2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
“Jehova” ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay ginawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay pinasimulan sa mundo. Sa yugtong ito, ang gawain ay binuo ng pagtatayo ng templo at altar, at gamit ang kautusan upang gabayan ang mga Israelita at gumawa sa piling nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga Israelita, inilunsad Niya ang saligan para sa Kanyang gawain sa mundo. Mula sa saligang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain nang lampas sa Israel, na ang ibig sabihin, simula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, upang ang sumunod na mga henerasyon ay unti-unting nalaman na si Jehova ang Diyos, at si Jehova ang lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng mga bagay, at si Jehova ang gumawa ng lahat ng mga nilalang. Ikinalat Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita palabas nang lampas nila. Ang lupain ng Israel ay ang unang banal na lugar ng gawain ni Jehova sa mundo, at dito sa lupain ng Israel na ang Diyos ay unang pumunta para gumawa sa mundo. Iyan ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nagsimula sa pangalan ni Jesus. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalang Jehova ay hindi na muling binigkas pa; sa halip, ang Banal na Espiritu ay nagsagawa ng bagong gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng yaong naniwala sa Kanya ay isinagawa para kay Jesu-Cristo, at ang gawaing kanilang ginawa ay para rin kay Jesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay nangahulugang natapos na ang gawain na isinagawa pangunahin sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Mula ngayon, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Si “Jesus” ay si Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. … Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang alay sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya upang muling isilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at nagpapahiwatig ng Kapanahunan ng Biyaya. … Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na ibig sabihin, ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay mahabagin at mapagmahal na Diyos. Ang Diyos ay kapiling ng tao. Sinamahan ng Kanyang pag-ibig, ng Kanyang habag, at ng Kanyang pagliligtas ang bawat tao. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa pangalan ni Jesus at ng Kanyang presensiya na ang tao ay maaaring magtamo ng kapayapaan at kagalakan, tumanggap ng Kanyang pagpapala, ng Kanyang malawak at maraming biyaya, at ng Kanyang pagliligtas. Sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus ni Jesus, ang lahat yaong sumunod sa Kanya ay tumanggap ng kaligtasan at napatawad sa kanilang mga kasalanan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya’t bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nahulaan na ang pagdating ng Mesias, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay naipatupad na noong unang panahon? Hindi ba maaaring gumawa ang Diyos ngayon ng bagong gawain? Ang gawain ng kahapon ay maaaring mabago, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula doon kay Jehova. Hindi ba maaari na ang gawain ni Jesus ay masundan ng iba pang gawain? Kung ang pangalan ni Jehovah ay maaaring palitan ng Jesus, sa gayon hindi ba maaaring ang pangalan ni Jesus ay palitan din? Ito ay hindi karaniwan, at iniisip nga ng tao[a] dahil lamang sa kanilang kawalang muwang. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Hindi alintana ang mga pagbabago sa Kanyang gawain at Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at karunungan ay mananatiling di-nagbabago magpakailanman. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalan ni Jesus, sa gayon kakaunti lamang ang iyong nalalaman. Lakas-loob mo bang igigiit na ang Jesus ay magpakailanmang pangalan ng Diyos, na ang Diyos ay magpakailanman at laging magpapatuloy sa pangalang Jesus, at ito ay hindi kailanman magbabago? Lakas-loob mo bang igigiit nang may katiyakan na ang pangalan ni Jesus yaong tumapos sa Kapanahunan ng Kautusan at tatapos din sa huling kapanahunan? Sino ang makapagsasabi na ang biyaya ni Jesus ay maaaring wakasan ang kapanahunan?
mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ipinapalagay na ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan ay palaging pareho, at palagi Siyang tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay dapat tawaging Jehova, at bukod sa Diyos na tinawag na Jehova, sinumang tinawag ng anumang iba pang pangalan ay hindi Diyos. O kung hindi, ang Diyos ay maaari na si Jesus lamang, at bukod sa pangalan ni Jesus hindi Siya maaaring matawag ng anumang iba pang pangalan; bukod kay Jesus, si Jehova ay hindi Diyos, at ang Makapangyarihang Diyos ay hindi rin Diyos. Naniniwala ang tao na totoo na makapangyarihan ang Diyos, ngunit ang Diyos ay Diyos na kasama ng tao, at dapat Siyang tawaging Jesus, dahil ang Diyos ay kasama ng tao. Ang paggawa nito ay pagsunod sa doktrina, at pagkulong sa Diyos sa isang tiyak na saklaw. Kaya, sa bawat kapanahunan, ang gawaing ginagawa ng Diyos, ang pangalan kung saan tinatawag Siya, at ang wangis na Kanyang ginagamit—ang gawaing Kanyang ginagawa sa bawat yugto hanggang sa ngayon—hindi sumusunod ang mga ito sa iisang regulasyon, at hindi sumasailalim sa anumang mga limitasyon kung ano pa man. Siya si Jehova, ngunit Siya rin si Jesus, pati na rin ang Mesiyas, at Makapangyarihang Diyos. Ang Kanyang gawain ay maaaring magdaan sa unti-unting pag-iibang-anyo, na may kaukulang mga pagbabago sa Kanyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring ganap na kumakatawan sa Kanya, ngunit lahat ng mga pangalan na itinatawag sa Kanya ay nagagawang kumatawan sa Kanya, at ang gawain na Kanyang ginagawa sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa bawat pagkakataong dumarating ang Diyos sa mundo, binabago Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang Kanyang wangis, at ang Kanyang gawain; Hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain. Siya ang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Nang dumating Siya noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin bang tawagin Siyang Jesus sa pagkakataong ito kapag bumalik Siya? … Mayroon yaong mga nagsasabi na ang Diyos ay walang-pagbabago. Tama iyan, ngunit tumutukoy ito sa hindi pagbabago ng disposisyon ng Diyos at ng Kanyang diwa. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na nabago ang Kanyang diwa; sa ibang salita, ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, makakaya ba Niyang matapos ang Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala? Alam mo lamang na ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman, ngunit alam mo bang ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
At kaya, sa bawat isang pagdating, tinatawag ang Diyos sa isang pangalan, kumakatawan Siya sa isang kapanahunan, at binubuksan Niya ang isang bagong daan; at sa bawat isang bagong daan, gumagamit Siya ng isang bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman humihinto na umunlad sa pasulong na direksiyon. Ang kasaysayan ay palaging kumikilos nang pasulong, at ang gawain ng Diyos ay palaging kumikilos nang pasulong. Para maabot ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala ang katapusan nito, dapat nanatiling umuunlad ito sa pasulong na direksyon. Sa bawat araw dapat Siyang gumawa ng bagong gawain, sa bawat taon dapat Siyang gumawa ng bagong gawain; Dapat Siyang magbukas ng mga bagong daan, dapat maglunsad ng mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at mas dakilang gawain, at kasama ng mga ito, magdala ng mga bagong pangalan at bagong gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. Kapag ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng pamamahala ng Manlilikha, ano pa ang kailangan Niya sa isang lubos na naaangkop ngunit hindi kumpletong pangalan? Naghahanap ka pa rin ba ng pangalan ng Diyos ngayon? Naglalakas-loob ka pa ba na sabihing ang Diyos ay tinatawag lamang na Jehova? Naglalakas-loob ka pa ba na sabihing ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus? Kaya mo bang pasanin ang kasalanan na kalapastanganan laban sa Diyos?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao