Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post

Setyembre 6, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto...Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan."

Agosto 23, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Tanging ang Pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ang Pag-agapay sa mga Yapak ng Cordero"


      Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

Agosto 21, 2018

Tagalog Christian Movie-"Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Clip 4/5) Kapareho ba ng Mapadalisay ang Maligtas?


Tagalog Christian Movie-Tagalog Christian Movie 2018 | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Clip 4/5) Kapareho ba ng Mapadalisay ang Maligtas?


Yamang naligtas na yaong mga sumasampalataya sa pangalan ng Panginoong Jesus, bakit kailangang gawin ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan? Ipapakita sa inyo ng videong ito ang sagot.
    

Kristianong video | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"


Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Sinabi ng Diyos na Jehova, "walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, sa makatuwid baga'y ako, ni Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas" (Isaias 43:10-11). Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos na nagkatawang-tao ang pangalang Jesus. Ang Diyos ay hindi nagbabago, kaya paanong magbabago ang Kanyang pangalan? Dagdag pa rito, nagpropesiya ang Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw, kaya tungkol saan ang lahat ng ito? Maraming tao ang hindi nakauunawa dito, ngunit ilalantad sa inyo ng maikling video na ito ang katotohanan.

Agosto 17, 2018

Salita ng Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao



     Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

Hulyo 23, 2018

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


     Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?

Hunyo 7, 2018

"Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat" | Paglalabas ng Kautusan


    Ang mga utos at kautusang inilabas ng Diyos na si Jehova sa mga Israelita ay hindi lang nagkaroon ng malaking epekto sa batas ng tao, kundi gumanap din ng mahalagang papel sa pagtatatag at pagbubuo ng moral na sibilisasyon at mga demokratikong institusyon sa mga lipunan ng tao. Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang makasaysayang katotohanan!

fRekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan


Abril 20, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


 Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.


Di lang N'ya tinatapos ang kapanahunan ng doktrina
at kautusan;
mas mahalaga, ibinubunyag D'yos na tunay at normal sa tao
na S'yang matuwid at banal,
na nagbubukas ng gawaing planong pamamahala
at ibinubunyag ang mga hiwaga at hantungan ng tao,
na Siyang may likha, tinatapos gawaing pamamahala,
nanatiling nakatago sa libo-libong taon.
Ganap N'yang tinatapos kapanahunan ng kalabuan.
Ganap N'yang tinatapos kapanahunan ng kalabuan.
Tinatapos N'ya ang kapanahunang di makita
ng tao mukha ng D'yos.
Tinatapos N'ya ang panahong lahat ng
tao ay nagsilbi kay Satanas,
at inaakay sila sa isang ganap na bagong panahon.
Lahat ito'y bunga ng gawain ng D'yos sa katawang-tao,
sa halip na Espiritu ng D'yos,
sa halip na Espiritu ng D'yos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang pinagmulan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Marso 29, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

         
       Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

Marso 18, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


    Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperadong pinananabikan ang biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo nang di-matuwid, nagsusuot ng mga damit nang di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Marso 15, 2018

Salita ng Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

           
        Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Ang tinig ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang DiyosGinagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


     
       Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Marso 9, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng unang yugto ng gawain sa Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain kung saan pinangunahan ni Jehova ang Kanyang bayan. Ang ikalawang yugto ay nagpasimula sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasinayaan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, na dumating upang pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa’t ang pagtubos ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga naisakatuparan ay may dalawa ring bahagi: ang pagbubukas ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong ito, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Nobyembre 2, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Jehova, Propeta, karunungan,  lahat ng bagay, kaligtasan


    

      Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.

