Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Setyembre 2, 2018

Maikling Dula: Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon

Maikling Dula: Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon (Tagalog Christian Sketch)

Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon. Sa kanyang paglaya, inilista pa rin siya ng pulis na Komunistang Tsino bilang target ng nakatuon na pagmamanman. Partikular, matapos tanggapin ng matanda ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, halow araw-araw na dumarating ang mga pulis para takutin at istorbohin siya. Walang paraan para mabasa ni Zheng Xinming ang salita ng Diyos nang normal sa bahay, at maging ang mga kapamilya niya'y nababalisa rin. Ngayon bisperas ng Bagong Taon at nasa bahay ang matandang nagbabasa ng salita ng Diyos, hindi alam kung ano ang maaaring mangyari …

Agosto 28, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"

I Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay, nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin, ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan. Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita; nagsisimula tayong tumuon sa tono at paraan ng Kanyang pagsasalita, at maging kusa na pakinggan ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito. II Nagtutuon ang Diyos sa atin; para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain; para sa atin, Siya'y umiiyak at naghihinagpis; para sa atin, Siya'y dumadaing sa sakit. Siya'y dumaranas ng hiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang puso Niya'y lumuluha at nagdurugo para sa pagiging suwail at manhid natin. III Wala sa mga ordinaryong tao ang gayong katangian at mga ari-arian Niya. Gayundin, sinuman sa masasamang tao ay hindi mataglay o makamit ang mga ito. Ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiis ay lampas sa mga ordinaryong tao, at ang pag-ibig Niya ay hindi taglay ng anumang nilalang. Ang pag-ibig Niya ay hindi taglay ng anumang nilalang. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hulyo 26, 2018

Kristianong Awitin | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"

I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

Hulyo 20, 2018

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


  Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
…………
… nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Hulyo 17, 2018

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay

Kidlat ng Silanganan,Makapangyarihang Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang nang ibang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.

Hulyo 9, 2018

Salita ng Diyos | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto



     Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kaakibat? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay papayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na sukat ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatiling pangmatagalan. Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari pa nga silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, isa lamang itong biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong mahalay. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung nakadarama ka lamang ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang katulad ang katamisan, na parang hindi mo maaaring sapat na tamasahin ang mga ito, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katunayan sa salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo maaring isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom at mga  ay lubusang hinggil sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makakamit ng Diyos. Ang lahat ng mga nakamit ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao ni ang kanyang mga ari-arian, kundi ang mga bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang mga puso ng tao ay maaring makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ang Diyos ang gumagawang perpekto sa tao ay na ang Diyos ang gumagawang perpekto sa puso ng tao upang ito ay magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.

Hulyo 7, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Tagalog Christian Music Video | Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos (Tagalog Dubbed)


I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
II
Kaya, ang kaalaman sa Diyos ay hindi
nagmumula sa pag-unawa, pag-unawa sa mga bagay,
ni mula sa pagsusuri ng bagay,
ni sa pag-unawa sa ibang mga tao.
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi maaabot
sa pamamagitan ng naturang mga pamamaraan.
Ang kaalaman sa Diyos
ay hindi nakasalalay sa karanasan ni pantasya.
Sila ay limitado, hindi sila katunayan o katotohanan.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao, ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Hindi mauunawaan ng isa ang Diyos,
na umaasa sa kanyang imahinasyon.
Ang tanging landas sa pagkilala sa Diyos ay:
Tanggapin ang lahat ng nanggagaling sa Kanya,
danasin ito nang unti-unti.
III
Hanggang sa araw kapag ang pagliliwanag,
tunay na pag-unawa,
ito ay mapapasayo, ang iyong gantimpala,
ang bunga ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos,
at ang pagkagutom at pagkauhaw mo para sa katotohanan.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Hindi Siya magbabago.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋

Hulyo 6, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

——————————
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Hulyo 4, 2018

Kabanata 9. Paghahanap ng Kalooban ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Abot ng Makakaya

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
     ︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵︵
`•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•` `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•`  `•.¸ ¸.•``•.¸ ¸.•`


     Sa sandaling ang mga tao ay magpadalus-dalos habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin, hindi nga nila alam kung paano danasin ito; sa sandaling maging okupado sila sa mga bagay, ang kanilang espirituwal na mga katayuan ay nababagabag; hindi nila mapanatili ang isang normal na kalagayan. Paano maaaring maging ganito? Kung hihilingin sa iyo na tuparin ang isang kaunting gawain, ikaw ay nalilihis sa kalakaran, nagiging maluwag, hindi lumalapit sa Diyos at nalalayô sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang mga tao ay hindi nakababatid kung paano ang makaranas. Kahit na anuman ang gawin mo, marapat na unawain mo muna kung bakit talaga ginagawa mo ito at kung ano ang katangian ng bagay na ito. Kung ito ay ilalagay sa kategorya na pagtupad sa iyong tungkulin, samakatuwid ay dapat mong pagnilay-nilayin: Paano ko ba dapat gawin ito? Paano ko ba dapat tuparin ang aking tungkulin nang mabuti para di ko ito ginagawa nang walang kainteres-interes? Ito ay isang bagay kung saan ay nararapat kang lumapit sa Diyos. Ang paglapit sa Diyos ay paghahanap ng katotohanan sa bagay na ito, ito ay paghahanap ng daan ng pamumuhay, ito ay paghahanap ng kalooban ng Diyos, at ito ay paghahanap kung paano masisiyahan ang Diyos. Ito ang mga pamamaraan para mapalapit sa Diyos habang abala ka; ito ay hindi pagsasagawa ng isang relihiyosong seremonya o isang panlabas na pagkilos; ito ay isinasagawa para sa layong kumilos alinsunod sa katotohanan matapos hanapin ang kalooban ng Diyos. Kung lagi mong sinasabing "Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos" gayong wala kang anumang bagay na ginagawa, ngunit kapag mayroon kang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ito ayon sa iyong sariling kalooban, ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang panlabas na kilos. Kapag tumutupad ka ng iyong tungkulin o may ginagawang isang bagay, nararapat na isipin mo palagi: Paano ko tutuparin ang tungkuling ito? Ano ang intensyon ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, magiging malapit ka sa Diyos, at sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos, hinahanap mo ang mga prinsipyo at katotohanan upang magawa ang mga bagay, hinahanap mo ang kalooban ng Diyos mula sa loob mo at hindi mo iniiwan ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo. Ito ang isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Ngayon kapag may dumating na ilang bagay sa mga tao, anuman ang totoong kalagayan, iniisip nila na magagawa nila ang ganito’t ganoon, ngunit ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso, at ginagawa nila ito ayon sa kanilang mga sariling intensyon. Kahit na ang kahahantungan ng pagkilos ay angkop o hindi, o kung ito ay alinsunod sa katotohanan o hindi, sila ay nagmamatigas lamang at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Karaniwan sa wari ay Diyos ang nasa kanilang mga puso, ngunit kapag abala sila sa ibang bagay, ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso. May ilang tao na nagsasabi: "Hindi ako napapalapit sa Diyos sa mga bagay na ginagawa ko; dati ay nahirati ako sa pagganap ng mga seremonyang relihiyoso, at sinubukan kong mapalapít sa Diyos, ngunit ito ay walang ibinunga; hindi ako mapalapit sa Kanya.” Wala ang Diyos sa puso ng ganitong uri ng tao, sarili lamang niya ang nasa kanyang puso at hindi niya maisagawa ang katotohanan sa mga bagay na kanyang ginagawa. Ang hindi paggawa ng mga bagay alinsunod sa katotohanan ay paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban, at ang paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban ay paglisan sa Dios; kung kaya, ang Diyos ay wala sa iyong puso. Ang mga kaisipang pantao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao at tila ang mga ito ay hindi gaanong lumalabag sa katotohanan. Sa pakiwari ng mga tao ang paggawa sa ganitong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan, na sa palagay nila ang paggawa sa ganitong paraan ay pagpapasailalim sa Diyos. Sa totoo lang, ang mga tao ay hindi tunay na naghahanap sa Diyos at hindi nananalangin sa Diyos tungkol dito. Hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti upang maging kasiya-siya sa kalooban ng Diyos, ni nagsusumikap na gawin ito nang napakainam ayon sa Kanyang mga hinihingi. Wala sa kanila ang ganitong totoong kalagayan, at wala sila ng ganoong pagnanais. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagkilos, dahil sa naniniwala ka sa Diyos, ngunit wala sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi naging isang kasalanan? Paano ito hindi naging pandaraya sa iyong sarili? Ano ang magiging epekto ng pagpaniwala sa ganitong paraan? Nasaan ang praktikal na kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?

Hunyo 27, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

•┈┈┈┈••┈┈┈┈•┈┈┈┈••┈┈┈┈••┈┈┈┈
    
    Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.

Hunyo 24, 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


************************

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito, 
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

II
Tanging paglilinis na ito 
ang makakapagtanggal sa di pagkamatuwid.
Ang pagkastigo at paghatol na ito 
ay nagbubunyag sa pagsuway ng tao,
sa gayo'y pinaghihiwalay ang mga ligtas sa mga sinumpa,
at ang mga mananatili sa mga hindi.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito, 
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

III
Sa huli ay parurusahan ng Diyos ang kasamaan 
at gagantimpalaan ang mabuti
upang lubos na linisin ang sangkatauhan 
at dalhin sila sa walang hanggang kapahingahan.
Ito'y huli't mahalagang yugto para gawing ganap gawain ng Diyos.
Kung ang masama ay mananatili, 
ang sangkatauhan ay hindi makakapasok sa kapahingahan.
Kapag natapos S'ya, buong sangkatauha'y magiging banal,
at saka payapang makakapamuhay ang Diyos sa kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito, 
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hunyo 18, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan





      Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga panahon ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.

Hunyo 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod


******************************

   Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

  Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang masamang disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ng katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagkat napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong masamang disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng kanilang maraming taon ng karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang makuha ang pagmamahal ng ibang tao, mangaral sa kanila at pagharian sila, at magmalaki—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga paniwala ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

  Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon. Sa ganitong kalagayan, yaong may mga relihiyosong paniwala, yaong humahawak ng pagiging nauna sa panunungkulan, at yaong hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi nagpasya na sumunod, at hindi nauuhaw sa salita ng Diyos, kung gayon hindi nila makakayang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Sila lamang ay magiging mas lalong mapanghimagsik, mas lalong tuso, at hahantong sa maling daan. Sa paggawa ng Kanyang gawain ngayon, itataas ng Diyos ang mas maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at nakakatanggap ng bagong liwanag. At lubos Niyang puputulin ang mga relihiyosong namumuno na ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan. Yaong matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago: hindi Niya nais ang isa man sa kanila. Nais mo bang maging isa sa mga taong ito? Ginagampanan mo ba ang iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling mga kagustuhan, o ginagawa mo ba kung ano ang kinakailangan ng Diyos? Ito ay isang bagay na dapat mong malaman para sa iyong sarili. Isa ka ba sa mga relihiyosong namumuno, o ikaw ba ay isang bagong-silang na sanggol na ginagawang perpekto ng Diyos? Gaano karami sa iyong paglilingkod ang pinupuri ng Banal na Espiritu? Gaano karami rito ang hindi man lamang aalalahanin ng Diyos? Pagkaraan ng maraming taon ng paglilingkod, gaano kalaki ang nagbago sa iyong buhay? Malinaw ka ba tungkol sa lahat ng ito? Kung ikaw ay may tunay na pananampalataya, kung gayon ay itatakwil mo ang iyong mga lumang relihiyosong paniwala mula noong una, at paglingkuran ang Diyos nang mas mabuti sa isang bagong paraan. Hindi pa huli para manindigan ngayon. Sasakalin ng mga lumang relihiyosong paniwala ang buhay ng isang tao. Ang karanasang tinatamo ng isang tao ay maglalayo sa kanila mula sa Diyos, upang gawin ang mga bagay-bagay sa kanilang sariling paraan. Kung hindi mo bibitawan ang mga bagay na ito, magiging sagabal ang mga ito sa iyong paglago sa buhay. Palaging nagagawang perpekto ng Diyos yaong mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya sila pinalalayas nang pagayon-gayon lamang. Kung tunay na tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang iyong mga lumang relihiyosong pagsasagawa at alituntunin, at hihinto sa paggamit ng mga lumang relihiyosong paniwala bilang panukat ng salita ng Diyos ngayon, sa gayon lamang magkakaroon ng hinaharap para sa iyo. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung itinuturing mo pa rin bilang kayamanan ang mga iyon, sa gayon walang paraan na maliligtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan. Kung talagang nais mong magawang perpekto, kung gayon dapat kang magpasya na talikuran nang ganap ang lahat ng bagay mula noong una. Kahit na tama ang ginawa noon, kahit na ito ay gawa ng Diyos, dapat mo pa ring makayang isantabi ito at ihinto ang pagkapit dito. Kahit na malinaw na gawa ito ng Banal na Espiritu, tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu, ngayon dapat mong isantabi ito. Hindi mo dapat panghawakan ito. Ito ang kinakailangan ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat mapanibago. Sa gawain ng Diyos at salita ng Diyos, hindi Siya tumutukoy sa mga lumang bagay na naganap noon, at hindi Siya humuhukay sa lumang kasaysayan. Ang Diyos ay isang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Hindi Siya kumakapit kahit sa Kanyang sariling mga salita mula sa nakaraan, kung saan malinaw na ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin. Sa ganitong kaso, bilang isang tao, kung palagi kang kumakapit sa mga bagay ng nakaraan, tumatangging pakawalan ang mga iyon, at mahigpit na ginagamit ang mga iyon sa nakapormulang paraan, samantalang ang Diyos ay hindi na gumagawa sa mga paraang ginawa Niya noon, kung gayon hindi ba nakakaantala lamang ang iyong mga salita at kilos? Hindi ka ba nagiging kaaway ng Diyos? Hahayaan mo ba ang iyong buong buhay na lubos na mawasak at masira dahil sa mga lumang bagay na ito? Gagawin ka ng mga lumang bagay na ito na isang tao na humahadlang sa gawain ng Diyos. Nais mo bang maging ganitong uri ng tao? Kung talagang hindi mo nais iyan, kung gayon ay itigil mo agad ang iyong ginagawa at mag-iba ng landas; magsimulang muli. Hindi tinatandaan ng Diyos ang iyong nakaraang paglilingkod.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Rekomendasyon:


Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Pag-bigkas ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya



       Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Hunyo 15, 2018

Ang Masama ay Dapat Parusahan



   Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang atas ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pagkaintindi upang sukatin at balangkasin ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong estatuwa na gawa sa putik, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Biblia, at pinagkakasya ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na kinondena ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Judio sa panahon ng Lumang Tipan ay hinulma ang Diyos sa hugis ng isang diyos-diyosan, na parang ang Diyos ay matatawag lamang Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinatawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan Siya nila ng kamatayan—at pinarusahan ang walang-kasalanang si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at walang pag-aalinlangang hinatulan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki. Gaano man kalaki ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at walang iba pang mas tumututol sa Diyos, at kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t masyado siyang maraming mga pagkaintindi, at sapagka’t, sa halip na tuparin ang realidad, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, at matigas at di-matinag. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang naipako ng tao sa krus. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang paggigitgitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang ubusan sa isa’t isa—kailan ito matatapos? Sinalita ng Diyos ang daang-libong mga salita, nguni’t walang isa man ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatangi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinusgahan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na mga mababangis na hukom ang naghusga sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

  Sa harap ng Diyos, ganoon lang ba kadaling gawing perpekto, maging isang banal, o maging taong matuwid? Isang katotohanan na “walang matuwid na tao sa lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa lupa.” Kung haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat pananalita at pagkilos, ang lahat ng inyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng ito ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang Kanyang pagsasaayos bilang isang hulog ng langit na pagkahilig, hindi alintana ang oras o lugar, tulad ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Na maaring tawaging matuwid na tao si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana para sa ano ang natamo o nawala niya; ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang sa nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel. Nguni’t hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumakatawan sa pagkamatuwid, kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw ng lupa.” Kahit sa kalagitnaan ng mga nasa daloy ng pagbuti, walang sinuman ang matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga gawa, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, at hindi mo sila ninanakawan o inuumitan, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang mga ito ay maaaring angkin ng sinumang normal na tao. Ngayon, ang susi ay hindi mo kilala ang Diyos. Maaari lang masabi na ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subali’t ikaw ay salat sa pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang patunay ng iyong pagkakilala sa Diyos.

  Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa gitna ng mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—nguni’t basta gumagawa lamang ang tao sa Diyos, sinusubukang linlangin ang Diyos. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Judas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Judas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan pinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon magiging katulad kayo ni Judas, at ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, na libu-libong taon na ang nakaraan, ay muling isasadula. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay isang katunayan! Sa ngayon, maraming tao ang nasa mga ganitong kalagayan—maaaring sinasabi Ko ito nang mas maaga—at ang gayong mga tao ay gumaganap sa papel ni Judas. Hindi Ako nagsasalita nang mababaw, kundi ayon sa katunayan—at dapat kang maniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa kanilang mga puso ay walang iba kundi di-umaagos, mabahong tubig. Sa ngayon, marami sa mga nasa iglesia ang katulad nito. Iniisip ninyo na wala Akong alam; ngayon, ang Aking Espiritu ay gumagabay sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Iniisip mo ba na wala akong alam? Iniisip ninyo bang wala akong naiintindihan sa mapanlinlang na kaisipan sa inyong mga puso at ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Ang Diyos ba ay napakadaling malinlang? Iniisip mo ba na matratrato mo Siya sa anumang paraan mong naisin? Sa nakaraan, nag-aalala Ako na nakakadena kayo, kung kaya’t patuloy Akong nagbigay sa inyo ng kalayaan sa pagkilos, ngunit walang nakatanto na Ako ay nagiging mabuti sa kanila. Sinamantala nila ang kabutihan Ko. Tanungin ninyo ang isa’t-isa: Hindi Ako nakitungo sa halos kahit kanino, at hindi kaagad-agad pinagagalitan ang sinuman—gayong alam Ko ang lahat ng motibo at mga pagkaintindi ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo kung kanino nagpapatotoo ang Diyos ay isang hangal? Kung gayon nga, masasabi Kong ikaw ay lubhang bulag. Hindi kita pupunahin, at tingnan natin kung gaano ka lalong maging ubod ng sama. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlalansi mo, o kung maililigtas ka ng iyong pinakamahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi Kita huhusgahan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita kung paano ang Kanyang paghihiganti sa iyo. Wala Akong oras para sa walang kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw kong pagtagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa iyong kapakanan, ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat paglaanan ng Diyos ng panahon Niya sa pakikitungo sa iyo—kaya tingnan natin kung paano ka magpalayaw sa iyong sarili. Ang gayong mga tao ay hindi nagsisikap na magkaroon ng kahit katiting na kaalaman sa Diyos, at wala silang anumang pag-ibig sa Diyos, ngunit nagnanais pa rin silang tawaging matuwid ng Diyos—hindi ba ito isang biro? Sapagka’t talagang kaunti na lamang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iniintindi Ko ay walang iba kundi ang pagbibigay buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat magawa ngayon, at pagkatapos, ang paghihiganti ay ipapataw sa bawat isa alinsunod sa kanyang pag-uugali. Nasabi Ko na ang nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang gawain na Aking isinasagawa. Ginagawa Ko ang nararapat Kong gawin, at hindi Ko ginagawa ang hindi Ko dapat gawin, nguni’t umaasa pa rin akong maglalaan kayo nang higit pang panahon sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka ba sa mga muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa wakas, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

**********************
Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Hunyo 12, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

      Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upang ibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upang gambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu ang pagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan ang kabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyang sariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silang perpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nang napapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, ang higit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?

Mayo 23, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ano ang Alam Mo Tungkol sa Pananampalataya?

      Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?