Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Mayo 3, 2019

Nakikita ang Pagtustos ng Diyos sa Sangkatauhan Mula sa Pangunahing Kapaligirang Kinabubuhayan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Nakikita mo ba, mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng lima sa mga pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan sa sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran? Hanggang lubusan nang makumpleto ng Diyos ang kanyang planong pamamahala. Pagkatapos, babaguhin ng Diyos ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Maaari itong maging sa pamamagitan ng mga parehong pamamaraan, o maaari itong maging sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, ngunit ang talagang kailangang malaman ng tao ngayon ay ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, at pinamamahalaan ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan, at pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinapanatili ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Dahil sa nasabing kapaligiran kaya ang mga napiling tao ng Diyos ay may kakayanang mamuhay nang normal gaya nito at matanggap ang kaligtasan ng Diyos at pagkastigo at paghatol. Ang lahat ng mga bagay ay nagpapatuloy na umiral dahil sa pamumuno ng Diyos, habang ang buong sangkatauhan ay nagpapatuloy na sumulong dahil sa pagbibigay ng Diyos sa paraang ito.
Nakikita ang Pagtustos ng Diyos sa Sangkatauhan Mula sa Pangunahing Kapaligirang Kinabubuhayan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan
Ang bahagi bang ito na aking katatalakay lamang ay nagdala sa inyo ng anumang mga kaisipan? Nararamdaman na ba ninyo ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Kung sino ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Isa ba itong lalaki? (Hindi.) Kung gayon, alam ba ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano makitungo ang Diyos at ang mga tao sa lahat ng mga bagay? (Namumuno ang Diyos at nag-aayos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang tao ay nagpapakasaya sa mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo sa mga salitang iyon? (Oo.) Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng mga bagay at nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Ang Diyos na pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng lahat ng mga bagay habang ang Diyos ang nagbibigay ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng mga bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Tama? Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng mga bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Nakikitanang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay. Iyon ay, ang lahat ng mga bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng mga bagay? (Hindi.) Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado lamang. Hindi mo matatawag iyong “lahat ng mga bagay”—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang nakikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng mga bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Ano ang mga prinsipyo nito, ano ang mga disenyo nito, at ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit kapag patuloy na magsaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng mga bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutunan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng katotohanan at pagsumpong sa Diyos, at tumingin sa Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa ng Diyos at karunungan ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng mga bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay. Lahat ng mga bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagbibigay ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong katotohanan upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng mga bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin o hahatulan pa ng Diyos, ni humingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno ng Diyos at pamamahala ng lahat ng mga bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga kilos ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento