Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Agosto 2, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


  Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


  Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. At kumain at uminom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang mabigyan-kasiyahan ang Diyos. Ang kumain at uminom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang mas higit na kaalaman sa Diyos, at tanging pagkatapos ay maaari kang sumunod sa Diyos. Tanging kung makikilala mo ang Diyos maaari mo Siyang mahalin, at ang pagkamit ng layuning ito ay ang tanging layon na dapat mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid ang pagtingin ng ganitong paniniwala ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan nito sa iyong sariling kalooban makakamit ang layon ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat tugisin ng tao ang magawang perpekto siya ng Diyos, ang makayanang pasailalim sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung maaari kang makasunod sa Diyos na hindi nagrereklamo, maaalalahanin sa mga pagnanais ng Diyos, makamtan ang tayog ni Pedro, at taglayin ang estilo ni Pedro na tinukoy ng Diyos, sa gayon makakamtan mo ang tagumpay ng paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakamtan ng Diyos.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom sa Kanyang salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito lamang ang paniniwala sa Diyos. Kung sinasabi mong ikaw ay naniniwala sa Diyos nguni’t hindi makapagpahayag ng kahit na ano sa Kanyang salita o isagawa ang mga iyon, ikaw ay hindi masasabing naniniwala sa Diyos. Ito ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” … Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa pinakamababa, at higit na mahalaga ay ang pagkakaroon ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang lahat ng mga bansa, sekta, taguri at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita sa hinaharap. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Ang salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay pinag-uusapan ang salita ng Diyos at nagsasagawa ayon sa salita ng Diyos, habang ang iniingatan sa kalooban ay salita pa rin ng Diyos. Kapwa sa loob at sa labas, sila ay babad sa salita ng Diyos, at dahil dito sila ay ginagawang perpekto. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang katunayan.

  Ang pagpasok tungo sa Kapanahunan ng Salita, iyan ay, ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ay ang gawain na tinatapos ngayon. Mula ngayon, isagawa ninyo ang pagbabahaginan tungkol sa salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at pag-inom sa Kanyang salita at pagdanas dito maaari mong ipakita ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng iyong mga salita ng karanasan maaaring mahikayat mo ang iba. Kung wala sa iyo ang salita ng Diyos, walang mahihikayat! Ang lahat ng ginagamit ng Diyos ay may kakahayang ipahayag ang salita ng Diyos. Kung hindi mo kaya, ito ay nagpapakita na ang Banal na Espiritu ay hindi nakágáwâ sa iyo, at ikaw ay hindi nagáwáng perpekto. Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang pamamaraan kung saan nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay ang kaparehong pamamaraan kung saan nakikilala nila ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalong nakikilala nila ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo na gawa ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, Kanyang pinapaalam sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawa ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, at upang ipakita sa kanila na ang Espiritu ng Diyos ay talagang nagpakita sa harapan ng tao. Kapag ang mga tao ay nakamtan ng Diyos at nagawang perpekto ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos ay nalupig sila, nabago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos, at ibinigay ang Kanyang buhay sa loob nila, pinupuspos sila ng kung ano Siya (ito man ay kung ano Siya na pagkatao, o kung ano Siya sa pagka-Diyos), pinuspos sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at hinahayaang isabuhay ng mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag nakakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at pagbigkas ng praktikal na Diyos upang pakitunguhan ang mga kakulangan ng tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon, na nagdudulot sa kanilang makamit ang kanilang kailangan, at ipinapakita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa tao. Pinakamahalaga, ang gawain na ginawa ng praktikal na Diyos ay ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, paglayo sa mga ito mula sa lupain ng karumihan, at pagpawaksi sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang pinaka-malalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng praktikal na Diyos ay ang magawa bilang isang huwaran ang praktikal na Diyos, bilang isang modelo, at mamuhay na normal na pagkatao, makayanang magsagawa ayon sa mga salita at mga kinakailangan ng praktikal na Diyos, nang walang kahit na maliit na paglihis o pag-alis, isinasagawa sa paanong paraan ang Kanyang sinasabi, at nagagawang matamo ang anumang hinihiling Niya. Sa ganitong paraan, nakamit mo na ang Diyos.

mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Mas malaki ang iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at mas isinasagawa mo ang mga iyon, mas mabilis kang makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, ikaw ay mapeperpekto sa gitna ng mga panalangin; sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, at pagsasabuhay ng realidad ng mga salita ng Diyos, ikaw ay mapeperpekto. Sa pamamagitan ng pagdaranas ng mga salita ng Diyos araw-araw, dumarating ka sa pagkaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, at higit sa rito, dumarating ka sa pagkaalam sa iyong sakong ni Achilles at sa iyong mga kahinaan, at nag-aalay ka ng panalangin sa Diyos, sa pamamagitan nito ikaw ay unti-unting napeperpekto. Ang mga landas sa pagpeperpekto: pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagkaunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, pagpasok tungo sa pagdaranas ng mga salita ng Diyos, pagdating sa pagkakaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, pagsunod sa gawain ng Diyos, pagsasaisip sa pasanin ng Diyos at pagdaig sa laman sa pamamagitan ng iyong mapagmahal na puso, at malimit na pagsasamahan sa mga kapatid na lalaki at babae, na nagpapayaman sa iyong mga karanasan. Kung ito man ay buhay-komunidad o iyong pansariling buhay, at kung ito man ay mga malalaking pagtitipon o maliliit, ang lahat ay makapagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mga karanasan at makatanggap ng pagsasanay upang ang iyong puso ay mapapayapa sa harap ng Diyos at makabalik sa Diyos. Lahat ng ito ay ang proseso ng pagiging pineperpekto. Ang pagdaranas sa mga salita ng Diyos na aking sinalita ay nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga salita ng Diyos at pagpapaubaya na ang mga salita ng Diyos ay makita sa iyong buhay upang ikaw ay magkaroon ng mas malaking pananampalataya at pag-ibig tungo sa Diyos. Sa pamamagitan ng paraang ito, unti-unti mong maiwawaksi ang tiwaling maka-Satanas na disposisyon, unti-unti mong maaalis sa iyong sarili ang di-wastong mga motibo, at isabuhay ang wangis ng isang normal na tao. Mas malaki ang pag-ibig sa Diyos sa loob mo–na ibig sabihin, mas malaking bahagi sa iyo ang naperpekto na ng Diyos-mas kaunti na ang ginawang pagtiwali sa iyo ni Satanas. Salamat sa tunay na mga karanasan, ikaw ay unti-unting makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto. Samakatuwid, kung nais mong maperpekto, ang pagsasaisip sa kalooban ng Diyos at pagdaranas ng mga salita ng Diyos ay lalong mahalaga.

mula sa “Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Kung nais ng mga tao na maging buhay na katauhan, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na katauhan.

mula sa “Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.

mula sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos”
 sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, sila na gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay ang mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at malugod na maglahad ng testimonya sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang gagawing perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!

mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ano ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa mala-satanas na mga lason sa loob mo. … Ang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at pagiging mapanlinlang ng tao. Nalalaman niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at pinakadiwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, maitatanggi niya at matatalikuran ang kanyang sarili nang lubos, mabubuhay sa pamamagitan ng salita ng Diyos, at maisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Nakikilala ng gayong tao ang Diyos at nagawang baguhin ang kanyang disposisyon.

mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

  Ang isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao. Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto. Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nakapasok nang tuluyan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pagpapahalaga at mga pananaw sa pag-iral at buhay, namalas ang mga bagay sa katulad na paraan ng sa Diyos, at magagawang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka lamang maaaring sabihin na ang kanilang mga disposisyon ay nabago.

mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

  Pagkatapos magdanas hanggang sa isang partikular na punto, ang mga pananaw sa buhay ng isang tao, kabuluhan ng pag-iral, at ang saligan ng pag-iral ay lubos na magbabago. Kaya naman, ikaw ay muling isisilang, at magiging isang lubos na naiibang tao. Ito ay kamangha-mangha! Ito ay isang malaking pagbabago; ito ay isang pagbabago na nagpapabaligtad sa lahat ng bagay. Madadama na ang gayong katanyagan, pakinabang, posisyon, kayamanan, mga kagalakan, at ang kaluwalhatian ng mundo ay balewala at nagagawa mong pakawalan ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Ito ay isang tao sa wangis ng isang tao. Yaong mga sa bandang huli ay ginawang ganap ay magiging isang grupong kagaya nito. Mabubuhay sila para sa katotohanan, para sa Diyos, at para sa pagkamatuwid. Ito ang wangis ng isang tao.

mula sa “Pagkaunawa sa mga Pagkakatulad at mga Pagkakaiba sa Kalikasan ng Tao ” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

  Kung nakikilala ng isa ang Diyos at taglay ang katotohanan doon pa lamang siya nabubuhay sa liwanag; at kapag ang kanyang pananaw sa mundo at ang kanyang pananaw sa buhay ay nagbago doon pa lamang siya talagang nagbago. Kapag mayroon siyang isang mithiin sa buhay at iginagawi ang sarili niya alinsunod sa katotohanan; kapag lubos siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay sa salita ng Diyos; kapag nakatitiyak siya at naliwanagan nang husto sa kanyang kaluluwa; kapag ang kanyang puso ay malaya sa kadiliman; at kapag siya ay nabubuhay nang may lubos na kalayaan at hindi napipigilan sa presensiya ng Diyos—sa gayon lamang niya naisasabuhay ang isang tunay na buhay ng tao at nagiging isang tao na tinataglay ang katotohanan. Bukod dito, ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Mananakop ng buong sandaigdigan at ng lahat ng mga bagay—ang Diyos na Kataas-taasan—kinakasihan ka, bilang isang totoong tao na isinasabuhay ang tunay na buhay ng tao. Ano pa ang hihigit pang mas makahulugan kaysa dito? Ang gayon ay isang tao na taglay ang katotohanan.

mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabi ng “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento