Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 3, 2019

Nakikita ang Pagtustos ng Diyos sa Sangkatauhan Mula sa Pangunahing Kapaligirang Kinabubuhayan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Nakikita mo ba, mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng lima sa mga pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan sa sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran?

Abril 29, 2019

Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay

(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
(Lu 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.

Abril 27, 2019

Ang Gawain at mga Salita ng Panginoong Jesus | Ang Sermon sa Bundok Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus Ang mga Utos

1. Ang Sermon sa Bundok
1) Ang Mga Kapahayagan (Mat 5:3-12)
2) Asin at ang Ilaw (Mat 5:13-16)
3) Kautusan (Mat 5:17-20)
4) Galit (Mat 5:21-26)
5) Pangangalunya (Mat 5:27-30)
6) Diborsiyo (Mat 5:31-32)
7) Mga Pangako (Mat 5:33-37)
8) Mata sa Mata (Mat 5:38-42)
9) Mahalin Mo ang Iyong mga Kaaway (Mat 5:43-48)
10) Ang Tagubilin Tungkol sa Pag-aabuloy (Mat 6:1-4)
11) Panalangin (Mat 6:5-8)
2. Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus
1) Ang Talinghaga Ukol sa Manghahasik (Mat 13:1-9)
2) Ang Talinghaga Ukol sa mga Panirang Damo (Mat 13:24-30)
3) Ang Talinghaga Ukol sa Binhi ng Mustasa (Mat 13:31-32)
4) Ang Talinghaga Ukol sa Lebadura (Mat 13:33)
5) Ang Talinghaga Ukol sa Mga Panirang Damo Ipinaliwanag (Mat 13:36-43)
6) Ang Talinghaga Ukol sa Kayamanan (Mat 13:44)
7) Ang Talinghaga Ukol sa Perlas (Mat 13:45-46)
8) Ang Talinghaga Ukol sa Lambat (Mat 13:47-50)

Agosto 22, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.


Agosto 21, 2018

Kristianong video | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"


Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Sinabi ng Diyos na Jehova, "walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, sa makatuwid baga'y ako, ni Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas" (Isaias 43:10-11). Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos na nagkatawang-tao ang pangalang Jesus. Ang Diyos ay hindi nagbabago, kaya paanong magbabago ang Kanyang pangalan? Dagdag pa rito, nagpropesiya ang Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw, kaya tungkol saan ang lahat ng ito? Maraming tao ang hindi nakauunawa dito, ngunit ilalantad sa inyo ng maikling video na ito ang katotohanan.

Agosto 18, 2018

Kristianong Awitin | "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.

Agosto 9, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.

Agosto 1, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

Hunyo 23, 2018

Pag-bigkas ng Diyos|Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan


∈∋∈∋∈∋🌟∈∋∈∋∈∋🌟∈∋∈∋∈∋🌟∈∋∈∋∈∋

     Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

Hunyo 10, 2018

"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (4) - Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?


      
  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan


Hunyo 8, 2018

Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"



    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao. Ngunit dahil hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, itinuturing natin ang Diyos na nagkatawang-tao tulad sa isang karaniwang tao, hindi natin makilala ang tinig ng Diyos at mas kaunti ang alam natin kung paano sasalubungin ang Panginoon—sa punto na nagagawa nating sundin ang relihiyosong daigdig at nangingibabaw na mga kapangyarihan upang kalabanin at ikondena ang Diyos—ang sitwasyon ay hindi naiba noong nagkatawang-tao ang diyos bilang ang Panginoon Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon, lumilitaw na ang pag-unawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay mahalaga sa ating pagkakilala sa Diyos. Kaya ano nga ba talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Hunyo 5, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos


I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.
II
Nabubuhay Siyang kasama ng tao, dinaranas ang hirap,
at hinahandog Kanyang salita.
Tanging nahihipo ng tao'y katawang-tao ng Diyos.
Sa Kanya'y natatanggap ng tao ang kaligtasan at
nauunawaan lahat ng salita't katotohanan.
Ikalawang pagkakatawang-tao'y sapat upang dalisayin ang tao,
kaya nakukumpleto lahat ng gawai't
kahulugan ng Kanyang pagkakatawang-tao.
Matatapos na gawain Niya sa katawang-tao,
di na magkakatawang-tao.
Pagkatapos ng katawang-taong ito,
gawain Niya sa katawang-tao at pagliligtas ay hihinto.
'Pagka't hinati na Niya ang tao
at nakamit Kanyang mga hinirang.
Ililigtas ng ikalawang pagkakatawang-tao mga pinatawad.
Mababago na ang mga disposisyon at sila'y magiging malinis.
Malaya na kay Satanas, babalik na sa trono ng Diyos.
Ito ang tanging paraan upang ganap na mapabanal.

mula sa ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos





Hunyo 3, 2018

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. ...At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw."

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Hunyo 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

     Ngayon ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, ni ang kapanahunan ng awa, kundi ang Kapanahunan ng Kaharian kung saan ang mga tao ng Diyos ay ibinubunyag, ang kapanahunan kung saan ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang tuwiran sa pamamagitan ng pagkaDiyos. Sa gayon, sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos, inaakay ng Diyos ang lahat ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang mga salita patungo sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa pambungad na talata, ginagawa Niya ang mga paghahandang ito nang pauna, at kung tinataglay ng isa ang kaalaman ng mga salita ng Diyos, susundan nila ang baging upang makuha ang melon, at tuwirang matatarok kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa Kanyang bayan. Dati, ang mga tao ay sinubok sa pamamagitan ng titulong “taga-serbisyo,” at ngayon, pagkatapos na sila ay naparaan sa pagsubok, ang kanilang pagsasanay ay opisyal na nagsisimula. Karagdagan pa, ang mga tao ay dapat na magkaroon ng higit na malaking kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos batay sa pundasyon ng mga salita ng nakaraan, at dapat na tumingin sa mga salita at sa persona, at sa Espiritu at sa persona, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan—bilang isang bibig, isang puso, isang pagkilos, at isang pinagmumulan. Ang kailangang ito ang pinakamataas na kailangan na ginawa ng Diyos sa tao simula sa paglikha. Mula rito ay nakikita na inaasam ng Diyos na gugulin ang bahagi ng Kanyang mga pagsisikap sa Kanyang bayan, na inaasam Niyang magpakita ng ilang mga tanda at himala sa kanila, at, higit na mahalaga, na inaasam Niyang mapasunod ang lahat ng mga tao sa kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos. Sa isang bahagi, itinataas ng Diyos Mismo ang Kanyang patotoo, at sa isa, nakágáwâ Siya ng mga kailangan sa Kanyang mga tao, at tuwirang inilabas ang mga utos ng Diyos sa pangangasiwa sa mga masa: Sa gayon, “Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay.” Dito, upang hadlangan ang mga tao mula sa pagwawalang-bahala sa Diyos na nagkatawang-tao, minsan pa ay may pagdidiin sa “sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay”; dahil ang gayong pagpapabaya ay pagkabigo ng tao, ito ay minsan pang nakatala sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Sunod, ipinababatid ng Diyos sa mga tao ang mga kalalabasan ng pagsuway sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, nang walang itinatagong anuman, sa pamamagitan ng pagsasabing, “sila ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Dahil ang tao ay mahina, pagkatapos marinig ang mga salitang ito wala siyang magawa kundi maging higit pang maingat sa Diyos sa kanyang puso, sapagka’t ang “mapait na karanasan” ay sapat upang ang mga tao ay saglit na magbulay. Ang mga tao ay maraming mga pakahulugan sa “mapait na karanasang” ito na sinasabi ng Diyos: mahatulan ng mga salita o mapaalis mula sa kaharian, o maihiwalay sa ilang panahon, o ang laman ng isa ay magawang tiwali ni Satanas at maangkin ng masasamang mga espiritu, o mabigo ng Espiritu ng Diyos, o ang laman ng isa ay matapos at maitapon sa Hades. Ang mga pakahulugang ito ay kung ano ang mararating ng mga utak ng mga tao, kaya’t sa kanilang guni-guni, hindi kaya ng mga taong lampasan ang mga iyon. Nguni’t ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi gaya niyaong sa tao; ibig sabihin niyan, ang “mapait na karanasan” ay hindi tumutukoy sa alinman sa nasa itaas, kundi sa lawak ng pagkakilala ng mga tao sa Diyos pagkatapos tanggapin ang pakikitungo ng Diyos. Para sabihin ito nang maliwanag, kapag ang isang tao ay sadyang pinaghihiwalay ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang mga salita, o pinaghihiwalay ang mga salita at ang persona, o ang Espiritu at ang katawang-tao na idinaramit Niya sa Kanyang Sarili, ang taong ito ay hindi lamang walang kakayanang makilala ang Diyos sa mga salita ng Diyos, kundi may kaunti ring paghihinala sa Diyos—kung saan matapos ito ay nabubulag sila sa bawa’t pagbaling. Hindi ito gaya ng naguguni-guni ng mga tao na sila ay tuwirang inihiwalay; sa halip, unti-unti silang bumabagsak sa pagkastigo ng Diyos—na ang ibig sabihin, sila ay bumababa sa matitinding mga sakúnâ, at walang sinumang magiging tugma sa kanila, na para bang naangkin sila ng masasamang espiritu, at para bang sila’y isang langaw na walang ulo, dumadapo sa mga bagay-bagay saan man sila pumunta. Sa kabila nito, hindi pa rin sila makaalis. Sa kanilang mga puso, ang mga bagay-bagay ay di-mailarawan sa hirap, na parang may di-masabing pagdurusa sa kanilang mga puso—gayunman hindi nila maibuka ang kanilang mga bibig, at ginugugol nila ang buong araw na tulalâ, hindi madama ang Diyos. Sa ilalim ng mga kalagayang ito na ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos ay nagbabanta sa kanila, kaya hindi sila nangangahas na umalis sa iglesia sa kabila ng kawalan ng kasiyahan—ito ang tinatawag na “panloob at panlabas na pagsalakay,” at lubhang napakahirap para sa mga tao na tiisin. Ang nasábi rito ay iba sa mga pagkaintindi ng mga tao—at iyan ay dahil, sa ilalim ng mga kalagayang yaon, alam pa rin nilang hanapin ang Diyos, at nangyayari ito kapag tinatalikuran sila ng Diyos, at ang higit na mahalaga ay yaong, gaya lamang sa isang hindi-mananampalataya, lubos na hindi nila kayang madama ang Diyos. Hindi inililigtas nang tuwiran ng Diyos ang ganoong mga tao; kapag ang kanilang mapait na karanasan ay naubos na, iyan ang sandali na ang kanilang huling araw ay nakarating. Nguni’t sa sandaling ito, hinahanap pa rin nila ang kalooban ng Diyos, nag-aasam na masiyahan kahit sa kaunting sandali pa—nguni’t ang sandaling ito ay iba sa nakaraan, malibang mayroong mga namumukod na kalagayan.

Mayo 25, 2018

"Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (6)



Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan


Abril 22, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Ang tinig ng DiyosAng mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

  
     Kayo ay sinabihan na ihanda ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hindi alintana kung ano ang inayos para sa inyo, ang lahat ay binalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—ang mga ito ay walang silbi. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katotohanan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kamalian? Maraming kamalian ang makikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang magkamit ng mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang mag-isip o magkamit sa ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong sumunod sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isabuhay. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat sumunod sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sundin ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang isagawa. Hayaan ninyong gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay wala ngunit isang kailangang gawin ng tao, at dapat sundin dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi ngayon ang Kapanahunan ng kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong lugar at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang himig at mga hangad ng pananalita ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anong nagpapahayag ng pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sundin ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sundin ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanilang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sundin ang tao. Ang mga tuntunin sa nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na kasanayan para isagawa ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nila isinasama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kailangang isagawa ng tao.

Marso 29, 2018

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

        
     Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng unang yugto ng gawain sa Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain kung saan pinangunahan ni Jehova ang Kanyang bayan. Ang ikalawang yugto ay nagpasimula sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasinayaan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, na dumating upang pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa’t ang pagtubos ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga naisakatuparan ay may dalawa ring bahagi: ang pagbubukas ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong ito, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Marso 26, 2018

Cristianong Papuring Kanta | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKanta ng Papuri (Tagalog) | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!

Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Mga kapatid, halina’t purihin ang Diyos;
ito’y tungkulin nating purihin Siya nang buong puso.
Yaong mga nagpupuri sa Kanya’y tatanggap ng Kanyang mga biyaya,
Kung saa’y di maipagpapalit lahat ng yaman sa lupa.
Mapalad tayo na mapalaki sa harap ng Diyos;
Ito ay biyaya ng Diyos at lubos na pagmamahal.
Walang haring higit na pinagpala kaysa s’atin,
hindi natin dapat tingnang aba ang ating sarili.
Maghandog ng tapat na puso sa Diyos,
lahat ng nilalang ay magpuri sa Kanya ng lubos.
Ngayo’y nananahan tayo sa kahariang,
itinaas ng Diyos upang maging Kanyang bayan.
Sa Makapangyarihang Diyos ang lahat ng kaluwalhatian;
iyong mga may puso ng pag-ibig sa Diyos ay lumapit at purihin Siya.
Sa Makapangyarihang Diyos ang lahat ng kaluwalhatian;
iyong mga may puso ng pag-ibig sa Diyos ay lumapit at purihin Siya.
Iyong mga may puso ng pag-ibig sa Diyos ay lumapit at purihin Siya,
purihin Siya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Salamat Makapangyarihang Diyos!

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Marso 18, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


    Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperadong pinananabikan ang biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo nang di-matuwid, nagsusuot ng mga damit nang di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Marso 16, 2018

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos


I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
II
Nais kong tamasahin ang Iyong salita sa lahat ng araw.
Tumitingala ako sa'Yo, Diyos ko, para sa liwanag sa bawat paraan.
Dinidiliga't kinakandili Mo sa pag-ibig ang 'Yong bayan.
Sa sulsol ng diablo'y inilalayo Mo kami.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
III
Mga kapatid! Tayo'y bumango't magpuri!
Mahalin ang sandaling itong ating pinagsamahan.
Nakaalpas na sa tanikalang pasan ng laman,
ipakita natin sa gawa ang pag-ibig sa Diyos,
tupdin ang ating tungkulin nang buong puso't lakas.
Iniibig Ka namin, Diyos na Makapangyarihan! Kailanma'y di Ka namin iiwan!
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa 'Yo.
IV
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
Sapagka't kami'y Iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.