Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 24, 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" Meet the Lord Jesus (Tagalog dubbed)

Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Isang araw, nagkataon lang na nanood siya ng ilang video ng mga himno sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang naantig sa kanilang nakakapukaw na mga titik at magagandang himig, na nagbigay-inspirasyon sa kanya na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos makipagtalo nang ilang beses tungkol sa katotohanan, naunawaan na niya ang kuwento sa likod ng Biblia sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na niyang naunawaan ang mga tunay na pangyayari: Kinokontra at tinutuligsa ng mga Fariseo ng mga relihiyon ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkukunwaring pinupuri ang Biblia. Kalaunan, hindi niya pinansin ang pagkontrol at pagpigil ng mga relihiyong Fariseo at sumunod siya sa mga yapak ng Diyos …

Hunyo 8, 2018

Kristianong Awitin | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan



I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.
II
O Diyos! Inakay mo ako sa isang bagong buhay.
Lasap Iyong mga salita,
naunawaan ko Iyong kalooban.
Salita mo'y humatol at kumastigo,
at nilinis aking katiwalian.
Sa pagsubok, natutunan kong sundin Ka.
Sa salita ng Diyos ako'y lumago,
Diyos aking nakilala.
Tungkuli'y gagawin bilang patunay
at pagluwalhati sa Iyo.
Iibigin Kita magpakailanman.
Pagpalain man o isumpa,
magsasaya ako sa habag Mo.
Iibigin kang tunay, 'di Ka hahayaang maghintay.
Ibibigay sa'Yo dalisay na pag-ibig,
tamasahin aking pag-ibig.
Ibibigay lahat ng aking pag-ibig,
hahayaan Kang kamtin aking pag-ibig.
Iibigin Ka habang panahon,
nais ko ay masiyahan Ka.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Hunyo 3, 2018

Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi bilang Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi payak tulad nang inaakala ng iba, at hindi rin ito tulad ng pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang hanggan tulad ng inaakala ng iba. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang ang negatibo ay maging positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos."

Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Mayo 28, 2018

Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan

Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan

I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
II
Hindi hangad ng Diyos na marami ang maparusahan,
sa halip ay nais Nya na mas marami ang maligtas,
upang mas maraming tao ang magsikap,
at sumunod sa Kanyang mga yapak,
upang higit pa ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
III
Matuwid ang turing ng Diyos sa lahat,
ano man ang iyong edad, gaano ka man katanda,
o ang pagdurusa mong naranasan.
Kanyang disposiyo'y di magbabago kailanman,
matuwid sa harap ng mga bagay na ito.
Wala Siyang pinapaboran,
ngunit pinahahalagahan ang taong tinatanggap
katotohanan N'ya't bagong gawa,
iwinawaksi lahat ng ibang mga bagay.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!

mula sa Kabuuran hanggang sa Mga Klasikong Halimbawa
ng Kaparusahan para sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos


Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.
II
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mayo 25, 2018

Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat


    Sa ilalim ng mga kalangitan, lahat ng mga nilalang ay nananatili at nagpaparami sa kanilang sariling mga kapaligiran, nakakapit sa mga batas ng buhay nang paulit-ulit; tulad ng pagsunod ng araw sa gabi, sa bawa’t pagdaan ng panahon ... ang tao’y nabubuhay at humihinga kaayon ng lahat ng mga bagay, bawa’t isa’y nakaasa sa isa pa, bawa’t bagay ay iniayos nang ganap na ganap ...

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Mayo 19, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos


Ang gawain ng Diyos, ang gawain ng Diyos,
walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.
Nang nangako ang Diyos kay Abraham
na magkakaroon siya ng anak na lalaki,
naisip niya na imposible,
naisip niya na ito ay isang biro.
Anuman ang ginagawa o iniisip ng tao,
hindi ito mahalaga sa Diyos.
Ang lahat magpapatuloy sa pamamagitan ng panahon
at plano ng Diyos;
iyon ang tuntunin ng Kanyang gawain.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di-tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.

Hindi nakikialam ang Diyos sa kaisipan ng tao,
ni huminto sa Kanyang mga plano o gawain
dahil hindi sila naniniwala o nakakaintindi.
Sa pamamagitan ng mga kaisipan at plano ng Diyos,
ang mga bagay ay tapos na.
Tulad ng nakikita natin sa Bibliya,
pinili Niya ang kapanganakan ni Isaac.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.

Ang pag-uugali at asal ng tao,
ang kanilang maliit na pananampalataya at mga konsepto
ay nakakahadlang o nakakaapekto ba sa gawain ng Diyos?
Hindi, hindi kahit kaunti.
Hindi pinapansin ng Diyos ang kamangmangan ng tao,
ang kanilang pagtutol at mga paniwala.
Ginagawa lamang Niya kung ano ang dapat Niyang gawin.
Ito ang disposisyon ng Diyos,
ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman…
Ang pamamahala ng Diyos
ay di tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Setyembre 28, 2017

The Church of Almighty God Android App Introduction



The Church of Almighty God app leads you to follow the Lamb's footsteps. Investigate God's work of the last days, and you will see the appearance of God.

The Church of Almighty God Android App Introduction

The Eastern Lightning, the Church of Almighty God came into being because of the appearance and work of Almighty God—the returned Lord Jesus—Christ of the last days. The church is comprised of all those who accept Almighty God’s work of the last days and are conquered and saved by God’s word. It was entirely founded by Almighty God personally, and is also personally led and shepherded by Him, and it was by no means set up by any man. Christ is the truth, the way, and the life. God’s sheep hear God’s voice. Once you read Almighty God’s word, you will see God has appeared already. 

Setyembre 21, 2017

Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal


Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao’y Kanyang nilikha.
Tila iba ang hanay,
ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan.
Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga’t malasakit binibigay.
Walang kapaguran, Siya’y nagbibigay,
hindi ramdam ang kalabisan,
o na kailangan Niya ng pagkilala.
Di Niya dama pagligtas ng sangkatauhan,
tustusan sila at ibigay ang lahat
ay dakilang parangal sa kanila.
Ganyan lang ang Kanyang paraan,
Kanyang diwa, kung ano Siya’t mayroon Siya,
Nagbibigay ng tahimik at walang ingay.
Kahit magkano pa ang nakukuha ng tao, hindi Siya humihingi ng pagkilala.
Ito’y natutukoy sa Kanyang diwa; Totoo sa kanyang disposisyon.
mula sa Pagpapatuloy ng ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

RekomendasyonAno ang Ebanghelyo 

Setyembre 20, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
  Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa “magpasakop sa Aking kapangyarihan.” Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding “alipin”; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong “sambahayan.” Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang “tiyak na digmaan” kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.

Setyembre 19, 2017

Siya Ang Ating Diyos


Siya Ang Ating Diyos
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri’t diwa natin ay talos N’ya, tulad ng palad N’ya.
Tanging S’ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S’ya ang magsasabi’t gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S’ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha’t dunong ng Diyos.
Tanging S’ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S’ya at mayro’n S’ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S’ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S’ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.
S’ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos,
Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon.
S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon.
S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Setyembre 18, 2017

Praise Be to the Return of the Savior | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"


Praise Be to the Return of the Savior | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"

Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X


Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV)

  Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing mga bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang mga bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang mga pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.

Setyembre 17, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paghihintay" opisyal na trailer




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paghihintay" opisyal na trailer

Pastor si Hou’en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay…. Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou’en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou’en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon….
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Setyembre 15, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos
  Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Setyembre 13, 2017

Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia

Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Setyembre 11, 2017

"Sino Ang Aking Panginoon"—Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


“Sino Ang Aking Panginoon”—Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?

Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga’t kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.



Setyembre 6, 2017

Salita ng Diyos| Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


     Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.

Setyembre 3, 2017

Ang Biblia ba ang Panginoon o Diyos ang Panginoon? “Sino Ang Aking Panginoon”



Ang Biblia ba ang Panginoon o Diyos ang Panginoon? “Sino Ang Aking Panginoon”
  Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na “Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos,” “Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Agosto 31, 2017

Christian Praise Music | "Awit ng Taos-pusong Pagkapit" | Lord, You Are My God



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Christian Praise Music | "Awit ng Taos-pusong Pagkapit" | Lord, You Are My God

Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa Niya ay totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa N’ya, totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Puso’t pag-ibig N’ya’y angkin.
Ibigi’t sundan S’ya, o aking sinta.
S’ya’y iniibig, kaytamis, nagtitiis para sa Kanya.
Kamtin at ibigin S’ya, mabuhay para sa Kanya.