Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas
Sa isang pagsiklab ng kidlat, naibunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati nilang pag-aari. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, lumulubog sa ilalim mula sa ibabaw, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang kahulilip. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakakakilala sa Akin ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningningmaliwanag ang sikat ng araw.
Tumingin kayo ngayon sa Aking kaharian, kung saan Ako ang Hari at naghahari sa lahat. Mula sa simula ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, habang ginagabayan Ko ang Aking mga anak na lalaki, dumanas sila ng napakaraming kahirapan ng buhay, napakaraming kaapihan mula sa mundo, napakaraming mga tagumpay at kabiguan ng mundo, ngunit ngayon sila’y nananahan sa Aking liwanag. Sino ang hindi umiiyak sa mga kawalan ng hustisya sa nakaraan? Sino ang hindi lumuluha sa mga paghihirap para maabot ang araw na ito? At muli, mayroon bang hindi kukuha sa pagkakataong ito upang ialay ang sarili sa Akin? Mayroon bang hindi magsasamantalang kunin ang pagkakataong ito upang ibuhos ang namumuong masidhing damdamin sa kanilang puso? Mayroon ba sa mga sandaling ito ang hindi maghahayag ng kanilang naranasan? Sa oras na ito, inilalaan sa Akin ng lahat ng tao ang pinakamainam sa kanilang mga sarili. Ilan ang nagdurusa ng pagsisisi dahil sa mga madilim na kahangalan ng kahapon, ilan ang napopoot sa kanilang mga sarili dahil sa mga pagtugis sa kahapon! Nalaman mismo ng mga tao, nakita nilang lahat ang mga gawa ni Satanas at ang Aking pagiging kamangha-mangha, at may naitalagang lugar sa loob ng kanilang mga puso na para sa Akin. Hindi Ko na tutugunan ng pagkamuhi at pagtatakwil ang mga tao, dahil natapos na ang dakila Kong gawain at wala nang humahadlang nito. Ngayon, sa mga anak ng kaharian Ko, mayroon bang sinuman ang hindi isinasaalang-alang ang sarili? Mayroon bang sinuman na may karagdagang sanhi sa pag-aalala dahil sa mga paraan na ang Aking gawain ay naisagawa? Mayroon bang sinuman ang taos-pusong naghandog ng sarili para sa Akin? Nabawasan ba ang mga kahalayan sa inyong mga puso? O dumami ang mga ito? Kung hindi nabawasan o nadagdagan ang mga mahahalay na bagay sa inyong mga puso, siguradong itataboy Ko ang mga taong katulad ninyo. Ang gusto Ko ay mga banal na kinalulugdan ng Aking puso, hindi mga karumaldumal na espiritung naghihimagsik laban sa Akin. Kahit na wala Akong masyadong hinihiling sa sangkatauhan, napakakumplikado ng kalooban ng mga tao kaya hindi sila handang umayon sa Aking kalooban o kaagad na bigyang-lugod ang Aking mga nais. Karamihan ng mga tao ay lihim na nagsusumikap sa sarili nila dahil sa pag-asang matamo ang pagpaparangal na laurel sa katapusan. Ang karamihan ng mga tao ay nagsusumikap nang buong lakas, hindi man lang nagpapabaya kahit na isang sandali, natatakot na maging bihag muli ni Satanas sa pangalawang pagkakataon. Hindi na sila naglalakas-loob na magkimkim ng sama ng loob laban sa Akin, ngunit patuloy sila sa pagpapakita ng katapatan sa Akin. Narinig Ko ang mga salitang sinabi ng mga puso ng napakaraming tao, ang mga kwentong sinabi ng napakaraming mga tao tungkol sa mga masasakit na karanasan sa kalagitnaan ng kahirapan; Napakarami Kong nakita, sa pinakagipit na kalagayan, na hindi kailan man nagkulang sa paghahandog ng katapatan sa Akin, at napakarami rin ang napanood Ko habang binabagtas nila ang mabatong landas, na nagsumikap upang makahanap ng daang palabas. Sa mga sitwasyong ito, hindi kailanman sila nagreklamo; kahit sa panahong hindi nila mahanap ang liwanag, nalumbay man sila nang kaunti, hindi sila kailanman nagreklamo kahit minsan. Ngunit napakaraming tao rin ang Aking narinig sa pagbubulalas ng mga mura mula sa kailaliman ng kanilang mga puso, isinusumpa nila ang Langit at inaakusahan ang lupa, at nakita Ko rin ang napakaraming tao na nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kapighatian, hinayaan ang kanilang mga sariling parang basura sa isang basurahan, natatabunan ng dumi at dungis. Narinig Ko ang napakaraming mga tao na nag-aaway, dahil sa isang pagbabago sa katayuan, na may kasamang mga pagbabago ng “mukha,” na humantong sa isang pagbabago sa kanilang relasyon sa kapwa tao, sa gayon ang mga magkakaibigan ay naging magkakaaway na nilulusob ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Ginagamit ng karamihang mga tao ang Aking mga salita na tulad ng mga balang nagmumula sa isang baril, pinuputukan ang iba nang walang kamalay-malay, hanggang sa mapuno ng ingay ang mundo ng mga tao at masira ang katahimikan. Sa kabutihang palad, dumating tayo sa araw na ito; kung hindi, sino ang nakaaalam kung gaano karami ang maaaring namatay dahil sa hindi paghupa ng pagputok ng baril na ito.
Sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, at sa pagsubaybay sa mga kondisyon ng sangkatauhan, unti-unting bumaba sa lupa ang kaharian Ko. Hindi na nagsasalita ang tao ng mga nakaliligalig na saloobin, o “isinasaalang-alang ang” ibang mga tao, o “nag-aalala” para sa kanila. At sa gayon, wala na ang mga palatutol na mga alitan, at sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, ang sari-saring “mga armas” ng modernong panahon ay nawala na rin. May kapayapaan muli ang tao sa kanyang kapwa, muling sumisinag ang espiritu ng pagkakaisa sa puso ng mga tao, wala nang nagkukubli laban sa palihim na pag-atake. Bumalik na ang buong sangkatauhan sa normal na kalagayan at nag-umpisa sa isang bagong buhay. Sa bagong kapaligiran, may magandang bilang ng mga tao ang tumitingin sa paligid, sa pakiramdam nila na parang pumasok sila sa isang bagung-bagong mundo, at dahil dito hindi sila agad na makaangkop sa kasalukuyan nilang kapaligiran o diretsong makatumpak sa tamang landas. Kaya ito ay isang sitwasyon na “ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman.” kung tungkol sa sangkatauhan ang paguusapan. Kahit na hindi Ko naranasan, tulad ng tao, ang kapaitan ng kahirapan sa Sarili Ko, ganap Kong nalalaman na may dapat intindihin tungkol sa kanyang mga kakulangan. Kabisadong-kabisado Ko ang mga pangangailangan ng tao, at ganap ang Aking pag-unawa sa kanyang kahinaan. Sa kadahilanang ito, hindi Ko pinagtatawanan ang tao sa kanyang mga pagkukulang; tumutulong lang Ako ayon sa mga gawain niyang hindi matuwid, isang karapat-dapat na sukat ng “kaalaman,” ang mas mahusay na paraan upang gabayan ang lahat na pumunta sa tamang landas, upang tumigil ang sangkatauhan sa pagkaligaw na parang mga ulila at maging mga itinatanging sanggol na may isang tahanan. Gayon pa man, ang mga kilos Ko ay pinamamahalaan ng mga prinsipyo. Kung ayaw ng mga tao na tamasahin ang kaligayahanng nasa Akin, ang tanging magagawa Ko lang ay umayon sa kanilang mga kagustuhan at ipadala sila sa hukay na walang-hanggan. Sa puntong ito, wala nang dapat kumimkim ng mga pagdadalamhati sa kanyang puso, ngunit dapat na makita ng lahat ang Aking pagkamatuwid sa mga kaayusan na Aking ginawa. Hindi Ko pinipilit ang sangkatauhang umibig sa Akin, at hindi Ko rin sinasaktan ang sinumang tao dahil sa pagmamahal sa Akin. May ganap na kalayaan sa Akin, ganap na pagka-kawala. Kahit na nasa Aking kamay ang kapalaran ng tao, ibinigay Ko sa tao ang malayang kalooban, bagay na hindi napaiilalim sa Aking kontrol. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay hindi iimbento ng paraan upang magkaproblema dahil sa mga batas ng Aking pamamahala, sa halip batay sa Aking kagandahang-loob, magkakaroon ng pagka-kawala. Kaya maraming tao, sa halip na mahawakan sa Aking pagpipigil, ang susunod sa sarili nilang kagustuhan dahil sa pagiging pinakawalan.
Palagi Kong tinatrato ang sangkatauhan nang may kaluwagan, hindi kailanman nagtatakda ng problemang walang kalutasan, hindi kailanman inilalagay ang kahit sinong tao sa kahirapan; hindi ba ganito? Kahit maraming mga tao ang hindi nagmamahal sa Akin, malayo sa pagkakayamot sa ganitong uri ng saloobin, ibinigay Ko sa mga tao ang kalayaan, ipinahintulot Ko ang palugit hanggang sa punto ng pagpayag na lumangoy sila sa mapait na dagat. Sapagkat ang tao ay isang sasakyang-dagat na hindi itinatangi: Kahit nakikita niya ang pagpapala na nasa Aking kamay, wala siyang pagkawiling tamasahin ito, ngunit mas gugustuhin niyang magdusa sa kamay ni Satanas, at dahil doon ay hinahatulan ang sarili niya na mahihigop ni Satanas bilang “pampalusog.” Tiyak na may mga ilan ang mismong nakakita sa Aking liwanag, at dahil dito, kahit na nabubuhay sila sa mga ulap ng kasalukuyan, hindi sila nawalan ng pananampalataya sa liwanag dahil sa malalabong mga ulap, ngunit patuloy silang humahagilap at naghahanap sa kaulapan—kahit sa landas na nagkalat ang mga balakid. Kapag naghimagsik ang tao laban sa Akin, ihahagis Ko ang Aking napopoot na ngingit sa kaniya, kaya maaaring maglaho ang tao dahil sa kanyang pagsuway. Kapag sumunod siya sa Akin, mananatili Akong nakatago mula sa kanya, sa paraang ito mapupukaw ang pag-ibig sa kaibuturan ng kanyang puso, isang pag-ibig na naglalayong hindi magpaginhawa ngunit magdulot sa Akin ng kasiyahan. Ilang beses Kong isinara ang Aking mga mata at nanatiling tahimik sa paghahanap ng mga tao sa Akin, upang matamo Ko ang tunay niyang pananampalataya? Ngunit kapag hindi Ako umiimik, nagbabago sa isang iglap ang pananampalataya ng tao, at tanging ang mga huwad niyang “kalakal,” ang tangi Kong nakikita, dahil kailanman ay hindi tapat ang pagmamahal ng tao sa Akin. Sa tuwing inihahayag Ko lamang ang Aking sarili na nagpapakita ang mga tao ng napakalaking “pananampalataya”; ngunit kapag nakatago Ako sa Aking lihim na dako, nagiging mahina sila at pinanghihinaan ng loob, parang takot na saktan ang damdamin Ko, o dahil hindi lang makita ng ilan ang Aking mukha, idinadaan nila Ako sa isang mabuting paggawa at dahil diyan ay pinakakahulugan na sa katunayan ay hindi Ako umiiral. Gaano karaming mga tao ang nananatili sa ganitong kalagayan, gaano karami ang may ganitong pag-iisip, ngunit ito ay dahil magaling lamang ang mga tao sa pagtatago ng mga bagay na karumaldumal sa kanilang sarili. Dahil dito, nag-aatubili silang matawag-pansin ang sarili nilang mga kakulangan, at umaamin lamang sa katotohanan ng Aking mga salita habang lakas-loob silang naghahanap ng pagpapanggap para sa paggalang sa sarili.
Marso 17, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikalabing-walong Pagbigkas
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento