Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na study bible. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na study bible. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 25, 2019

Ang Halagang Isinabuhay ni Job sa Kanyang Buong Buhay

Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok
(Job 42:7-9) At nangyari, na pagkatapos na masabi ni Jehova ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Jehova kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job. Kaya’t kumuha kayo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at pumaroon kayo sa aking lingkod na si Job, at ialay ninyo ang pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y aking tatanggapin, baka kayo’y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka’t hindi kayo nagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job. Sa gayo’y pumaroon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jehova: at nilingap ni Jehova si Job.
(Job 42:10) At inalis ni Jehova ang pagkabihag ni Job, nang kanyang idalangin ang kanyang mga kaibigan; at binigyan ni Jehova si Job na makalawa ang higit ng dami kaysa tinaglay niya ng dati.

Abril 24, 2019

Kuwento sa Biblia | Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job kay Satanas at ang Mga Layunin ng Gawain ng Diyos

Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay kinikilala na si Job ay perpekto at matuwid, at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, hindi nagbibigay ang pagkilalang ito sa kanila ng mas higit na pag-unawa sa layunin ng Diyos. Kasabay ng pagkainggit sa pagkatao at gawain ni Job, tinatanong nila ang mga sumusunod na katanungan sa Diyos: Si Job ay lubos na perpekto at matuwid, ang mga tao ay minamahal siyang lubos, kaya bakit siya ibinigay ng Diyos kay Satanas at isinailalim siya sa ganoong paghihirap? Ang ganitong mga tanong ay umiiral sa mga puso ng maraming tao—o kaya, ang pagdududang ito ang tanong na nasa puso ng maraming tao. Dahil nililito nito ang napakaraming tao, kailangan natin itong ilatag at ipaliwanag nang maayos.
Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil lahat ng ginagawa Niya sa tao ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at pagliligtas ng sangkatauhan. Natural, ang gawain na ginawa ng Diyos kay Job ay hindi naiiba, kahit na si Job ay perpekto at matuwid sa paningin ng Diyos. Sa madaling salita, kahit ano pa ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit ano pa ang halaga, o ang Kanyang layunin, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay upang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, mga kinakailangan ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa ibang salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pag-unawa sa puso ng Diyos at pag-intindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya upang sundin ang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at sa gayon ay nagbibigay-daan sa tao upang matamo ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—ang lahat ng ito ay isang aspeto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ang kabaligtaran at nagsisilbing gamit sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang ipakita sa mga tao ang mga kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng mga pagtukso at paglusob ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas at magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo.

Abril 21, 2019

Ang Maraming Di-Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job

Ang paghihirap na naranasan ni Job ay hindi gawain ng mga mensaherong ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito dahil sa kamay ng Diyos. Sa halip, ito ay dulot mismo ni Satanas, ang kaaway ng Diyos. Bilang resulta, malalim ang antas ng paghihirap na naranasan ni Job. Ngunit sa sandaling ito ipinakita ni Job, nang walang pagpipigil, ang kanyang araw-araw na kaalaman sa Diyos sa kanyang puso, ang mga prinsipyo ng kanyang araw-araw na mga gawain, at ang kanyang mga saloobin sa Diyos—at ito ang katotohanan. Kung si Job ay hindi natukso, kung ang Diyos ay hindi nagdala ng pagsubok kay Job, noong sinabi ni Job, “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” sasabihin mo na ipokrito si Job; binigyan siya ng Diyos ng maraming ari-arian, kaya siyempre binasbasan niya ang pangalan na Jehova. Kung, bago sumailalim sa mga pagsubok, sinabi ni Job na, “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” sasabihin mo na nagmamalaki si Job, at na hindi niya itatakwil ang pangalan ng Diyos dahil madalas siyang pinagpapala ng kamay ng Diyos. Kung nagdala ang Diyos ng sakuna sa kanya, siguradong itatakwil niya ang pangalan ng Diyos. Ngunit noong natagpuan ni Job ang sarili niya sa mga kalagayang walang nagnanais, o nagnanais na makakita, o nagnanais na makaranas, na kinatatakutan ng mga taong sapitin nila, mga kalagayan na hindi kayang pagmasdan kahit ng Diyos, nagawa pa rin ni Job na panghawakan ang kanyang katapatan: “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Nahaharap sa asal ni Job sa oras na ito, natatahimik ang mga nagsasabi ng matatayog na salita, at ang mga nagsasalita ng mga banal na sulat at ng mga aral. Ang mga pumupuri sa pangalan ng Diyos sa salita lang, ngunit hindi pa kailanman tinanggap ang mga pagsubok ng Diyos, ay hinatulan ng katapatan na pinanghawakan ni Job, at ang mga hindi kailanman naniwalang kayang manindigan ng tao sa daan ng Diyos ay hinatulan ng testimonya ni Job. Nahaharap sa pag-uugali ni Job sa panahon ng mga pagsubok at mga salita na kanyang winika, may mga malilito, may mga maiinggit, at may magdududa, at may iba na magmumukhang hindi interesado, hindi maniniwala sa testimonya ni Job dahil hindi lang nila nakikita ang paghihirap na naranasan ni Job sa panahon ng kanyang pagsubok, at nababasa ang mga salitang winika ni Job, nakikita rin nila ang “kahinaan” na ipinamalas ni Job nang dumating ang mga pagsubok sa kanya. Naniniwala sila na ang “kahinaan” na ito ay isang kasiraan sa pagiging perpekto ni Job, isang dungis sa isang tao na perpekto sa paningin ng Diyos.