  Hindi ba naniniwala ang mga tao na ito ay nakatadhana bago pa ang paglikha na ipagbibili ni Hudas si Jesus? Sa totoo lang, binalak na ito ng Banal na Espiritu ayon sa realidad ng panahon. Nangyari lamang na mayroong isang tao na ang pangalan ay Hudas na palaging mag-aalibugha sa kabang-yaman. Kaya siya ay napili upang gumanap sa papel na ito at magsilbi sa ganitong paraan. Ito ang tunay na halimbawa ng paggamit ng lokal na mapagkukunan. Walang kaalam-alam si Jesus noong una; nalaman lamang Niya nang nabunyag si Hudas. Kung mayroong iba na makagaganap sa papel na ito, iba rin sana ang gagawa kaysa si Hudas. Ang nakatalaga sa totoo lang ay kaalinsabay na ginawa ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay palaging kusang-loob; anumang oras na binabalak Niya ang Kanyang gawain, isasagawa ito ng Banal na Espiritu. Bakit palagi kong sinasabi na ang gawain ng Banal na Espiritu ay makatotohanan? Na ito ay palaging bago at hindi kailanman luma, at ito ay palaging sariwa? Ang gawa ng Diyos ay hindi binalak bago pa likhain ang mundo; hindi ito ang nangyari! Ang bawat hakbang ng gawain ay nagtatamo ng tamang kalalabasan para sa nauukol na panahon, at hindi nanghihimasok sa isa’t-isa. Mayroong iba’t-ibang pagkakataon na kung saan ang mga plano sa iyong isip ay hindi mapapantayan ang pinakabagong gawain ng Banal na Espiritu. Ang Kanyang gawain ay hindi kasing-payak ng pag-unawa ng tao, o kasing-gulo ng mga imahinasyon ng tao; ito ay binubuo ng pagtutustos sa tao sa lahat ng oras at lahat ng lugar ayon sa kanilang kasalukuyang pangangailangan. Walang sinuman ang mas malinaw sa substansya ng tao maliban sa Kanya, at tiyak na ito ay para sa dahilan na walang makababagay sa makatotohanang pangangailangan ng tao gayundin ang Kanyang ginagawang gawain. Samakatuwid, mula sa pananaw ng tao, ang Kanyang gawain ay binalak na muna ng ilang libong taon. Habang Siya ay gumagawa sa inyo ngayon, ayon sa inyong kalagayan, Siya rin ay nagsasagawa ng gawain at nagsasalita sa anumang oras at anumang dako. Kapag ang mga tao ay nasa isang kalagayan, sinasabi Niya ang mga salita na tiyak na kanilang kailangan. Ito ay parang ang unang hakbang sa Kanyang gawain sa mga panahon ng pagkastigo. Pagkatapos ng mga panahon ng pagkastigo, nagpakita ang tao ng ilang mga pag-uugali, sila ay umastang mapanghimagsik sa ilang paraan, lumitaw ang ilang positibong kalagayan, lumitaw rin ang ilang negatibong kalagayan, at ang mataas na hangganan ng pagka-negatibong ito ay umabot sa ilang antas. Isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain hango sa lahat ng mga bagay na ito, at ginamit ang mga bagay na ito upang magkamit ng mas magandang bisa para sa Kanyang gawain. Isinasagawa Niya lamang ang panunustos Niyang gawain sa mga tao ayon sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Isinasagawa Niya ang bawat hakbang sa gawain ayon sa aktwal na mga kalagayan ng mga tao. Ang lahat ng nilikha ay nasa Kanyang mga kamay; hindi ba Niya sila makikilala? Sa kabila ng mga kalagayan ng tao, isinasagawa ng Diyos ang susunod na hakbang sa Kanyang gawain na kailangang matapos, sa anumang oras at lugar. Ang gawaing ito ay hindi binalak ng isang libong taon ang nakaraan; ito ay pagkaintindi ng tao! Siya ay gumagawa habang sinusubaybayan ang dulot ng Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ay patuloy na lumalalim at lumalago; habang Kanyang sinusubaybayan ang mga resulta ng Kanyang gawain, isinasagawa na Niya ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Gumagamit Siya ng maraming mga bagay upang unti-unting magbago at upang makita ng mga tao ang Kanyang bagong gawain. Ang ganitong uri ng gawain ay makapagtutustos sa pangangailangan ng mga tao, dahil kilalang-kilala ng Diyos ang mga tao. Ito ay kung paano Niya isinasagawa ang Kanyang gawain mula sa langit. Gayundin, isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain sa parehong paraan, nagbabalak ayon sa katotohanan at gumagawa sa sangkatauhan. Wala sa Kanyang mga gawain ang binalak bago nilikha ang mundo, o binalak nang mabuti sa simula pa lamang. 2,000 taon matapos likhain ang mundo, nakita ni Jehovah na ang sangkatauhan ay naging sobrang tiwali kaya’t ginamit Niya ang bibig ng propetang si Isaias upang gumawa ng hula na matapos ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagtapos, isasagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang plano ni Jehova, mangyari pa, ngunit ang planong ito ay ginawa rin ayon sa Kanyang napansing kalagayan sa mga oras na iyon; siguradong hindi Niya ito naisip matapos likhain si Adan. Nanghula lamang si Isaias, ngunit hindi agad nakapaghanda si Jehovah para rito sa Kapanahunan ng Kautusan; sa halip, itinalaga Niya ang gawaing ito sa pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya, nang nagpakita ang mensahero sa panaginip ni Jose at siya ay niliwanagan, at nagsabing ang Diyos ay magiging tao, kaya’t ang Kanyang gawain sa pagkakatawang-tao ay nagsimula. Ang Diyos ay hindi, katulad ng inaakala ng iba, naghanda para sa Kanyang gawain ng pagkakatawang-tao matapos likhain ang mundo; ito ay napagpasiyahan lamang ayon sa antas ng pagsulong ng sangkatauhan at sa kalagayan ng Kanyang pakikipaglaban kay Satanas.

  Kapag ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang Espiritu ay bumababa sa tao; sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay nagsusuot ng katawang-tao. Isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa lupa, at sa halip na magdala ng ilang may takdang hakbang, ang gawaing ito ay lubos-lubos na walang hangganan. Ang gawain na isinasagawa ng Banal na Espiritu sa katawang-tao ay nalalaman sa pamamagitan ng mga resulta ng Kanyang gawain, at ginagamit Niya ang mga bagay na ito upang malaman ang haba ng panahon na kung saan Siya ay magsasagawa ng gawain sa Kanyang katawang-tao. Ang Banal na Espiritu ay tahasang ibinubunyag ang bawat hakbang sa Kanyang gawain; sinusuri Niya ang Kanyang gawain habang Siya ay nagpapatuloy; ito ay hindi higit sa karaniwan na mahahatak ang mga limitasyon ng imahinasyon ng tao. Ito ay katulad ng gawain ni Jehovah sa paglikha ng langit at lupa at lahat ng mga bagay; sabay Siyang nagplano at gumawa. Pinaghiwalay Niya ang liwanag mula sa kadiliman, at nagkaroon ng umaga at gabi—tumagal ito nang isang araw. Sa pangalawang araw nilikha Niya ang himpapawid, na tumagal din nang isang araw, at nilikha Niya ang lupa, mga dagat at mga bagay na titira rito, at tumagal din nang isang araw. Ito ay nagpatuloy hanggang sa ika-anim na araw, nang nilikha ng Diyos ang tao at pinahintulutan Niya itong pamahalaan ang mga bagay sa lupa, hanggang sa ika-pitong araw, nang natapos Niyang likhain ang lahat ng bagay, at nagpahinga. Pinagpala ng Diyos ang ika-pitong araw at itinalaga ito bilang banal na araw. Pinagpasiyahan Niya ang banal na araw na ito pagkatapos Niyang likhain ang lahat ng mga bagay, hindi bago sila likhain. Ang gawain na ito ay kusang isinagawa; bago gawin ang lahat ng mga bagay, hindi Siya nagpasya na likhain ang mundo sa loob ng anim na araw at magpahinga sa ika-pito; ang mga katotohanan ay hindi ganito. Hindi Niya ito sinabi, ni hindi Niya ito binalak. Hindi Niya sinabi na ang paglikha ng lahat ng mga bagay ay matatapos sa ika-anim na araw at Siya ay mamamahinga sa ika-pito; sa halip, lumikha Siya ayon sa kung ano ang maganda sa tingin Niya. Pagkatapos Niyang likhain ang lahat, dumating na ang ika-anim na araw. Kung natapos Niya sa ika-limang araw likhain ang lahat, itatalaga sana Niyang banal na araw ang ika-anim na araw; ngunit, natapos Niyang likhain ang lahat sa ika-anim na araw, kaya naging banal na araw ang ika-pitong araw, na sinusunod pa rin hanggang sa kasalukuyan. Samakatwid, ang Kanyang kasalukuyang gawain ay isinasagawa pa rin sa parehong paraan. Siya ay nagsasalita at tumutustos sa lahat ng inyong pangangailangan ayon sa inyong kalagayan. Iyon ay, ang Espiritu ay nagsasalita at kumikilos ayon sa mga kalagayan ng tao; pinagmamasdan ng Espiritu ang lahat, kasabay nito Siya rin ay gumagawa sa anumang oras at dako. Kung ano ang Aking gawin, sabihin, ilagay sa inyong harapan at ipagkaloob sa inyo, nang walang pagbubukod, na inyong kailangan. Ito ang dahilan kung bakit Aking sinasabi na wala sa Aking mga gawa ang hiwalay sa katotohanan; ang lahat ng ito ay tunay, dahil alam ninyong lahat “Tayo ay binabantayan ng Espiritu ng Diyos.” Kung ito ay binalak na noon pa man, hindi ba’t ito’y magiging masyadong malabo? Sa tingin ninyo ba ay gumawa ang Diyos sa loob ng anim na buong sanlibong taon at itinalaga na ang sangkatauhan bilang suwail, lumalaban, malihim at tuso, bilang mayroong laman, tiwaling masamang disposisyon, pagnanasa ng mga mata, at ang kanilang sariling pagpapalayaw. Hindi ito itinalaga noon, ngunit sa halip ay dahil sa katiwalian ni Satanas. Ang iba ay magsasabi na, “Hindi ba’t si Satanas ay hawak din ng Diyos? Itinalaga ng Diyos na gagawing tiwali ni Satanas ang tao sa ganitong paraan, at pagkatapos noon ay isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa tao.” Itatalaga nga ba ng Diyos si Satanas upang itiwali ang sangkatauhan? Siya lamang ay sabik na pahintulutan ang sangkatauhan na mamuhay nang karaniwan; guguluhin Niya ba ang mga buhay ng sangkatauhan? Hindi ba’t magiging walang saysay ang pagtalo kay Satanas at pagliligtas sa sangkatauhan? Paano maitatalaga ang pagkasuwail ng sangkatauhan? Sa katunayan, ito ay dahil sa panliligalig ni Satanas; paano ito itatalaga ng Diyos? Ang Satanas na hawak ng Diyos na inyong naiintindihan at ang Satanas na hawak ng Diyos na aking sinasabi ay lubos na magkaiba. Ayon sa inyong pahayag na “Makapangyarihan ang Diyos, at si Satanas ay nasa Kanyang mga kamay,” hindi Siya ipagkakanulo ni Satanas. Hindi ba’t sinabi ninyo na ang Diyos ay makapangyarihan? Ang inyong kaalaman ay mahirap unawain at malayo sa katotohanan; ito ay hindi makatuwiran at hindi gagana! Ang Diyos ang makapangyarihan; ito ay hindi mali. Ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos dahil binigyan ito ng Diyos ng bahagi ng awtoridad. Siyempre, ito ay hindi inaasahan, katulad ng pagkahulog ni Eba sa tukso ng ahas. Ngunit, kahit paano man isagawa ni Satanas ang pagtataksil nito, hindi katulad ng Diyos, ito ay hindi makapangyarihan. Katulad ng inyong sinabi, malakas si Satanas; kahit ano ang gawin nito ay matatalo ito sa awtoridad ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng kasabihang, “Makapangyarihan ang Diyos, at si Satanas ay nasa Kanyang mga kamay.” Kaya, ang Kanyang digmaan laban kay Satanas ay nararapat maisagawa nang paisa-isa; higit pa rito, binabalak Niya ang Kanyang gawain bilang sagot sa mga pandaraya ni Satanas. Iyon ay, ayon sa mga kapanahunan, inililigtas Niya ang mga tao at ibinubunyag ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan. Gayundin, ang mga gawain sa mga huling araw ay hindi itinalaga bago ang Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito itinalaga nang maayos katulad ng mga ito: Una, baguhin ang panlabas na disposisyon ng tao; pangalawa, ipatanggap sa tao ang Kanyang pagkastigo at mga pagsubok; pangatlo, iparanas sa tao ang kamatayan; pang-apat, iparanas sa tao ang mga oras ng pagmamahal sa Diyos at ipahayag ang kalalabasan ng nilikhang tao; panglima, ipakita sa tao ang kalooban ng Diyos at lubusang kilalanin ang Diyos, at gawing ganap ang tao. Hindi Niya binalak ang lahat ng mga bagay na ito sa Kapanahunan ng Biyaya; sa halip, nagsimula Siyang mag-plano sa kasalukuyang panahon. Si Satanas ay gumagawa, gayundin ang Diyos. Ipinahahayag ni Satanas ang tiwaling disposisyon nito, samantalang ang Diyos ay tuwirang nagsasalita at nagpapahayag ng mga totoong bagay. Ito ang gawain na isinasagawa ngayon, at ang parehong uri ng simulain sa paggawa ay ginamit din matagal na ang nakalipas, matapos likhain ang mundo.

  Una ay nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at lumikha rin Siya ng ahas. Sa lahat ng mga bagay, ang ahas ay ang pinakamakamandag; ang katawan nito ay nagtataglay ng lason, at ginamit ni Satanas ang lasong ito. Ang ahas na iyon ang tumukso kay Eba upang magkasala. Nagkasala si Adan pagkatapos ni Eba, at silang dalawa ay napagtanto ang masama sa mabuti. Kung alam ni Jehovah na tutuksuhin ng ahas si Eba, at tutuksuhin ni Eba si Adan, bakit Niya inilagay ang lahat sa isang hardin? Kung kaya Niyang hulaan ang mga bagay na ito, bakit Niya nilikha ang ahas at inilagay sa loob ng Hardin ng Eden? Bakit naglaman ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama ang Hardin ng Eden? Sinadya ba Niyang kainin nila ang bunga? Nang dumating si Jehovah, wala kina Adan at Eba ang nagtangkang harapin Siya, at iyon ang oras na nalaman ni Jehovah na kinain nila ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama at naging biktima ng panlilinlang ng ahas. Sa katapusan isinumpa Niya ang ahas, at isinumpa Niya sina Adan at Eba. Walang kaalam-alam si Jehovah na sila ay kumain ng bunga na mula sa puno. Naging tiwali ang sangkatauhan hanggang sa punto ng pagiging masama at malaswa, hanggang sa punto na ang mga bagay na kanilang inipon sa kanilang mga puso ay masasama at baluktot; silang lahat ay marurumi. Pinagsisihan ni Jehovah ang paglikha sa sangkatauhan. Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy Niya ang gawaing lipulin ang mundo sa pamamagitan ng baha, na kung saan si Noe at ang kanyang mga anak ay nakaligtas. Ang ilang bagay ay hindi talaga kasing-unlad at higit sa kaya ng tao na katulad ng inaakala ng karamihan. Ang iba ay nagtatanong: Dahil alam ng Diyos na ipagkakanulo Siya ng arkanghel, bakit Niya ito nilikha? Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan na higit sa mga ibang anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at tuksuhin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eba—habang sina Adan at Eba ay sumusunod dito. Hinangad nga ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan Niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t-ibang maruruming espiritu ang mga ito. Hindi ba’t ang pagsulong ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito ay dulot ng katiwalian ng arkanghel? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan. Ang bawat hakbang sa gawaing ito ay hindi kasing-payak at karaniwan na katulad ng iniisip ng tao. May dahilan kung bakit isinagawa ni Satanas ang pagtataksil nito, ngunit hindi maunawaan ng mga tao ang isang payak na bagay. Bakit nilikha ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng bagay, at nilikha rin si Satanas? Dahil labis na kinamumuhian ng Diyos si Satanas, at si Satanas ang Kanyang kaaway, bakit Niya nilikha si Satanas? Sa paglikha kay Satanas, hindi ba’t lumikha rin Siya ng kaaway? Sa katotohanan ay hindi lumikha ng kaaway ang Diyos; sa halip, lumikha Siya ng anghel, at kinalaunan ay pinagtaksilan Siya ng anghel. Ang katayuan nito ay napadakila at nagnais itong pagtaksilan ang Diyos. Ang ilan ay magsasabi na ito ay nagkataon lamang, ngunit ito rin ay isang hindi maiiwasang kaganapan. Ito ay pareho sa kung paanong hindi maiiwasan ng isang tao ang mamatay pagdating sa takdang gulang; ang mga bagay ay sumulong sa isang tiyak na yugto. May ilang nakatatawang nagsasabi: Dahil si Satanas ang Iyong kaaway, bakit Mo ito nilikha? Hindi Mo ba alam na pagtataksilam Ka ng arkanghel? Hindi Mo ba kayang dumungaw mula sa walang hanggan tungo sa walang hanggan? Hindi Mo ba alam ang kalikasan nito? Dahil tiyak na alam Mong ipagkakanulo Ka nito, bakit Mo ito ginawang arkanghel? Kahit na ipagwalang-bahala na ang pagtataksil nito, pinamunuan pa rin nito ang maraming anghel at bumaba sa mundo ng mga mortal upang itiwali ang sangkatauhan; hanggang sa araw na ito, hindi Mo pa rin natatapos ang Iyong anim na libong taong plano sa pamamahala. Tama ba ito? Hindi Mo ba inilalagay ang Iyong sarili sa mas maraming abala kaysa sa kinakailangan? May ilan pa ring nagsasabi: Kung hindi ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan sa kasalukuyang panahon, hindi ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa paraang ito. Sa kasong ito ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ay hindi sana nakita; na kung saan maihahayag ang Kanyang karunungan? Lumikha nga ang Diyos ng sangkatauhan para kay Satanas; sa hinaharap ibubunyag ng Diyos ang Kanyang pagka-makapangyarihan—kung hindi, paano malalaman ng tao ang karunungan ng Diyos? Kung hindi Siya nilabanan ng tao at naging suwail sa Kanya, hindi na sana kakailanganin na ihayag ang Kanyang mga pagkilos. Kung Siya sana ay sasambahin at susundin ng lahat ng Kanyang nilikha, wala sana Siyang gawaing gagawain. Ito ay mas malayo sa katotohanan ng mga bagay, sapagaka’t walang marumi sa Diyos, at kaya’y hindi Siya makakalikha ng dumi. Ibinubunyag Niya ang Kanyang mga gawa ngayon nang sa gayon ay matalo Niya ang Kanyang mga kaaway, upang iligtas ang sangkatauhan, na Kanyang nilikha, upang talunin ang mga demonyo at si Satanas, na kinamumuhian Siya, pinagtataksilan at nilalabanan Siya, kung saan ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang dominyon at pag-aari noon pa man; nais Niyang talunin ang mga demonyong ito at sa pagsasagawa nito ay ibubunyag ang Kanyang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Ang sangkatauhan at ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas at nasa ilalim ng sakop ng masama. Nais ng Diyos na ibunyag ang Kanyang mga pagkilos sa lahat ng mga bagay nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao, at matalo si Satanas at lubos-lubos na lipulin ang Kanyang mga kaaway. Ang kabuuan ng Kanyang gawain ay matutupad sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Kanyang mga pagkilos. Ang lahat ng mga nilikha Niya ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at dahil doon nais Niyang ibunyag ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa kanila, at matalo si Satanas. Kung walang Satanas, hindi Niya sana kakailanganing ibunyag ang Kanyang mga pagkilos. Kung hindi dahil sa panliligalig ni Satanas, nilikha Niya sana ang sangkatauhan at pinamunuan sila upang manirahan sa Hardin ng Eden. Bakit hindi Niya ibinunyag ang Kanyang mga pagkilos para sa mga anghel o sa arkanghel bago ang pagtataksil ni Satanas? Kung nakilala lamang Siya ng mga anghel at arkanghel, at sinunod din Siya noong simula, sa gayon hindi Niya sana isinagawa ang mga walang kabuluhang mga pagkilos ng gawain. Dahil sa pag-iral ni Satanas at ng mga demonyo, nilabanan Siya ng mga tao at sila ay napuno ng suwail na disposisyon, dahil doon ninais na ibunyag ng Diyos ang Kanyang mga pagklilos. Dahil nais Niyang makipag-digma kay Satanas, dapat Niyang gamitin ang Kanyang sariling awtoridad upang matalo si Satanas at gamitin ang lahat ng Kanyang mga pagkilos upang talunin si Satanas; sa paraang ito, ang Kanyang gawain ng pagliligtas na ginagawa sa sangkatauhan ay magiging daan upang makita ng mga tao ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan. Ang gawaing isinasagawa ng Diyos ngayon ay makabuluhan at hindi sa kahit na anong paraan ay katulad nang sinasabi ng mga tao: “Hindi ba magkasalungat ang gawain na Iyong isinasagawa? Hindi ba’t ang sunud-sunod na gawaing ito ay pagsasanay lamang sa pagpapahirap sa Iyong Sarili? Nilikha Mo si Satanas, at pagkatapos ay hinayaan Mo itong Ikaw ay pagtaksilan at labanan. Nilikha Mo ang sangkatauhan, at ito ay ibinigay mo kay Satanas, at Iyong pinahintulutan sina Adan at Eba na matukso. Dahil sinadya Mong gawin ang lahat ng ito, bakit Mo kinamumuhian ang sangkatauhan? Bakit Mo itinatakwil si Satanas? Ang mga ito ba ay hindi Mo sariling ginawa? Ano ang mayroon upang ito’y Iyong kamuhian?” Maraming balintunang tao ang magsasabi ng mga iyon. Nais nilang mahalin ang Diyos, ngunit sa kanilang mga puso sila ay naghihimutok tungkol sa Diyos—ito rin ay magkasalungat! Hindi mo nauunawaan ang katotohanan, napakarami mong hindi pangkaraniwang mga saloobin, at sinasabi mo na ito ay pagkakamali ng Diyos—isang kabalintunaan! Ikaw ang pinagsalawahanang katotohanan; hindi ito pagkakamali ng Diyos! Ang ilang mga tao ay dumaraing nang paulit-ulit: Ikaw ang Siyang lumikha kay Satanas, at ibinigay mo ang sangkatauhan kay Satanas. Ang sangkatauhan ay nagtataglay ng makadiyablong disposisyon; sa halip na sila ay patawarin, sila ay Iyong kinamuhian hanggang sa isang antas. Sa simula minahal Mo ang sangkatauhan hanggang sa isang antas. Iyong ibinagsak si Satanas sa mundo ng mga tao, at ngayon ay kinamumuhian Mo ang sangkatauhan. Ikaw ay Siyang namumuhi at nagmamahal sa sangkatauhan—ano ang kapaliwanagan nito? Hindi ba’t ito’y magkasalungat? Kahit paano man ninyo itong tingnan, ito ang nangyari sa langit; pinagtaksilan ng arkanghel ang Diyos sa ganitong paraan, at ginawang tiwali ang sangkatauhan sa ganitong paraan at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan sa ganitong pamamaraan. Kahit paano man ninyo ito sabihin, ito ang buong salaysay. Gayuman, dapat ninyong maunawaan na isinasagawa ng Diyos ang mga gawain ngayon upang kayo ay iligtas, at upang matalo si Satanas.

  Dahil ang anghel ay bukod-tanging mahina at walang taglay na mga kakayahan, ito ay magiging mapagmataas kapag binigyan ng awtoridad, lalo na ang arkanghel, na ang katayuan ay mas mataas kumpara sa ibang anghel. Ang arkanghel ang hari ng lahat ng mga anghel. Namuno ito sa milyun-milyong anghel, at sa ilalim ni Jehovah ang kapangyarihan nito ay nilampasan ang awtoridad ng kahit na sinong anghel. Nais nitong gawin ang lahat ng bagay, at pamunuan ang mga anghel sa mundo ng tao upang pangasiwaan ang mundo. Sinabi ng Diyos na Siya ang nangangasiwa sa mundo; ang sabi ng arkanghel ay siya ang mangangasiwa nito, kaya’t mula noon pinagtaksilan nito ang Diyos. Sa langit, lumikha ang Diyos ng panibagong mundo. Ninais ng arkanghel na pangasiwaan ang mundong ito at bumaba rin sa mundo ng tao. Pahihintulutan ba ito ng Diyos? Kaya’t hinampas Niya itong pababa at patungo sa hangin. Magmula nang itiwali nito ang sangkatauhan, ang Diyos ay nakipagdigma laban dito upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang anim na libong taon upang ito ay matalo. Ang inyong pagkaintindi sa Diyos na makapangyarihan sa lahat ay hindi kaayon sa gawain na ginagawa ng Diyos ngayon; hindi ito gumagawa nang may kasanayan at talaga namang kabalintunaan! Sa katunayan, inihayag lamang ng Diyos ang arkanghel bilang Kanyang kaaway matapos nitong pagtaksilan ang Diyos. Dahil lamang sa pagtataksil nito kaya niyurakan nito ang sangkatauhan matapos dumating sa mundo ng mga tao, dahil na rin sa dahilang ito kaya sumulong sa yugtong ito ang sangkatauhan. Kasunod nito, nakipagsumpaan ang Diyos kay Satanas: Ikaw ay Aking tatalunin at ililigtas ang sangkatauhan, ang Aking nilikha. Sa simula ay hindi nahikayat si Satanas at nagsabi, Sa totoo lang, ano ba ang makakaya Ninyong gawin sa akin? Talaga bang kaya Ninyo akong ihampas sa hanging? Talaga bang kaya Ninyo akong talunin? Matapos pabagsakin ito ng Diyos sa hangin, hindi Niya ito binigyan ng pansin at nagsimulang iligtas ang sangkatauhan at isagawa ang Kanyang sariling gawain, sa kabila ng patuloy na panliligalig ni Satanas. Lahat na kayang gawin ni Satanas ay utang na loob nito sa kapangyarihan na ibinigay dito ng Diyos; isinama nito ang lahat ng mga bagay sa hangin at itinago hanggang sa araw na ito. Inihampas ito ng Diyos sa hangin ngunit hindi binawi ang awtoridad nito, kaya ito ay nagpatuloy sa pagtiwali ng sangkatauhan. Ang Diyos, sa isang banda, ay nagsimulang iligtas ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas matapos silang likhain. Hindi ibinunyag ng Diyos ang Kanyang mga pagkilos habang Siya ay nasa langit; ngunit, bago ang paglikha ng mundo, pinahintulutan Niya ang mga tao na makita ang gawa sa mundong Kanyang nilikha sa langit at pinamunuan ang mga tao sa itaas ng langit. Sila ay binigyan Niya ng karunungan at katalinuhan, at pinamunuan ang mga tao na manirahan sa mundong iyon. Mangyari pa, wala sa inyo ang nakarinig na nito noon. Kinalaunan, pagkatapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, nagsimula ang arkanghel na itiwali ang sangkatauhan; sa mundo, lahat ng sangkatauhan ay nasa kaguluhan. Ito ang panahon kung kailan Niya sinimulan ang digmaan laban kay Satanas, at ito lamang ang panahon na nakita nga ng mga tao ang Kanyang mga pagkilos. Sa simula, ang Kanyang mga pagkilos ay lingid sa sangkatauhan. Matapos maihampas sa hangin si Satanas, inalala nito ang sarili nitong mga bagay, at ibinaling ng Diyos ang Sarili Niya sa Kanyang sariling gawain, patuloy na nakikipaglaban dito, hanggang sa mga huling araw. Ngayon na ang panahon kung kailan dapat mawasak si Satanas. Sa simula, binigyan ito ng Diyos ng awtoridad, at nang lumipas at ito’y inihampas ng Diyos sa hangin, ngunit nanatili itong suwail. Nang lumipas, sa lupa, ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan, ngunit sa katunayan, ang Diyos ay naroon sa mundo at pinamamahalaan ang sangkatauhan. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang pamamahala ng mga tao upang talunin si Satanas. Sa pagtitiwali ng mga tao, dinadala ni Satanas ang kapalaran ng mga tao sa katapusan at ginugulo ang gawain ng Diyos. Sa isang banda, ang gawain ng Diyos ay ang pagliligtas sa sangkatauhan. Alin sa mga hakbang sa sariling gawain ng Diyos ang hindi para sa pagliligtas ng sangkatauhan? Alin sa mga hakbang ang hindi para sa paglilinis ng mga tao, upang sila ay gumawa nang pagkamatuwid at mamuhay sa paraang lumilikha ng wangis na maaaring mahalin? Si Satanas, gayunman, ay hindi ginagawa ito. Ginagawa nitong tiwali ang sangkatauhan; patuloy nitong isinasagawa ang kanyang gawaing pagtitiwali sa sangkatauhan sa buong daigdig. Siyempre, isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang sariling gawain. Hindi Niya binibigyang-pansin si Satanas. Kahit gaano kalaki ang awtoridad na mayroon si Satanas, ang awtoridad nito ay ibinigay pa rin ng Diyos; sa katunayan, ay hindi talaga ibinigay ng Diyos basta-basta ang lahat ng Kanyang awtoridad, kaya anuman ang gawin nito, hindi nito malalampasan ang Diyos at ito ay palaging hawak ng Diyos. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang anuman sa Kanyang mga gawain sa langit. Binigyan Niya lamang si Satanas ng maliit na bahagi ng Kanyang awtoridad upang pahintulutan itong pamunuan ang mga anghel. Kaya, kahit na ano ang gawin nito, hindi nito malalampasan ang awtoridad ng Diyos, dahil ang orihinal na awtoridad na ibinigay ng Diyos ay may hangganan. Habang gumagawa ang Diyos, nanliligalig si Satanas. Sa mga huling araw, tatapusin nito ang panggugulo; gayundin, ang gawain ng Diyos ay matatapos, at ang uri ng tao na nais gawing ganap ng Diyos ay matatapos. Pasulong na pinangungunahan ng Diyos ang mga tao; ang Kanyang buhay ay tubig na buhay, hindi masusukat at walang hangganan. Ginawang tiwali ni Satanas ang tao hanggang sa isang antas; sa katapusan, ang buhay na tubig ng buhay ay gagawing ganap ang tao, at magiging imposible para kay Satanas na makialam at maisagawa ang gawain nito. Kaya, ganap na matatamo ng Diyos ang mga taong ito. Ayaw pa rin itong tanggapin ni Satanas hanggang ngayon; patuloy nitong inilalaban ang sarili sa Diyos, ngunit hindi nagbibigay-pansin ang Diyos. Ang sabi Niya, Ako ay magiging matagumpay laban sa lahat ng mga puwersa ng kadiliman ni Satanas at laban sa mga impluwensya ng kadiliman. Ito ang gawain na dapat isagawa sa katawang-tao, at ito rin ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Ito ay upang matapos ang yugto ng gawain sa pagtalo kay Satanas sa mga huling araw, upang lipulin ang lahat ng bagay na pag-aari ni Satanas. Hindi mapipigilan ang pagtatagumpay ng Diyos laban kay Satanas! Sa katunayan ay matagal nang nabigo si Satanas. Nang ang ebanghelyo ay lumaganap sa lugar ng malaking pulang dragon, iyon ay, kung kailan ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsimulang gumawa at ang gawaing ito ay nasimulan, si Satanas ay lubos na natalo, dahil ang pagkakatawang-tao ay upang talunin si Satanas. Nakita ni Satanas na ang Diyos ay muling naging tao at nagsimula muling magsagawa ng Kanyang gawain, at nakita nito na walang hukbo ang makapagpapatigil sa gawain. Kaya’t ito ay nagulat nang makita nito ang gawain at hindi na nagtangkang magsagawa ng iba pang gawain. Sa simula ang akala ni Satanas ay nagtataglay ito ng maraming karunungan, at ginagambala at ginugulo nito ang gawain ng Diyos; ngunit, hindi nito inaasahang muling nagkatawang-tao ang Diyos, at sa Kanyang gawain, ginamit ng Diyos ang pagkasuwail nito upang magsilbing pagbubunyag at paghatol sa sangkatauhan, at sa gayon ay malupig ang sangkatauhan at matalo ito. Mas matalino ang Diyos kaysa rito, at ang Kanyang gawain ay lampas sa gawa nito. Samakatuwid, isinaad ko noong nakaraan ang mga sumusunod: Ang Aking gawain ay isinasagawa bilang sagot sa mga pandaraya ni Satanas. Sa katapusan, ibubunyag Ko ang Aking pagka-makapangyarihan at ang kawalang-kapangyarihan ni Satanas. Kapag isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, si Satanas ay bumubuntot sa Kanyang likuran, hanggang sa katapusan ito ay tuluyang mawawasak hindi man lamang nito malalaman kung ano ang tumama rito! Mapagtatanto lamang nito ang katotohanan sa oras na ito ay nabasag at nadurog; sa oras na iyon ay nasunog na ito sa lawa ng apoy. Hindi kaya ito maging ganap na mahikayat pagkatapos? Dahil wala na itong mga magagamit pang pakana!

  Ang bawat hakbang sa makatotohanang gawain na ito ang madalas na humihila pababa sa puso ng Diyos na may kalungkutan para sa sangkatauhan, nang sa gayon ang digmaan Niya laban kay Satanas ay tumagal nang 6,000 taon. Ang sabi ng Diyos: Hindi na Ako kailanman muling lilikha ng sangkatauhan, o magkakaloob ng awtoridad sa mga anghel. Mula sa oras na iyon, nang dumating ang mga anghel upang kumilos sa lupa, sinunod lamang nila ang Diyos upang magsagawa ng mga gawain. Hindi Niya kailanman binigyan ng awtoridad ang mga anghel. Paanong isinagawa ng mga anghel na nakita ng mga Israelita ang kanilang mga gawain? Ibinunyag nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga panaginip at inihatid ang mga salita ni Jehovah. Nang nabuhay si Jesus tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus, ang mga anghel ang tumulak sa malaking bato patungo sa gilid; hindi ito ginawa nang kusa ng Espiritu ng Diyos. Ganito lamang ang mga gawain na isinasagawa ng mga anghel; gawang pag-alalay lamang sila at walang awtoridad, dahil hindi sila kailanman pagkakaloobang muli ng kapangyarihan. Pagkatapos gumawa ng ilang panahon, ang mga tao na ginamit ng Diyos sa lupa ay inangkin ang katayuan ng Diyos at sinabing, Nais kong malampasan ang sansinukob! Nais kong tumayo sa pangatlong langit! Nais namin ang makamtan ang pinakamataas na kapangyarihan! Sila ay magiging mapagmataas matapos ang ilang araw na paggawa; nagnanais sila ng paghaharing pinakamataas na kapangyarihan sa lupa, nais nilang magtatag ng bagong nasyon, nais nila ang lahat ng bagay sa kanilang paanan at nais nilang tumayo sa pangatlong langit. Hindi mo ba alam na ikaw ay tao lamang na ginamit ng Diyos? Paano ka makaaakyat sa pangatlong langit? Bumaba ang Diyos sa lupa upang gumawa, tahimik at hindi umaangal, at umaalis nang patago pagkatapos maisagawa nang ganap ang Kanyang gawain. Hindi Siya dumaraing katulad ng ginagawa ng mga tao, sa halip makatotohanan Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain. Ni pumapasok sa isang simbahan upang umiyak, lilipunin Ko kayong lahat! Kayo ay Aking isusumpa at kakastiguhin! Isinasagawa Niya lamang ang Kanyang gawain, at umaalis kapag Siya ay natapos. Ang mga relihiyosong pastor na nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, nagsesermon mula sa pulpito, nangungusap nang mahahaba at magagarbong talumpati at tumatalakay sa mga hindi makatotohanang bagay, ay mayayabang hanggang sa kaibuturan! Sila ang mga inapo ng arkanghel!

  Matapos Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa kasalukuyan, naibunyag na ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang Kanyang pagka-makapangyarihan at upang makita ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at napapaloob sa karagatan ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang pagka-makapangyarihan, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya kay Satanas; ito ang patunay ng paglupig Niya kay Satanas; mas mahalaga, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay nakapagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang pulutong ng mga anghel ay makikita rin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng sangnilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Maylalang. Ito ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ang sangnilikha Niya sa langit at lupa ay lahat makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig sabihin, lilipulin ang lahat ng kabilang kay Satanas. Nakikita mo ang lahat ng pagkilos ng Diyos ngayon, ngunit ikaw pa rin ay lumalaban at mga mapaghimagsik at hindi nagpapasakop; nagtatago ka ng maraming bagay sa iyong kalooban at ginagawa kung ano ang naisin; sinusunod mo ang iyong sariling pagnanasa, at mga kagustuhan—ito ay pagsuway; ito ay paglaban. Ang paniniwala sa Diyos na isinasagawa para sa laman, para sa sariling mga pagnanais, at para sa sariling mga kagustuhan, para sa mundo, at para kay Satanas, ay marumi; ito ay paglaban at pagsuway. Mayroong iba’t-ibang uri ng paniniwala ngayon: Ang ilan ay naghahanap ng sulingan mula sa sakuna, at ang ilan ay naghahanap upang makatanggap ng pagpapala, samantalang ang ilan ay nagnanais na maunawaan ang mga hiwaga at ang ilan ay sumusubok na makakuha ng salapi. Ang lahat ng ito ay paraan ng paglaban; ang lahat ng ito ay kalapastanganan! Ang sabihing ang isa ay nanlalaban o sumusuway—hindi ba’t ito’y tumutukoy sa mga bagay na ito? Maraming tao ngayon ang umaangal, bumibigkas ng mga reklamo o gumagawa ng mga paghatol. Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginawa ng masama; ang mga ito ay panlalaban at pagsuway ng mga tao; ang mga ganoong tao ay kabilang at sinakop ni Satanas. Ang mga tao na kinakamtan ng Diyos ay ang mga lubos na nagpapasakop sa Kanya, ang mga ginawang tiwali ni Satanas ngunit nailigtas at nalupig ng Kanyang gawain ngayon, ang mga nakapagtiis ng mga kapighatian at sa katapusan ay lubusang nakamtan ng Diyos at hindi na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas at nakalaya sa pagiging di-pagkamatuwid, ang mga handang isabuhay ang kabanalan—ang mga ito ang pinakabanal na tao; sila ang mga banal. Kung ang iyong kasalukuyang mga pagkilos ay hindi tumutugma sa isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ikaw ay aalisin. Ito ay hindi matututulan. Ang lahat ay ginagawa ayon sa kasalukuyan; kahit na pinili at itinalaga ka Niya, ang mga kilos mo ngayon ang magpapasya sa iyong kalalabasan. Kung ikaw ay hindi makasusunod ngayon, ikaw ay aalisin. Kung ikaw ay hindi makasusunod ngayon, paano ka aasang[a] makasusunod kinalaunan? Ngayon na isang napakalaking himala ang nagpakita na sa iyo, hindi ka pa rin naniniwala. Sabihin mo sa Akin, paano mo Siya paniniwalaan kinalaunan, kapag natapos Niya ang Kanyang gawain at hindi na nagsagawa ng ganyang gawain? Sa puntong iyon, mas higit na magiging imposible para sa iyo ang sundin Siya! Kinalaunan, ang Diyos ay aasa sa iyong pag uugali at kaalaman patungkol sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ang iyong mga karanasan upang malaman kung ikaw ay makasalanan o matuwid, o malaman kung ikaw ay ginawang sakdal o isang naalis. Nakikita mo ito dapat nang maliwanag ngayon. Ang Banal na Espiritu at gumagawa sa ganitong paraan: Pinagpapasyahan Niya ang iyong kalalabasan ayon sa iyong pag-uugali ngayon. Sino’ng nagsasabi ng mga salita para sa ngayon? Sino ang nagsasagawa ng mga gawain para sa ngayon? Sino ang magpapasya kung ikaw ba ay naalis ngayon? Sino ang nagpapasya kung gagawin kang perpekto? Hindi ba ito ang Aking ginagawa Mismo? Ako ang nangungusap ng mga salitang ito; Ako ang Siyang nagsasagawa ng mga gawaing ito. Ang pagsumpa, pagkastigo at paghatol sa mga tao, ang lahat ng ito ay bahagi ng Aking gawain. Sa katapusan, ang pag-alis sa iyo ay magiging gawain Ko rin. Ang lahat ay sa Aking sariling gawa! Ang gawin kang perpekto ay gawain Ko, at ang pahintulutan kang matamasa ang mga pagpapala ay gawain Ko rin. Ang lahat ng ito ay Aking sariling gawain. Ang kalalabasan mo ay hindi itinalaga ni Jehova; ito ay pinagpasyahan ng Diyos ng ngayon. Ito ay pinagpasyahan ngayon; hindi ito pinagpasyahan bago likhain ang mundo. Ang ilang kakatwang mga tao ay nagsasabi, “Marahil ay may mali sa Iyong paningin, at hindi Mo ako nakikita sa paraang dapat. Sa huli, makikita Mo kung paano ipahayag ng Espiritu ang lahat!” Orihinal na pinili ni Jesus si Hudas bilang Kanyang alagad. Inaakala ng mga tao na nagkamali si Jesus sa kanya. Paano Niya nagawang pumili ng alagad na magtataksil sa Kanya? Sa simula, walang hangarin si Hudas na pagtaksilan si Jesus. Nangyari lamang ito nang lumaon. Sa panahong iyon, tiningnan ni Jesus si Hudas nang may pagsang-ayon; pinasunod Niya ang taong ito at ginawang katiwala sa kanilang mga pananalapi. Kung alam lamang niya na maglulustay ng pera si Hudas, hindi Niya sana ito gagawing katiwala sa salapi. Ang isa ay magsasabi na hindi alam ni Jesus na ang taong ito ay baluktot at tuso, at dinaya ang kanyang mga kapatid. Kinalaunan, pagkatapos nakasunod ni Hudas sa ilang panahon, nakita siya ni Jesus na dinadaya ang kanyang mga kapatid at dinadaya ang Diyos. Natuklasan din ng mga tao na siya ay palaging gumagastos mula sa lukbutang pansalapi, at sinabi nila ito kay Jesus. Noon lamang nabatid ni Jesus kung ano ang nangyayari. Dahil kailangang isagawa ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus at nangailangan ng tao na magtataksil sa Kanya, at nagkataon na naging akma si Hudas para sa pagganap nito, ang sabi ni Jesus, “May isa sa atin ang magtataksil sa Akin. Ang Anak ng tao ay gagamitin ang pagtataksil na ito upang maipako sa krus at sa loob ng tatlong araw ay muling mabubuhay.” Sa oras na iyon, hindi pinili ni Jesus si Hudas na Siya ay pagtaksilan; sa halip, ninais Niyang si Hudas ay maging tapat na alagad. Sa Kanyang pagkagulat, si Hudas ay naging sakim na masamang tao na pinagtaksilan ang Panginoon, at ginamit Niya ang kalagayang ito upang piliin si Hudas para sa gawain. Kung lahat sana ng labindalawang alagad ni Jesus ay tapat, at walang katulad ni Hudas ang napabilang sa kanila, ang tao na magtataksil kay Jesus ay hindi manggagaling sa mga alagad. Ngunit, sa oras na iyon nagkataon lamang na mayroong isa sa kanila ang nasisiyahan sa pagtanggap ng suhol—Hudas. Kaya ginamit ni Jesus ang taong ito upang matapos ang Kanyang gawain. Napaka-simple nito! Hindi ito itinalaga ni Jesus sa simula ng Kanyang gawain; ginawa lamang Niya ang pasyang ito nang sumulong na ng isang hakbang ang mga bagay. Ito ang pasya ni Jesus, ang pasya ng Espiritu ng Diyos Mismo. Sa panahong iyon, si Jesus ang pumili kay Hudas; nang pinagtaksilan ni Hudas si Jesus, ito ay kagagawan ng Banal na Espiritu upang makamit ang Kanyang sariling layunin; ito ay ang gawain ng Banal ng Espiritu noong panahong iyon. Nang pinili ni Jesus si Hudas, wala Siyang hinala na ito ay magtataksil sa Kanya. Ang alam lamang Niya ay siya si Hudas Iscariote. Ang mga mapapala ninyo ay pagpapasyahan ayon sa inyong antas ng pagpapasakop ngayon at ayon sa paglago ng antas ng inyong buhay, hindi ayon sa pagkaintindi ng mga tao na ito ay itinalaga bago pa man nilikha ang mundo. Dapat mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito. Ang kabuuan ng gawaing ito ay hindi isinasagawa ayon sa iyong pag-iisip.

Mula sa Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
(Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “kahit na umasa na.”

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan