Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Marso 27, 2019

pagmamahal ng Diyos | Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Manlilikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang pagkaunawa ng Manlilikha sa buong sangnilikha na nasa ilalim ng Kanyang pamamahala; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pagkaunawa ng Diyos sa Ninive ay malayo sa isang pahapyaw. Hindi lang Niya alam kung ilan ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang mga bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na katunayan sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Manlilikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Manlilikha. Katulad lang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng ito ay totoo.

Marso 26, 2019

Bible Study Tagalog | Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw

Bible Study Tagalog | Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw

Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon
Kahit gaano man ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng sako at naupo sa abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang baguhin ang Kanyang puso. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan— galit pa din sa kanila ang Diyos. Nang dumaan sila sa serye ng mga pagsisisi, unti-unting humupa ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive at napalitan ng awa at pagpaparaya sa kanila. Walang anumang salungatan tungkol sa magkaparehong pagbubunyag ng dalawang anyo ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan? Magkasunod na ipinahayag ng Diyos ang dalawang magkatapat na bahaging ito ng mga anyo nang magsisi ang mga taga-Ninive, upang makita ng mga tao ang katunayan at hindi pagkikimkim ng diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang talikdan ng mga tao ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi ng tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng galit ng Diyos, at kung saan ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at tatalikod sa karahasan ng kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit; hinihingi Niya lamang ang tunay na pagsisisi. Kapag ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin sa kanila.
Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Nang baguhin ng Diyos ang Kanyang puso para sa mga taga-Ninive, isang pakunwari lamang ba ang Kanyang awa at pagpaparaya? Siyempre hindi! Kung gayon, ano ang pinayagang makita mo sa pagbabago sa pagitan ng dalawang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos sa panahon ng magka-parehong bagay? Ang disposisyon ng Diyos ay ganap na buo; hindi ito kailanman nahati. Nagpapahayag man Siya ng galit o awa at pagpaparaya sa mga tao, ang lahat ng ito ay kapahayagan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay tunay at malinaw. Binabago Niya ang Kanyang isip at saloobin batay sa pagbabago ng mga bagay. Ang pagbabago ng Kanyang saloobin sa mga taga-Ninive ay nagsasabi sa sangkatauhan na mayroon Siyang sariling mga kaisipan at pananaw; hindi Siya isang robot o putik na rebulto, kundi ang buhay na Diyos Mismo. Maaari Siyang magalit sa mga mamamayan ng Ninive, at maaari din Niyang patawarin ang kanilang mga nakaraan batay sa kanilang pag-uugali; maaari Siyang magpasya na magpadala ng kasawian sa mga taga-Ninive, at maaari Niyang baguhin ang Kanyang pagpapasya dahil sa kanilang pagsisisi. Mas gusto ng mga tao na sundin ang mga batas nang wala sa loob, at mas gusto nilang gamitin ang mga batas upang itatag at bigyang kahulugan ang Diyos, tulad ng kanilang pagnanais na gumamit ng mga pormula upang alamin ang disposisyon ng Diyos. Kaya batay sa naaabot ng kaisipan ng tao, ang Diyos ay hindi nag-iisip, ni wala Siyang anumang matibay na mga pananaw. Sa katotohanan, ang mga kaisipan ng Diyos ay patuloy na nagbabago ayon sa mga pagbabago ng mga bagay at kapaligiran; habang ang mga kaisipang ito ay nagbabago, naipahahayag ang iba’t ibang anyo ng diwa ng Diyos. Sa panahong ito ng proseso ng pagbabago, at sa sandaling baguhin ng Diyos ang Kanyang puso, ipinahahayag Niya sa sangkatauhan ang katotohanan ng pag-iral ng Kanyang buhay, at ipinahahayag Niya na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay tunay at malinaw. Bukod pa rito, ginagamit ng Diyos ang Kanyang tunay na mga paghahayag upang patunayan sa sangkatauhan ang katotohanan ng Kanyang galit, awa, kabutihan at ang Kanyang pagpaparaya. Ang Kanyang diwa ay maipahahayag sa anumang oras o saan mang lugar ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Nagtataglay Siya ng galit ng isang leon at pagmamahal at pagpaparaya ng isang ina. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi hinahayaang mapagdudahan, malapastangan, mabago o pasamain ng sinumang tao. Sa lahat ng mga pangyayari at mga bagay-bagay, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, iyon ay ang, galit ng Diyos at awa ng Diyos, ay maaaring maihayag anumang oras o saan mang lugar. Malinaw Niyang ipinapahiwatig ang mga anyong ito sa bawat sulok at bahagi ng kalikasan at maliwanag Niyang isinasakatuparan ito sa bawat sandali. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi limitado ng panahon o lugar, o sa madaling salita, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi ipinapahayag na parang makina o naipapakita ayon sa idinidikta ng mga hangganan ng panahon o lugar. Sa halip, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malayang naihahayag at naipapakita sa anumang panahon o saan mang lugar. Kapag nakita mong binago ng Diyos ang Kanyang puso at huminto sa paghayag ng Kanyang galit at tumigil sa pagwasak sa lungsod ng Nineve, masasabi mo ba na mahabagin at mapagmahal lamang ang Diyos? Masasabi mo ba na ang galit ng Diyos ay naglalaman ng walang saysay na mga salita? Kapag ipinadama ng Diyos ang matinding galit at iniurong ang Kanyang awa, masasabi mo ba na hindi Siya nakakaramdam ng tunay na pagmamahal sa sangkatauhan? Naghahayag ng matinding galit ang Diyos bilang tugon sa masasamang gawa ng mga tao; ang Kanyang galit ay walang kapintasan. Naaantig ang puso ng Diyos dahil sa pagsisisi ng mga tao, at ang pagsisising ito ang bumabago sa Kanyang puso. Maari Siyang maantig, ang pagbabago ng Kanyang puso maging ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao ay lubos na walang kapintasan; sila ay malinis, dalisay, walang dungis at walang halo. Ang pagpaparaya ng Diyos ay tunay na pagpaparaya; ang Kanyang awa ay tunay na awa. Ibinubunyag ng Kanyang disposisyon ang galit, gayon din ang awa at pagpaparaya, batay sa pagsisisi ng tao at sa kanyang asal. Kahit ano man ang Kanyang ipahayag at ipadama, lahat ng ito ay dalisay; lahat ng ito ay direkta; ang diwa nito ay iba sa anumang nilikha. Ang mga prinsipyo ng mga gawain na ipinapahiwatig ng Diyos, ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya o anumang partikular na pagpapasya, maging ang anumang isahang gawain, ay walang bahid ng anumang mga kapintasan at dungis. Ayon sa pasya ng Diyos, iyon ang Kanyang gagawin, at sa paraang ito gagawin Niya ang dapat Niyang gawin. Ang mga uri ng resultang ito ay tiyak at walang mali sapagkat ang pinagmulan nila ay walang kapintasan at walang dungis. Ang galit ng Diyos ay walang kapintasan. Gayun din, ang awa at pagpaparaya ng Diyos, na hindi taglay ng anumang nilalang, ay banal at walang kapintasan, at makakaya nilang tumayo sa deliberasyon at karanasan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marso 25, 2019

Kuwento sa Biblia | Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

Kuwento sa Biblia | Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive


Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova
Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makapagpapabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”
Matapos marinig ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang mga mamamayan ng Ninive ay nagpakita ng pag-uugali na lubos na kabaliktaran ng mga tao sa Sodoma—ang mga mamamayan ng Sodoma ay hayagang kinalaban ang Diyos, nagpapatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, ngunit matapos marinig ang mga salitang ito, hindi binalewala ng mga taga-Ninive ang bagay na ito, ni tinanggihan man; sa halip, naniwala sila sa Diyos at nagpahayag ng pag-aayuno. Ano ang tinutukoy ng “naniwala” dito? Ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pagpapasakop. Kung gagamitin natin ang mismong ginawa ng mga taga-Ninive upang ipaliwanag ang salitang ito, nangangahulugan ito na naniwala sila na gagawin at kayang gawin ng Diyos ang Kanyang sinabi, at nakahanda silang magsisi. Ang mga taga-Ninive ba ay nakadama ng takot sa harap ng nalalapit na panganib? Ang kanilang paniniwala ang nagdulot ng takot sa kanilang mga puso. Pero ano ang magagamit natin upang patunayan ang paniniwala at takot ng mga taga-Ninive? Tulad ng sinasabi sa Biblia: “at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.” Ito ang magsasabi na ang mga taga-Ninive ay tunay na naniwala, at nagdulot ng takot ang paniniwalang ito, na humantong sa pag-aayuno at pagsusuot ng sako. Ganito nila ipinakita ang simula ng kanilang pagsisisi. Sa lubos na kabaliktaran sa mga taga-Sodoma, hindi lamang sa hindi nilabanan ng mga taga-Ninive ang Diyos, malinaw din nilang ipinakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at mga pagkilos. At siyempre, hindi lamang ito para sa mga karaniwang mamamayan ng Ninive; maging ang kanilang hari ay hindi natatangi.
Ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehova
Nang marinig ng hari ng Ninive ang balitang ito, tumayo siya mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal, nagdamit ng sako at umupo sa abo. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag na wala kahit isa ang papayagang tumikim ng pagkain, at walang mga hayop, mga tupa at baka ang kakain o iinom ng tubig. Pareho na ang tao at ang hayop ay magdadamit ng sako; lahat ng mamamayan ay magmamakaawa sa Diyos. Ipinahayag din ng hari na bawat isa sa kanila ay tatalikod na sa kanilang masasamang gawain at tatalikdan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Sa paghatol sa sunod-sunod na mga gawaing ito, ipinakita ng hari ng Ninive ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Ang sunod-sunod na mga pagkilos na kanyang ginawa—pagtayo mula sa kanyang trono, paghubad sa kanyang balabal ng pagiging hari, pagdamit ng sako at pag-upo sa abo—ang nagpahayag sa mga tao na isinantabi ng hari ng Ninive ang kanyang kalagayan bilang hari at nagdamit ng sako kasama ang mga pangkaraniwang mamamayan. Masasabi natin na ang hari ng Ninive ay hindi nanatili sa kanyang pagiging hari para ipagpatuloy ang kanyang masamang gawa, o ang karahasan sa kanyang mga kamay matapos marinig ang balita mula sa Diyos na si Jehova; sa halip, isinantabi niya ang awtoridad na kanyang hawak at nagsisi sa harap ng Diyos na si Jehova. Sa pagkakataong ito, hindi nagsisisi ang hari ng Ninive bilang hari; humarap siya sa Diyos upang magkumpisal at magsisi sa kanyang mga kasalanan bilang isang pangkaraniwang nilalang ng Diyos. Bukod pa dito, sinabihan din niya ang buong lungsod na magkumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova tulad ng ginawa niya; dagdag pa dito, may tiyak siyang plano kung paano isasagawa ito, tulad ng makikita sa Kasulatan: “Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig: ... at magsidaing silang mainam sa Diyos: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kanyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.” Bilang tagapamahala ng lungsod, ang hari ng Ninive ay nagtataglay ng pinakamataas na kalagayan at kapangyarihan at makakaya niyang gawin ang anumang bagay na kanyang naisin. Nang matanggap ang pahayag ng Diyos na si Jehova, maaari naman niyang balewalain na lang ito o nangumpisal na lamang at nagsisi sa kanyang mga kasalanan nang nag-iisa; kung pipiliin ng mga tao sa lungsod ang magsisi o hindi, maaari naman niyang pabayaan na lamang nang lubusan ang bagay na ito. Ngunit hindi kailanman ito ginawa ng hari ng Ninive. Hindi lamang siya tumayo mula sa kanyang trono, nagdamit ng sako at naupo sa abo at nangumpisal at nagsisi sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova, inutusan din niya ang lahat ng mga tao at mga hayop sa buong lungsod na gayon din ang gawin. Inutusan pa niya ang mga tao na “buong taimtim na tumawag sa Diyos.” Sa pamamagitan ng mga sunod-sunod na gawaing ito, tunay na nagampanan ng hari ng Ninive kung paano maging tagapamahala; ang kanyang mga ginawa ay isang bagay na mahirap gawin ng sinumang hari sa kasaysayan, at isang bagay din na walang nakagawa. Ang mga gawaing ito ay maaaring tawagin na wala pang nakagagawa noon sa kasaysayan ng sangkatauhan; sila ay karapat-dapat na parehong alalahanin at tularan ng sangkatauhan. Simula sa pagsisimula ng tao, pinangunahan ng bawat hari ang kanyang mga nasasakupan na tanggihan at labanan ang Diyos. Wala kahit isa ang pinangunahan ang kanyang mga nasasakupan na magsumamo sa Diyos upang tubusin sila sa kanilang kasamaan, tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos na si Jehova at maiwasan ang nalalapit na kaparusahan. Subalit ang hari ng Ninive ay nakayang pangunahan ang kanyang mga nasasakupan na manumbalik sa Diyos, iwan na ang kanilang makasalanang mga gawa at layuan na ang karahasan sa kanilang mga kamay. Bukod pa dito, nagawa rin niyang iwanan ang kanyang trono, at bilang ganti, nagbago ang isip at nag-iba ang damdamin ng Diyos na si Jehova at binawi ang Kanyang galit, at hinayaan ang mga mamamayan ng lungsod na maligtas at malayo mula sa pagkawasak. Ang ginawa ng hari ay maaari lamang matawag na isang pambihirang himala sa kasaysayan ng tao; at maaari din silang matawag na isang modelo ng tiwaling sangkatauhan na mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos.
Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang makasalanang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayun din ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa kanilang pag-uugali, makikita natin na nauunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at nauunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga rason na ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala.
Sa sandaling nalaman ng mga taga-Ninive, mula sa kataas-taasang hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan, na nagagalit sa kanila ang Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanilang mga gagawin, ang kanilang buong asal, maging ang bawat pagpapasya at pagpili ay malinaw at lantad sa paningin ng Diyos. Nagbago ang puso ng Diyos ayon sa kanilang pag-uugali. Ano ang nasa isip ng Diyos ng mga sandaling iyon? Kayang sagutin ng Biblia ang tanong na iyan para sa iyo. Ayon sa nakatala sa Kasulatan: “At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila’y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.” Bagaman binago ng Diyos ang Kanyang isip, walang bagay na magulo tungkol sa kalagayan ng Kanyang kaisipan. Binago lamang Niya ang kalagayan mula sa paghahayag ng Kanyang galit tungo sa pagpapakalma ng Kanyang galit, at pagkatapos ay nagpasya na huwag nang dalhin ang malupit na kapahamakan sa lungsod ng Ninive. Ang dahilan kung bakit napagpasyahan ito ng Diyos—na iligtas ang mga taga-Ninive mula sa malupit na kapahamakan—nang napakabilis ay napagmasdan ng Diyos ang puso ng bawat tao sa Ninive. Nakita Niya ang kanilang itinatago mula sa kalaliman ng kanilang mga puso: ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang kanilang tapat na paniniwala sa Kanya, ang kanilang malalim na pakiramdam kung paano na ang kanilang kasamaan ay lubos na nagpagalit sa Kanyang disposisyon, at nagdulot ito ng takot sa nalalapit na kaparusahan ng Diyos na si Jehova. At gayun din naman, narinig rin ng Diyos na si Jehova ang mga panalangin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na taimtim na nakiusap na pigilin Niya ang Kanyang galit laban sa kanila upang makaiwas sila sa parating na kapahamakan. Nang mapansin ng Diyos ang lahat ng mga pangyayaring ito, unti-unting naglaho ang Kanyang galit. Kahit gaano kalaki ang Kanyang galit sa nakaraan, nang makita Niya ang tapat na pagsisisi sa kaibuturan ng mga puso ng mga taong ito, nabagbag nito ang Kanyang puso, kaya hindi Niya makayang dalhin ang kapahamakan sa kanila, at humupa na ang Kanyang galit sa kanila. Sa halip, patuloy Niyang ipinadama ang Kanyang awa at pagpapaubaya sa kanila at patuloy silang ginabayan at tinustusan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Marso 24, 2019

Kuwento sa Biblia | Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay

Kuwento sa Biblia | Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga halimbawang ito ng pananalita, kaisipan at mga kilos ng Diyos, makakaya mo kayang unawain ang matuwid na disposisyon ng Diyos, isang disposisyon na hindi maaaring saktan? Sa katapusan, ito ay isang aspeto ng disposisyon na natatangi sa Diyos Mismo, hindi alintana kung gaano man ang kayang unawain ng tao. Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala ang Kanyang bukod-tanging sangkap; ang galit ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging disposisyon; ang kamahalan ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging sangkap lamang. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay naglalarawan sa pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang banggitin ng sinuman na ito ay sagisag rin ng nilalaman ng natatanging Diyos Mismo. Ang disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling likas na nilalaman. Hindi ito nagbabago kahit kailan sa pagdaan ng panahon, ni magbago man kapag nagbabago ang lokasyon. Ang Kanyang likas na disposisyon ay ang Kanyang tunay na nilalaman. Hindi alintana kung kanino man Niya iniuukol ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang nilalaman, at maging ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag ginalit ng isang tao ang Diyos, yaong Kanyang ipinadadala ay ang Kanyang likas na disposisyon; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, ni maging ang Kanyang natatanging pagkakakilanlan at estado. Hindi Siya nagagalit dahil may nagbago sa Kanyang nilalaman o dahil ang Kanyang disposisyon ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang pagsalungat ng tao sa Kanya ay nakakasakit sa Kanyang disposisyon. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang matinding hamon sa sariling pagkakakilanlan at estado ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinahamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinasalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos–na kung kailan din nagiging laganap ang kasalanan–ang galit ng Diyos ay natural na mabubunyag at makikita. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang galit ay sumisimbulo na lahat ng mga puwersa ng kasamaan ay titigil sa pag-iral; sumisimbulo ito na ang lahat ng mga puwersang salungat ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ito ang pagiging natatangi ng galit ng Diyos. Kapag hinamon ang dignidad at kabanalan ng Diyos, kapag ang makatarungang mga puwersa ay hinadlangan at hindi nakita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng mga puwersa sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; nagmula at kabilang sila kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, nasa liwanag at walang-bahid na banal, lahat ng mga bagay na masama, tiwali at kabilang kay Satanas ay maglalaho sa pagpapakawala ng galit ng Diyos.
Bagaman ang pagbuhos ng galit ng Diyos ay isang aspeto ng pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon, ang galit ng Diyos ay siguradong walang kinikilingan kung sino ang puntirya Nito o hindi ito walang prinsipyo. Sa kabaligtaran, hindi naman kahit kailan madaling magalit ang Diyos, ni padalus-dalos na ibinubunyag ang Kanyang galit at Kanyang kamahalan. Dagdag pa rito, ang galit ng Diyos ay lubhang kontrolado at sukat; hindi ito maikukumpara kahit kailan sa kung paanong ang tao ay magsisiklab sa isang matinding poot o magbubulalas ng kanyang galit. Maraming pag-uusap sa pagitan ng tao at ng Diyos ang nakatala sa Biblia. Ang mga sinasabi ng ilan sa mga inidibiduwal na ito ay mabababaw, walang alam, at parang bata, nguni’t hindi sila pinabagsak ng Diyos, ni hinatulan man. Isang halimbawa, sa panahon ng pagsubok kay Job, paano pinakitunguhan ng Diyos na si Jehova ang tatlong kaibigan ni Job at ang iba pa pagkatapos Niyang marinig ang mga salitang kanilang sinabi kay Job? Hinatulan ba sila ng Diyos? Nagsiklab ba Siya sa matinding pagkagalit sa kanila? Wala Siyang ginawang ganoon! Sa halip sinabi Niyang makiusap si Job sa kanila, na ipanalangin sila; sa kabilang banda, hindi dinamdam ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang mga pagkakamali. Ang mga pangyayaring ito ay kumakatawan lahat sa pangunahing gawi kung paanong pinakikitunguhan ng Diyos ang tiwali, mangmang na sangkatauhan. Samakatuwid, ang pagpapakawala ng galit ng Diyos ay hindi isang pagpapahayag o paglalabas ng Kanyang nararamdaman. Ang galit ng Diyos ay hindi isang ganap na pagsabog ng poot gaya nang pagkaunawa ng tao rito. Hindi pinakakawalan ng Diyos ang Kanyang galit dahil sa hindi Niya kayang kontrolin ang Kanyang sariling damdamin o dahil ang Kanyang galit ay nakaabot na sa Kanyang punto ng pagkulo at dapat nang ilabas. Sa kabaligtaran, ang Kanyang galit ay pagpapakita ng Kanyang matuwid na disposisyon at isang tunay na pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon; ito ay isang sumasagisag na pagbubunyag ng Kanyang banal na diwa. Ang Diyos ay galit, hindi kinukunsinti ang pagkakasala– hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan o walang prinsipyo; ang tiwaling sangkatauhan ang tanging nag-aangkin sa walang prinsipyo, walang-katiyakang pagbulalas ng matinding galit na hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan. Sa sandaling magkaroon na ng estado ang isang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas ilabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibunyag ang kanilang mayabang na kalikasan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang mga damdamin upang maipagtanggol ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan ng tao upang maipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan. Ang mga aksyong ito ay puno ng karumihan; puno ang mga ito ng mga balak at mga intriga; puno ang mga ito ng katiwalian at kasamaan ng tao; higit pa rito, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nilabanan ng katarungan ang kasamaan, hindi sisiklab sa galit ang tao upang ipagtanggol ang pag-iral ng katarungan; kasalungat nito, kapag ang mga puwersa ng katarungan ay nanganib, inusig at nilusob, ang gawi ng tao ay isa ng di-pagpansin, pag-iwas o pag-urong. Subali’t, kapag nakaharap naman sa mga puwersa ng kasamaan, ang gawi ng tao ay isa ng pagtustos, at pagyuko at pagkudkod. Samakatuwid, ang paglalabas ng tao ay isang pagtakas para sa mga puwersa ng kasamaan, isang pagpapahayag ng talamak at hindi-mapigil na masamang ugali ng taong makalaman. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang galit, gayon pa man, lahat ng mga puwersa ng kasamaan ay mapahihinto; lahat ng mga kasalanang nakapipinsala sa tao ay mapatitigil; lahat ng mga puwersa ng kalaban na humahadlang sa gawain ng Diyos ay ipakikita, ihihiwalay at susumpain; lahat ng mga kasabwat ni Satanas na sumasalungat sa Diyos ay parurusahan, bubunutin. Sa kanilang kinalalagyan, ang gawain ng Diyos ay magpapatuloy nang malaya sa anumang mga hadlang; ang plano sa pamamahala ng Diyos ay magpapatuloy sa pag-unlad nang unti-unti ayon sa nakatakda; magiging malaya sa panggugulo at pandaraya ni Satanas ang bayang pinili ng Diyos; masisiyahan sa pangunguna at pagtutustos ng Diyos sa gitna ng tahimik at mapayapang kapaligiran yaong mga sumusunod sa Diyos. Ang galit ng Diyos ay isang sanggalang na pumipigil sa lahat ng mga puwersa ng kasamaan mula sa pagdami at paglaganap, at isa rin itong sanggalang na nag-iingat sa pagkakaroon at paglaganap ng lahat ng matuwid at positibong mga bagay at walang-hanggang babantayan sila mula sa pagkasupil at pagkawasak.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Marso 22, 2019

Kuwento sa Biblia | Matapos ang Paulit-ulit na Pagtanggi at Pagsuway ng Sodoma sa Kanya, Nilipol na ito ng Diyos nang Lubusan

Kuwento sa Biblia | Matapos ang Paulit-ulit na Pagtanggi at Pagsuway ng Sodoma sa Kanya, Nilipol na ito ng Diyos nang Lubusan



Sa sandaling magkaroon tayo ng pagkalahatang pang-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, maibabalik natin ang ating pansin sa lungsod ng Sodoma–ang nakita ng Diyos ay isang lungsod ng kasalanan. Sa pag-unawa sa kalagayan ng lungsod na ito, maiintindihan natin kung bakit nais ng Diyos na wasakin ito at bakit winasak Niya ito ng lubusan. Mula dito, maaari na nating malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
Mula sa pananaw ng isang tao, ang Sodoma ay isang lungsod na makapagbibigay ng ganap na kasiyahan sa pagnanasa at kasamaan ng tao. Nakatutukso at nakabibighani, may kasamang tugtugan at sayawan gabi-gabi, ang karangyaan nito ang nagtulak sa mga tao sa pagkabighani at kahibangan. Kinain ng kasamaan ang puso ng mga tao at inakit sila sa pagkabulok. Ito ang lungsod na kung saan ang marurumi at masasamang espiritu ay naghuhuramentado; punong-puno ito ng kasalanan at pagpatay at nangangamoy dugo at bulok ito. Isa itong lungsod na pinalamig ang mga tao hanggang buto, isang lungsod na inyong iiwasan. Wala kahit isa sa lungsod na ito–mapalalaki man o babae, bata man o matanda–ang naghanap ng tunay na daan; walang nagnais sa liwanag o naghangad na lumayo mula sa kasalanan. Nabuhay sila sa pagkontrol ni Satanas, sa katiwalian at pandaraya. Nawala na ang kanilang pagkatao; nawala nila ang kanilang pandama, at pati na ang orihinal na layunin ng tao sa pagkalikha. Nakagawa sila ng hindi na mabilang na mga kasalanan ng pagtanggi laban sa Diyos; tinanggihan nila ang Kanyang paggabay at kinalaban ang Kanyang kalooban. Ang kanilang masasamang gawa ang nagtulak sa mga taong ito, sa buong lungsod at sa bawat nabubuhay dito, unti-unti, patungo sa daan ng pagkawasak.
Bagaman hindi nakasulat sa dalawang talatang ito ang mga detalye na naglalarawan sa lawak ng katiwalian ng mga mamamayan ng Sodoma, at sa halip ay itinala ang kanilang pakikitungo sa dalawang lingkod ng Diyos matapos na sila’y dumating sa lungsod, ang isang simpleng katotohanan ay maaaring ibunyag lawak na kung ang mga tao sa Sodoma ay mga tiwali, masasama at lumalaban sa Diyos. Dahil dito, ang tunay na mukha at kalooban ng mga mamamayan ng lungsod ay nahayag din. Hindi lamang sa hindi nila tinanggap ang mga babala ng Diyos, hindi rin sila takot sa Kanyang kaparusahan. Sa kabaligtaran, kinasuklaman nila ang galit ng Diyos. Walang taros na nilabanan nila ang Diyos. Walang halaga kung ano ang ginawa Niya o paano Niya ito ginawa, lalo lamang lumala ang kalikasan ng kanilang masamang hangarin, at paulit-ulit nilang nilabanan ang Diyos. Ang mga taga-Sodoma ay galit sa pag-iral ng Diyos, sa Kanyang pagdating, sa Kanyang kaparusahan, at lalo na sa Kanyang mga babala. Wala silang nakitang mahalaga sa kanilang paligid. Sinisila at sinasaktan nila ang lahat ng mga taong kaya nilang silain at saktan, at gayun din ang kanilang pagtrato sa mga lingkod ng Diyos. Tungkol sa kabuuan ng masasamang gawa na ginawa ng mga taga-Sodoma, ang pananakit sa mga lingkod ng Diyos ay maliit na bahagi lamang, at ang kalikasan ng kanilang kasamaan na inihayag ay katulad lamang ng isang maliit na patak sa malawak na dagat. Kaya pinili ng Diyos na lipulin sila sa pamamagitan ng apoy. Hindi gumamit ang Diyos ng baha, ni hindi Siya gumamit ng bagyo, lindol, dambuhalang mga alon, o iba pang paraan upang wasakin ang lungsod. Ano ang kahulugan ng paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod na ito? Ang ibig sabihin nito ay ganap na nawasak ang lungsod; ibig sabihin ay ganap na naglaho ang lungsod sa ibabaw ng lupa at mula sa pag-iral nito. Dito, ang “pagkawasak” ay hindi lamang tumutukoy sa pagkawala ng anyo at istruktura o panlabas na katayuan ng lungsod; nangangahulugan din ito na ang mga kaluluwa ng mga taong nasa loob ng lungsod ay huminto nang mabuhay, at lubos nang nalipol. Sa madaling sabi, lahat ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nakaugnay sa lungsod ay nawasak na. Wala nang buhay pagkatapos o muling pagkabuhay na para sa kanila; Nilipol na sila ng Diyos mula sa sangkatauhan, sa Kanyang nilalang, minsan at magpakailanman. Ang “paggamit ng apoy” ay nagpapahiwatig ng pagpigil sa kasalanan, at nangangahulugan ito ng pagtapos sa kasalanan; titigil na sa pananatili at pagkalat ang kasalanang ito. Nangangahulugan ito na ang kasamaan ni Satanas ay nawala na sa mataba nitong lupa, gayun din ang libingan na pumayag na magkaroon ng lugar na tirahan at panirahan ito. Sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, ang paggamit ng Diyos ng apoy ay tatak ng Kanyang pagtatagumpay kung saan namarkahan si Satanas. Ang pagkawasak ng Sodoma ay isang malaking maling hakbang sa mithiin ni Satanas na kalabanin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsira at pag-ubos sa mga tao, at isa itong nakahihiyang tanda sa panahon ng pag-unlad ng sangkatauhan nang tanggihan ng tao ang patnubay ng Diyos at pinabayaan ang sarili niya sa bisyo. Bukod pa rito, isa itong talaan ng tunay na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos.
Nang tinupok ng apoy na ipinadala ng Diyos mula sa langit ang Sodoma hanggang sa maging abo, nangangahulugan ito na ang lungsod na tinawag na “Sodoma” ay hindi na makikita, at maging ang lahat ng naroon sa loob nito. Winasak na ito sa pamamagitan ng galit ng Diyos; naglaho na ito sa ilalim ng poot at kamahalan ng Diyos. Dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, tinanggap ng Sodoma ang kanyang makatarungang kaparusahan; dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, tinanggap nito ang makatarungang katapusan. Ang katapusan ng pag-iral ng Sodoma ay dahil sa kanyang kasamaan, at dahil din ito sa pagnanais ng Diyos na hindi na ito muling makita, maging ang mga taong nabuhay dito o anumang may buhay na lumago sa loob ng lungsod. Ang “pagnanais ng Diyos na hindi na makitang muli ang lungsod” ay dahil sa kanyang poot, at gayun din sa Kanyang kamahalan. Sinunog ng Diyos ang lungsod dahil sa pagsalangsang at kasalanan nito na dahilan para magalit, mainis at masuklam Siya dito at ninais na hindi na makita ito magpakailanman o maging ang sinumang tao at bagay na nabubuhay sa loob nito. Nang matapos masunog ang lungsod, nang mga abo na lamang ang naiwan, tunay ngang tumigil na ito sa pag-iral sa paningin ng Diyos; kahit na ang Kanyang alaala dito ay nawala na, nabura na. Nangangahulugan ito na hindi lamang winasak ng ipinadalang apoy mula sa langit ang buong lungsod ng Sodoma at ang makasalanang mga tao sa loob nito, ni hindi lamang nito nilipol ang lahat ng bagay sa loob ng lungsod na namantsahan ng kasalanan; higit pa rito, winasak ng apoy na ito ang mga alaala ng kasamaan ng sangkatauhan at pagtutol laban sa Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa pagsunog sa buong lungsod.
Ang sangkatauhan ay naging tiwali nang sagad. Hindi nila kilala kung sino ang Diyos o kung saan sila nagmula. Kapag binanggit mo ang Diyos, ang mga taong ito ay aatake, maninirang puri, at maglalapastangan. Kahit na dumating ang mga lingkod ng Diyos upang ikalat ang Kanyang babala, hindi man lamang nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi ang mga tiwaling taong ito; hindi nila iniwan ang kanilang masamang asal. Sa kabaliktaran, walang hiyang sinaktan nila ang mga lingkod ng Diyos. Ang kanilang ipinahayag at isiniwalat ay ang kanilang kalikasan at diwa ng masidhing pagkapoot sa Diyos. Makikita natin na ang paglaban ng mga tiwaling taong ito sa Diyos ay higit pa sa pagbubunyag ng kanilang tiwaling disposisyon, na mas higit pa ito sa paninirang-puri o panunukso na umusbong mula sa kakulangan ng pag-unawa sa katotohanan. Hindi ang kahangalan ni kawalang kaalaman ang dahilan ng kanilang masamang pag-uugali; hindi ito dahil sa nalinlang ang mga taong ito, at tiyak na hindi dahil sa nailigaw lamang sila. Ang kanilang pag-uugali ay nakaabot na sa antas ng garapalan at walang hiyang paglaban, oposisyon at pakikipagtunggali sa Diyos. Walang pag-aalinlangan, ang ganitong uri ng pag-uugali ng tao ay makapagpapagalit sa Diyos, at makapagpapagalit sa Kanyang disposisyon–isang disposisyon na hindi dapat masaktan. Kaya, tuwiran at ganap na pinakawalan ng Diyos ang Kanyang poot at ang Kanyang kamahalan; ito ang tunay na pagbubunyag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kaharap ng isang lungsod na nag-uumapaw sa kasalanan, hinangad ng Diyos na wasakin ito sa pinakamabilis na paraan hangga’t maaari; Ninais Niyang lipulin ang mga mamamayan at ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pinakaganap na paraan, upang hindi na sila makita at upang mahinto na ang kasalanan sa paglaganap sa lugar na ito. Ang pinakamabilis at pinakakumpletong paraan ng pagsasagawa nito ay ang sunugin sa pamamagitan ng apoy. Ang iniisip ng Diyos sa mga taga-Sodoma ay hindi sila basta iwanan o balewalain kaya; sa halip, ginamit Niya ang Kanyang galit, kamahalan at awtoridad upang parusahan, ibagsak at lubos na lipulin ang mga taong ito. Hindi lamang pisikal na paglipol ang Kanyang iniisip sa kanila kundi paglipol din sa kanilang kaluluwa, isang walang hanggang pagpuksa. Ito ang tunay na pagpapahiwatig ng pagnanais ng Diyos na “mawala na sila.”
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Marso 20, 2019

Kuwento sa Biblia | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos

Kuwento sa Biblia | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”
(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila’y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila’y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa’t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti’t malaki: ano pa’t sila’y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.
(Gen 19:24-25) Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.
Mula sa mga talatang ito, hindi mahirap na makita na ang kasalanan at katiwalian ng Sodoma ay umabot na sa kalagayang kasuklam-suklam sa parehong tao at Diyos, at sa mga mata ng Diyos, nararapat lamang na gunawin ang lungsod. Ngunit ano ang nangyari sa loob ng lungsod, bago ito wasakin? Ano ang maaari matutuhan ng mga tao mula sa mga pangyayaring ito? Ano ang ipinakikitang damdamin ng Diyos sa mga pangyayaring ito sa mga tao tungkol sa Kanyang disposisyon? Upang maunawaan ang buong kuwento, maingat nating basahin ang nakasulat sa Kasulatan…
Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos
Nang gabing iyon, tinanggap ni Lot ang dalawang mensahero mula sa Diyos at ipinaghanda sila ng makakain. Pagkatapos maghapunan, bago sila matulog, pinalibutan ng mga tao sa lungsod ang tirahan ni Lot at tinawag nang pasigaw si Lot. Ang sigaw nila ayon sa Kasulatan, “Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.” Sino ang nagsabi sa mga salitang ito? Para kanino ang sinabing ito? Ito ang sinabi ng mga tao sa Sodoma, na nagsisigaw sa labas ng bahay ni Lot, at ito ay para kay Lot. Ano kaya ang mararamdaman kapag narinig ang ganitong mga salita? Galit ka ba? Makakasakit ba ang mga salitang ito sa iyo? Magpupuyos ka ba sa galit? Hindi kaya pahiwatig kay Satanas ang mga salitang ito? Sa pamamagitan nito, nararamdaman mo ba ang kasamaan at kadiliman sa lungsod na ito? Sa kanilang mga salita, nararamdaman mo ba ang kalupitan at kabangisan sa pag-uugali ng mga taong ito? Nararamdaman mo ba ang malalang katiwalian sa kanilang ikinikilos? Sa pamamagitan ng nilalaman ng kanilang sinabi, hindi mahirap makita na ang kalikasan ng kanilang pagiging makasalanan at malupit na disposisyon ay nakaabot na sa antas na hindi na nila makontrol. Bukod kay Lot, lahat ng tao sa lungsod na ito ay walang pagkakaiba kay Satanas; ang makita lamang ang ibang tao ay umudyok na sa mga tao na saktan at lipulin sila…. Ang mga bagay na ito ay hindi lamang nakapagbibigay sa isang tao ng pakiramdam sa nakakatakot at nakakasindak na kalikasan ng lungsod, kundi pati ang anino ng kamatayan sa paligid nito; nagpapahiwatig din ito ng kasamaan at pagkauhaw sa dugo.
Habang natagpuan niya ang kanyang sarili kaharap ng grupo ng mga taong may masasamang-loob, mga taong punong-puno ng karumal-dumal na mithin, paano tumugon si Lot? Ayon sa Kasulatan: “Ipinamamanhik ko sa inyo … huwag kayong gumawa ng ganyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan.” Ang ibig sabihin ni Lot sa kanyang mga salita: Handa niyang ibigay ang kanyang dalawang anak na babae sa mga tao upang pag-ingatan ang mga mensahero. Sa ganitong dahilan, dapat sana’y pumayag na ang mga tao sa mga kundisyon ni Lot at iwan na ang mga mensahero; lalo pa nga, hindi naman talaga nila kilala ang mga mensahero, at tuwirang walang kinalaman sa kanila; hindi man lamang nasaktan ng mga mensahero na ito ang kanilang mga kawilihan. Ngunit dahil sa udyok ng kalikasan ng kasalanan, hindi nila iniwan ang bagay na ito. Sa halip, pinatindi lamang nila ang kanilang pagnanais. Ito pa ang isa nilang pag-uusap na walang pag-aalinlangan na makapagpapalinaw sa tunay na masamang kalikasan ng mga taong ito; gayun din naman, dito malalaman at mauunawaan ng tao ang dahilan kung bakit nais ng Diyos na gunawin ang lungsod na ito.
Kaya ano ang sumunod nilang sinabi? Ang sabi sa Biblia: “At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.” Bakit nais nilang sirain ang pinto? Ang dahilan ay nasasabik lamang silang saktan ang dalawang mensahero na iyon. Ano ang ginagawa ng mga mensahero na ito sa Sodoma? Ang layunin nila sa pagpunta doon ay upang sagipin si Lot at ang kanyang pamilya; ngunit nagkamali ang mga tao ng isipin na dumating sila upang gumanap ng mga opisyal na tungkulin. Dahil hindi nila tinanong ang kanilang pakay, tanging haka-haka lamang ang dahilan kaya gustong saktan ng mga tao ang dalawang mensahero; nais nilang saktan ang dalawang tao na wala namang kinalaman sa kanila. Maliwanag na nawala nang lubusan ng mga mamamayan ng lungsod na ito ang kanilang pagkatao at katuwiran. Ang antas ng kanilang kabaliwan at pagkamabagsik ay wala nang ipinagkaiba sa kalikasan ng kasamaan ni Satanas na nananakit at lumilipol sa mga tao.
Nang hilingin nila ang mga taong ito kay Lot, ano ang ginawa ni Lot? Mula sa mga talata, alam nating hindi sila ibinigay ni Lot. Kilala ba ni Lot ang dalawang mensahero na ito ng Diyos? Siyempre hindi! Ngunit bakit niya nagawang iligtas ang dalawang ito? Alam ba niya kung ano ang kanilang gagawin kaya sila dumating? Bagaman hindi niya alam ang dahilan ng kanilang pagdating, alam niya na mga lingkod ng Diyos ang mga ito, kaya tinanggap niya sila. Ang kanyang pagtawag sa mga lingkod ng Diyos na panginoon ay nagpapakita na isang tagasunod ng Diyos si Lot, hindi katulad ng ibang nasa loob ng Sodoma. Kaya nang dumating sa kanya ang mga mensahero ng Diyos, ibinuwis niya ang kanyang sariling buhay upang tanggapin ang dalawang lingkod; at gayun din, ipinagpalit niya ang kanyang dalawang anak na babae upang ingatan ang dalawang lingkod. Ito ang matuwid na ginawa ni Lot; ito rin ang nakikitang pagpapahayag ng kalikasan at diwa ni Lot, at ito rin ang dahilan kaya isinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang iligtas si Lot. Nang maharap sa panganib, iningatan ni Lot ang dalawang lingkod na ito na walang ibang inaalala; tinangka pa niyang ipagpalit ang kanyang dalawang anak na babae para sa kaligtasan ng mga lingkod. Bukod kay Lot, mayroon pa kayang ibang tao sa lungsod na kayang gawin ang ganito? Tulad ng pinatunayan ng pangyayari–wala! Kaya, sinabi na ang bawat isa sa loob ng Sodoma, bukod kay Lot, ang puntirya ng pagkawasak at gayun din ang puntirya na karapat-dapat na mawasak.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Bible Study Tagalog