Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Nakikita mo ba, mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng lima sa mga pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan sa sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran?