Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong naniniwala sa Diyos. Dalawa ang mga ito: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga taong pinili ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “mga taong pinili ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang “mga taong pinili ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito?
Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga tagapaglingkod—buweno, umalis muna tayo mula sa katalagahan ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng “tagapaglingkod” ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala. Karamihan sa kanila ay pinili mula sa mga taong hindi sumasampalataya. Sila ay dumarating sa lupa kapag iniutos na gagampanan nila ang papel ng mga tagapaglingkod sa gawain ng Diyos. Maaaring sila ay naging hayop sa nakaraan nilang buhay, ngunit maari rin namang isa sa mga taong hindi sumasampalataya. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod.
Magbalik tayo sa mga taong pinili ng Diyos. Kapag sila ay namatay, ang mga taong pinili ng Diyos ay nagpupunta sa isang lugar na lubos na kaiba mula sa mga taong hindi sumasampalataya at iba’t ibang taong sumasampalataya. Ito ay isang lugar kung saan ay sinasamahan sila ng mga anghel at mga sugo ng Diyos, at yaong kung saan ay personal na pinangangasiwaan ng Diyos. Bagaman, sa lugar na ito, ang mga taong pinili ng Diyos ay hindi nagagawang makita sa kanilang sariling mga mata ang Diyos, hindi ito kagaya ng anumang lugar sa espirituwal na kaharian; ito ay isang lugar kung saan ang bahaging ito ng mga tao ay magpupunta pagkatapos nilang mamatay. Kapag sila ay namatay, sila rin ay isasailalim sa isang mahigpit na pagsisiyasat ng mga sugo ng Diyos. At ano ang sinisiyasat? Sinisiyasat ng mga sugo ng Diyos ang mga landas na tinahak ng mga taong ito sa kabuuan ng kanilang buhay sa kanilang pananampalataya sa Diyos, totoo man o hindi, sa panahong iyon, kailanman ay sinalungat ang Diyos, o sinumpa Siya, at nakagawa man sila o hindi ng mga mabibigat na kasalanan o kasamaan. Sinasagot ng pagsisiyasat na ito ang tanong kung ang tao ay aalis o mananatili. Ano ang tinutukoy ng “aalis”? At ano ang tinutukoy ng “mananatili”? Ang “aalis” ay tumutukoy sa kung, batay sa kanilang asal, sila ay mananatili sa mga antas ng mga pinili ng Diyos. Ang “mananatili” ay nangangahulugang mananatili sila sa gitna ng mga tao na ginawang ganap ng Diyos sa mga huling araw. Para sa yaong mga mananatili, mayroong natatanging pagsasaayos ang Diyos. Sa bawat panahon ng Kanyang gawain, isusugo ng Diyos ang gayong mga tao upang gumanap bilang mga apostol o upang isagawa ang gawain muling buhayin ang mga simbahan, o pagsilbihan sila. Ngunit ang mga tao na may kakayahang gumawa ng gayong gawain ay hindi madalas na muling nagkakatawang-tao kumpara sa mga taong hindi sumasampalataya, na isinisilang muli nang paulit-ulit; sa halip, sila ay ibinabalik sa lupa alinsunod sa mga pangangailangan at mga hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi yaong mga madalas muling magkatawang-tao. Kaya mayroon bang ibang mga patakaran kapag sila ay muling nagkatawang-tao? Dumarating ba sila minsan sa loob ng ilang taon? Dumarating ba sila nang ganoon kadalas? Hindi sila. Ano ang batayan nito? Ito ay nakabatay sa gawain ng Diyos, sa mga hakbang ng Kanyang gawain, at ang Kanyang mga pangangailangan, at walang mga panuntunan. Ano ang kaisa-isang patakaran? Ito ay ang kapag ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain sa huling mga araw, ang mga taong pinili na ito ay darating lahat sa gitna ng tao. Kapag silang lahat ay dumating, ito ang magiging huling pagkakataon na sila ay muling magkakatawang-tao. At bakit nagkaganoon? Ito ay batay sa kalalabasan ng kailangang makamit sa panahon ng huling yugto ng gawain ng Diyos—dahil sa panahon ng huling yugto ng gawaing ito ng Diyos, gagawin ng Diyos ang mga taong pinili na ito na lubos na ganap. Ano ang ibig sabihin nito? Kung, sa panahon ng kahuli-hulihang bahagi na ito, ang mga taong ito ay ginawang ganap, at ginawang perpekto, kung gayon ay hindi sila muling magkakatawang-tao gaya ng dati; ang proseso ng pagiging tao ay darating sa isang kumpletong katapusan, at gayundin ang proseso ng muling pagkakatawang-tao. Ito ay may kinalaman sa kanilang mga mananatili. Kaya saan mapupunta yaong mga hindi makapananatili? Yaong mga hindi makapananatili ay may isang angkop na lugar na pupuntahan. Una—kagaya ng sa iba—bilang resulta ng kanilang kasamaan, ang mga pagkakamali na kanilang ginawa, at ang mga kasalanan na kanilang ginawa, sila ay parurusahan din. Pagkatapos silang maparusahan, sila ay ipadadala ng Diyos sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya; na angkop sa mga pangyayari, isasaayos Niya para sa kanila na mapabilang sa mga taong hindi sumasampalataya, o kung hindi sa gitna ng mga iba't ibang tao na sumasampalataya. Na ang ibig sabihin, sila ay mayroong dalawang pagpipilian: Ang isa malamang ay mamuhay sa gitna ng mga tao ng isang naturang relihiyon kasunod ng parusa, at ang isa pa ay malamang maging isang tao na hindi sumasampalataya. Kung sila ay maging isang tao na hindi sumasampalatataya, kung gayon ay mawawala nila ang lahat ng pagkakataon. Samantalang kung sila ay magiging isang tao na may pananampalataya—kung, halimbawa, sila ay magiging isang Kristiyano—mayroon pa silang pagkakataon na makabalik sa gitna ng mga antas ng mga taong pinili ng Diyos; mayroong napakaraming masalimuot na mga kaugnayan dito. Sa madaling sabi, kung ang isa sa mga taong pinili ng Diyos ay nakagawa ng isang bagay na nanakit sa Diyos, sila ay parurusahan kagaya ng lahat. Si Pablo, halimbawa, na siyang pinag-usapan natin noong nakaraan. Si Pablo ay isang halimbawa ng mga pinarusahan. Nakakakuha na ba kayo ng ideya tungkol sa aking sinasabi? Ang saklaw ba ng mga taong pinili ng Diyos ay permanente? (Karamihan.) Karamihan nito ay permanente, ngunit ang isang maliit na bahagi nito ay hindi permanente. Bakit ganoon? Sapagkat sila ay nakagawa ng kasamaan. Dito, tinukoy ko ang pinakamalinaw na halimbawa: paggawa ng masama. Kapag sila ay nakagawa ng kasamaan, hindi sila gusto ng Diyos, at kung hindi sila gusto ng Diyos, itinatapon Niya ang mga ito sa gitna ng iba’t ibang lahi at uri ng mga tao, na mag-iiwan sa kanila sa kawalang pag-asa, at magiging mahirap para sa kanila na bumalik. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong pinili ng Diyos.
Ang susunod ay ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga tagapaglingkod. Katatalakay pa lamang natin sa mga tagapaglingkod; ano ang kanilang mga pinagmulan? (Ang ilan ay mga taong hindi sumasampalataya, ang ilan ay mga hayop.) Ang mga tagapaglingkod na ito ay muling nagkatawang-tao mula sa mga taong hindi sumasampalataya at mga hayop. Sa pagdating ng huling yugto ng gawain, ang Diyos ay pumili mula sa mga taong hindi sumasampalataya ng isang grupo ng gayong mga tao, at ito ay isang grupo na natatangi. Ang layunin ng Diyos sa pagpili ng gayong mga tao ay para maglingkod sila sa Kanyang gawain. Ang “paglilingkod” ay isang salita na hindi gaanong magandang pakinggan, ni ito ay isang bagay na ang sinuman ay maaaring ilaan, ngunit kailangan tingnan natin kung para kanino ito inilalaan. Mayroong natatanging kahalagahan sa pag-iral ng mga tagapaglingkod ng Diyos. Walang iba pa ang maaaring gumanap sa kanilang papel, sapagkat sila ay pinili ng Diyos, at dito nakasalalay ang kahalagahan ng kanilang pag-iral. At ano ang papel nitong mga tagapaglingkod? Upang maglingkod sa mga taong pinili ng Diyos. Sa pangunahin, ang kanilang papel ay upang maglingkod sa gawain ng Diyos, upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at upang makipagtulungan sa pagbuo ng Diyos sa Kanyang piniling mga tao. Hindi alintana kung sila ay nagtratrabaho, tumutupad ng ilang gampanin, o nagsasagawa ng naturang mga tungkulin, ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga taong ito? Siya ay masyadong mapaghanap sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila? (Hinihingi Niya na sila ay maging tapat.) Ang mga tagapaglingkod ay kailangan ding maging tapat. Maging anuman ang iyong mga pinagmulan, o bakit pinili ka ng Diyos, ikaw ay dapat na maging tapat: Dapat kang maging tapat sa Diyos, sa anumang mga inutos sa iyo ng Diyos, gayundin sa gawain na iyong pinananagutan at sa tungkulin na iyong isinasagawa. Kung ang mga tagapaglingkod ay mayroong kakayahang maging tapat, at palugurin ang Diyos, kung gayon ano ang kanilang magiging katapusan? Magagawa nilang manatili. Isa bang pagpapala ang maging isang tagapaglingkod na nananatili? Ano ang kahulugan ng manatili? Ano ang ibig sabihin ng pagpapalang ito? Sa kalagayan, parang hindi sila kagaya ng mga taong pinili ng Diyos, para silang kakaiba. Sa katunayan, gayunman, ang tinatamasa ba nila sa buhay na ito ay hindi kagaya ng sa mga taong pinili ng Diyos? Kahit man lamang, sa buhay na ito ay parehas lamang. Hindi ninyo itatanggi ito, oo? Ang mga pagbigkas ng Diyos, ang mga biyaya ng Diyos, ang paglalaan ng Diyos, ang mga pagpapala ng Diyos—sino ang hindi masisiyahan sa mga bagay na ito? Ang bawat isa ay masisiyahan sa gayong kasaganaan. Ang pagkakakilanlan sa isang tagapaglingkod ay tagapaglingkod, ngunit sa Diyos, sila ay isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha Niya—basta ang kanilang papel ay gaya ng sa tagapaglingkod. Kaya ano ang iyong masasabi, bilang isa sa mga nilalang ng Diyos, may pagkakaiba ba sa pagitan ng isang tagapaglingkod at sa mga taong pinili ng Diyos? Sa totoo lang, walang pagkakaiba. Kung sa pangalan ang pag-uusapan, mayroong pagkakaiba, mayroong pagkakaiba sa diwa, kung ang pag-uusapan ay sa papel na kanilang ginagampanan mayroong pagkakaiba, ngunit ang Diyos ay hindi nagtatangi laban sa mga taong ito. Kaya bakit itinuturing ang taong ito bilang mga tagapaglingkod? Kailangan ninyong maintindihan ito. Ang mga tagapaglingkod ay nagmula sa mga hindi sumasampalataya. Ang pagbanggit sa mga taong hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa atin na ang kanilang nakaraan ay masama: Lahat sila ay mga ateista, sa kanilang nakaraan sila ay mga ateista, hindi sila naniniwala sa Diyos, at kinapopootan nila ang Diyos, ang katotohanan, at mga positibong bagay. Hindi sila naniniwala sa Diyos at hindi sila naniniwala na mayroong isang Diyos, kaya may kakayahan ba silang maintindihan ang mga salita ng Diyos? Makatarungang sabihin na, sa kalakihang bahagi, wala silang kakayahan. Kagaya lamang ng mga hayop na walang kakayahang maintindihan ang mga salita ng tao, hindi naiintindihan ng mga tagapaglingkod kung ano ang sinasabi ng Diyos, kung ano ang kinakailangan Niya, bakit Siya gumagawa ng gayong mga pangangailangan—ang mga bagay na ito ay mahirap ipaunawa sa kanila, nananatili silang hindi naliwanagan. At sa kadahilanang ito, ang mga taong ito ay hindi nagtataglay ng buhay na ating pinag-uusapan. Kung walang buhay, maiintindihan kaya ng mga tao ang katotohanan? Nagtataglay ba sila ng katotohanan? Nagtataglay ba sila ng karanasan at kaalaman ng mga salita ng Diyos? Tiyak na hindi. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod. Ngunit yamang ginawa ng Diyos na mga tagapaglingkod ang mga taong ito, nananatiling mayroong mga pamantayan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila; sila ay hindi Niya minamaliit, at hindi Siya mababaw sa kanila. Bagamat hindi nila naiintindihan ang Kanyang mga salita, at mga walang buhay, ang Diyos ay nananatiling mabait sa kanila, at mayroon pa ring mga panuntunan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila. Kasasabi lamang ninyo sa mga panuntunang ito: Ang pagiging tapat sa Diyos, at ang paggawa sa kung ano ang mga sinasabi Niya. Sa iyong paglilingkod dapat kang maglingkod kung saan kailangan, at dapat maglingkod hanggang sa katapusan. Kung magagawa mong maglingkod hanggang sa katapusan, kung magagawa mong maging isang tapat na tagapaglingkod, makapaglilingkod hanggang sa pagtatapos na bahagi, at perpektong mabuo ang kautusan na ibinigay sa iyo ng Diyos, kung gayon mamumuhay ka ng isang buhay na may katuturan, at kaya magagawa mong manatili. Kung maglalakip ka pa ng konting pagsisikap, kung pagbubutihan mo pa, nadodoble ang iyong mga pagsisikap na makilala ang Diyos, makapagsasabi ng konting kaalaman ukol sa Diyos, magagawang sumaksi sa Diyos, at higit pa rito, kung magagawa mong maintindihan ang isang bagay sa kalooban ng Diyos, magagawang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at sa wari ay alam ang kalooban ng Diyos, sa gayon ikaw, ang tagapaglingkod na ito ay magkakaroon ng isang pagbabago sa kapalaran. At ano ang magiging pagbabago sa kapalaran na ito? Hindi ka na lamang basta mananatili. Batay sa iyong pag-uugali at sa iyong personal na mga mithiin at paghahangad, gagawin ka ng Diyos na isa sa mga taong pinili. Ito ang magiging pagbabago sa iyong kapalaran. Para sa mga tagapaglingkod, ano ang pinakamabuting bagay ukol rito? Ito ay ang maaari silang makabilang sa mga taong pinili ng Diyos. At ano ang ibig sabihin kapag sila ay nakabilang sa mga taong pinili ng Diyos? Nangangahulugan ito na di na sila muling magkakatawang-tao bilang isang hayop tulad ng hindi sumasampalataya. Mabuti ba ang gayon? Mabuti ito, at ito ay magandang balita. Na ang ibig sabihin, maaaring hubugin ang mga tagapaglingkod. Hindi iyan ang usapin para sa mga tagapaglimgkod, kapag itinatalaga ka ng Diyos upang maglingkod, gagawin mo iyon magpakailanman; hindi laging ganoon iyon. Batay sa iyong indibiduwal na pag-uugali, panghahawakan ka ng Diyos sa ibang paraan, at sasagot sa iyo sa ibang paraan.
Ngunit may mga tagapaglingkod na hindi magawang maglingkod hanggang katapusan; sa panahon ng kanilang paglilingkod, may mga sumusuko sa kalagitnaan at tinatalikuran ang Diyos, may mga gumagawa ng maraming masasamang mga bagay, at maging yaong nagdudulot ng matinding pananakit at matinding pinsala sa gawain ng Diyos, may mga tagapaglingkod pa nga na sinusumpa ang Diyos, at iba pa—at ano ang ibig sabihin ng di-malulutas na mga pangyayari na ito? Anumang masasamang mga pagkilos ay mangangahulugan ng pagtatapos sa kanilang paglilingkod. Na ang ibig sabihin, sapagkat ang iyong pag-uugali sa panahon ng iyong paglingkod ay naging masyadong mababa, sapagkat nagmalabis ka sa iyong sarili, kapag nakita ng Diyos na ang iyong paglilingkod ay hindi lubos tatanggalin Niya ang iyong karapatan na maglingkod, hindi ka Niya hahayaang maglingkod, aalisin ka Niya mula sa Kanyang nakikita, at mula sa tahanan ng Diyos. Hindi ba ito dahil sa ayaw mong maglingkod? Hindi mo ba ginugustong gumawa ng masama? Hindi ka ba palaging hindi tapat? Kung gayon, mayroong madaling solusyon: Matatanggalan ka ng karapatan upang maglingkod. Sa Diyos, ang pagtatanggal sa tagapaglingkod sa kanilang karapatang maglingkod ay nangangahulugan na ang katapusan ng tagapaglingkod na ito ay naihayag na, at kaya, hindi na sila magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos, hindi na kakailanganin ng Diyos ang kanilang paglilingkod, at maging anuman ang magagandang mga bagay na kanilang sasabihin ay magiging walang kabuluhan. Kapag ang mga bagay ay dumating sa puntong ito, ang sitwasyong ito ay hindi na malulutas; ang mga tagapaglingkod na gaya nito ay hindi na makababalik. At paano makikitungo ang Diyos sa mga tagapaglingkod na kagaya nito? Basta na lamang ba Niya sila pipigilin mula sa paglilingkod? Hindi. Basta na lamang ba Niya hahadlangan sila mula sa pananatili? O ilalagay Niya sila sa isang sulok, at maghihintay sa kanila upang lumingon? Hindi Niya gagawain iyon. Hindi masyadong mapagmahal ang Diyos sa mga tagapaglingkod, talaga. At kaya kapag ang isang tao ay may ganitong uri ng saloobin sa kanilang paglilingkod sa Diyos ang Diyos ay, bilang resulta ng ganitong saloobin, tatanggalan sila ng kanilang karapatan na maglingkod, at muli silang itatapon pabalik sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya. At ano ang kapalaran ng isang tagapaglingkod na itinapon pabalik sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya? Ito ay kagaya ng sa mga taong hindi sumasampalataya: na muling nagkatawang-tao bilang isang hayop at tatanggapin ang parusa ng mga taong hindi sumasampalataya sa espirituwal na mundo. At hindi magkakaroon ng personal na interes ang Diyos sa kanilang parusa, sapagkat sila ay wala ng anumang halaga sa gawain ng Diyos. Hindi lamang ito ang katapusan ng kanilang buhay sa pananampalataya sa Diyos, ngunit katapusan din ng kanilang sariling kapalaran, ang pagbubunyag ng kanilang kapalaran, at kapag ang mga tagapaglingkod ay naglingkod nang hindi sapat, kailangan nilang tiisin ang mga kahihinatnan nang mag-isa. Kung ang isang tagapaglingkod ay walang kakayahan na maglingkod hanggang katapusan, o natanggalan ng kanilang karapatan na maglingkod sa kalagitnaan, kung gayon sila ay itatapon sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya—at kapag sila ay itinapon sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya sila ay pakikitunguhan kagaya ng mga alagaing hayop, kagaya ng mga taong walang talino o pagkamakatuwiran. Kapag sinasabi Ko ito sa ganitong paraan, naiintindihan ninyo, oo?
Ganoon ang pag-asikaso ng Diyos sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong Kanyang pinili at ng mga tagapaglingkod. Ano ang inyong naramdaman matapos marinig ito? Nakapagsalita na ba Ako kailanman sa paksa na katatalakay Ko lang, ang paksa ukol sa mga taong pinili ng Diyos at sa mga tagapaglingkod? Sa katunayan nagawa Ko na, ngunit hindi ninyo matandaan. Ang Diyos ay matuwid sa mga taong Kanyang pinili at sa mga tagapaglingkod. Sa lahat ng mga bagay Siya ay matuwid, ukol dito ay walang duda. Marahil, may mga tao na magsasabi: “Kung gayon bakit Siya ay masyadong mapagpaubaya sa mga taong pinili? At bakit maliit lamang ang Kanyang pagtitimpi sa mga tagapaglingkod?” Mayroon bang sinuman na nanindigan para sa mga tagapaglingkod? “Maaari kayang bigyan ng Diyos ang mga tagapaglingkod ng mas maraming panahon, at maging mas mapagbigay at mapagtimpi tungo sa kanila?” Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi, hindi sila tama.) At bakit hindi sila tama? (Sapagkat talagang pinakikitaan na tayo ng pabor sa pamamagitan pa lamang ng pagiging mga tagapaglingkod.) Ang mga tagapaglingkod ay talagang pinakikitaan na ng pabor sa pagpapahintulot pa lamang na makapaglingkod! Kung wala ang terminong “mga tagapaglingkod,” at kung wala ang gawain ng mga tagapaglingkod, saan paroroon ang mga tagapaglingkod na ito? Sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya, nabubuhay at namamatay kasama ng mga alagaing hayop. Anong dakilang mga biyaya ang kanilang tinatamasa sa araw na ito, pinahihintulutang makarating sa harap ng Diyos, at makarating sa tahanan ng Diyos! Ito ay kamangha-manghang biyaya! Kung hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagkakataon upang makapaglingkod, hindi ka kailanman magkakaroon ng pag-asa na makarating sa harap ng Diyos. Kung sakali man, kahit na ikaw ay tao na isang Budista at nakapagtamo na ng kawalang-kamatayan, kadalasan ay isa kang mensahero sa espirituwal na mundo; hindi mo kailanman makikita ang Diyos, o maririnig ang Kanyang tinig, o maririnig ang Kanyang mga salita, o mararamdaman ang Kanyang pagmamahal at mga pagpapala para sa iyo, at hindi mo kailanman magagawa na makarating nang harapan sa Kanya. Ang tanging bagay na kinakaharap ng mga Budista ay simpleng mga gawain. Hindi nila maaaring makilala ang Diyos, at basta na lang pikit-matang susunod at tatalima, samantalang ang mga tagapaglingkod ay nagkakamit ng napakarami sa yugtong ito ng gawain! Una, nagagawa nilang makarating nang harapan sa Diyos, mapakinggan ang Kanyang tinig, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at maranasan ang mga biyaya at mga pagpapala na ibinibigay Niya sa mga tao. Mangyari pa, nagagawa nilang matamasa ang mga salita at mga katotohanan na ibinibigay ng Diyos. Nagkamit talaga sila nang napakarami! Napakarami! Kaya kung, bilang isang tagapaglingkod, hindi mo man lamang magawa ang tamang pagsisikap, pananatilihin ka pa ba ng Diyos? Ni hindi nga Siya humihiling nang labis sa iyo! Hindi ka mapananatili ng Diyos; wala kang ginagawa sa maayos Niyang hinihiling, hindi ka tumatalima sa iyong tungkulin—at kaya, walang pagdududa, hindi ka mapananatili ng Diyos. Ganoon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi ka pinalalayaw ng Diyos, ngunit hindi rin Siya nagtatangi laban sa iyo. Ganoon ang mga prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos. Ang Diyos ay kumikilos tulad nito tungo sa lahat ng tao at nilikha.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento