Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 9, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.

Agosto 2, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Mga Pagsubok at Pagpipino.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. ...

Hulyo 29, 2018

Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

   Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.

    mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hulyo 15, 2018



Shi Han    Hebei Province

  Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.

Salita ng Diyos | Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos


   
     Sa loob ng napakaraming taon walang-humpay na naghahanap ang Espiritu ng Diyos habang yumayaon Siyang gumagawa sa lupa. Sa kabuuan ng mga kapanahunan nakágámit ang Diyos ng napakaraming tao upang gawin ang Kanyang gawain. Gayunman ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na pahingahan. Kaya ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, walang-humpay na kumikilos sa iba’t ibang tao, at sa kabuuan gumagamit Siya ng mga tao upang gawin ito. Iyan ay, sa loob nitong maraming taon, hindi kailanman tumigil ang gawain ng Diyos, ngunit patuloy na naisasakatuparang pasulong sa tao, tuluy-tuloy hanggang sa araw na ito. Bagaman nakapagwika ang Diyos ng napakaraming salita at nakágáwâ ng napakaraming gawain, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, lahat ay dahil hindi pa kailanman nagpakita ang Diyos sa tao at dahil din sa wala Siyang anyo na nahahawakan. Kaya’t dapat dalhin ng Diyos ang gawaing ito sa kaganapan—na magiging sanhi para sa lahat ng tao na malaman ang praktikal na kabuluhan ng praktikal na Diyos. Para makamit ang layuning ito, dapat ibunyag ng Diyos ang Kanyang Espiritu nang kongkreto sa sangkatauhan at gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan nila. Ibig sabihin, kapag nagtataglay lamang ng pisikal na anyo ang Espiritu ng Diyos, nagbibihis ng laman at buto, at nakikitang lumalakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, kung minsan ay nagpapakita at kung minsan ay nagtatago Mismo, saka lamang nagkakaroon ang mga tao ng malalim na pagkaunawa tungkol sa Kanya. Kung ang Diyos ay nanatili lamang sa katawang-tao, hindi Niya makakayang tapusin nang lubos ang Kanyang gawain. Pagkatapos ng paggawa sa katawang-tao sa loob ng ilang panahon, tinutupad ang ministeryo na kailangang magáwâ sa katawang-tao, lilisanin ng Diyos ang katawang-tao at gagawâ sa espirituwal na kinasasaklawan sa larawan ng katawang-tao gaya ng ginawa ni Jesus pagkaraan Niyang nakágáwâ sa loob ng ilang panahon sa normal na pagkatao at tapusin ang lahat ng gawain na kinailangan Niyang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ang siping ito mula sa “Ang Daan…(5)”: “Naaalala Ko ang Aking Ama na nagsasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isakatuparan mo lamang ang kalooban ng Iyong Ama at tapusin ang Kanyang komisyon. Wala Ka nang iba pang dapat alalahanin.’”Ano ang nakikita mo sa siping ito? Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain sa loob ng pagkaDiyos. Ito ang ipinagkatiwala ng makalangit na Espiritu sa nagkatawang-taong Diyos. Kapag dumarating Siya, yumayaon lamang Siya para magsalita sa lahat ng dako, upang isatinig ang Kanyang mga pagbigkas sa iba’t ibang paraan at mula sa iba’t ibang pananaw. Pangunahin Niyang itinuturing ang pagtutustos sa tao at pagtuturo sa tao bilang Kanyang mga layunin at prinsipyo sa paggawa, at hindi inaabala ang Sarili Niya sa mga bagay na tulad ng mga pag-uugnayan ng tao sa kapwa tao o mga detalye tungkol sa mga buhay ng mga tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay magsalita para sa Espiritu. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay pisikal na nagpapakita sa katawang-tao, nagkakaloob lamang Siya para sa buhay ng tao at inilalabas ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa gawain ng tao, na ang ibig sabihin, hindi Siya nakikilahok sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ang tao ng gawain ng pagkaDiyos, at hindi nakikilahok ang Diyos sa pantaong gawain. Sa lahat ng mga taon mula nang ang Diyos ay dumating sa mundong ito upang gawin ang Kanyang gawain, palagi Niyang nagágawâ ito sa pamamagitan ng mga tao. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maaaring ituring na Diyos na nagkatawang-tao, kundi mga tao lamang na ginagamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay maaaring magsalita nang tuwiran mula sa pananaw ng pagkaDiyos, na ipinadadala ang tinig ng Espiritu at gumagawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga taong yaon na nagamit ng Diyos sa buong mga kapanahunan ay katulad din ng mga pangyayari na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa loob ng pisikal na katawan, kaya bakit hindi sila maaaring matawag na Diyos? Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay ang Espiritu ng Diyos din na tuwirang gumagawa sa katawang-tao, at si Jesus din ay ang Espiritu ng Diyos na gumagawa sa katawang-tao; ang mga ito ay parehong tinatawag na Diyos. Kaya ano ang kaibahan? Sa kabuuan ng mga kapanahunan, ang mga tao na nagamit ng Diyos ay may kakayahang lahat ng normal na pag-iisip at katwiran. Alam nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Nagtataglay sila ng normal na mga ideya ng tao, at nasasangkapan sila ng lahat ng mga bagay na nararapat taglayin ng mga karaniwang tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, pinag-aayun-ayon ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga regalong ibinigay sa kanila ng Diyos. Pinagsasama-sama ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, ginagamit ang kanilang mga lakas sa paglilingkod sa Diyos. Gayunman, ang kakanyahan ng Diyos ay malaya sa mga ideya at malaya sa mga iniisip, walang halong mga hangarin ng tao, at wala pa ng kung ano ang nakasangkap sa mga normal na tao. Na ang ibig sabihin, hindi man lamang Niya nakasanayan ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ganito ito kapag ang Diyos ng kasalukuyan ay dumating sa lupa. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga hangarin ng tao o pag-iisip ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapakita ng mga hangarin ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay yumayaon upang gumawa, na hindi hinahaluan ng kahit katiting na mga hangarin ng tao. Ibig sabihin, isinasakatawan ng nagkatawang-taong Diyos ang pagkaDiyos nang tuwiran, nang walang pantaong kaisipan o mga ideya, at walang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Kung ang pagkaDiyos lamang ang nasa paggawa (nangangahulugan na kung Diyos Mismo lamang ang nasa paggawa), walang magiging paraan para sa gawain ng Diyos na maisakatuparan sa lupa. Kaya nang dumating ang Diyos sa lupa, kailangan Niyang magkaroon ng isang maliit na bilang ng mga tao na ginagamit Niya upang gumawa sa loob ng pagkatao kasabay ng gawain na ginagawa ng Diyos sa pagkaDiyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng gawain ng tao upang panindigan ang Kanyang pagkaDiyos na gawain. Kung hindi, walang magiging paraan para sa tao na tuwirang makipag-ugnay sa pagkaDiyos na gawain. Ganito noon kung paano gumawa si Jesus at ang Kanyang mga disipulo. Noong Kanyang panahon sa daigdig, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at itinatag ang mga bagong utos. Nangusap din Siya ng napakaraming salita. Lahat ng gawaing ito ay ginawa sa pagkaDiyos. Ang iba pa, gaya nina Pedro, Pablo, at Juan, ay nagsalalay lahat ng kasunod nilang gawain sa saligan ng mga salita ni Jesus. Ibig sabihin, inilulunsad ng Diyos ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon, inihahatid ang simula ng Kapanahunan ng Biyaya; na ibig sabihin, dinala Niya ang isang bagong kapanahunan, binubuwag ang luma, at gayon din tinutupad ang mga salitang “Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan.” Sa ibang salita, dapat gawin ng tao ang gawain ng tao sa saligan ng pagkaDiyos na gawain. Pagkatapos sabihin ni Jesus ang lahat ng kailangan Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, nilisan Niya ang tao. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao, sa paggawa, ay gumawa nga ayon sa mga prinsipyong ipinahayag sa Kanyang mga salita, at nagsagawa ayon sa mga katotohanan na Kanyang sinabi. Ang mga ito ang lahat ng mga tao na gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang mag-isang gumagawa ng gawain, gaano man karami ang mga salitang Kanyang sinabi, ang mga tao ay hindi pa rin makakayang makipag-ugnay sa Kanyang mga salita, sa dahilang gumagawa Siya sa pagkaDiyos at nakakapagsalita lamang ng mga salita ng pagkaDiyos, at hindi Niya maipaliwanag ang mga bagay-bagay hanggang sa punto kung saan maaaring maunawaan ng mga ordinaryong tao ang Kanyang mga salita. Kaya’t kailangan Niyang magkaroon ng mga apostol at mga propeta na dumating kasunod Niya na nagpúpunô sa Kanyang gawain. Ito ang prinsipyo kung paano ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—gamit ang laman na nagkatawang-tao upang magsalita at gumawa nang maging ganap ang gawain ng pagkaDiyos, at sa gayon gamit ang ilan, o marahil higit pa, na mga tao ayon sa sariling puso ng Diyos upang magpunô sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga tao ayon sa Kanyang puso na gumawa ng gawain ng pag-aalaga at pagdidilig sa pagkatao upang ang lahat ng tao ay maaaring magtamo ng katotohanan.

Hulyo 9, 2018

Salita ng Diyos | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto



     Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kaakibat? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay papayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na sukat ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatiling pangmatagalan. Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari pa nga silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, isa lamang itong biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong mahalay. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung nakadarama ka lamang ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang katulad ang katamisan, na parang hindi mo maaaring sapat na tamasahin ang mga ito, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katunayan sa salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo maaring isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom at mga  ay lubusang hinggil sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makakamit ng Diyos. Ang lahat ng mga nakamit ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao ni ang kanyang mga ari-arian, kundi ang mga bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang mga puso ng tao ay maaring makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ang Diyos ang gumagawang perpekto sa tao ay na ang Diyos ang gumagawang perpekto sa puso ng tao upang ito ay magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.

Hulyo 7, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Tagalog Christian Music Video | Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos (Tagalog Dubbed)


I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
II
Kaya, ang kaalaman sa Diyos ay hindi
nagmumula sa pag-unawa, pag-unawa sa mga bagay,
ni mula sa pagsusuri ng bagay,
ni sa pag-unawa sa ibang mga tao.
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi maaabot
sa pamamagitan ng naturang mga pamamaraan.
Ang kaalaman sa Diyos
ay hindi nakasalalay sa karanasan ni pantasya.
Sila ay limitado, hindi sila katunayan o katotohanan.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao, ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Hindi mauunawaan ng isa ang Diyos,
na umaasa sa kanyang imahinasyon.
Ang tanging landas sa pagkilala sa Diyos ay:
Tanggapin ang lahat ng nanggagaling sa Kanya,
danasin ito nang unti-unti.
III
Hanggang sa araw kapag ang pagliliwanag,
tunay na pag-unawa,
ito ay mapapasayo, ang iyong gantimpala,
ang bunga ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos,
at ang pagkagutom at pagkauhaw mo para sa katotohanan.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.
Hindi Siya magbabago.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋∈∋

Hunyo 25, 2018

Salita ng Diyos | Ang Landas... (7)



▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄
    

     Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?

Hunyo 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod


******************************

   Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

  Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang masamang disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ng katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagkat napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong masamang disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng kanilang maraming taon ng karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang makuha ang pagmamahal ng ibang tao, mangaral sa kanila at pagharian sila, at magmalaki—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga paniwala ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

  Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon. Sa ganitong kalagayan, yaong may mga relihiyosong paniwala, yaong humahawak ng pagiging nauna sa panunungkulan, at yaong hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi nagpasya na sumunod, at hindi nauuhaw sa salita ng Diyos, kung gayon hindi nila makakayang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Sila lamang ay magiging mas lalong mapanghimagsik, mas lalong tuso, at hahantong sa maling daan. Sa paggawa ng Kanyang gawain ngayon, itataas ng Diyos ang mas maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at nakakatanggap ng bagong liwanag. At lubos Niyang puputulin ang mga relihiyosong namumuno na ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan. Yaong matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago: hindi Niya nais ang isa man sa kanila. Nais mo bang maging isa sa mga taong ito? Ginagampanan mo ba ang iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling mga kagustuhan, o ginagawa mo ba kung ano ang kinakailangan ng Diyos? Ito ay isang bagay na dapat mong malaman para sa iyong sarili. Isa ka ba sa mga relihiyosong namumuno, o ikaw ba ay isang bagong-silang na sanggol na ginagawang perpekto ng Diyos? Gaano karami sa iyong paglilingkod ang pinupuri ng Banal na Espiritu? Gaano karami rito ang hindi man lamang aalalahanin ng Diyos? Pagkaraan ng maraming taon ng paglilingkod, gaano kalaki ang nagbago sa iyong buhay? Malinaw ka ba tungkol sa lahat ng ito? Kung ikaw ay may tunay na pananampalataya, kung gayon ay itatakwil mo ang iyong mga lumang relihiyosong paniwala mula noong una, at paglingkuran ang Diyos nang mas mabuti sa isang bagong paraan. Hindi pa huli para manindigan ngayon. Sasakalin ng mga lumang relihiyosong paniwala ang buhay ng isang tao. Ang karanasang tinatamo ng isang tao ay maglalayo sa kanila mula sa Diyos, upang gawin ang mga bagay-bagay sa kanilang sariling paraan. Kung hindi mo bibitawan ang mga bagay na ito, magiging sagabal ang mga ito sa iyong paglago sa buhay. Palaging nagagawang perpekto ng Diyos yaong mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya sila pinalalayas nang pagayon-gayon lamang. Kung tunay na tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang iyong mga lumang relihiyosong pagsasagawa at alituntunin, at hihinto sa paggamit ng mga lumang relihiyosong paniwala bilang panukat ng salita ng Diyos ngayon, sa gayon lamang magkakaroon ng hinaharap para sa iyo. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung itinuturing mo pa rin bilang kayamanan ang mga iyon, sa gayon walang paraan na maliligtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan. Kung talagang nais mong magawang perpekto, kung gayon dapat kang magpasya na talikuran nang ganap ang lahat ng bagay mula noong una. Kahit na tama ang ginawa noon, kahit na ito ay gawa ng Diyos, dapat mo pa ring makayang isantabi ito at ihinto ang pagkapit dito. Kahit na malinaw na gawa ito ng Banal na Espiritu, tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu, ngayon dapat mong isantabi ito. Hindi mo dapat panghawakan ito. Ito ang kinakailangan ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat mapanibago. Sa gawain ng Diyos at salita ng Diyos, hindi Siya tumutukoy sa mga lumang bagay na naganap noon, at hindi Siya humuhukay sa lumang kasaysayan. Ang Diyos ay isang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Hindi Siya kumakapit kahit sa Kanyang sariling mga salita mula sa nakaraan, kung saan malinaw na ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin. Sa ganitong kaso, bilang isang tao, kung palagi kang kumakapit sa mga bagay ng nakaraan, tumatangging pakawalan ang mga iyon, at mahigpit na ginagamit ang mga iyon sa nakapormulang paraan, samantalang ang Diyos ay hindi na gumagawa sa mga paraang ginawa Niya noon, kung gayon hindi ba nakakaantala lamang ang iyong mga salita at kilos? Hindi ka ba nagiging kaaway ng Diyos? Hahayaan mo ba ang iyong buong buhay na lubos na mawasak at masira dahil sa mga lumang bagay na ito? Gagawin ka ng mga lumang bagay na ito na isang tao na humahadlang sa gawain ng Diyos. Nais mo bang maging ganitong uri ng tao? Kung talagang hindi mo nais iyan, kung gayon ay itigil mo agad ang iyong ginagawa at mag-iba ng landas; magsimulang muli. Hindi tinatandaan ng Diyos ang iyong nakaraang paglilingkod.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Rekomendasyon:


Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Pag-bigkas ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya



       Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Marso 6, 2018

Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama!

Xiaojin Pan’an County, Zhejiang Province
     Noong Pebrero ng 2007, ang iglesia ay nakatanggap ng kaayusan sa trabaho na pinamagatang “Tubigan at Tustusan ang mga Bagong Mananampalataya upang Tulungan Silang Magkaugat sa Lalong Madaling Panahon.” Binibigyang-diin nito na “Kinakailangang gamitin ang lahat ng epektibo at sanay na sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya upang makumpleto ang gawaing ito. Ang mga taong hindi naaangkop sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya ay hindi dapat gamitin; dapat silang mapalitan upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain” (“Ang mga Isyung Kinakaharap ng Iglesia sa Kasalukuyan ay Dapat na Malutas” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos makita ang kaayusang ito, sa halip na gamitin ang mga prinsipyo upang masukat kung ang kapatid na babae mula sa aming distrito na siyang nagdidilig sa mga bagong mananampalataya ay naaakma, may mga patiunang ideya akong pinanghahawakan laban sa kanya: Ang taong ito ay walang interes na ginawa ang kanyang tungkulin at hindi nagtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, inatupag niya ang laman, kaya hindi siya naaangkop upang tubigan ang mga bagong mananampalataya. Higit sa lahat, inakala niyang siya’y de-kalibre na kaya naman naging mapagmataas siya at minaliit ang iba. Noong nakaraan, pinuntahan niya ang taong namamahala sa gawaing pagpapatubig ng rehiyon at nagsabi ng masasama tungkol sa akin. Kung hindi lang dahil sa mga hinihingi ng trabaho ko, hindi ko sana siya bibigyang pansin pa. Sa pag-iisip tungkol dito, gumawa ako ng plano: bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong ito na palitan siya nang sa ganoon ay hindi ko na siya makita pa? Hindi ba’t napakayabang niya? Papalitan ko lang siya at pagkatapos ay makikita ko kung gaano siya mapagmataas!

Pebrero 19, 2018

Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

Baituo    Lungsod ng Dezhou, Probinsya ng Shandong
    
    Dati, Ang alam ko lamang na ang karunungan ng Diyos ay isinasagawa batay sa masamang balak ni Satanas, na ang Diyos ay isang matalinong Diyos at si Satanas ay kailanma’y natalong kaaway ng Diyos sa teorya, ngunit wala ako pang-unawa o kaalaman ng mga ito batay sa aktwal na karanasan. Pagkatapos, sa loob lamang ng isang kapaligiran na isinaayos ng Diyos ay nakamit ko ang ilang mga tunay na karanasan ng aspetong ito ng katotohanan.

Agosto 17, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


     Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na mabubuwag. Sino kahit minsan ang nakarinig sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?

Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao