako at pinauwi para sa sariling pagmumuni-muni. Sa oras na iyon, ako ay nabigla: Paanong hindi nila ako pinakitaan ng kaunti pang pagsasaalang-alang? Matapos magtrabaho sa loob ng maraming taon, ako ay kailangan nang umuwi ngayon, na parang ganoon na lamang. Ngunit paano ko mahaharap ang aking pamilya kung uuwi ako ngayon? Anong mga pagkakataon ang mayroon ako sa hinaharap? ... Ang puso ko ay naging napakagulo at napuno ako ng maling pagkaunawa at paninisi sa Diyos. Nahulog ako sa kadiliman, na naghihirap sa sakit.
    Sa gitna ng labis na pagdurusa, lumapit ako sa Diyos at tumawag sa Kanya: O Diyos, palagi kong naisip na pagkatapos magtrabaho nang malayo sa tahanan sa lahat ng mga taong ito at pagtitiis ng ilang pagdurusa, ang iglesia ay hindi makikitungo sa akin nang ganito. Ngayon namumuhay ako sa kadiliman, ang aking puso ay puno ng maling pagkaunawa at paninisi sa Iyo. Pakiusap muli Kang maawa sa akin upang matanggap ko ang Iyong pagliliwanag at patnubay sa kadiliman. ... Pagkatapos ng paulit-ulit na pananalanging tulad nito ng ilang beses, ang salita ng Diyos ay nagliwanag sa akin. Isang araw, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi Ako magkakaroon ng diwa ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming mga taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakaabot sa Aking mga kahilingan nang kaparusahan, hindi nang mga gantimpala, lalong hindi nang anumang simpatiya. Marahil ay iniisip ninyo na sa pagiging isang tagasunod sa maraming mga taon ay nagpapagal kayo anuman ang mangyari, kaya sa anupaman makakuha kayo ng isang mangkok ng kanin sa tahahan ng Diyos sa pagiging isang taga-serbisyo. Masasabi Ko na karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan sapagkat palagi na lamang ninyong hinahangad hanggang sa ngayon ang panuntunan kung paano samantalahin ang isang bagay at hindi mapagsamantalahan. Kaya sinasabi Ko sa inyo ngayon nang buong kaseryosohan: Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri. … sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na nangangalisaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas sa Aking kaharian, sa susunod na kapanahunan” (“Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang bawat salita ng Diyos ay nagbunyag ng Kanyang kamahalan at galit, na tumatagos sa akin nang tuwiran sa aking nakamamatay na dako tulad ng isang tabak na may dalawang talim, at lubusang sinira ang aking pangarap na "maghanapbuhay man lamang sa iglesia ng kung ano pa man dahil sa gawa na aking iniambag, kahit na ito ay hindi karapat-dapat." Sa oras na ito, wala akong magagawa kundi ang magnilay-nilay sa sarili: Kahit na umalis ako sa tahanan at tinutupad ang aking tungkulin sa labas nitong mga nakaraang taong ito, na lumilitaw sa labas na nagbayad ng kaunting halaga at nagdusa nang kaunti, hindi ko naramdaman ang kalungkutan ng Diyos sa anumang paraan, at hindi kailanman inisip kung paano ko matutupad ang aking tungkulin nang maayos upang masiyahan ang Diyos. Sa halip, kumilos ako nang walang interes sa pakikitungo sa aking gawain. Lalo na sa panahong ito, wala akong pasanin sa anumang paraan sa aking gawaing ebanghelyo at hindi ko man lang sineryoso ang takda ng ebanghelyo ng iglesia, na walang pakialam kung nakumpleto ko ito o hindi at hindi nakakaramdam na mayroon akong anumang utang sa Diyos. Itinuring ko pa ang gawain ng ebanghelyo bilang isang pasanin, na iniisip na kung maraming bagong mga tao ang darating at hindi ako makasumpong ng sinuman upang diligan sila ay mas lalong magiging mahirap. Dahil dito, hindi ako nagpakita ng interes sa gawaing ebanghelyo at tinulutan itong magdanas ng malaking kawalan. Dahil sa hindi ko binigyang pansin ang gawain ng pagdidilig ng bagong mga tao, nagresulta ito sa pag-alis ng ilang mga bagong mananampalataya dahil wala silang sinumang magdidilig sa kanila. Ang iglesia ay nag-ayos sa akin upang humanap ng mga magkukupkop na pamilya at humawak ng ilan pang ibang mga pangkalahatang gawain, ngunit ako ay namumuhay pa rin sa mga paghihirap at mga pagdadahilan, na tumatangging makipagtulungan sa Diyos. Bukod pa rito, nakuntento ako sa aking kasalukuyang sitwasyon at hindi naghangad ng pag-unlad, nagiging napakasama sa isang tiyak na antas at malubhang nawawalan ng gawain ng Banal na Espiritu, at nagdudulot sa iba't ibang aspeto ng gawain ng iglesia na mahulog sa kaguluhan. ... Nag-isip ako tungkol sa aking pag-uugali: Paanong tinutupad nito ang aking tungkulin? Paggawa lamang ito ng kasamaan! Ngunit talagang naramdaman ko na, kahit na ang aking trabaho ay hindi naging karapat-dapat, nagsikap ako kahit papaano, at kahit ano pa man, dapat man lang ako magkaroon ng hanapbuhay sa iglesia. Nang isaayos ng iglesia na pauwiin ako upang magnilay-nilay sa aking sarili, naramdaman ko pa na ako ay ginawan ng masama. Itinuring ko pa ang aking sarili bilang isang tagapag-ambag sa iglesia, walang hiyang humihiling sa Diyos at ipinagmamapuri ang aking katandaan. Talagang ako ay sobrang hindi makatwiran, sobrang kulang sa sentido komun! Ang aking disposisyong ito ay labis na kamuhi-muhi at kasuklam-suklam sa Diyos! Ang iglesia ay iba sa lipunan at sa mundo na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay walang habag sa kaninuman. Hindi mahalaga kung gaano ka may kakayanan, o gaano karami ang pagdurusa na naranasan mo, o kung gaano katagal kang sumunod sa Kanya. Kapag nilabag mo ang disposisyon ng Diyos, ang tanging bababa sa iyo ay ang poot at kamahalan ng Diyos. Paanong ang isang parasitong katulad ko na hindi ginawa ang kanyang totoong trabaho at nabuhay lamang sa iglesia ay maaaring maging eksepsyon sa harap ng matuwid na Diyos? Noon ko lamang napagtanto na ang aking pagkakaalis at ang pagpapagawa sa akin ng pagninilay-nilay sa sarili ay ang tiyak na matuwid na paghatol ng Diyos sa akin. Ito rin ang pinakadakilang pagmamahal at kaligtasan na maibibigay ng Diyos sa Kanyang mapanghimagsik na anak na lalaking ito. Kung hindi, pinanghahawakan ko pa rin ang maling pananaw na "makapaghanapbuhay man lamang sa iglesia ng kung ano pa man dahil sa gawain na aking iniambag, kahit na ito ay hindi karapat-dapat," natutulog sa magandang panaginip na hinabi ko para sa aking sarili, at sa huli ay namamatay sa sarili kong imahinasyon.
    O Diyos! Salamat sa Iyo! Purihin Ka! Kahit na ang iyong pamamaraan ng pagliligtas ay hindi tumutugma sa aking mga palagay, nauunawaan ko na ngayon ang Iyong mga hangarin at nakikita ang Iyong pangangalaga at pag-iisip. Nakahanda akong tanggapin ang iyong pagkastigo at paghatol, at sa pamamagitan nito ay maayos na magnilay-nilay sa aking sarili at alamin ang aking sarili, alamin ang Iyong matuwid na disposisyon, at higit sa lahat ay maging handa na magsisi at magsimulang muli upang maging isang bagong tao!

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento