Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …
Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!”