Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong naniniwala sa Diyos. Dalawa ang mga ito: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga taong pinili ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “mga taong pinili ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang “mga taong pinili ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito?
Ang mga tao ay nakatuon sa bawa’t galaw Ko, na para bang ibababa Ko na ang mga kalangitan, at sila ay palaging naguguluminahan sa Aking mga ginagawa, na para bang ang Aking mga gawa ay lubos na hindi-maarok sa kanila. Sa gayon, kinukuha nila ang kanilang hudyat mula sa Akin sa lahat ng kanilang ginagawa, lubhang natatakot na magkakasala sila sa Langit at mapapatapon sa “mundo ng mga mortal.” Hindi Ko sinusubukang mahawakan ang mga tao, kundi tinututukan ng Aking gawain ang kanilang mga pagkukulang. Sa sandaling ito, sila ay napakasaya, at lumalapit upang umasa sa Akin. Kapag nagbigay Ako sa tao, minamahal Ako ng mga tao gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sariling mga buhay, subali’t kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, iniiwasan nila Ako. Bakit ganito? Hindi ba nila man lamang maisasagawa ang “pagiging-patas at pagkamakatwiran” ng mundo ng tao? Bakit ba Ako humihingi ng ganoon sa mga tao nang paulit-ulit? Talaga bang ang kalagayan ay wala Ako kahit ano? Tinatrato Ako ng mga tao na parang isang pulubi. Kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, itinataas nila ang kanilang mga “tira-tira” sa harap Ko upang Aking “tamasahin,” at sinasabi pang tangi ang pag-aalaga nila sa Akin. Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kaibhan, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling di-nakauunawa, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik. Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa di-alam na dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y walang kakayahang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin. Bilang resulta, Aking itinatala ang kanilang nagpipilit na mga pag-aalinlangan kabilang sa “mga salita ng hiwaga,” upang magsilbing “sanggunian” para sa mga henerasyon sa hinaharap, dahil ang mga ito ay ang “mga resulta ng siyentipikong pagsasaliksik” na naibunga ng “pagpapagal na paggawa” ng mga tao; paano Kong basta na lamang aalisin ang mga iyon? Hindi ba ito ay magiging “pagbigo” sa mabubuting mga hangarin ng mga tao? Sapagka’t Ako, kung tutuusin, ay talagang may konsensya, hindi Ako nakikisangkot sa tuso at nakikipag-sabwatang mga kilos ng tao—hindi ba gayon ang Aking mga gawa? Hindi ba ito ang “pagiging-patas at pagiging-makatwiran” na sinabi ng tao? Sa gitna ng tao, nakágáwâ Ako nang walang-humpay hanggang sa kasalukuyan. Sa pagdating ng mga panahong gaya ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, itinuturing pa rin nila Akong tulad sa isang dayuhan, at dahil nadálá Ko sila sa isang “dulong hangganan,” lalo pang namumuhi sa Akin. Sa panahong ito, ang pag-ibig sa kanilang mga puso ay matagal nang naglaho nang walang bakas. Hindi Ako nagpapalabis, lalo nang hindi minamaliit ang tao. Maaari Kong mahalin ang tao hanggang sa kawalang-hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian hanggang sa kawalang-hanggan, at ito ay hindi kailanman magbabago, pagka’t Ako ay may pagtitiyaga. Gayunman ang tao ay hindi nagtataglay ng pagtitiyagang ito, siya ay lagi nang pabagu-bago tungo sa Akin, siya ay laging nagbibigay lamang ng kaunting pansin sa Akin kapag ibinubuka Ko ang Aking bibig, at kapag itinikom Ko ang Aking bibig at hindi nagsalita ng kahit ano, siya ay kaagad na nawawala sa gitna ng mga alon ng malaking mundo. Sa gayon, pinaiikli Ko ito tungo sa isa pang kasabihan: Ang mga tao ay kulang sa pagtitiyaga, at sa gayon hindi nila kayang sundin ang Aking puso.