Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Hunyo 25, 2018

Salita ng Diyos | Ang Landas... (7)



▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄
    

     Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?


  Sa pagtanaw mula sa Aking sariling karanasan, habang lalo kang nagiging palaaway sa Diyos, lalo Niyang mas ipakikita sa iyo ang Kanyang makaharing disposisyon, at lalong mas magiging mabigat ang pagkastigo na Kanyang “ipapataw” sa iyo. Habang lalo mo Siyang sinusunod, lalong mas iibigin ka Niya at iingatan ka. Ang disposisyon ng Diyos ay parang isang kagamitan sa pagpapahirap: Kung ikaw ay susunod ikaw ay magiging ligtas at maayos. Kung hindi ka susunod ngunit palaging naghahangad na maging tanyag at manlilinlang, ang Kanyang disposisyon ay magbabago kaagad. Kagaya lamang ng araw sa isang maulap na araw, Siya ay magtatago sa iyo at ipakikita sa iyo ang matinding galit. Ito ay kagaya din ng panahon sa Hunyo, mayroong milya-milyang maaliwalas na kalawakan at bughaw na mga alon na gumagalaw-galaw sa ibabaw ng tubig, hanggang sa ang tubig ay makapag-ipon ng lakas at kakila-kilabot na mga alon ang mangingibabaw. Sa pagkakaroon ng ganitong disposisyon ng Diyos, nangangahas ka bang magwala at manadya? Nakita ng karamihan sa mga kapatid na mga lalaki at mga babae sa kanilang mga karanasan na kapag gumagawa ang Banal na Espiritu sa araw sila ay puno ng kumpiyansa, ngunit pagkatapos ay bigla silang pinababayaan ng Espiritu ng Diyos nang hindi nila nalalaman kung kailan, iniiwan silang di-mapakali at di-makatulog sa gabi, hinahanap kung saan banda naglaho ang Kanyang Espiritu. Ngunit maging anuman hindi nila nagawang mahanap kung saan nagpunta ang Kanyang Espiritu; at Siya ay muling nagpapakita sa kanila nang hindi nila nalalaman kung kailan, at kagaya lamang nang bigla na lamang makitang muli ni Pedro ang kanyang Panginoong Jesus, siya ay tuwang-tuwa at napasigaw sa sobrang kagalakan. Posible bang makalimutang naranasan mo ito pagkatapos ng napakaraming mga pagkakataon? Ang Panginoong JesuCristo, na nagkatawang-tao, ay ipinako sa krus, at pagkatapos ay muling binuhay at umakyat sa langit, ay palaging tago sa iyo sa ilang panahon, pagkatapos ay nagpapakita sa iyo sa ilang panahon. Ibinubunyag Niya ang Kanyang Sarili sa iyo dahil sa iyong pagkamatuwid, at Siya ay nagagalit at lumalayo sa iyo dahil sa iyong mga kasalanan, kaya bakit hindi mo Siya pamanhikang lalo? Hindi mo ba nalalaman na simula pa noong Pentecostes, ang Panginoong JesuCristo ay mayroong iba pang gampanin sa lupa? Ang tangi mo lamang nalalaman ay isang katunayan na ang Panginoong JesuCristo ay nagkatawang-tao, dumating sa lupa, at ipinako sa krus, ngunit hindi mo kailanman namamalayan na ang Jesus na iyong pinaniniwalaan dati ay ipinagkatiwala na ang gawain sa iba matagal na panahon na ang nakalipas. Natapos na ang Kanyang gawain matagal na panahon na ang nakalipas, kaya ang Espiritu ng Panginoong JesuCristo ay muling dumating sa lupa sa anyong katawang-tao upang gawin ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Gusto Kong ipasok ang isang bagay dito—sa kabila ng katotohanan na kayo sa kasalukuyan ay nasa ganitong kalakaran, pangangahasan Kong sabihin na kaunti sa mga tao sa gitna ninyo ang naniniwala na ang taong ito ay Yaong ipinagkaloob sa inyo ng Panginoong JesuCristo. Ang tanging nalalaman ninyo ay ang tamasahin Siya ngunit hindi ninyo kinikilala na ang Espiritu ng Diyos ay muling dumating sa lupa, at hindi ninyo kinikilala na ang Diyos sa kasalukuyan ay si JesuCristo mula sa libu-libong taon na ang nakakaraan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na lahat kayo ay naglalakad na sarado ang inyong mga mata. Tinatanggap lamang ninyo saangdako man kayo humantong—hindi kayo seryoso tungkol dito sa anumang paraan. Sa dahilang ito kaya kayo naniniwala kay Jesus sa salita, ngunit nangangahas kayo na tahasang kalabanin ang Isa na pinatotohanan ng Diyos sa kasalukuyan. Hindi ka ba hangal? Hindi inaalala ng Diyos sa kasalukuyan ang tungkol sa iyong mga pagkakamali; hindi ka Niya hinahatulan. Sinasabi mo na naniniwala ka kay Jesus, kaya mapalalampas ka ba ng iyong Panginoong JesuCristo? Iniisip mo ba na ang Diyos ay ang dako para magbulalas ka o magsinungaling? Nang muling ibunyag ng iyong Panginoong JesuCristo ang Kanyang Sarili pagpapasyahan Niya kung ikaw ay matuwid o kung ikaw ay masama batay sa kung paano ka gumawi ngayon. Karamihan sa mga tao ay nauuwi sa mga pagkaintindi tungkol sa kung ano ang tinutukoy Ko bilang “Aking mga kapatid na lalaki at mga babae”; naniniwala sila na ang paraan ng paggawa ng Diyos ay magbabago. Hindi lamang ba nag-aanyaya ng kamatayan ang mga taong ito? Maari bang saksihan ng Diyos si Satanas bilang Diyos Mismo? Hindi mo ba kinokondena lamang ang Diyos? Iniisip mo ba na ang sinuman ay basta na lamang makakikilos bilang Diyos Mismo? Kung nagkaroon ka talaga ng kaalaman, sa gayon hindi ka makakabuo ng mga pagkaintindi. Nandiyan ang sumusunod na mga talata sa Biblia: “Sapagkat marapat sa kaniya na pinag-ukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala sa maraming anak sa kaluwalhatian, siya ang aming kapitan. …na dahil dito’y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid. Marahil ay mas alam mo ang mga salitang ito kaysa sa Akin, at makakaya pang bigkasin ito nang saulado ngunit hindi mo nauunawaan kung ano ba talaga ang kahulugan nito; hindi ka ba naniniwala sa Diyos nang nakasara ang iyong mga mata?

  Ako ay naniniwala na ang ating salinlahi ay biniyayaan na matahakan ang hindi natapos na landas ng mga tao sa nakaraang mga salinlahi, at magawang makita ang muling pagpapakita ng Diyos mula sa ilang libong taon na ang nakararaan—ang Diyos na nandito sa gitna natin, at pinupuno ang lahat ng mga bagay. Ang hindi mo kailanman maiisip na makakalakad ka sa landas na ito: Magagawa mo ba ito? Ang landas na ito ay tuwirang sa Banal na Espiritu, ito ay pinangungunahan ng makapitong beses na pinalakas na Espiritu ng Panginoong JesuCristo, at ito ang landas na binuksan para sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan. Maging sa iyong guni-guni hindi mo maaaring isipin na si Jesus ng ilang libong taon na ang nakaraan ay muling magpapakita sa harap mo. Hindi ka ba nakakadama ng kaluguran? Sino ang nakakagawang makalapit sa Diyos nang harapan? Madalas Akong nananalangin para sa ating grupo na tumanggap ng lalong dakilang mga pagpapala mula sa Diyos na mangyaring kilingan tayo ng Diyos at Kanyang makamit, ngunit mayroon ding di-mabilang na mga pagkakataon na Ako ay tumangis para sa atin, hinihiling na liwanagan tayo ng Diyos, at tulutan tayong makita ang lalong dakilang mga pagbubunyag. Kapag Aking nakikita na palaging tinatangkang linlangin ng mga tao ang Diyos at nang walang pagbabago, isinasaalang-alang ang laman o nagsusumikap para sa katanyagan at kayamanan upang maging pangunahing layunin, paanong hindi Ako makadadama ng kirot sa Aking puso? Paanong naging masyadong walang kabuluhan ang mga tao? Ang Akin bang ginagawa ay hindi nagbubunga? Kung ang lahat ng iyong mga anak ay mapaghimagsikat hindi mo kadugo, walang konsiyensya, nag-aalala lamang para sa kanilang mga sarili, hindi nagkaroon kailanman ng pagsasaalang-alang para sa iyong mga nadarama, at pinalayas ka lamang sa bahay pagkatapos na sila ay lumaki, ano ang iyong mararamdaman sa pagkakataong iyon? Hindi ka ba mapupuno ng mga luha at gugunitain ang tungkol sa napakalaking halaga na iyong ginugol sa pagpapalaki sa kanila? Ito ang dahilan kung bakit Ako nanalangin sa Diyos na di-mabilang na pagkakataon: “Diyos na Aking iniibig. Tanging Ikaw lamang ang nakaaalam kung Ako ay mayroong anumang pasanin o wala sa Iyong gawain. Sa anumang mga bahagi kung saan ang Aking mga pagkilos ay hindi naaayon sa Iyong kalooban, Iyong disiplinahin Ako, gawin Mo akong perpekto, at gawin Mo Akong may kabatiran. Ang Aking tanging kahilingan sa Iyo ay ang pakilusin Mo pang lalo ang mga taong ito upang kaagad Kang magkamit ng kaluwalhatian at mangyaring ang mga taong ito ay Iyong makamit, at mangyaring matamo ng Iyong gawain kung ano ang Iyong kalooban at mangyaring gawing ganap kaagad ang Iyong plano.” Hindi nais ng Diyos na lupigin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkastigo; hindi Niya nais na palaging pilitin ang mga tao. Nais Niyang sundin ng mga tao ang Kanyang mga salita at gumawa sa isang disiplinadong paraan, at sa pamamagitan nito ay napapalugod ang Kanyang kalooban. Ngunit ang mga tao ay walang kahihiyan at madalas silang naghihimagsik laban sa Kanya. Ako ay naniniwala na pinakamainam para sa atin na hanapin ang pinakapayak na paraan upang mapalugod Siya, ito ay, sundin ang lahat ng Kanyang pagsasaayos, at kung tunay mong matatamo ito ikaw ay gagawing perpekto. Hindi ba ito isang madali, at nakakagalak na bagay? Tahakin mo ang landas na dapat mong tahakin nang hindi nag-uukol ng anumang pansin sa kung ano ang sasabihin ng iba o nag-iisip masyado. Hawak mo ba ang iyong kinabukasan at ang iyong kapalaran sa iyong sariling mga kamay? Palagi kang tumatakas at nais tahakin ang isang makamundong landas, ngunit bakit hindi ka makalabas? Bakit ka ba nag-aalinlangan sa isang sangang-daan sa loob ng maraming taon at pagkatapos ay mauuwi sa pagpiling muli sa landas na ito? Pagkatapos nang paglalagalag sa loob ng maraming taon, bakit nagbalik ka ngayon sa bahay na ito kahit hindi mo inaasahan? Ito ba ay sariling mong bagay? Sa inyong mga nasa ganitong daloy, kung hindi mo pinaniniwalaan ito, kung gayon makinig na lamang sa sasabihin Kong ito: Kung nagbabalak kang umalis, maghintay at makikita kung pinahihintulutan ka ng Diyos na gawin iyon, at makita kung paano ka pinakikilos ng Banal na Espiritu—danasin ito para sa iyong sarili. Sa tapatang pananalita, magdanas ka man ng kasawian, dapat mo itong danasin sa daloy na ito, at kung mayroong pagdurusa, dapat kang magdusa dito sa kasalukuyan at hindi ka makakapunta saan mang dako. Malinaw mo ba itong nakikita? Saan ka pupunta? Ito ang administratibong kautusan ng Diyos. Iniisip mo ba na walang kabuluhan para sa Diyos na piliin ang grupo ng mga taong ito? Sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi Siya nagagalit kaagad-agad, ngunit kung nais ng mga tao na antalain ang Kanyang plano mababago Niya ang Kanyang mukha sa isang iglap at gawin itong makulimlim mula sa maaliwalas. Kaya, ipinapayo Ko sa iyo na kumalma at pasakop sa mga panukala ng Diyos, tulutan Siya na gawin kang ganap. Ito ang tanging paraan upang maging isang matalinong tao.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento