Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Espesyal na Pagtrato sa Iglesia
Liu Xin Lungsod ng Liaocheng, Lalawigan ng Shandong
Matapos kong sundin ang Diyos nitong mga nakaraang taon, nadama kong nagdanas na ako ng ilang mga pagdurusa at nagbayad na ng totoong halaga, kaya unti-unti akong nagsimulang mamuhay sa aking mga natamo sa nakaraan at ipinagmarangya ko ang aking kataandaan. Naisip ko: Umalis ako ng tahanan sa loob ng maraming taon at walang narinig ang aking pamilya mula sa akin sa mahabang panahon. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, tiyak na lilingapin ako ng iglesia. Kahit na hindi ko ganaping maayos ang aking gawain ay hindi nila ako pauuwiin. Ang pinakamalalang mangyayari ay aalisin lamang nila ako at pagagawin ako ng iba pang gawain. Dahil sa ganitong pag-iisip, wala akong anumang pasanin sa anumang paraan sa aking gawain. Nagbulag-bulagan ako sa lahat ng bagay, at tiningnan ko pa ang gawain ng ebanghelyo bilang isang pasanin, at palaging namumuhay sa mga paghihirap at pagdadahilan. Kahit na naramdaman kong akusado ang aking puso at sinisi ang aking budhi dahil masyadong marami ang aking utang sa Diyos dahil sa aking walang interes na pag-uugali, at na ako ay matatanggal sa madali o malaon, ako pa rin ay nagpatianod lamang taglay ang kaisipang umaasa na swertehin, na nagpakatamad sa aking mga araw sa iglesia.