Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post

Hunyo 30, 2018

Kristianong video | Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos

∈∋∈∋.❋.∈∋∈∋.❋.∈∋∈∋

  Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Marso 15, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang DiyosGinagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


     
       Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.