Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Marso 27, 2019

pagmamahal ng Diyos | Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Manlilikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang pagkaunawa ng Manlilikha sa buong sangnilikha na nasa ilalim ng Kanyang pamamahala; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pagkaunawa ng Diyos sa Ninive ay malayo sa isang pahapyaw. Hindi lang Niya alam kung ilan ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang mga bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na katunayan sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Manlilikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Manlilikha. Katulad lang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng ito ay totoo.
Bagaman pinagkatiwalaan si Jonas upang ipangaral ang salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang intensyon ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng Kanyang sariling mga kamay, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa para sa bawat tao; dala-dala ng bawat tao ang mga pag-asa ng Diyos; tinatamasa ng bawat tao ang tustos na buhay ng Diyos; sa bawat tao, nagbayad ang Diyos ng isang malaking halaga. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagpaalala din kay Jonas na pinapahalagahan ng Diyos ang sangkatauhan, ang gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad ng pagpapahalaga ni Jonas sa halaman. Hindi sila madaling iiwanan ng Diyos kahit sa anumang paraan hanggang sa huling sandali; lalo na, napakaraming mga bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag nakikitungo sa mga batang ito at sa mga inosenteng nilalang ng Diyos, na hindi man lang alam ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi kayang tapusin ng Diyos ang kanilang buhay at itakda ang kanilang kahihinatnan sa isang madaliang paraan. Umaasa ang Diyos na makita silang lumaki; umaasa Siya na hindi sila lalakad sa landas na nilakaran ng kanilang mga magulang, na hindi na nila muling maririnig ang babala ng Diyos na si Jehova, at magiging saksi sila sa nakaraan ng Ninive. Bukod pa dito, umaasa ang Diyos na makita ang mga taga-Ninive pagkatapos nilang magsisi, na makita ang hinaharap ng Ninive matapos ang kanilang pagsisisi, at higit na mahalaga sa lahat, na makita ang Ninive na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Kaya, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Ninive. Sila ang papasan sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Ninive, tulad ng kanilang pagpasan sa mahalagang tungkulin ng pagiging saksi sa nakaraan at hinaharap ng Ninive sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova. Sa pahayag na ito ng Kanyang tunay na nararamdaman, iniharap ng Diyos na si Jehova ang nararamdamang awa ng Manlilikha para sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan. Ipinakikita nito sa sangkatauhan na ang “awa ng Manlilikha” ay hindi isang walang laman na mga salita, ni isang mababaw na pangako; mayroon itong matibay na mga prinsipyo, pamamaraan at layunin. Siya ay tunay at totoo, at hindi gumagamit ng mga kasinungalingan o pagpapanggap, at sa parehong pagkakataong ito, ang Kanyang awa ay walang hanggang ipinagkaloob sa buong sangkatauhan sa lahat ng panahon at gulang. Ngunit hanggang sa araw na ito, ang pakikipag-usap ng Manlilikha kay Jonas ay ang nag-iisa at natatanging pahayag ng Diyos kung bakit nagpakita Siya ng awa sa sangkatauhan, kung paano Siya nagpakita ng awa sa sangkatauhan, paano Siya nagparaya sa sangkatauhan at ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan. Ang maikli ngunit malinaw na pangungusap ng Diyos na si Jehova ay pagpapahayag ng Kanyang kumpletong mga kaisipan para sa sangkatauhan; ito ay isang tunay na kapahayagan ng saloobin ng Kanyang puso para sa sangkatauhan; at isa rin itong matibay na patunay ng Kanyang pagkakaloob ng masaganang awa sa sangkatauhan. Ang Kanyang awa ay hindi lamang ipinagkaloob sa nakatatandang mga henerasyon; ito ay ipinagkaloob din sa mga nakababatang miyembro ng sangkatauhan, kagaya lang ng dati, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Bagaman ang galit ng Diyos ay madalas dumarating sa mga tiyak na lugar at tiyak na panahon ng sangkatauhan, ang awa ng Diyos ay hindi kailanman nawala. Sa Kanyang awa, ginagabayan at pinapangunahan Niya ang isang henerasyon ng Kanyang nilikha pagkatapos ng sumunod, tinutustusan at pinagpapala ang isang henerasyon ng nilikha pagkatapos ng sumunod, sapagkat ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan ay hindi kailanman magbabago. Tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive…?” Lagi Niyang pinapahalagahan ang Kanyang sariling nilikha. Ito ang awa ng matuwid na disposisyon ng Manlilikha, at ito rin ang dalisay na pagkabukod-tangi ng Manlilikha!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga nauugnay na pagbabasa: Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento