Tingnan natin kung paanong isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian; kinakailangan dito na banggitin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang patunayan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Hulyo 22, 2019
Paano Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian?
Tingnan natin kung paanong isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian; kinakailangan dito na banggitin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang patunayan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Hulyo 5, 2019
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
“At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).
Hulyo 3, 2019
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
Hulyo 1, 2019
Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
Mayo 21, 2019
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas….Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway. Wawasakin Ko ang buong lupa, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga guhò, upang mula ngayon ay hindi na nila mapápasámâ ang sangkatauhan. Buo na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa makaharing parada sa ibabaw ng sansinukob, magagawang bago ang lahat ng mga tao, at mapapasigla ang lahat ng mga bagay. Hindi na iiyak ang tao, at hindi na sila sisigaw sa Akin para tulungan. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sansinukob, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …”
Mayo 13, 2019
II. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan
4. Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas.
Mayo 12, 2019
Ang Katotohanan ng Kontrol at Kapangyarihan ng Maylalang sa Lahat ng mga Bagay at mga Buhay na Nilalang ay Naghahayag ng Tunay na Pag-iral ng Awtoridad ng Maylalang
nakatala ang pagpapala ni Jehovah sa Libro ng Job. Ano ang ipinagkaloob ng Diyos kay Job? “Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling katapusan ni Job na higit sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae” (Job 42:12). Mula sa pananaw ng tao, ano ang mga bagay na ito na ibinigay kay Job? Mga ari-arian ba iyon ng tao? Sa mga ari-ariang ito, naging napakayaman na ba si Job sa panahon na iyon? At paano niya nakuha ang mga naturang ari-arian? Saan nanggaling ang kanyang kayamanan? Kahit hindi sabihin, salamat sa biyaya ng Diyos kaya natamo ni Job ang mga iyon. Kung paano tiningnan ni Job ang mga ari-ariang ito, at kung paano niya itinuring ang mga biyaya ng Diyos, ay hindi isang bagay na ating tatalakayin dito. Pagdating sa mga biyaya ng Diyos, hinahangad ng lahat ng tao, sa araw at gabi, na pagpalain ng Diyos, ngunit walang kontrol ang tao sa kung gaano karaming mga ari-arian ang kaya niyang makuha sa panahon ng kanyang buhay, o kung makatatanggap ba siya o hindi ng biyaya mula sa Diyos—at hindi kaduda-duda ang katotohanang ito!
Abril 29, 2019
Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay
(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
(Lu 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.
Abril 11, 2019
IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan
3. Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao.
Abril 3, 2019
IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan
4. Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao.
Pebrero 1, 2019
2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig.
2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, upang sumpain ang masama, at higit pa, upang lumupig para sa kapakanan ng pagka-perpekto sa yaong mga nakahandang sumunod.
mula sa “Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba't ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay magsama-sama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay magsama-sama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. ... Ang kahuli-huling yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig—upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan-itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.
Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain sa pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t-ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. …
… Kapag isinasagawa na Niya ang gawain ng panlulupig, hindi ka kokontrolin ng Diyos gamit ang iyong mga inaasam, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang layunin ng gawain ng panlulupig ay upang maisakatuparan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin siya sa Maylalang, at pagkatapos lamang nito siya maaaring pumasok sa kamangha-manghang hantungan.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang resultang makakamit mula sa gawaing panlulupig ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isipan ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi sukatan kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong kamalayan, at ang iyong pandama ay nagbago—iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isipan ay nagbago—ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at nagkaroon na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na dinadala ang kahit na alin sa iyong mga paniwala o mga hangarin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay nakakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos nang buong puso—ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa kinasasaklawan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi walang-kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit pa naghihirap at nagtitiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkait nila sa kanilang mga sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lamang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at biguin ang kanilang laman. Ang kanilang diwa para sa pagtitiis ng pagdurusa ay kahanga-hanga. Nguni’t ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniwala, ang kanilang saloobing pang-isipan, at tunay na ang kanilang lumang kalikasan—wala kahit isa sa mga ito ang napakitunguhan man lamang. Wala silang tunay na pagkaunawa sa kanilang mga sarili. Ang nasa isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang walang-hugis at malabong Diyos. Ang kanilang paninindigan na magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at kanilang positibong mga kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pagkaunawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang may katha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o isang maalamat na Diyos na natatagpuan sa mga babásáhín. Sa gayon, ginagamit nila ang kanilang matalas na mga imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-tumpak, sa gayo’y wala kahit isang tunay na naglilingkod sa Diyos sa paraang nakatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang nasa isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napapagdaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at pagpeperpekto, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lamang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lamang ng patukmu-tukmong paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang taong bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang sasang-ayon dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lamang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? ... Sila ay sumusunod hanggang sa huli, nguni’t, sila ay hindi pa rin nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kakaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, nguni’t sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang mga pag-iisip, makalumang mga paniwala, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na anyo at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga paniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang paniwala at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao.
mula sa “Ang Panloob na Katotohanan sa Gawaing Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawaing panlulupig na ginagawa sa inyong mga tao ay may pinakamalalim na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang isang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang gawin silang perpekto para maging pangkat ng mga mandaraig, bilang ang unang pangkat ng mga tao na ginawang ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na kabuuan na tamasahin ang pag-ibig ng Diyos, tanggapin ang pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at tanggapin ang buong pagliligtas ng Diyos, upang hayaan ang tao na tamasahin hindi lamang ang awa at mapagmahal na kabaitan, kundi mas mahalaga, ang pagkastigo at paghatol. Simula sa paglikha ng mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay upang magdala ng patotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpapalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay para sa layunin ng pag-aakay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagka’t hindi alam ng tao kung paano ang mabuhay. Kung wala ang gayong pag-aakay, ikaw ay makakapamuhay lamang ng isang buhay na walang-saysay, makakapamuhay lamang ng isang walang-halaga at walang-kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung paano talaga maging isang normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.
mula sa “Ang Panloob na Katotohanan sa Gawaing Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang magawang perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng nilalang. Kung ang gawain ng yugtong ito ay kinapapalooban lamang ng pagpeperpekto sa mga tao, kung gayon maari itong magawa sa Inglatera, o sa Amerika, o sa Israel; maari itong magawa sa mga tao ng anumang bansa. Nguni’t ang gawaing panlulupig ay namimili. Ang unang hakbang ng gawaing panlulupig ay sa maikling panahon lamang; higit pa rito, ito ay gagamitin upang hiyain si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin ng isa na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay magagawang perpekto dahil ang gawing perpekto ay isang bagay na makakamit lamang ng isa pagkatapos ng mahabang-panahong pagbabago. Nguni’t ang malupig ay iba. Ang tao na lulupigin ay dapat yaong isa na pinaka-nahuhuli sa lahat, namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, siya ring pinakamababa, ang pinaka-ayaw na tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin ng Diyos. Ito ang uri ng tao na makakapagpatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay talunin si Satanas. Ang pangunahing layunin ng pagpeperpekto sa mga tao, sa kabilang banda, ay magtamo ng mga tao. Ito ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na magkaroon ng patotoo pagkatapos na malupig kaya ang gawaing panlulupig na ito ay inilagay dito, sa mga taong katulad ninyo. Ang layunin ay upang sumaksi ang mga tao pagkatapos na malupig. Ang nalupig na mga taong ito ay gagamitin upang makamit ang layunin ng pagpapahiya kay Satanas.
mula sa “Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunang ito sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling sangkatauhan. Ito ay hindi upang sabihin na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang pagkaintindi ng tao ay magkakapareho lahat, at bagamat ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon maaaring kinakalaban nila Siya. … Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig sila ay magiging isang modelo at ispesimen at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano sa pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan—sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.

Enero 31, 2019
2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati-ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos-ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa't tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni't ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.
… Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao.
mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang ilan ay naniniwala na ang Diyos ay maaaring minsan pumarito sa lupa at magpakita sa tao, kung saan ay hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, sinusubukan ang bawat isa na walang sinuman ay malalampasan. Ang mga nag-iisip sa ganitong paraan ay hindi alam ang yugto na ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, at hindi sinusubukan ang tao nang isa-isa; ang paggawa ng gayon ay hindi magiging gawain ng paghatol. Hindi ba ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan ay pare-pareho? Hindi ba ang diwa ng tao ay magkakapareho? Ang hinuhusgahan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng mga kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang ginagawa ng walang kapararakan at walang kabuluhang mga kamalian ng tao. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng tao, ngunit hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan-pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na kung saan ay naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang nagkatawang-taong Diyos sa panahon ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang Kanyang gawain, salita, at buong disposisyon ay ang kabuuan Niya. Kahit na ang saklaw ng Kanyang gawain ay limitado, at hindi direktang nalalakip ang buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang direktang paghatol sa lahat ng sangkatauhan; ito ay hindi lamang isinasagawa na gawain sa Tsina, o para sa isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, kahit na ang saklaw ng gawain na ito ay hindi kalakip ang buong sansinukob, ito ay kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob, at pagkatapos Niyang tapusin ang gawain sa loob ng gawaing saklaw ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang palalawakin ang gawain na ito sa buong sansinukob, sa parehong paraan na ang ebanghelyo ni Jesus ay lumaganap sa buong sansinukob kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat. Hindi alintana kung ito ay ang gawain ng Espiritu o ang gawain ng katawang-tao, ito ay gawain na natupad sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, nagpapakita ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain gamit ang Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na hahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Hindi alintana kung Siya ang Espiritu o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na hahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ay inilalarawan ayon sa Kanyang gawain, at hindi inilalarawan ayon sa Kanyang panlabas na anyo o iba pang mga kadahilanan. Kahit ang tao ay may mga pagkaintindi sa mga salitang ito, walang sinuman ang maaaring tumanggi sa katotohanan ng paghatol at paglupig ng nagkatawang-taong Diyos sa lahat ng sangkatauhan. Hindi alintana kung paano ito tinatasahan, ang mga katunayan ay, sa kabila ng lahat, mga katunayan. Walang sinuman ang maaaring sabihin na "Ang gawain ay ginawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos." Ito ay kalokohan, dahil ang gawain na ito ay maaaring gawin lamang ng Diyos sa katawang-tao. Dahil ang gawain na ito ay ginawang ganap, ang susunod sa gawain na ito ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao ay hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon; ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay tinapos na ang lahat ng mga gawain ng buong pamamahala, at walang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba't ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao-ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: "At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi." (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: "At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi." Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may ‘di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay Siyang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawa’t yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uuliting muli ang gawain ng paghatol para sa kapakanan ng iyong “mga katangian,” at walang-hangganan mong pagsisisihan ang pagkawala ng ganoon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa dakilang puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng mga Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang katunayan na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa pagbubulid sa iyo sa dagat-dagatang apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libu-libong taon.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)