Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Mayo 6, 2019

Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Susunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa isa pang aspeto, kung saan ito ay isang paraan na ang Diyos ay may pamamahala sa lahat. Ito ang paraan, matapos likhain ang lahat ng mga bagay, binalanse Niya ang mga ugnayan sa pagitan nila. Ito ay napakalawak ding paksa para sa inyo. Pagbabalanse sa mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay—ito ba ay isang bagay na maisasakatuparan ng tao? Hindi ito magagawa ng mga tao mismo. Ang magagawa lamang ng tao ay manira. Hindi nila mababalanse ang mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay; wala sila ng gayong kadakilang awtoridad o kapangyarihan. Ang Diyos Mismo lamang ang mayroong uri ng kapangyarihan upang magawa ang ganitong uri ng bagay. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng ganitong uri ng bagay—para saan ito? Pareho lamang, ito ay malapit na kaugnay sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang bawat isang bagay na nais gawin ng Diyos ay kinakailangan—walang bagay na magagawa Niya o hindi magagawa. Nang upang maingatan Niya ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan at maibigay sa mga tao ang isang mainam na kapaligiran para mabuhay, may ilan na talagang kailangan, ilang mahalagang bagay na dapat Niyang gawin upang maingatan ang kanilang kakayahang mabuhay.

Mula sa literal na kahulugan ng pariralang ito “Binabalanse ng Diyos ang lahat ng mga bagay,” ito ay napakalawak na paksa; una nitong ilalaan sa iyo ang isang konsepto upang iyong malaman na ang pagbabalanse sa lahat ng mga bagay ay ganap na Kanyang kapangyarihan sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ano ang kahulugan ng salitang “balanse”? Una ang, “balanse” ay tumutukoy sa hindi pagpapahintulot sa isang bagay na mawalan ng balanse. Nalalaman ng bawat isa ang tungkol sa mga timbangan. Kapag gumagamit ng mga timbangan upang tumimbang ng isang bagay, ilalagay mo ito sa isang panig ng timbangan at maglalagay ng mga pabigat sa kabilang panig. Ang panghuling dami ng mga pabigat ang magpapasiya sa timbang ng bagay na iyon—iyon ang tinatawag na pagbabalanse. Upang mabalanse ito, ang timbang ng dalawang panig ay dapat magkapareho. Nilikha ng Diyos ang maraming bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay—lumikha Siya ng mga bagay na nakapirmi, mga bagay na gumagalaw, mga bagay na nabubuhay, at mga bagay na humihinga, gayundin ng mga bagay na yaong hindi humihinga. Lumikha Siya ng napakaraming mga bagay—madali lamang ba para sa lahat ng mga bagay na ito na matamo ang isang ugnayan ng pagtutulungan, ng palitan ng tulong at paghihigpit, ng pagkakaugnay-ugnay? Tiyak na mayroong prinsipyo sa lahat ng ito. Kahit na ito ay napaka-kumplikado, ito ay hindi mahirap para sa Diyos. Gayunman, para sa mga tao, ito ay napakahirap na saliksikin. Tila ito ay napakasimpleng salita—balanse. Gayuman, kapag sinaliksik ito ng mga tao, kapag kinailangan ng mga tao na lumikha ng balanse, sa gayon yaong lahat ng dalubhasa ay magsasaliksik dito—mga pantaong biyologo, mga astronomo, mga pisiko, mga kimiko at maging ang mga nagsusulat ng kasaysayan. Ano ang magiging panghuling kalalabasan ng pananaliksik na ito? Ang kalalabasan nito ay wala. Ito ay dahil sa ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay sobrang kamangha-mangha at hindi kailanman matutuklasan ng tao ang mga lihim nito. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, nagtatag Siya ng mga prinsipyo sa pagitan nila, nagtatag ng iba’t ibang kaparaanan para mabuhay para sa pagpigil sa isa’t isa, hindi pagsasalungatan, at kabuhayan. Ang iba’t ibang pamamaraan na ito ay masalimuot; hindi sila payak o sa isang direksyon lamang. Kapag ginagamit ng mga tao ang kanilang mga isip, kanilang kaalaman, at ang mga kakaibang pangyayari na kanilang nakita upang kumpirmahin o saliksikin ang mga prinsipyo sa likod ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ang mga bagay na ito ay sobrang napakahirap matuklasan. Ito din ay masyadong mahirap matuklasan o makakuha ng anumang kalalabasan. Maaaring sabihin na ito ay masyadong mahirap para sa mga tao na makakuha ng mga resulta. Napakahirap mapanatili ang balanse sa pagtiwala sa mga kaisipan ng tao at kaalaman upang pamunuan ang lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos. Dahil sa hindi alam ng mga tao ang mga prinsipyo ng kakayahang mabuhay ng lahat ng nilalang, hindi nila alam kung paano ingatan ang ganitong uri ng balanse. Kaya, kung pamahalaan at pamunuan ng mga tao ang lahat ng nilalang, tiyak na masisira lamang nila ang balanseng ito. Sa sandaling ito ay masira, ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay ay masisira, at kapag nangyari ang gayon, ito ay susundan ng isang krisis para sa kanilang kakayahan upang mabuhay. Ito ay magdudulot ng sakuna. Kapag ang sangkatauhan ay nabubuhay sa gitna ng sakuna, ano ang tatambad sa harap nila? Ito ang magiging isang kalalabasan na mahirap ipalagay, mahirap na mahulaan. Ito talaga ang uri ng panganib na kasalukuyang kinakaharap ng sangkatauhan.
Kung gayon paano nababalanse ng Diyos ang mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay? Una, may mga lugar sa mundo na natatakpan ng yelo at ng niyebe sa buong taon, samantalang sa ibang mga lugar, lahat sa apat na kapanahunan ay parang tagsibol. Hindi ka kailanman makakakita ng isang tapal ng yelo o ng isang manipis na piraso ng niyebe. Walang taglamig—ito ay palagi na lamang parang tagsibol. Ito ay isang paraan—ito ay mula sa pananaw ng mas malaking klima. Ang ikalawang uri ay kapag nakikita ng mga tao ang mga bundok na puno ng malalagong mga halaman, kung saan ang lahat ng uri ng halaman ay tumatakip sa lupa; may mga hilera ng mga halaman sa gubat at sa paglalakad sa gitna nila ni hindi mo makikita ang araw. Sa ibang mga kabundukan ang damo ay ni hindi tumutubo—patung-patong ang tigang na, ligaw na mga kabundukan. Kung titingnan mula sa labas, pareho silang mga kabundukan ng nakatambak na basura. Ang isang grupo ng mga kabundukan ay puno ng luntiang mga halaman, at ang isa pa ay pinagkaitan maski ng damo. Ito ang ikalawang uri. Sa ikatlong uri, maaari kang makakita ng walang hangganang damuhan, isang bukid ng kumakaway na luntian. O maaaring makakita ka ng isang disyerto sa abot ng nakikita ng iyong mata; hindi ka makakakita ng anumang buhay na bagay, lalong hindi ng pinagkukunan ng tubig, ang pag-ihip lamang ng hangin sa kahabaan ng buhanginan. Sa ikaapat na uri, ang isang lugar ay natatakpan ng dagat, na binubuo ng malawak na sukat ng tubig, samantalang sa isa pang lugar hirap na hirap kang makakita ng bukal ng tubig. Sa ikalimang uri, sa isang lupain madalas ang pagpatak-patak ng ulan at ito ay mahamog at mahalumigmig, samantalang sa isa pang lupain ang matinding mga pagsikat ng araw ay masyadong karaniwan at hindi ka makakakita ng kahit isang patak ng ulan. Sa ikaanim, ang isang uri ng lugar ay isang talampas kung saan ang hangin ay manipis at mahirap makahinga, at sa isa pang uri ng lugar ay may mga latian at mga libis, na nagsisilbing mga tahanan para sa iba’t ibang uri ng galang ibon. Ito ang iba’t ibang uri ng klima, o ang mga klima o mga kapaligiran na tumutugma sa iba’t-ibang pangheograpiyang kapaligiran. Iyon ay upang sabihin, binabalanse ng Diyos ang pangunahing mga kapaligiran para mabuhay ng sangkatauhan mula sa aspeto ng mas malaking kapaligiran, mula sa klima hanggang sa pangheograpiyang kapaligiran, mula sa iba’t ibang sangkap ng lupa hanggang sa dami ng mga pinagkukunan ng tubig nang upang matamo ang balanse sa ere, temperatura at ang kahalumigmigan ng mga kapaligirang kinapapanatilian ng mga tao. Sa mga pagkakaibang ito ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang mga tao ay magkakaroon ng matatag na hangin at ang temperatura at kahalumigmigan sa iba’t ibang kapanahunan ay magiging matatag. Pahihintulutan nito ang tao na patuloy na mabuhay sa gayong uri ng kapaligiran para mabuhay palagi. Ito ay pagsasabi mula sa pananaw ng mas malaking kapaligiran. Una, ang mas malaking kapaligiran ay balanse dapat. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pangheograpiyang lokasyon at pamamaraan gayundin ang mga pagbabago sa pagitan ng iba’t ibang klima para sa pagpigil sa isa’t isa nang upang makamtan ang balanse na gusto ng Diyos at kinakailangan ng sangkatauhan. Ito ay mula sa pananaw ukol sa mas malaking kapaligiran.

Sa pagtingin sa mga detalye, gaya ng mga halaman, paano naging posible na matatamo niyon ang balanse? Iyon ay, paano pahihintulutan ang mga halaman na patuloy na makapanatili sa loob ng isang balanseng kapaligiran para mabuhay? Ito ay sa pamamagitan ng pamamahala sa haba ng buhay, bilis ng paglago, at bilis ng pagpaparami ng iba’t ibang uri ng halaman upang maingatan ang kanilang kapaligiran para mabuhay. Tingnan ang maliit na damo bilang halimbawa—may mga usbong sa tagsibol, mga bulaklak sa tag-araw, at prutas sa taglagas. Nalalaglag ang prutas sa lupa at namamatay ang damo. Sa sunod na taon, ang buto mula sa prutas ay umuusbong at nagpapatuloy alinsunod sa parehong mga kautusan. Ang haba ng buhay ng damo ay napakaigsi—ito ay buhay mula tagsibol hanggang sa taglagas, pagkatapos ito ay namamatay. Ang bawat buto ay nalalaglag sa lupa, nagkakaugat at umuusbong, namumukadkad at namumunga—ang prosesong ito ay nangyayari lamang sa tagsibol, tag-araw, at taglagas, at ang lahat ng uri ng puno ay mayroon ding mga sariling haba ng buhay at iba’t ibang kapanahunan para sa pag-usbong at pamumunga. Ang ilang puno ay namamatay pagkatapos lamang ng 30 hanggang 50 taon—mayroon silang haba ng buhay na 30 hanggang 50 taon, ngunit ang kanilang bunga ay nahuhulog, na pagkatapos ay tumutubo ang mga ugat at umuusbong, mamumulaklak at mamumunga, at mabubuhay pa ng mga 30 hanggang 50 taon. Ito ang bilis ng muling pagtubo. Ang isang matandang puno ay namamatay at ang isang batang puno ay tumutubo—ito ang dahilan kung bakit palagi kang nakakakita ng mga puno na tumutubo sa mga kagubatan. Ngunit mayroon din silang tamang pag-inog at proseso ng pagsilang at kamatayan. Ang ilang mga puno ay maaaring mabuhay nang mahigit sa isanlibong taon, at ang iba ay maaari pa ngang mabuhay ng tatlong libong taon. Sila ang mga gayong uri ng halaman. Hindi alintana kahit anumang uri ng halaman o gaaano kahaba ang buhay nito, sa pangkalahatang pananalita, pinamamahalaan ng Diyos ang balanse nito batay sa kung gaano kahaba ito mabubuhay, ang kakayahan nitong magparami, at bilis ng pagpaparami nito gayundin ang dami nito at antas ng pagpaparami. Ito ay magtutulot sa kanila, mula sa damo hanggang sa mga puno, upang makapagpatuloy na umunlad, upang lumago sa loob ng isang nakabalanseng kapaligirang pang-ekolohiya. Kaya kapag tumingin ka sa isang kagubatan sa lupa, maging ito man ay mga puno o damo, ito ay nagpapatuloy na nagpaparami at lumalago alinsunod sa sarili nitong mga kautusan. Hindi ito nangangailangan ng tulong ng sangkatauhan; hindi ito nangangailangan ng dagdag na gawain para sa sangkatauhan. Dahil lamang sa pagkakaroon nila ng ganitong uri ng balanse kaya napananatili nila ang kanilang sariling kapaligiran para mabuhay. Dahil lamang sa pagkakaroon nila ng angkop na kapaligiran para mabuhay kaya ang mga kagubatang ito, ang mga damuhang ito ay patuloy na nakapananatili sa lupa. Ang kanilang pag-iral ay ngangalaga sa maraming salinlahi ng tao gayundin ng maraming salinlahi ng lahat ng uri ng buhay na bagay na may mga tahanan sa mga kagubatan at sa mga damuhan—mga ibon at mga hayop, mga insekto, at ang lahat ng uri ng mga maliliit na bagay na may buhay.
Pinamamahalaan din ng Diyos ang balanse ng lahat ng uri ng hayop. Paano napamamahalaan ang balanseng ito? Ito ay kagaya sa mga halaman—pinamamahalaan Niya ang balanse at nagpapasiya Siya ng kanilang mga bilang batay sa kakayahan nilang magparami, kanilang dami at bilis ng pagpaparami at ang mga papel na kanilang ginagampanan sa gitna ng mga hayop. Halimbawa, kinakain ng mga leon ang mga sebra, kaya kung ang bilang mga leon ay lumampas sa bilang ng mga sebra, ano ang magiging kapalaran ng mga sebra? Sila ay malilipol. At kung ang kabuuang pagpaparami ng mga sebra ay higit na mababa kaysa doon sa mga leon, ano ang magiging kapalaran nila? Sila ay malilipol din. Kaya, ang bilang ng mga sebra ay kailangang higit na marami kaysa sa bilang ng mga leon. Ito ay sa dahilang ang mga sebra ay hindi umiiral para sa kanilang mga sarili lamang; umiiral din sila para sa mga leon. Maaari mo ding sabihin na ang bawat sebra ay isang bahagi ng mga sebra, ngunit ito ay pagkain din naman sa bibig ng leon. Ang bilis ng pagpaparami ng mga leon ay hindi kailanman madadaig ang sa mga sebra, kaya ang kanilang bilang ay hindi kailanman hihigit sa bilang ng mga sebra. Sa ganitong paraan lamang magagarantiya ang pinagkukunan ng pagkain ng leon. Kahit na ang mga leon ay likas na mga kaaway ng mga sebra madalas silang nakikita ng mga taong panatag na nagpapahinga sa parehong lugar. Ang mga sebra ay hindi kailanman mababawasan sa bilang o maglalaho sapagkat sila ay sinisila ng mga leon at kinakain, at ang mga leon ay hindi kailanman madadagdagan ang kanilang bilang dahil sa kanilang kalagayan bilang “hari.” Ang balanseng ito ay isang bagay na matagal na panahon nang itinatag ng Diyos. Iyon ay, itinatag ng Diyos ang mga kautusan sa balanse sa pagitan ng lahat ng hayop nang upang matamo nila ang balanse, at ito ay isang bagay na nakikita ng sangkatauhan. Ang mga leon lang ba ang likas na mga kaaway ng mga sebra? Kinakain din ng mga buwaya ang mga sebra. Nakakita ka na ba ng isang buwaya na kumakain ng isang sebra? Ang eksena ng isang buwaya na kumakain ng isang sebra ay malupit din naman. Ang mga sebra ay para talagang mahinang uri ng hayop. Wala sila ng bangis ng mga leon, at kapag nakasasagupa ng isa, ang nakatatakot na kalabang ito, tatakbo lamang sila. Hindi man lamang sila makalaban. Kapag hindi nila natalo sa takbuhan ang leon, hahayaan na lamang nila ang kanilang mga sarili na makain nito. Ito ay makikita nang madalas sa mundo ng mga hayop. Ano ang inyong pakiramdam kapag nakikita ninyo ang ganitong uri ng bagay? Naaawa ka ba sa sebra? Kinamumuhian mo ba ang leon? Ang mga sebra ay napakaganda sa paningin! Ngunit ang mga leon, palagi nilang tinitingnan ang mga ito nang buong kasakiman. At ang nakakaloko, ang mga zebra ay hindi makatakbo nang malayo. Nakikita nila ang leon doon naghihintay sa kanila, basta na lang naghihintay sa lilim ng isang puno. Sino ang nakaaalam kung kailan nito sila kakainin. Alam ba nila ito sa kanilang mga puso? Oo alam nila, ngunit hindi pa rin sila aalis sa kapirasong lupang iyon. Ito ay isang kagila-gilalas na bagay. Ang kagila-gilalas na bagay na ito ay naglalaman ng katalagahan ng Diyos, Kanyang patakaran. Maaawa ka sa zebra na iyon ngunit hindi mo maililigtas ito, at mararamdaman mo na ang leon ay kasuklam-suklam ngunit hindi mo ito mapapaalis. Ang sebra ay pagkain na inihanda ng Diyos para sa leon, ngunit gaano man sila kainin ng mga leon, ang mga sebra ay hindi mauubos. Ang bilang ng supling na nagagawa ng mga leon ay maliit talaga, at mabagal silang magparami, kaya hindi nila malalampasan ang bilang ng mga sebra. Gaano man karami ang kanilang kakainin, ang kanilang bilang ay hindi hihigit doon sa mga sebra. Ito ay isang uri ng balanse.
Ano ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng ganitong balanse? Ito ay may kinalaman sa mga kapaligiran ng mga tao para mabuhay gayundin ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Kung ang mga sebra, o ng anumang kaparehong sinisila ng leon—usa o iba pang mga hayop—ay mabagal sa pagpaparami at ang bilang ng mga leon ay mabilis na dumarami, anong uri ng panganib ang haharapin ng mga tao? Una, ang mga manok, mga pato, mga gansa, at ang mga aso na inaalagaan ng mga tao ay magiging pagkainpara sa mga leon. Sapagkat sila ay nakatira sa labas, kaya sila ang magiging unang biktima ng mga leon. Ang mga bagay ba na iyon ay sapat na para kainin ng mga leon? Ang ilang mga sambahayan ay may dalawang baboy. Kung ang leon ay bumaba mula sa mga kabundukan at kinain sila, basta na lang ba ito aalis pagkatapos nito? Iisipin nitong: “Wala nang makakain sa mga kabundukan, maglalagi na lang ako dito. Ang pamilyang ito ay may mga baboy—magiging konti na lamang ang mga tao ngayong nakain ko na sila. Wala na para sa susunod na pagkain—hindi ba nakahanda na itong lahat? Ang mga tao ay nakaupo lang sa loob—hindi sila makapananatili doon magpakailanman!” Sa sandaling lumabas ang mga tao, kakainin lamang sila sa isang lagitik lang ng mga panga nito. Ang mga tao ay walang kakayahang lumaban. Hindi ba ito magiging isang kalunos-lunos na bagay? Ang mga leon na kumakain ng mga sebra ay isang normal na pangyayari, ngunit kung ang isang leon ay kumain ng mga tao, ito ay magiging isang trahedya. Ang trahedyang ito ay hindi isang bagay na itinalaga ng Diyos, hindi ito kabilang sa Kanyang patakaran, lalong hindi Niya itinulot para sa sangkatauhan. Sa halip, ito ay itinulot ng mga tao sa kanilang mga sarili. Kaya kagaya ng nakikita ng Diyos, ang balanse sa pagitan ng lahat ng mga bagay ay napakahalaga para sa kakayahang mabuhay ng sangkatauhan. Maging sila man ay mga halaman o mga hayop, hindi nila makakayang iwala ang kanilang angkop na balanse. Ang mga halaman, mga hayop, mga kabundukan, at mga lawa ay naghanda para sa sangkatauhan ng isang normal na kapaligirang pang-ekolohiya. Sa pagkakaroon lamang ng ganitong uri ng kapaligirang pang-ekolohiya—ang isang balanse—saka pa lang magiging ligtas ang kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang magparami ng isang puno o damo ay hindi ganoon kaganda o ang bilis ng pagpaparami ay masyadong mabagal, ano ang gagawin ng lupa? Mawawala ba ng lupa ang kahalumigmigan nito? Kung mawala ng lupa ang kanyang kahalumigmigan, hindi ba ito magiging isang suliranin? Kung mawala ng lupa ang kanyang mga halaman at kahalumigmigan, ito ay kaagad na guguho, at buhangin ang papalit sa kanyang lugar. Ang lupa ay hindi na magiging malusog pa at ito ay magiging mabuhangin, at kapag ang lupa ay lumubha, ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay ay sira na rin. Kasabay ng pagkawasak na ito ay darating ang mga sakuna. Kung wala ang ganitong uri ng balanseng pang-ekolohiya, kung wala ang ganitong tipo ng balanseng pang-ekolohiya, ang mga tao ay madalas na magdurusa mula sa mga sakuna dahil sa mga kawalan ng balanseng ito sa pagitan ng lahat ng mga bagay. Halimbawa, ang kawalang balanse sa kapaligiran ay nagbibigay-daan sa pagtaas ng bilang ng mga palaka sa isang naturang lugar—ang kanilang kapaligirang pang-ekolohiya ay nasira, sila ay nagsama-sama, ang kanilang mga bilang ay mabilis na dumami at nakakakita pa ang mga tao ng mga palakang tumatawid sa mga kalsada sa mga siyudad, at malaking bilang ng mga palaka ang nasa mga daan. Kung ookupahan ng malaking bilang ng mga palaka ang kapaligiran ng mga tao para mabuhay, ano ang maitatawag dito? Isang sakuna. Bakit ito matatawag na isang sakuna? Ang mga maliliit na hayop na ito na kapaki-pakinabang para sa sangkatauhan ay mapapakinabangan ng mga tao kapag sila ay nanatili sa isang lugar na angkop para sa kanila; napananatili nila ang balanse ng kapaligiran ng mga tao para mabuhay. Sa sandaling sila ay maging isang sakuna, maaapektuhan nila ang kaayusan ng mga buhay ng mga tao. Ang lahat ng mga bagay at lahat ng mga elementong dala-dala ng mga palaka kasabay nila ay makakaimpluwensya sa kalidad ng buhay ng mga tao. Maging ang kanilang mga pisikal na bahagi ay maaaring salakayin—ito ay isa sa mga uri ng mga sakuna.
Isa pang uri ng sakuna, na isang bagay na palaging nararanasan ng mga tao—ay ang paglitaw ng napakaraming bilang ng mga balang. Hindi ba ito isang sakuna? Ito ay isang nakatatakot na sakuna. Hindi alintana kung gaano kahusay ang mga tao—ang mga tao ay maaaring gumawa ng mga eroplano, mga kanyon, at mga bombang atomika—ngunit kapag ang mga balang ay naghimasok sa sangkatauhan, ano ang magiging solusyon nila? Maaari ba nilang gamitin ang mga kanyon sa kanila? Maaari ba nilang barilin ang mga ito ng kanilang mga baril na de-makina? Hindi nila magagawa. Kung gayon maaari ba nilang bombahin ng isang pestisidyo upang maitaboy sila? Hindi rin iyon madali. Kaya, bakit dumarating ang maliliit na balang na iyon? Upang kumain ng mga butil. Saanman magpunta ang mga balang ang mga pananim ay lubusang nangasisira. Partikular nilang kinakain ang mga pananim at mga butil. Saanman sila magdaan, ang anumang mga butil ay mawawala na lamang! Sa ilalim ng pagsalakay ng mga balang, sa isang kisapmata, ang pagkain na inaasahan ng mga magsasaka—katumbas ng isang taong mga butil—ay maaaring maubos lahat ng mga balang. At ano ang pagdating ng mga balang para sa mga tao? Hindi lamang ito isang pagkainis—ito ay isang sakuna.
Ang mga balang ay isang uri ng sakuna, kaya paano naman ang mga daga? Kapag mabilis magparami ang mga daga at walang anumang mga kuwago at mga lawin upang kainin sila, sila ay dadami nang mabilis, mas mabilis kaysa sa iniisip mo. At kapag ang paglaganap ng mga daga ay hindi nasiyasat, magkakaroon ba ang mga tao nang mainam na buhay? Hindi. Kaya ano yaong kakaharapin ng mga tao? (Isang salot.) Isang salot lamang ba? Kakainin ng mga daga ang anumang bagay! Ngangatngatin nila maging ang kahoy. Kung mayroong dalawang daga sa isang bahay, ang bawat isa sa buong sambahayan ay maiirita. May mga pagkakataon na nang-uumit sila ng mantika at kinakain nila, may mga pagkakataon na kinakain nila ang mga butil at nginangata ang mga damit—ito ang kaguluhan na dinadala ng mga daga sa mga tao. Sila ay mga sobrang liit lang na mga daga, ngunit ang mga tao ay walang paraan ng pakikitungo sa kanila. Tinatakot pa sila ng mga ito. May mga pagkakataon na sumasampa sila sa lalagyan ng mga plato—maaari pa bang gamitin ang mga platong iyon? Ang mga plato ay hindi na maaaring gamitin, ang paglilinis sa kanila ay walang bisa at kahit na linisin mo sila hindi ka rin mapapakali, kaya itatapon mo na lang ang mga ito. At ang mga bagay na hindi nila makakain ay nginangata na lamang nila sa maliliit na piraso at gagawin ang mga itong magulong-magulo. Nginangata nila ang mga damit, mga sapatos, kahoy, muwebles—nginangata nila ang lahat ng mga bagay. Hindi na kailangang magsalita pa ukol sa isang buong pulutong ng mga daga—ang isang pares lamang ng mga daga ay sapat upang makapagdulot ng kasiraan. Kapag sila ay naging isang sakuna, ang mga kahihinatnan ay hindi malilirip.
Kaya, kapag ang sobrang kaliit na mga langgam ay naging isang sakuna, ano kaya ang makakatulad nito? Ang pinsala na kanilang maidudulot sa sangkatauhan ay hindi maaaring balewalain. Ang pagngatngat ng mga langgam sa kahoy hanggang sa gumuho ang isang bahay ay hindi isang kakatwang bagay. Ang kanilang lakas ay hindi maaaring hindi makita. Kaya, kapag ang mga anay o ang mga itlog ng anay ay natuklasan sa loob ng isang bahay na yari sa kahoy, sa Estados Unidos, ito ay isang napakalaking kaganapan. Kailangan mong maghanap ng isang propesyonal na kumpanya na may mga tauhang teknikal na may mga propesyonal na pamamaraan sa pagpatay sa kanila. Kapag hindi mo sila pinatay, ang bahay na iyon ay mahirap maibenta at ito ay magiging isang malaking problema. Narinig mo ba ang tungkol sa kumpol ng mga langgam na kumain ng kabayo? May isang kumpol ng mga langgam ang kumukuyog sa isang malaking kabayo, at ang natira lamang sa kabayo ay ang kalansay. Nakatatakot ba iyon o ano? At nang makita ito ng sumasakay sa kabayo, saan siya nagtungo sa pagtakas? May isang lawa sa malapit, kaya tumakbo siya patungo sa lawa at lumangoy sa kabilang pampang. Nakaligtas siya sa ganoong paraan. Ngunit pagkatapos niyang makita iyon, habang siya ay nabubuhay hindi niya makalilimutan kung paanong ang sobrang liit na mga langgam na iyon ay biglang nagkaroon ng gayong lakas. Kamuntik na nila siyang kainin. Kung hindi siya nagkaroon ng kabayo, nauna sana siyang kinain ng mga langgam, at dahil mayroong tubig sa pagitan nila, hindi kaagad nakagawa ng tulay ang mga langgam para kainin siya. Kung wala lang ang tubig doon ang kabayo at ang tao ay kapwa sana kinain nang sabay. Ang lakas ng mga langgam ay hindi maaaring hindi makita.
At kung ang iba’t-ibang uri ng mga ibon ay maging isang sakuna ito rin ay magiging isang nakatatakot na bagay. Iyon ay, maging anumang uri ng mga hayop o mga bagay na may buhay, sa sandaling mawala nila ang kanilang balanse, sila ay lalago, magpaparami, at maninirahan sa loob ng isang abnormal na saklaw, isang hindi karaniwang saklaw. Magdudulot ito ng hindi malirip na mga kahihinatnan sa sangkatauhan. Hindi lamang nito maaapektuhan ang pagpapanatili ng mga tao at mga buhay, ngunit ito ay magdudulot din ng sakuna sa sangkatauhan, maging hanggang sa punto na maranasan ng mga tao ang lubos na pagkalipol, daranasin ang kapalaran ng pagkapuksa.
Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang buhay na nilkha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng buhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maapektuhan. Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga para sa lahat ng mga bagay. Kung masyadong marami ang mga hayop—kung ang mga bilang ng mga daga, mga langgam, mga balang, at mga palaka ay masyadong napakarami at kailangan nilang uminom ng tubig—kung magkakaroon ng sobra-sobrang bilang ng mga hayop, ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tataas din. Habang ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tumataas, sa loob nitong nakapirming saklaw ng mga pinagkukunan ng tubig na iniinom at mga lugar na may tubig, ang iniinom na tubig ng mga tao at ang mga pinagkukunan ng tubig ay mababawasan, at magkukulang sila ng tubig. Kapag ang tubig na iniinom ng mga tao ay nasira, nakontamina, o nawasak dahil ang lahat ng uri ng hayop ay dumami sa bilang, sa ilalim ng gayong uri ng malupit na kapaligiran para mabuhay, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay lubhang manganganib. Kung mayroong isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay na lumampas sa kanilang angkop na bilang, ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng puwang ng sangkatauhan para mabuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Nang katulad, sa ilalim ng ganitong mga kaganapan, ang kakayahang mabuhay ng mga tao at kapalaran ay nakapailalim pa rin sa panganib ng gayong uri ng kapaligiran. Kaya, kapag nawala ng mga tao ang mga balanseng iyon, ang hangin na kanilang hinihinga ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago din, maapektuhan sa iba’t-ibang mga antas. Kapag nangyari iyon, ang likas na kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ilalim ng ganitong kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay nangasira, ano ang magiging kapalaran ng tao at mga inaasahan? Ito ay napakaseryosong suliranin!
Sapagkat nalalaman ng Diyos kung ano ang lahat ng mga bagay sa sangkatauhan, ang papel ng bawat isang uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong epekto mayroon ito sa mga tao, at gaano kadakilang pakinabang ang dadalhin nito sa sangkatauhan—sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, kaya para sa mga tao, ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga—ang lahat ng ito ay kinakailangan. Kaya makakita ka man ng ilang pangyayari na pang-ekolohiya, o ilang likas na mga kautusan sa gitna ng lahat ng mga bagay, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan sa bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng mga bagay at ang Kanyang iba’t ibang pamamaraan sa pagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi ka na rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon sa mga kautusan ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha. Hindi ba ito ang pinag-uusapan?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento