Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang pag-ibig ng diyos sa tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang pag-ibig ng diyos sa tao. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 8, 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Paano Malalaman at Ituturing ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Kapalaran ng Tao

Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan
Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos bawat tao ay aktibo o walang kibo na tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa ang isa ay nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa kadami ang mga baluktot na daan na nilalakaran ng isa, sa katapusan ang isa ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang kawalan ng kayang gumapi ng awtoridad ng Maylalang, ang paraan na kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang kawalan ng kayang gumaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, na may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na hinahayaan ang mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na nagpapainog sa mundo ng regular at nagpapasulong, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan mo ang lahat ng mga katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, kahit na sa mababaw o mapataimtim; ang lalim ng iyong pagkaunawa ay nakabatay sa iyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at iyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan. Kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kainam na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay napapasailalim sa kanila?

Mayo 7, 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Pagsasarili: Ang Ikatlong Sugpungan

Matapos madaanan ng isang tao ang pagkabata at kabataan at unti-unti at di-maiiwasan ang pagdating sa pagkahinog sa gulang, ang susunod na hakbang ay ganap na pamamaalam ng tao sa kanyang kabataan, pagpapaalam nila sa kanilang mga magulang, at pagharap sa daan bilang isang nagsasariling may sapat na gulang. Sa puntong ito[c]dapat nilang harapin ang lahat ng mga tao, pangyayari, at bagay na dapat na kinakaharap ng isang taong may sapat na gulang, harapin ang lahat ng mga koneksyon sa tanikala ng kanilang buhay. Ito ang ikatlong sugpungan na dapat madaanan ng isang tao.

Mayo 6, 2019

Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Susunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa isa pang aspeto, kung saan ito ay isang paraan na ang Diyos ay may pamamahala sa lahat. Ito ang paraan, matapos likhain ang lahat ng mga bagay, binalanse Niya ang mga ugnayan sa pagitan nila. Ito ay napakalawak ding paksa para sa inyo. Pagbabalanse sa mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay—ito ba ay isang bagay na maisasakatuparan ng tao? Hindi ito magagawa ng mga tao mismo. Ang magagawa lamang ng tao ay manira. Hindi nila mababalanse ang mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay; wala sila ng gayong kadakilang awtoridad o kapangyarihan. Ang Diyos Mismo lamang ang mayroong uri ng kapangyarihan upang magawa ang ganitong uri ng bagay. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng ganitong uri ng bagay—para saan ito? Pareho lamang, ito ay malapit na kaugnay sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang bawat isang bagay na nais gawin ng Diyos ay kinakailangan—walang bagay na magagawa Niya o hindi magagawa. Nang upang maingatan Niya ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan at maibigay sa mga tao ang isang mainam na kapaligiran para mabuhay, may ilan na talagang kailangan, ilang mahalagang bagay na dapat Niyang gawin upang maingatan ang kanilang kakayahang mabuhay.

Mayo 5, 2019

Itinatakda ng Diyos ang mga Hangganan para sa Iba’t Ibang Kapaligirang Heograpiko

Tatalakayin ko sa araw na ito ang paksa kung papaanong ang ganitong uri ng mga kautusan na dinadala ng Diyos sa sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nangangalaga sa sangkatauhan. Kaya ano ang paksang ito? Ito ay kung paanong ang ganitong mga uri ng kautusan na dinala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay mangalaga sa tao. Ito ay napakalaking paksa, kaya maaari natin itong hati-hatiin sa ilang bahagi at talakayin nating isa-isa upang mailarawan sila sa inyo nang malinaw. Sa ganitong paraan ito ay madali ninyong makukuha at unti-unti ninyo itong maiintindihan.

Abril 14, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Marso 28, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

Marso 16, 2019

Kuwento sa Biblia | Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha

Kuwento sa Biblia | Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha



(Gen 9:1-6) At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila’y sinabi, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay; sa kamay ng bawa’t ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa’t kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao. Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka’t sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
…………
Matapos tanggapin ni Noe ang mga tagubilin ng Diyos at gawin ang daong at mabuhay sa pagdaan ng mga araw na gumamit ang Diyos ng baha upang gunawin ang mundo, nakaligtas ang kanyang pamilyang walong katao. Bukod sa pamilya ni Noe na walong katao, ang lahat ng sangkatauhan ay nalipol, at ang lahat ng mga nabubuhay sa daigdig ay nalipol. Kay Noe, binigyan siya ng Diyos ng mga pagpapala, at may mga sinabi sa kanya at sa kanyang mga anak na lalaki. Ang mga bagay na ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya at mga pagpapala rin ng Diyos sa kanya. Ito ang pagpapala at pangakong ibinibigay ng Diyos sa isang taong makapakikinig sa Kanya at makatatanggap ng Kanyang mga tagubilin, at ang paraan rin kung paano nagpapabuya ang Diyos sa mga tao. Ang ibig sabihin, kung si Noe man ay isang perpektong tao o isang matuwid na tao sa mata ng Diyos, at gaano man karami ang kaalaman niya tungkol sa Diyos, sa madaling salita, si Noe at ang kanyang tatlong anak na lalaki ay nakinig lahat sa mga salita ng Diyos, nakipagtulungan sa gawain ng Diyos, at ginawa ang dapat nilang gawin alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos. Ang bunga nito, natulungan nila ang Diyos sa pagpanatili ng mga tao at iba’t-ibang mga nabubuhay na bagay matapos ang pagkagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha, at sa gayun ay nakapag-ambag nang malaki sa susunod na hakbang ng plano sa pamamahala ng Diyos. Dahil sa lahat ng kanyang nagawa, pinagpala siya ng Diyos. Marahil para sa mga tao sa kasalukuyan, ang ginawa ni Noe ay ni hindi karapat-dapat banggitin. Baka iniisip pa ng ilan: Walang ginawa si Noe; nakapagpasiya na ang Diyos na ingatan siya, kaya tiyak na mapapangalagaan siya. Ang Kanyang pagkaligtas ay hindi sa kanyang kapurihan. Ito ang gusto ng Diyos na mangyari, dahil ang tao ay walang-kibo. Ngunit hindi ito ang iniisip ng Diyos. Para sa Diyos, kung ang tao man ay dakila o hamak, basta’t makikinig sila sa Kanya, makasusunod sa Kanyang mga tagubilin at sa Kanyang mga ipinagkakatiwala, at maaaring makipagtulungan sa Kanyang gawain, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang plano, upang matupad ng maayos ang Kanyang kalooban at ang Kanyang plano, ang asal na iyon ay karapat-dapat para sa Kanyang pagkilala at karapat-dapat na makatanggap ng Kanyang pagpapala. Pinahahalagahan ng Diyos ang ganitong mga tao, at tinatangi Niya ang kanilang mga gawa at ang kanilang pag-ibig at paggiliw para sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos. Kaya bakit pinagpala ng Diyos si Noe? Dahil ganito pakitunguhan ng Diyos ang mga ganoong paggawa at pagsunod ng tao.
Tungkol sa pagpapala ng Diyos kay Noe, sasabihin ng ilan: “Kung ang tao ay makikinig sa Diyos at bibigyang-saya ang Diyos, kung gayon nararap na pagpalain ng Diyos ang tao. Di ba’t hindi na kailangang banggitin yan?” Maaari ba nating sabihin iyan? Sabi ng ilang mga tao: “Hindi.” Bakit hindi natin maaaring sabihin iyan? Sabi ng ilang mga tao: “Ang tao ay hindi karapat-dapat magtamasa ng pagpapala ng Diyos.” Hindi ito lubusang tama. Dahil kapag ang isang tao ay tumanggap ng mga ipinagkakatiwala ng Diyos, may pamantayan ang Diyos sa paghusga kung ang mga pagkilos ng isang tao ay mabuti o masama at kung ang taong iyan ay sumunod, at kung ang taong iyan ay nakatupad sa kalooban ng Diyos at kung ang kanilang ginagawa ay pasado. Ang mahalaga sa Diyos ay ang puso ng tao, hindi ang panlabas nilang mga ginagawa. Hindi ito isang kaso na dapat pagpalain ng Diyos ang isang tao basta gumagawa sila, hindi alintana kung paano man sila gumawa. Ito ang maling pagka-unawa ng tao sa Diyos. Hindi lamang tumitingin ang Diyos sa huling resulta ng mga bagay, ngunit mas nagbibigay-diin sa kung ano ang kalagayan ng puso ng tao at kung ano ang saloobin ng tao sa pagpapatuloy ng mga bagay, at nakatingin kung may pagsunod, pagsasaalang-alang, at kagustuhang magbigay-saya sa Diyos sa kanilang puso. Gaano karami ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos noong panahong iyon? Kasing-dami ba ng mga doktrinang alam na ninyo ngayon? Sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng mga konsepto at kaalaman sa Diyos, nakatanggap ba siya ng kasing-daming pagdidilig at pagpapastol tulad ninyo? Hindi! Ngunit may isang katunayang hindi maikakaila: Sa mga kamalayan, mga isipan, at kahit sa kailaliman ng mga puso ng mga tao sa kasalukuyan, ang kanilang mga konsepto at saloobin sa Diyos ay malabo at di-tiyak. Maaari niyo pa ngang sabihin na may mga taong negatibo ang saloobin tungkol sa pag-iral ng Diyos. Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa. Hindi pinapayagan ng Diyos ang sinumang magkaroon ng anumang pagkakahati ng puso o alinlangan tungo sa Kanya, ni hindi rin Niya pinapayagan ang mga taong maghinala o subukin Siya sa anumang paraan. Kaya kahit na ang mga tao sa kasalukuyan ay harap-harapan sa salita ng Diyos, o maaari niyo pang sabihing harap-harapan sa Diyos, dahil sa anumang bagay na nasa kailaliman ng kanilang mga puso, ang pag-iral ng kanilang tiwaling diwa, at ang kanilang mapanlaban na saloobin sa Kanya, sila ay nahahadlangan sa kanilang tunay na paniniwala sa Diyos, at nahaharangan sa kanilang pagsunod sa Kanya. Dahil dito, napakahirap para sa kanilang maabot ang pagpapalang tulad ng ipinagkaloob ng Diyos kay Noe.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao