Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Abril 21, 2019

Ang Maraming Di-Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job

Ang paghihirap na naranasan ni Job ay hindi gawain ng mga mensaherong ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito dahil sa kamay ng Diyos. Sa halip, ito ay dulot mismo ni Satanas, ang kaaway ng Diyos. Bilang resulta, malalim ang antas ng paghihirap na naranasan ni Job. Ngunit sa sandaling ito ipinakita ni Job, nang walang pagpipigil, ang kanyang araw-araw na kaalaman sa Diyos sa kanyang puso, ang mga prinsipyo ng kanyang araw-araw na mga gawain, at ang kanyang mga saloobin sa Diyos—at ito ang katotohanan. Kung si Job ay hindi natukso, kung ang Diyos ay hindi nagdala ng pagsubok kay Job, noong sinabi ni Job, “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” sasabihin mo na ipokrito si Job; binigyan siya ng Diyos ng maraming ari-arian, kaya siyempre binasbasan niya ang pangalan na Jehova. Kung, bago sumailalim sa mga pagsubok, sinabi ni Job na, “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” sasabihin mo na nagmamalaki si Job, at na hindi niya itatakwil ang pangalan ng Diyos dahil madalas siyang pinagpapala ng kamay ng Diyos. Kung nagdala ang Diyos ng sakuna sa kanya, siguradong itatakwil niya ang pangalan ng Diyos. Ngunit noong natagpuan ni Job ang sarili niya sa mga kalagayang walang nagnanais, o nagnanais na makakita, o nagnanais na makaranas, na kinatatakutan ng mga taong sapitin nila, mga kalagayan na hindi kayang pagmasdan kahit ng Diyos, nagawa pa rin ni Job na panghawakan ang kanyang katapatan: “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Nahaharap sa asal ni Job sa oras na ito, natatahimik ang mga nagsasabi ng matatayog na salita, at ang mga nagsasalita ng mga banal na sulat at ng mga aral. Ang mga pumupuri sa pangalan ng Diyos sa salita lang, ngunit hindi pa kailanman tinanggap ang mga pagsubok ng Diyos, ay hinatulan ng katapatan na pinanghawakan ni Job, at ang mga hindi kailanman naniwalang kayang manindigan ng tao sa daan ng Diyos ay hinatulan ng testimonya ni Job. Nahaharap sa pag-uugali ni Job sa panahon ng mga pagsubok at mga salita na kanyang winika, may mga malilito, may mga maiinggit, at may magdududa, at may iba na magmumukhang hindi interesado, hindi maniniwala sa testimonya ni Job dahil hindi lang nila nakikita ang paghihirap na naranasan ni Job sa panahon ng kanyang pagsubok, at nababasa ang mga salitang winika ni Job, nakikita rin nila ang “kahinaan” na ipinamalas ni Job nang dumating ang mga pagsubok sa kanya. Naniniwala sila na ang “kahinaan” na ito ay isang kasiraan sa pagiging perpekto ni Job, isang dungis sa isang tao na perpekto sa paningin ng Diyos. Ibig sabihin, pinaniniwalaang ang mga perpekto ay walang kamalian, walang dungis o mantsa, wala silang kahinaan o karanasan sa sakit, hindi sila kailanman nakakaramdam ng lungkot o lumbay, at wala silang galit o malubhang asal; bunga nito, maraming hindi naniniwalang tunay na perpekto si Job. Hindi sumasang-ayon ang mga tao sa kanyang asal sa panahon ng kanyang pagsubok. Halimbawa, noong mawala kay Job ang kanyang mga ari-arian at mga anak, hindi siya umiyak, gaya ng inaasahan ng mga tao. Dahil sa kanyang “paglabag sa kagandahang-asal” inisip ng mga tao na malamig ang kanyang puso, dahil hindi siya umiyak, o nagpakita ng pagmamahal para sa kanyang pamilya. Ito ang masamang impresyon na unang nakikita ng tao kay Job. Mas nakakagulo sa isip nila ang asal niya matapos nito: “Hinapak ang kanyang balabal” ay ipinaliwanag ng mga tao bilang kawalan niya ng galang sa Diyos, at ang “inahitan ang kaniyang ulo” ay pinaniniwalaang paglapastangan at pagsalungat niya sa Diyos. Bukod sa mga salita ni Job na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” hindi nakikita ng mga tao ang pagkamatuwid ni Job na pinupuri ng Diyos, at sa gayon ang pagsusuri ng marami sa kanila kay Job ay puro walang pang-unawa, walang pagkaka-intindi, may pag-aalinlangan, paghahatol, at pagsang-ayon sa teorya lamang. Wala sa kanila ang tunay na nakakaintindi at nakakapagpahalaga sa mga salita ng Diyos na Jehova na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama.
Batay sa kanilang mga impresyon kay Job sa itaas, mas lalong nagdududa ang mga tao sa pagkamatuwid ni Job, dahil ang mga galaw at asal ni Job na nakasaad sa banal na kasulatan ay hindi nakakaantig nang husto gaya ng inisip ng mga tao. Hindi lamang siya walang naisagawang mga dakilang gawa, kumuha pa siya ng isang basag na palayok upang ipangkalmot sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Dahil din sa gawaing ito kaya nagugulat ang mga tao at pinagdududahan nila—at itinatanggi—ang pagkamatuwid ni Job, dahil habang kinakalmot niya ang sarili niya, hindi nagdasal o nangako sa Diyos si Job; at higit pa rito, hindi rin siya nakitang umiyak sa sakit. Sa oras na ito, nakikita lamang ng mga tao ang kahinaan ni Job at wala nang iba, at kaya kahit na narinig nila si Job na nagsabing “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” talagang hindi sila matinag, o hindi mabago ang kanilang paniniwala, at hindi pa rin nila maintindihan ang pagkamatuwid ni Job sa kanyang mga salita. Ang pangunahing impresyon na ibinibigay ni Job sa mga tao sa panahon ng kanyang paghihirap ay hindi siya natatakot o mapagmataas. Hindi nakikita ng mga tao ang mga kuwento sa likod ng kanyang pag-uugali na galing sa kanyang puso, at hindi rin nila nakikita ang takot sa Diyos sa loob ng kanyang puso o ang pagsunod sa alituntuning pag-iwas sa kasamaan. Ang kanyang kahinahunan ang dahilan kung bakit iniisip ng mga tao na ang kanyang pagiging perpekto at matuwid ay mga salita lang, na ang kanyang takot sa Diyos ay sabi-sabi lang; samantala, ang “kahinaan” na ipinakita niya ay nag-iiwan ng malalim na impresyon sa kanila, nagbibigay sa kanila ng “bagong pananaw” at “bagong pag-unawa” sa taong inilarawan ng Diyos bilang perpekto at matuwid. Napatunayan ang ganitong “bagong pananaw” at “bagong pag-unawa” noong buksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang araw na ipinanganak siya.
Kahit hindi mailarawan at hindi kayang unawain ng sinumang tao ang antas ng paghihirap na pinagdaanan niya, hindi siya nagsabi ng mga salita ng maling pananampalataya, ngunit binawasan lang ang sakit na nararamdaman niya sa sarili niyang paraan. Gaya ng nakatala sa Banal na Kasulatan, sinabi niya: “Mapawi sana ang kaarawan ng kapanganakan ko, at ang gabi kung kailan sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi” (Job 3:3). Marahil, walang sinuman ang tumuring na mahalaga ang mga salitang ito, at marahil may mga taong nagbigay-pansin sa mga ito. Sa inyong paningin, ang ibig ba nilang sabihin ay sumalungat si Job sa Diyos? Mga reklamo ba ang mga ito laban sa Diyos? Alam kong marami sa inyo ang may ilang ideya tungkol sa mga salitang ito na sinabi ni Job at naniniwalang kung perpekto at matuwid si Job, hindi dapat siya nagpakita ng anumang kahinaan o pagdadalamhati, at sa halip ay hinarap ang anumang pagsubok mula kay Satanas sa positibong paraan, at ngumiti pa sa harap ng mga tukso ni Satanas. Hindi dapat siya nagpakita ng anumang reaksyon sa anumang paghihirap na idinulot ni Satanas sa katawan niya, at hindi siya dapat nagpakita ng kahit anong damdamin mula sa puso niya. Dapat nga hiniling pa niya sa Diyos na gawing mas malupit ang mga pagsubok na ito. Ito ang dapat na ipinapakita at tinataglay ng isang taong matibay at tunay na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sa gitna ng ganitong matinding paghihirap ng kalooban, isinumpa ni Job ang araw ng kanyang kapanganakan. Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos, at lalong hindi siya nagbalak na kalabanin ang Diyos. Mas madali itong sabihin kaysa gawin, dahil mula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon, wala pang sinuman ang nakaranas ng ganoong mga tukso o nagdusa gaya ng paghihirap na dumating kay Job. At bakit wala pang sinuman ang napasailalim sa tuksong katulad ng dumating kay Job? Dahil, ayon sa nakikita ng Diyos, walang sinuman ang may kakayahang magpasan ng ganitong pananagutan o tungkulin, walang makakagawa sa ginawa ni Job, at, higit pa rito, walang sinuman ang, bukod sa pagsumpa sa araw ng kanilang kapanganakan, ang may kakayahang hindi talikdan ang pangalan ng Diyos at patuloy na purihin ang pangalan ng Diyos na Jehova, kagaya ng ginawa ni Job noong dumanas siya ng paghihirap. Mayroon bang kayang gumawa nito? Kapag sinasabi natin ito tungkol kay Job, pinupuri ba natin ang kanyang pag-uugali? Siya ay isang lalaking matuwid, at kayang magpatotoo nang ganoon sa Diyos, at kayang palayasin si Satanas nang tangan ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay, kaya hindi na ito muling lumapit sa harap ng Diyos upang akusahan siya—kaya anong mali sa pagpupuri sa kanya? Mas mataas ba ang mga pamantayan ninyo kaysa sa Diyos? Magiging mas mahusay kaya kayo kaysa kay Job kapag dumating ang mga pagsubok sa inyo? Si Job ay pinuri ng Diyos—may pagtutol ba kayo dito?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento