Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 4, 2019

Tagalog Worship Songs | Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso




Tagalog Worship Songs| Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso

I La … la la la … la la la…. La … la la la … la la la … la…. Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan. O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa. Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko. Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos. Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam. Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...) Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.

Agosto 2, 2019

Tagalog Christian Songs-Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang


Tagalog Christian Songs-Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

I Nais kong umiyak nguni't walang maiyakan. Nais kong umawit nguni't walang maawit. Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang. Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama'y di masabi. Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko. Kamay 'tinataas sa pagpupuri't galak, naparito Ka sa mundo.

Hulyo 31, 2019

Tagalog Gospel Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord



Tagalog Gospel Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord


Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang 
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito? 

Hulyo 13, 2019

Ang Paghihirap ay Biyaya ng Diyos


Ni Xiang Yang

Isang araw, nagbasa ako ng pabula. Mayroong isang magsasakang umasang hindi maaapektuhan ng masamang lagay ng panahon ang kanyang trigo habang tumutubo ito, at sa halip ay tumubo ito nang mataas at matatag sa banayad na amihan at sikat ng araw.

Mayo 12, 2019

Ang Katotohanan ng Kontrol at Kapangyarihan ng Maylalang sa Lahat ng mga Bagay at mga Buhay na Nilalang ay Naghahayag ng Tunay na Pag-iral ng Awtoridad ng Maylalang

nakatala ang pagpapala ni Jehovah sa Libro ng Job. Ano ang ipinagkaloob ng Diyos kay Job? “Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling katapusan ni Job na higit sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae” (Job 42:12). Mula sa pananaw ng tao, ano ang mga bagay na ito na ibinigay kay Job? Mga ari-arian ba iyon ng tao? Sa mga ari-ariang ito, naging napakayaman na ba si Job sa panahon na iyon? At paano niya nakuha ang mga naturang ari-arian? Saan nanggaling ang kanyang kayamanan? Kahit hindi sabihin, salamat sa biyaya ng Diyos kaya natamo ni Job ang mga iyon. Kung paano tiningnan ni Job ang mga ari-ariang ito, at kung paano niya itinuring ang mga biyaya ng Diyos, ay hindi isang bagay na ating tatalakayin dito. Pagdating sa mga biyaya ng Diyos, hinahangad ng lahat ng tao, sa araw at gabi, na pagpalain ng Diyos, ngunit walang kontrol ang tao sa kung gaano karaming mga ari-arian ang kaya niyang makuha sa panahon ng kanyang buhay, o kung makatatanggap ba siya o hindi ng biyaya mula sa Diyos—at hindi kaduda-duda ang katotohanang ito!

Mayo 2, 2019

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay | Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Temperatura

Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao. Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon magiging miserable ang pamumuhay ng mga tao. Hindi ba ito nakasasaid? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot lamang sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang angkupan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pinakamababang saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa mga malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay kayang umabot hanggang sa negatibong 50 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao.

Abril 7, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …

Abril 1, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing
Agosto 11, 2012
Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.
Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!” Ang kabiyak ng aking sapatos ay naanod na ng baha kaya minabuti kong magtungo sa pangunahing kalsada. Subalit nanghina ako sa aking nakita; ang kabilang kalsada ay nakabakod at hindi ako makaliban. Nahulog muli ako sa tubig at ang kabilang sapatos ko ay inanod na rin. Tumaas na ang baha sa aking hita at wala akong magawa kundi subukang makaliban sa ikatlong pagkakataon habang tahimik na nananalangin. Sa pagkakataong iyon, tatlong mag-anak ang lumitaw mula sa isa sa ilang kulungan ng baboy at nabuhayan ako ng loob sa pasasalamat sa Diyos. Sumabay ako sa kanila at nagsimulang tunguhin ang pangunahing kalsada nang biglang dumating ang aking asawa. Gumamit siya ng drill upang makagawa ng butas sa kawad na bakod at ako ang unang nakaliban sa pangunahing lansangan nang nakayapak. Sa timog ay may kurba ng ilog na dumadaloy pahilaga, at sa hilaga ang pangunahing daan ay lubog sa tubig na dumadaloy patimog, kaya kami ay naipit sa gitna at wala kaming magagawa kundi baybayin ang patungong pangunahing kalsada.
Nang ako ay nakarating sa pangunahing kalsada at tumingin sa ibaba, nanghina ako sa aking namalas. Hindi kalayuan sa aming kinatatayuan ay isang planta ng bakal; isang riles na may lawak na dalawa o higit pang metro ang naghihiwalay sa kinatatayuan namin mula sa pader na nakapalibot sa planta. Ang tubig sa loob ng pader ay higit sa isang metro ang lalim, maging ang mga bahay na gawa sa bakal ay naanod. Ngayon ay muli akong nanalangin, “O Diyos, salamat sa pagliligtas sa akin. Dahil sa aking kasakiman sa kayamanan kaya hindi ako nakinig sa mga salita ng Diyos, at naging matigas ang ulo. Ako’y nagkasala!” Kung ang tubig baha ay bumulwak sa hilagang bahagi, maaaring natangay na kami nito bandang alas dos ng madaling araw pa lamang. Subalit ito’y bumulwak sa ibabang pader sa bahaging timog at inilubog ang mga babuyan sa ilalim nito. Sa panahong ito, nakita ko talaga ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Sa mga nananalig sa Kanya, kahit kasakunaan ay lilihis.
Humimpil kami sa lagusan ng pangunahing kalsada sa loob ng humigit kumulang tatlong oras bago kami nakalabas at umuwi. Nang ako’y makarating sa aming tahanan at binuksan ang aking dalahin, himalang ni ang aking MP5 player o ang TF card ay hindi nabasa. Nang nahulog ang aking elektronikong scooter sa tubig ay nahulog din ang aking dalahin; ang charger ng aking scooter at iba pang gamit ay nabasa. Tanging ang MP5 player at TF card lamang ang hindi nasira. Namalas ko ang mga mahimalang gawa ng Diyos.
Nang ako ay bumalik sa bakuran ng kamalig, nagulat ako sa aking nakita. Ang bakuran ng kamalig ay nabasa lamang ng ulan ng nagdaang gabi; hindi gaanong karaming tubig ang nakapasok dito. May tubig sa mga mais sa harapan at malalim ang tubig sa likuran, subalit wala halos tubig sa bakuran ng kamalig: isinalba ito ng Diyos.
Nang dahil sa bahang ito ang aking puso ay higit na napayapa at ngayo’y alam ko na ang higit na mahalaga. Madalas na sinasabi ng mga tao na ang pera ang pinakamahalaga subalit sa pagbagsak ng kasakunaan, hindi ako maililigtas ng pera; ang Diyos ang aking tunay na Panginoon. Hindi ko na hahanapin ang pera, lilisanin ko ang bakuran ng kamalig at magtatalaga sa gawaing pag-eebanghelyo. Nang araw na iyon ay lumabas ako upang mangaral sa aking tiyahin, ina at hipag. Nakinig sila sa aking naranasan at tinanggap ito. Sa nakaraan, inusig ako ng aking ina at hipag nang dahil sa aking pananampalataya sa Diyos; nakapangaral ako sa kanila sa loob ng apat na taon subalit hindi sila nanalig. Sa sandaling iyon ay namalas ko nang mas malinaw ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Dati-rati’y inuusig din ako ng aking asawa nguni’t ngayon ay hindi na, at ipinapangaral ko ang ebanghelyo sa kanya. Noon, hindi ko magawang makapangaral, ni hindi ako makapagsalita. Nang dahil sa karanasang ito hindi na ako natatakot; Handa akong ipangaral ang aking karanasan at magpatotoo. Yamang nakita at naranasan ko ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang pinaka-tunay at totoong pag-ibig sa harap ng kasakunaan, paanong hindi ako makasasaksi para sa Kanya?

Marso 27, 2019

pagmamahal ng Diyos | Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Manlilikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang pagkaunawa ng Manlilikha sa buong sangnilikha na nasa ilalim ng Kanyang pamamahala; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pagkaunawa ng Diyos sa Ninive ay malayo sa isang pahapyaw. Hindi lang Niya alam kung ilan ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang mga bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na katunayan sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Manlilikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Manlilikha. Katulad lang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng ito ay totoo.

Marso 25, 2019

Kuwento sa Biblia | Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

Kuwento sa Biblia | Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive


Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova
Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makapagpapabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”
Matapos marinig ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang mga mamamayan ng Ninive ay nagpakita ng pag-uugali na lubos na kabaliktaran ng mga tao sa Sodoma—ang mga mamamayan ng Sodoma ay hayagang kinalaban ang Diyos, nagpapatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, ngunit matapos marinig ang mga salitang ito, hindi binalewala ng mga taga-Ninive ang bagay na ito, ni tinanggihan man; sa halip, naniwala sila sa Diyos at nagpahayag ng pag-aayuno. Ano ang tinutukoy ng “naniwala” dito? Ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pagpapasakop. Kung gagamitin natin ang mismong ginawa ng mga taga-Ninive upang ipaliwanag ang salitang ito, nangangahulugan ito na naniwala sila na gagawin at kayang gawin ng Diyos ang Kanyang sinabi, at nakahanda silang magsisi. Ang mga taga-Ninive ba ay nakadama ng takot sa harap ng nalalapit na panganib? Ang kanilang paniniwala ang nagdulot ng takot sa kanilang mga puso. Pero ano ang magagamit natin upang patunayan ang paniniwala at takot ng mga taga-Ninive? Tulad ng sinasabi sa Biblia: “at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.” Ito ang magsasabi na ang mga taga-Ninive ay tunay na naniwala, at nagdulot ng takot ang paniniwalang ito, na humantong sa pag-aayuno at pagsusuot ng sako. Ganito nila ipinakita ang simula ng kanilang pagsisisi. Sa lubos na kabaliktaran sa mga taga-Sodoma, hindi lamang sa hindi nilabanan ng mga taga-Ninive ang Diyos, malinaw din nilang ipinakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at mga pagkilos. At siyempre, hindi lamang ito para sa mga karaniwang mamamayan ng Ninive; maging ang kanilang hari ay hindi natatangi.
Ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehova
Nang marinig ng hari ng Ninive ang balitang ito, tumayo siya mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal, nagdamit ng sako at umupo sa abo. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag na wala kahit isa ang papayagang tumikim ng pagkain, at walang mga hayop, mga tupa at baka ang kakain o iinom ng tubig. Pareho na ang tao at ang hayop ay magdadamit ng sako; lahat ng mamamayan ay magmamakaawa sa Diyos. Ipinahayag din ng hari na bawat isa sa kanila ay tatalikod na sa kanilang masasamang gawain at tatalikdan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Sa paghatol sa sunod-sunod na mga gawaing ito, ipinakita ng hari ng Ninive ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Ang sunod-sunod na mga pagkilos na kanyang ginawa—pagtayo mula sa kanyang trono, paghubad sa kanyang balabal ng pagiging hari, pagdamit ng sako at pag-upo sa abo—ang nagpahayag sa mga tao na isinantabi ng hari ng Ninive ang kanyang kalagayan bilang hari at nagdamit ng sako kasama ang mga pangkaraniwang mamamayan. Masasabi natin na ang hari ng Ninive ay hindi nanatili sa kanyang pagiging hari para ipagpatuloy ang kanyang masamang gawa, o ang karahasan sa kanyang mga kamay matapos marinig ang balita mula sa Diyos na si Jehova; sa halip, isinantabi niya ang awtoridad na kanyang hawak at nagsisi sa harap ng Diyos na si Jehova. Sa pagkakataong ito, hindi nagsisisi ang hari ng Ninive bilang hari; humarap siya sa Diyos upang magkumpisal at magsisi sa kanyang mga kasalanan bilang isang pangkaraniwang nilalang ng Diyos. Bukod pa dito, sinabihan din niya ang buong lungsod na magkumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova tulad ng ginawa niya; dagdag pa dito, may tiyak siyang plano kung paano isasagawa ito, tulad ng makikita sa Kasulatan: “Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig: ... at magsidaing silang mainam sa Diyos: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kanyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.” Bilang tagapamahala ng lungsod, ang hari ng Ninive ay nagtataglay ng pinakamataas na kalagayan at kapangyarihan at makakaya niyang gawin ang anumang bagay na kanyang naisin. Nang matanggap ang pahayag ng Diyos na si Jehova, maaari naman niyang balewalain na lang ito o nangumpisal na lamang at nagsisi sa kanyang mga kasalanan nang nag-iisa; kung pipiliin ng mga tao sa lungsod ang magsisi o hindi, maaari naman niyang pabayaan na lamang nang lubusan ang bagay na ito. Ngunit hindi kailanman ito ginawa ng hari ng Ninive. Hindi lamang siya tumayo mula sa kanyang trono, nagdamit ng sako at naupo sa abo at nangumpisal at nagsisi sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova, inutusan din niya ang lahat ng mga tao at mga hayop sa buong lungsod na gayon din ang gawin. Inutusan pa niya ang mga tao na “buong taimtim na tumawag sa Diyos.” Sa pamamagitan ng mga sunod-sunod na gawaing ito, tunay na nagampanan ng hari ng Ninive kung paano maging tagapamahala; ang kanyang mga ginawa ay isang bagay na mahirap gawin ng sinumang hari sa kasaysayan, at isang bagay din na walang nakagawa. Ang mga gawaing ito ay maaaring tawagin na wala pang nakagagawa noon sa kasaysayan ng sangkatauhan; sila ay karapat-dapat na parehong alalahanin at tularan ng sangkatauhan. Simula sa pagsisimula ng tao, pinangunahan ng bawat hari ang kanyang mga nasasakupan na tanggihan at labanan ang Diyos. Wala kahit isa ang pinangunahan ang kanyang mga nasasakupan na magsumamo sa Diyos upang tubusin sila sa kanilang kasamaan, tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos na si Jehova at maiwasan ang nalalapit na kaparusahan. Subalit ang hari ng Ninive ay nakayang pangunahan ang kanyang mga nasasakupan na manumbalik sa Diyos, iwan na ang kanilang makasalanang mga gawa at layuan na ang karahasan sa kanilang mga kamay. Bukod pa dito, nagawa rin niyang iwanan ang kanyang trono, at bilang ganti, nagbago ang isip at nag-iba ang damdamin ng Diyos na si Jehova at binawi ang Kanyang galit, at hinayaan ang mga mamamayan ng lungsod na maligtas at malayo mula sa pagkawasak. Ang ginawa ng hari ay maaari lamang matawag na isang pambihirang himala sa kasaysayan ng tao; at maaari din silang matawag na isang modelo ng tiwaling sangkatauhan na mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos.
Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang makasalanang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayun din ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa kanilang pag-uugali, makikita natin na nauunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at nauunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga rason na ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala.
Sa sandaling nalaman ng mga taga-Ninive, mula sa kataas-taasang hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan, na nagagalit sa kanila ang Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanilang mga gagawin, ang kanilang buong asal, maging ang bawat pagpapasya at pagpili ay malinaw at lantad sa paningin ng Diyos. Nagbago ang puso ng Diyos ayon sa kanilang pag-uugali. Ano ang nasa isip ng Diyos ng mga sandaling iyon? Kayang sagutin ng Biblia ang tanong na iyan para sa iyo. Ayon sa nakatala sa Kasulatan: “At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila’y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.” Bagaman binago ng Diyos ang Kanyang isip, walang bagay na magulo tungkol sa kalagayan ng Kanyang kaisipan. Binago lamang Niya ang kalagayan mula sa paghahayag ng Kanyang galit tungo sa pagpapakalma ng Kanyang galit, at pagkatapos ay nagpasya na huwag nang dalhin ang malupit na kapahamakan sa lungsod ng Ninive. Ang dahilan kung bakit napagpasyahan ito ng Diyos—na iligtas ang mga taga-Ninive mula sa malupit na kapahamakan—nang napakabilis ay napagmasdan ng Diyos ang puso ng bawat tao sa Ninive. Nakita Niya ang kanilang itinatago mula sa kalaliman ng kanilang mga puso: ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang kanilang tapat na paniniwala sa Kanya, ang kanilang malalim na pakiramdam kung paano na ang kanilang kasamaan ay lubos na nagpagalit sa Kanyang disposisyon, at nagdulot ito ng takot sa nalalapit na kaparusahan ng Diyos na si Jehova. At gayun din naman, narinig rin ng Diyos na si Jehova ang mga panalangin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na taimtim na nakiusap na pigilin Niya ang Kanyang galit laban sa kanila upang makaiwas sila sa parating na kapahamakan. Nang mapansin ng Diyos ang lahat ng mga pangyayaring ito, unti-unting naglaho ang Kanyang galit. Kahit gaano kalaki ang Kanyang galit sa nakaraan, nang makita Niya ang tapat na pagsisisi sa kaibuturan ng mga puso ng mga taong ito, nabagbag nito ang Kanyang puso, kaya hindi Niya makayang dalhin ang kapahamakan sa kanila, at humupa na ang Kanyang galit sa kanila. Sa halip, patuloy Niyang ipinadama ang Kanyang awa at pagpapaubaya sa kanila at patuloy silang ginabayan at tinustusan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Marso 17, 2019

Kuwento sa Biblia | Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham

Kuwento sa Biblia | Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham


1. Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham
(Gen 17:15-17) At sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, huwag mo nang tatawagin ang kanyang pangalang Sarai, kundi Sara ang kanyang magiging pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya: oo, akin siyang pagpapalain, at magiging ina siya ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?
(Gen 17:21-22) “Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac, na iaanak sa iyo ni Sara, sa takdang panahon, sa darating na taon. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, nilisan ng Diyos si Abraham.”
2. Isinakripisyo ni Abraham si Isaac
(Gen 22:2-3) At kanyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. At maagang gumising si Abraham kinabukasan, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga batang lalaking alipin, at si Isaac na kanyang anak, at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
(Gen 22:9-10) At dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at ginapos si Isaac na kanyang anak, at inihiga sa dambana sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay, at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak.
Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos
Katatapos lamang ninyong marinig ang kuwento ni Abraham. Siya ay pinili ng Diyos pagkatapos wasakin ng baha ang mundo, ang kanyang pangalan ay Abraham, at nang siya ay isang daang taong gulang na, at ang kanyang asawang si Sara ay siyamnapu, ang pangako ng Diyos ay dumating sa kanya. Ano ang ipinangako ng Diyos sa kanya? Ang tinukoy sa Banal na Kasulatan ang ipinangako ng Diyos: “At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya.” Ano ang pinagbabatayan sa pangako ng Diyos na bigyan siya ng isang anak na lalaki? Ibinibigay ng Banal na Kasulatan ang sumusunod na pahayag: “Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?” Sa ibang salita, masyado nang matanda ang mag-asawang ito para magkaanak. At ano ang ginawa ni Abraham pagkatapos ipahayag ng Diyos ang Kanyang pangako sa kanya? Nagpatirapa si Abraham nang tumatawa, at nasabi sa kanyang sarili, “Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na?” Naniwala si Abraham na ito ay imposible—nangangahuluhang naniwala siyang ang pangako ng Diyos sa kanya ay walang iba kundi isang biro. Mula sa pananaw ng tao, ito ay hindi maaaring mangyari sa tao, at gayon din naman hindi magagawa ng Diyos at isang imposible para sa Diyos. Marahil, kay Abraham, ito ay katawa-tawa: Nilikha ng Diyos ang tao, gayon pa man hindi Niya alam na ang isang taong sobrang tanda na ay wala nang kakayahang magsilang ng mga anak; sa Kanyang palagay ay maaari Niya akong pahintulutang magkaanak, sinabi Niya na bibigyan Niya ako ng isang anak na lalaki—tiyak na imposible yan! At sa gayon, nagpatirapa si Abraham at tumawa, inisip niya: Imposible—Binibiro ako ng Diyos, hindi ito totoo! Hindi niya sineryoso ang mga salita ng Diyos. ... Nakita ba ng Diyos ang pagtawa at mumunting paghayag ni Abraham, alam ba Niya ang mga ito? Alam ng Diyos. Ngunit babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang napagpasiyahang gawin? Hindi! Kapag binalak at napagpasiyahan ng Diyos na pipiliin Niya ang taong ito, ang bagay ay natapos na. Kahit ang pag-iisip ng tao o ang kanyang pag-uugali ay ni hindi makaiimpluwensiya o makahahadlang ng kahit katiting sa Diyos; hindi basta babaguhin ng Diyos ang Kanyang plano, ni hindi rin Niya babaguhin o sisirain ang Kanyang plano dahil sa ugali ng tao, na maaaring isang kahangalan pa. Kung gayon, ano ang nasusulat sa Genesis 17:21-22? “Nguni’t ang Aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac, na iaanak sa iyo ni Sara, sa takdang panahon, sa darating na taon. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, nilisan ng Diyos si Abraham.” Hindi man lang nagtuon ni katiting na pansin ang Diyos sa inisip o sinabi ni Abraham. At ano ang dahilan ng Kanyang pagwawalang-bahala? Ito ay dahil, sa pagkakataong iyon, hindi hiningi ng Diyos sa tao na magkaroon ng malaking pananampalataya, o magkaroon siya ng malaking kaalaman tungkol sa Diyos, o, higit pa rito, na magawa niyang unawain kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos. Kaya, hindi niya hiningi sa taong iyon na unawain nang lubos kung ano ang napagpasiyahan Niyang gawin, o ang mga taong Kanyang tiyak na pinili, o ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos, dahil ang antas ng kakayahan ng tao ay sadyang kulang. Sa pagkakataong iyon, itinuring ng Diyos bilang normal ang anumang ginawa ni Abraham at kung paano ang kanyang naging asal. Hindi Niya isinumpa, o pinagalitan, bagkus ay nagsabi lang na: “Iaanak ni Sara si Isaac sa iyo, sa takdang panahon sa darating na taon.” Sa Diyos, pagkatapos Niyang ihayag ang mga salitang ito, ang bagay na ito ay naging totoo nang sunud-sunod; sa paningin ng Diyos, ang dapat maganap sa Kanyang plano ay nakamit na. At matapos ang pagkumpleto ng mga kaayusan para sa mga ito, ang Diyos ay umalis. Kung ano ang ginagawa o iniisip ng tao, kung ano ang nauunawaan ng tao, ang mga plano ng tao—wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga panahon at yugtong itinalaga ng Diyos. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi humahadlang sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, ngunit hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang gawain, dahil ang tao ay hindi naniniwala o nakauunawa. Ang mga katotohanan ay sa gayon naisasagawa nang ayon sa plano at pag-iisip ng Diyos. Ito ang tiyak na nakikita natin sa Biblia: Hinayaan ng Diyos si Isaac na ipanganak sa panahong itinakda Niya. Pinatutunayan ba ng mga katotohanan na ang asal at pag-uugali ng tao ay humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi humadlang ang mga ito sa gawain ng Diyos! Naapektuhan ba ang gawain ng Diyos ng maliit na pananampalataya ng tao sa Diyos, at ng kanyang mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa Diyos? Hindi, walang naging epekto ang mga ito! Ni kahit kaunti man! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, bagay, o kapaligiran ang plano sa pamamahala ng Diyos. Lahat ng Kanyang pinagpapasiyahang gawin ay makukumpleto na at matatapos sa oras at ayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao. Hindi binibigyang pansin ng Diyos ang ilang kahangalan at kamangmangan ng tao, at kahit ang ilan sa paglaban at pagkaintindi ng tao tungo sa Kanya ay hindi pinapansin; sa halip, ginagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin nang walang pag-aalangan. Ito ang disposisyon ng Diyos, at isang larawan ng Kanyang pagka-makapangyarihan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Agosto 29, 2018

Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos

Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos


Ang Diyos na nagkatawang tao ay Diyos na Makapangyarihan, 
nagpapalabas ng katotohanan tao’y dinadalisay at hinahatulan.
Ngayo’y nanaig ang Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas, 
nanlupig at nagkamit ng bayan.
Pinupuri namin ang Diyos, Marunong at Makapangyarihan, 
si Satanas ay talunan.
Purihin ang Diyos na may matuwid na kalooban, 
nabunyag nang lubusan.
Lahat ay purihin ang Diyos na Makapangyarihan, 
Diyos na kaibig-ibig at praktikal.
Pinupuri namin ang Diyos na mapagpakumbaba’t 
nakatago’t talagang kamahal-mahal.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan (Purihin ang Diyos)! 
Ang lahat ay purihin Ka (purihin Ka)!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!

Bawat bansa purihin ang Makapangyarihang Diyos;
lahat ng bansa at lahat ng bayan, 
purihin ang Makapangyarihang Diyos (lahat ay magpuri sa Diyos),
umaawit at sumasayaw upang purihin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang alon ng karagatan lahat ay pinupuri 
ang Makapangyarihang Diyos (lahat ay magpuri sa Diyos),
mga ibon sa kalangitan lahat ay pinupuri 
ang Makapangyarihang Diyos, 
buong sansinukob ay pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.
Bawa’t nilikha ay naparito upang magpuri
sa Makapangyarihang Diyos.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!
Lahat ng bansa at lahat ng bayan ay naparito upang purihin Ka!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan 
(purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan)!
Ang lahat ay purihin Ka (ang lahat ay purihin Ka)!
Lahat ng bansa at lahat ng bayan ay naparito upang purihin Ka!
Purihin Ka (purihin Ka)! Purihin ang Makapangyarihang Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit

Agosto 27, 2018

Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)

Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

Hunyo 9, 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan


     Ang Diyos ay nagkakatawang-tao para iligtas ang tao at, mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita bilang karaniwang tao. Ngunit alam mo ba ang mahalagang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. ... sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang

Oktubre 27, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

Tinutuya natin ang lahat ng laban sa Panginoong Jesus; sa katapusan, silang lahat ay pupuksain. Sino ang nagsabi sa kanila na huwag maniwalang Tagapagligtas ang Panginoong Jesus? Tiyak na may mga pagkakataong tayo ay natututo mula sa Panginoong Jesus at tayo ay mahabagin sa mundo, dahil hindi nila nauunawaan, at tayo ay nararapat na maging mapagparaya at mapagpatawad sa kanila. Ang lahat ng ating ginagawa ay alinsunod sa mga salita ng Biblia, dahil ang lahat ng hindi tumatalima sa Biblia ay maling pananampalataya, at isang masamang kulto. Ang mga ganoong paniniwala ay nakatanim nang malalim sa ating mga isipan. Ang ating Panginoon ay nasa Biblia, at kapag tayo ay hindi lalayo sa Biblia, tayo ay hindi rin malalayo sa Panginoon; kapag tayo ay sumunod sa mga alituntunin, tayo ay tiyak na maliligtas. Inuudyukan natin at inaalalayan ang bawat isa, at sa tuwing tayo ay magsasama-sama, inaasahan natin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay alinsunod sa kalooban ng Panginoon, at maaaring tanggapin ng Panginoon. Sa kabila ng malubhang hamon ng ating kapaligiran, ang ating mga puso ay puno ng kasiyahan. Kapag ating iniisip ang mga pagpapala na madaling makamit, mayroon pa ba tayong hindi kayang talikuran? Mayroon pa ba tayong hindi kayang gawin upang maging bahagi nito? Ang lahat ng ito ay tiyak, at ang lahat ng ito ay pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos. Tayo, isang dakot na mga nangangailangan na iniangat mula sa tambak ng dumi, ay walang pinagkaiba sa mga karaniwang tagasunod ng Panginoong Jesus: Tayo ay nangangarap ng pag-agaw sa alapaap, at pagiging-mapalad, at ng pamamahala sa mga bansa. Ang ating katiwalian ay nakalatag sa harap ng mga mata ng Diyos, at ang ating mga hangarin at kasakiman ay nahatulan sa mga mata ng Diyos. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay pangkaraniwang nangyari, napakamakatuwiran, at wala sa atin ang nagtaka kung ang ating pananabik ay nararapat, wala rin sa atin ang nagduda tungkol sa katiyakan ng lahat ng ating pinanghahawakan. Sino ang maaaring makaalam ng kalooban ng Diyos? Hindi natin alam kung paano maghanap, o magsiyasat, o kahit maging abala sa landas na tinatahak ng tao. Dahil ang tanging inaalala natin ay kung kasama tayo sa mga sasalubong sa Panginoon, kung tayo ba ay pagpapalain, kung mayroon bang lugar para sa atin sa kaharian sa langit, at kung tayo ba ay may bahagi ng tubig mula sa ilog ng buhay at ang bunga mula sa puno ng buhay. Hindi ba tayo naniniwala sa Panginoon, at hindi ba tayo mga tagasunod ng Panginoon, para lamang sa kapakanan ng mga bagay na ito? Pinatawad na ang ating mga kasalanan, tayo ang nagsisi, ininom natin ang mapait na saro ng alak, at ating inilagay ang krus sa ating likuran. Sino ang makapagsasabi na ang ating pagdurusa ay hindi tatanggapin ng Panginoon? Sino ang makapagsasabi na tayo ay hindi nakapaghanda ng sapat na langis? Hindi natin nais na maging katulad ng mga birheng mangmang, o isa sa mga tinalikdan. Higit pa rito, tayo ay madalas nananalangin, at hinihingi sa Panginoon na tulungan tayo upang hindi malinlang ng mga bulaang Cristo, dahil ang sabi sa Biblia ay “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Ating itinatak sa ating mga kaisipan ang mga bersikulo na ito ng Biblia, alam natin ang mga ito mula likod hanggang harap, at itinuturing natin itong mahalagang kayamanan, katulad ng buhay, at mga katibayan para sa ating pagkaligtas at pagsalubong sa Panginoon …

Sa loob ng libu-libong taon, ang mga nabubuhay ay namatay na, dala-dala ang kanilang mga inaasam at mga pangarap, at walang tunay na nakakaalam kung sila ay napunta sa kaharian ng langit. Ang mga patay ay nagbalik, at kanilang nakalimutan ang mga kwento na minsang nangyari, at patuloy pa ring sinusunod ang mga turo at mga landas ng mga ninuno. At sa paglipas ng mga taon at pagdaan ng mga araw, walang nakakaalam kung ang ating Panginoong Jesus, ang ating Diyos, ay talagang tinatanggap ang ating mga ginagawa. Tiningnan lamang natin ang kalalabasan at nagpapapalagay kung ano ang mga maaaring mangyari. Ngunit, pinanatili ng Diyos ang Kanyang katahimikan, at hindi nagpakita sa atin, o nakipag-usap sa atin. At dahil doon, namimihasa tayong hinahatulan ang kalooban at disposisyon ng Diyos alinsunod sa Biblia at ang mga katibayan. Tayo ay nasanay sa katahimikan ng Diyos; tayo ay nasanay sa pagsukat ng mga tama at mali sa ating pag-uugali gamit ang ating sariling paraan ng pag-iisip; tayo ay nasanay sa paggamit ng ating kaalaman, pagkakaintindi, at pamantayang moral upang palitan ang mga kahilingan ng Diyos sa atin; tayo ay nasanay sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos; tayo ay nasanay na ang Diyos ay nagbibigay ng tulong tuwing ito ay ating kailangan; tayo ay nasanay na inilalahad na lamang ang ating mga palad sa Diyos para sa lahat ng bagay, at inuutusan ang Diyos; tayo rin ay nasanay sa pagsunod sa mga doktrina, hindi binibigyang-pansin kung paano tayo pangunahan ng Banal na Espiritu; higit pa rito, tayo ay nasanay sa mga araw na ang ating sarili ang ating panginoon. Naniniwala tayo sa Diyos na ito, na hindi pa natin nakikita. Ang mga tanong katulad ng kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga pag-aari at pagiging Siya, ano ang Kanyang imahe, kung makikilala ba natin Siya kapag Siya ay dumating, at marami pang iba—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay Siya ay nasa ating mga puso, na Siya ay ating hinihintay, at maaari nating isipin kung ano Siya. Pinahahalagahan natin ang ating paniniwala, at pinagyayaman ang ating espirituwalidad. Itinuturing nating dumi, at tinatapakan ang lahat ng nasa paanan. Dahil tayo ang mga tagasunod ng maluwalhating Panginoon, gaano man katagal at nakakapagod ang paglalakbay, anumang paghihirap at panganib ang ating sapitin, walang makapagpapahinto sa ating mga yapak habang tayo ay sumusunod sa Panginoon. “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Diyos at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Diyos: at sila’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 22:1-5). Sa tuwing aawitin natin ang mga salitang ito, ang mga puso natin ay napupuno ng kagalakan at kasiyahan, at ang mga luha ay tumutulo mula sa ating mga mata. Salamat sa Panginoon sa pagpili sa atin, salamat sa Panginoon sa Kanyang biyaya. Tayo ay binigyan Niya ng makasandaang ulit ngayon, tayo ay binigyan Niya ng buhay na walang hanggan sa mundong darating, at kapag hiningi Niya ang ating mga buhay, ito ay ibibigay natin sa Kanya nang walang daing. Panginoon! Pakiusap na dumating Ka na! Huwag ka nang maantala ng isang minuto, dahil kami ay labis na naghahangad sa Iyo, at aming kinalimutan ang lahat para sa Iyo.

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya. Pinapanood Niya ang lahat ng ating mga kilos, lahat ng ating mga kaisipan at mga kuro-kuro ay nakalatag sa Kanyang harapan. Walang sinuman ang nagkakaroon ng hangarin sa Kanyang pag-iral, walang sinuman ang nakakaisip ng Kanyang tungkulin, at higit sa lahat, walang sinuman ang mayroong hinala kung sino Siya. Ipinagpapatuloy lamang natin ang ating mga gawain, na tila Siya ay walang kinalaman sa atin …

Kung sakali, ang Banal na Espiritu ay nagpahayag ng ilang salita “sa pamamagitan” Niya, at kahit na ito ay hindi inaasahan, kinikilala natin na ito ay mga pagbigkas ng Diyos, at ito ay bukas-palad nating tinatanggap mula sa Diyos. Iyon ay sa dahilang hindi alintana kung sino ang nagpapahayag ng mga salitang ito, hangga’t ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu nararapat natin itong tanggapin, at hindi maaaring tanggihan. Ang susunod na pagbigkas ay maaaring sa pamamagitan ko, maaaring sa pamamagitan mo, o maaaring sa pamamagitan Niya. Hindi alintana kung sino ito, ang lahat ay dahil sa biyaya ng Diyos. Ngunit kahit na sino pa man iyon, hindi nararapat na sila ay sambahin, anuman ang mangyari, hindi sila maaaring maging Diyos, hindi tayo maaaring humanap at mamili ng isang karaniwang tao na katulad nito upang maging ating Diyos. Ang ating Diyos ay napakadakila at kagalang-galang; paano Siya kakatawanin ng isang hamak lamang? Higit sa lahat, hinihintay nating lahat ang pagdating ng Diyos upang tayo ay dalhin Niyang muli sa kaharian ng langit, kaya papaanong ang isang hamak na tao ay maging angkop para sa napakahalaga at napakahirap na gawain? Kapag nagbalik nang muli ang Panginoon, ito dapat ay sa puting ulap, nakikita ng lahat. Napakaluwalhati nito! Paano Siyang tahimik na makapagtatago sa kalagitnaan ng mga karaniwang kalipunan ng mga tao?

Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. Tayo ay nagsisimulang magtaka kung talagang mahal tayo ng Diyos na nasa puso ng taong ito, at kung ano talaga ang Kanyang binabalak gawin. Marahil kailangan natin munang pagtiisan ang sakit na ito upang masalubong natin ang Panginoon? Sa ating mga isipan, ating tinutuos … tungkol sa hantungang parating, at tungkol sa ating hinaharap na kapalaran. Gayunman, wala sa atin ang naniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao at gumawang kasama natin. Kahit na nakasama natin Siya sa matagal na panahon, kahit na Siya ay nagsalita nang madalas sa ating harapan, ayaw pa rin nating loobing tanggapin ang isang karaniwang tao bilang Diyos ng ating hinaharap, hindi rin natin maipagkatiwala ang pamamahala ng ating hinaharap at kapalaran sa isang hamak na tao. Mula sa Kanya ay ating tinatamasa ang walang tigil na agos ng buhay na tubig, at salamat sa Kanya tayo ay nabubuhay kasama ng Diyos. Tayo ay nagpapasalamat lamang sa biyaya ng Panginoong Jesus sa langit, at hindi kailanman nagbigay-pansin sa nararamdaman ng karaniwang taong ito na nagtataglay ng pagka-Diyos. Patuloy Niya pa ring ginagawa ang Kanyang gawain habang mapagkumbabang nasa katawang-tao, ipinapahayag ang boses ng Kanyang puso, na tila walang kamalay-malay sa hindi pagtanggap sa Kanya ng sangkatauhan, wari’y walang katapusang nagpapatawad sa kamusmusan at kamangmangan ng tao, at walang hanggang nagpaparaya sa kalapastanganan ng tao sa Kanya.

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ngunit sa kabila nito, nananatili ang kayabangan sa ating mga puso, at ayaw pa ring nating loobing masigasig na tanggapin ang taong ito bilang ating Diyos. Kahit na binigyan Niya tayo ng maraming manna, na ating tinatamasa, wala sa mga ito ang makakaagaw sa lugar ng Diyos sa ating mga puso. Ating pinararangalan ang natatanging pagkakakilanlan at katayuan ng taong ito sa pamamagitan lamang ng malaking pag-aatubili. Kapag Siya ay hindi nagsalita upang Siya ay ating makilala bilang Diyos, hindi rin natin Siya tatanggapin bilang ang Diyos na malapit nang dumating ngunit nagsasagawa na nang matagal sa ating kalagitnaan.

Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.

Ang panlulupig ng Diyos sa atin ay parang paligsahan ng sining ng pakikipaglaban.
Ang bawat salita ng Diyos ay tumatama sa ating mortal na bahagi, at nililisan tayong malungkot at takot. Ibinubunyag Niya ang ating mga paniniwala, ibinubunyag ang ating mga guni-guni, at ibinubunyag ang ating tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa at naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, iniiwan tayong napahiya at nanginginig sa takot. Sinasabi Niya ang lahat ng ating mga ginagawa, ang ating mga layunin at mga balak, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, at nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad, at higit nating nararamdaman na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, tayo ay Kanyang pinarurusahan dahil sa ating kalapastanganan at paghusga sa Kanya, at ipinararamdam Niya na sa Kanyang mga mata tayo ay walang kabuluhan, at tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na gumawa ng anumang hindi makatuwirang pangangailangan at pagtatangka sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglaho sa magdamag. Ito ang katotohanan na hindi natin inakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa isang sandali, ang mga isip natin ay tumabingi at hindi natin alam kung papaano magpapatuloy sa daan na hinaharap, hindi alam kung papaano magpapatuloy sa ating paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay bumalik sa umpisa, at tila hindi pa natin nakikilala ang Panginoong Jesus. Naguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating naramdaman na parang tayo ay naitangay ng alon. Nasira ang ating loob, tayo ay nabigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinubukan nating magbulalas, sinubukang maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, tinangka natin na ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Jesus na Tagapagligtas, at ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong hindi man tayo mapagmayabang o mapagpakumbaba sa labas, sa ating mga puso tayo ay tinablan ng pakiramdam ng pagkawala na hindi tulad ng dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay tiwasay sa panlabas, sa loob tinitiis natin ang mga lumiligid na dagat ng pagdurusa. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay binaklas ang lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, iniwan tayong walang mga napakaluhong pagnanais, at ayaw loobing paniwalaan na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng malalim na agwat sa pagitan natin at Niya at walang sinuman ang nais tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking sagabal at ganoon kalaking kahihiyan. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pinayagan tayo na lubusang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at kawalang-pagpaparaya nito sa pagkakasala ng tao, paghahalintulad na kung saan tayo ay mababa at marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatalos sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o nasa kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa tiwaling disposisyon, at nagawang magnasa na tanggalin ang ganoong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kaniya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay ginawa tayong masayang sumusunod sa Kanyang salita, at hindi na kailanman susuway laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang tayo binigyan ng pagnanais na hanapin ang buhay, at ginawa tayong masaya na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Iniwan natin ang gawain ng panlulupig, lumabas mula sa impiyerno, lumabas mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

Tayo ay mga karaniwang kalipunan lang ng tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon ni Satanas, tayo ang mga itinalaga ng Diyos noon, at tayo ang mga nangangailangan na iniangat ng Diyos mula sa tambak ng dumi. Minsan na nating tinanggihan at hinusgahan ang Diyos, ngunit ngayon tayo ay Kanyang nalupig. Tayo ay nakatanggap ng buhay at nakatanggap ng daan ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos. Kahit saan man tayo sa lupa, sa kabila ng pag-uusig at kapighatian, hindi tayo maaaring hiwalay sa kaligtasan na mula sa Makapangyarihang Diyos. Dahil Siya ang ating Manlilikha, at ang ating tanging pagtubos!

Ang pag-ibig ng Diyos ay umaabot sa malayo katulad ng tubig sa batis, at ibinigay sa iyo, at sa akin, at sa kanya, at sa lahat ng tunay na naghahanap ng katotohanan at naghihintay sa Kanyang pagpapakita.

Katulad ng laging pagsunod ng buwan sa araw, ang gawa ng Diyos ay hindi matatapos, at matutupad sa iyo, sa akin, sa kanya, at sa lahat ng sumusunod sa yapak ng Diyos at tumatanggap sa Kanyang paghatol at pagkastigo.

Ipinahayag noong Marso 23, 2010

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)