Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Mayo 5, 2019

Itinatakda ng Diyos ang mga Hangganan para sa Iba’t Ibang Kapaligirang Heograpiko

Tatalakayin ko sa araw na ito ang paksa kung papaanong ang ganitong uri ng mga kautusan na dinadala ng Diyos sa sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nangangalaga sa sangkatauhan. Kaya ano ang paksang ito? Ito ay kung paanong ang ganitong mga uri ng kautusan na dinala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay mangalaga sa tao. Ito ay napakalaking paksa, kaya maaari natin itong hati-hatiin sa ilang bahagi at talakayin nating isa-isa upang mailarawan sila sa inyo nang malinaw. Sa ganitong paraan ito ay madali ninyong makukuha at unti-unti ninyo itong maiintindihan.

Una, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, gumuhit Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, mga kapatagan, mga disyerto, mga burol, mga ilog, at mga lawa. Sa lupa ay may mga bundok, mga kapatagan, mga disyerto, mga burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig—ano ang lahat ng ito? Hindi ba sila iba’t-ibang kalupaan? Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito. Kapag sinasabi nating gumuguhit ng mga hangganan, ano ang ibig sabihin noon? Nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga paglalarawan, ang mga kapatagan ay may mga sarili at kani-kanyang mga paglalarawan, ang mga disyerto ay may tiyak na saklaw, at ang mga burol ay may isang tiyak na dako. Mayroon ding tiyak na dami ng mga anyo ng tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. Itinakda na ng Diyos kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang bundok, kung ano ang saklaw nito. Itinakda na din Niya kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang kapatagan at kung ano ang saklaw nito. Sa paglikha ng lahat ng mga bagay itinakda din Niya ang saklaw ng disyerto gayundin ang saklaw ng mga burol at ang kanilang mga bahagi, at ano ang kanilang magiging batayang hangganan—itinakda din Niya ang lahat ng ito. Itinakda Niya ang saklaw ng mga ilog at mga lawa nang nililikha Niya ang mga ito—lahat sila ay may mga hangganan. Kaya ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating “mga hangganan”? Napag-usapan pa lang natin kung paanong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang ay pagtatatag ng mga kautusan para sa lahat ng nilalang. Halimbawa, ang saklaw at ang mga hangganan ng mga bundok ay hindi lalawig o mababawasan dahil sa pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ito ay itinakda: Itong “itinakda” na ito ay patakaran ng Diyos. Tungkol naman sa mga dako ng mga kapatagan, kung ano ang kanilang saklaw, kung ano ang kanilang batayang hangganan, ito ay itinatag na ng Diyos. Mayroon silang isang hangganan, at ang isang umbok ay hindi basta-basta na lang lilitaw sa gitna ng isang kapatagan. Ang isang kapatagan ay hindi lamang karaka-raka magiging bundok—ito ay hindi mangyayari. Ang mga kautusan at mga hangganan na katatalakay pa lamang natin ay tumutukoy dito. Tungkol naman sa disyerto, hindi natin babanggitin ang mga tungkuling ginagampanan ng disyerto o alinmang ibang kalupaan o pangheograpiyang lokasyon dito, ang mga hangganan lamang nito. Sa ilalim ng patakaran ng Diyos ang saklaw ng disyerto ay hindi rin lalawig. Ito ay dahil sa ibinigay na ng Diyos ang Kanyang kautusan dito, ang saklaw nito. Kung gaano kalaki ang sukat nito at kung ano ang papel nito, kung ano ang batayang hangganan nito, at kung saan ito matatagpuan—ito ay itinakda na ng Diyos. Ito ay hindi lalampas sa saklaw nito, lilipat ito ng posisyon, at hindi basta na lang lalawak ang sukat nito. Bagaman ang mga pagdaloy ng mga tubig gaya ng mga ilog at mga lawa ay nasa ayos ng lahat at nagpapatuloy, hindi lumabas ang mga ito kailanman sa saklaw nito o lumabas lampas sa mga hangganan nito. Lahat ng ito ay dumadaloy sa isang direksyon at sa maayos na paraan, dumadaloy sa direksyon na dapat nilang daluyan. Kaya sa ilalim ng mga kautusan ng patakaran ng Diyos, walang ilog o lawa ang basta na lang matutuyo, o basta na lang magbabago ng direksyon o ang dami ng pagdaloy nito sanhi ng pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa mahigpit na paghawak ng Diyos, nakapaloob sa Kanyang patakaran. Iyon ay upang sabihin na, lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan ay may itinakdang mga lugar, mga sukat, at mga saklaw. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, ang kanilang mga hangganan ay naitatag na at ang mga ito ay hindi basta na lang maiiba, magbabago, o mapapalitan. Ano ang ibig sabihin ng “basta na lang”? Nangangahulugan ito na hindi sila basta na lang lilipat, lalawig, o magbabago ng kanilang likas na anyo dahil sa panahon, temperatura, o sa bilis ng pag-ikot ng mundo. Halimbawa, ang isang bundok ay may tiyak na taas, ang pundasyon nito ay may tiyak na sukat, mayroon itong tiyak na kataasan, at mayroon itong tiyak na dami ng mga halaman. Ang lahat ng ito ay pinanukala at tinantiya ng Diyos at ang taas nito o ang sukat ay hindi basta na lang mababago. Tungkol naman sa mga kapatagan, ang karamihan ng mga tao ay naninirahan sa mga kapatagan, at walang mga pagpapalit sa klima ang makaaapekto ng kanilang mga sukat o ang kahalagahan ng kanilang pag-iral. Kahit pa ang nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito o ang mga pangheograpiyang kapaligiran na nilikha ng Diyos ay hindi basta na lang mababago. Halimbawa, kung ano ang mga bahagi ng disyerto, kung ano ang nakadepositong mga mineral sa ilalim ng lupa, kung gaaano karaming buhangin ang mayroon ito at ang kulay ng buhangin, ang kapal nito—ang mga ito ay hindi basta na lang mababago. Bakit ba hindi sila basta na lang mababago? Ito ay dahil sa tuntunin ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito at pangheograpiyang kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng pangheograpiyang kapaligirang ito ay nananatiling umiiiral ng ilang libong taon, ng libu-libong taon pagkatapos malikha ito ng Diyos. Ginagampanan pa rin nito ang bawat mga papel nito. Bagamat may tiyak na mga panahon na pumuputok ang mga bulkan, may mga tiyak na panahon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang pagpapalit ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang likas na kaukulan nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahala ng Diyos, Ang Kanyang pamamahala sa at mahigpit na paghawak sa mga kautusang ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na tinatamasa ng sangkatauhan at nakikita ng sangkatauhan—makaliligtas sa lupa sa maayos na paraan. Kaya bakit pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito na umiiral sa lupa sa ganitong paraan? Ang layunin ay nang upang ang mga buhay na mga bagay na nakaligtas sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran ay magkaroon lahat ng matatag na kapaligiran, at upang makapagpatuloy silang mabuhay at makapagparami sa gayong matatag na kapaligiran. Ang lahat ng nilalang na ito—yaong mga nagsisikilos at yaong mga hindi nagsisikilos, yaong mga humihinga sa pamamagitan ng kanilang mga butas ng ilong at yaong hindi—makabubuo ng isang natatanging kapaligiran para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang ganitong uri ng kapaligiran lamang ang makapag-aalaga ng sali’t salinlahi ng mga tao, at sa ganitong uri lamang ng kapaligiran ang makapagtutulot sa mga tao na patuloy na payapang makaligtas, mula sa isang salinlahi hanggang sa isa pang salinlahi.
Ano ang inyong nakita sa katatalakay ko lang? Na ang mga kautusan ng Diyos sa Kanyang dominyon sa lahat ng mga bagay ay totoong mahalaga—napakahalaga! Ano ang kinakailangan para sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa loob ng mga kautusang ito? Ito ay dahil sa pamamahala ng Diyos. Nang dahil sa Kanyang pamamahala kaya natutupad ng lahat ng nilalang ang kanilang sariling mga tungkulin sa loob ng Kanyang pamamahala. Halimbawa, pinagangalagaan ng mga bundok ang mga kagubatan, ang mga kagubatan naman bilang ganti ay pinapanatili at pinoprotektahan ang iba’t ibang ibon at hayop na naninirahan sa loob nila. Ang mga kapatagan ay isang entablado na inihanda para sa mga tao upang tamnan ng mga halaman gayundin para sa iba’t ibang ibon at hayop. Pinahihintulutan nila ang karamihan sa sangkatauhan na manirahan sa patag na lupa at magkaloob ng kaginhawaan sa buhay ng mga tao. At nabibilang din ang mga damuhan sa mga kapatagan—malalaking mga sukat ng damuhan. Ang mga damuhan ay ang halamanan ng mundo. Pinapanatili ng mga ito ang lupa at inaalagaan ang mga baka, mga kambing at mga kabayo na naninirahan sa mga damuhan. Tinutupad din ng disyerto ang kanyang tungkulin. Ito ay hindi lugar para tirhan ng mga tao; ang papel nito ay gawing mas tuyo ang mahalumigmig na mga klima. Ang mga pag-agos ng mga ilog at mga lawa ay angkop para sa tubig na maiinom ng mga tao at para sa pangangailangan sa tubig ng lahat ng nilalang. Saan man sila dumaloy, ang mga tao ay may tubig na maiinom. Ito ang mga hangganan na iginuhit ng Diyos para sa iba’t ibang kalupaan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento