Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong naniniwala sa Diyos. Dalawa ang mga ito: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga taong pinili ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “mga taong pinili ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang “mga taong pinili ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Mayo 10, 2019
Mayo 2, 2019
Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay | Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Temperatura
Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao. Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon magiging miserable ang pamumuhay ng mga tao. Hindi ba ito nakasasaid? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot lamang sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang angkupan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pinakamababang saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa mga malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay kayang umabot hanggang sa negatibong 50 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)