Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post

Hulyo 7, 2019

Mga Katolikong Paniniwala: Bumalik Na Nga Talaga ang Panginoon


Ni Reshi, USA

Naniniwala sa Diyos ang buong pamilya ko. Dumadalo ako sa misa kasama ng mama ko mula pa noong bata pa ako at napakaraming pagpapala na ang ibinigay sa amin ng Diyos—punung-puno kami ng pasasalamat sa Kanya at hinihintay din namin ang pagbabalik ng Panginoon. Pero kahit kailan ay hindi ko naisalarawan sa isip ko na kapag talagang bumalik na ang Panginoon upang gumawa at iligtas tayo, hindi ko makikilala ang Kanyang gawa ngunit sa halip ay aasa sa aking aroganteng kalikasan at kakapit sa mga luma kong paniniwala, muntik nang makaligtaan ang kaligtasan ng Panginoon.

Mayo 4, 2019

New tagalog dubbed movies 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. 

Tagalog Dubbed Movies 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

    Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.

Abril 28, 2019

Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. 



Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.

Manood ng higit pa:  Tagalog Dubbed Movies

Abril 12, 2019

Pamilya | Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …
Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!”

Pebrero 26, 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.
gods-words-guide-me-2.jpg
Kinalaunan, tinuruan ko siya tulad nang dati, ngunit hindi pa rin siya natuto. Naalala ko ang pagdarasal ko sa Diyos at hindi na ako nagalit muli. Kasabay nito, nagsimula rin akong magnilay-nilay sa sarili ko. Bakit hindi ko mapigil ang aking sarili kapag nabibigo akong pasiyahin ng aking anak? Sa pagninilay ko rito, naalala ko ang talata na ito mula sa mga salita ng Diyos: “Sa sandaling magkaroon na ng estado ang isang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas ilabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibunyag ang kanilang mayabang na kalikasan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, mula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagka’t walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang umaayon sa katotohanan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga ipinahayag ng mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ako ay labis na pinasama ni Satanas at masyadong naging hambog at mapagmataas, palaging pinipigilan at pinipilit ang aking mga anak sa aking pagkakakilanlan at estado bilang kanilang ina at sa sandaling hindi nila matugunan ang aking mga hinihingi at mga pamantayan, hindi ko napipigilan ang aking sarili na magalit at pagsabihan at pisikal na parusahan sila. Sa katunayan ay wala akong ibang dahilan. Ang dahilan ba kaya nagalit ako sa aking anak ay dahil sa siya ang nakakuha ng pinakamababang marka sa lahat ng mga bata noong kumuha siya ng entrance test sa paaralan? Nahiya ako sa harap ng ibang mga tao. “Ang mahigpit na pagtrato ko sa aking anak at pambabalewala sa kanyang mga nararamdaman ngayon ay ganap na hindi nakabubuti sa kanya ni makakatulong na mapabilis ang pagbuti ng kanyang akademikong pagganap, sa halip ay upang mapagbigyan ko ang aking sariling kayabangan at pagnanais ng katayuan. Masyado akong makasarili at kasuklam-kasuklam! Dahil sa aking kayabangan, makasarili at masamang disposisyon kaya hindi ko masunod ang Diyos at palaging gusto kong tumakas mula sa kasanayan at mga pagsasaayos ng Diyos at nais kong ayusin ang lahat para sa aking mga anak batay sa aking kakayahan at sa huli ay saktan ko ang aking sarili at mga anak.” Nang maisip ko ito, nagalit ako sa aking sarili at ninais kong tapusin ang aking pamumuhay sa masamang disposisyon ni Satanas at ang magpalinlang sa kanya. Kaya nanalangin ako sa Diyos at hininging pangalagaan ng Diyos ang aking puso, gabayan ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at maghanda ng marami pang pagkakataon upang baguhin at linisin ako. Kasunod nito, hindi na ako nanghihingi ng labis mula sa aking anak. Sa halip, matiyaga ko siyang tinuruan at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maging ina. Unti-unti, hindi na ako nag-aalala na hindi matuto ang aking mga anak, at mas naging panatag ako at masaya. Noong tiningnan kong muli ang aking mga anak, napagtanto ko kung gaano sila kaganda at kasigla, at napagtanto ko kung gaanong hindi naging patas para sa aking mga anak kapag iginigiit kong mamuhay sila ayon sa aking mga paraan at lumaki batay sa pamantayang larawan sa aking isipan.
Nagulat na lamang ako pagkatapos nito nang simulang magbago ang aking mga anak. Dati ay wala silang anumang konsentrasyon sa pag-aaral at hindi makaupo nang maayos kapag gumagawa ng takdang aralin, lupaypay sa lamesa at nagnanais maglaro matapos lamang magsulat ng kakaunting salita. Ngayon ay nakakatagal na silang umupo at nagagawa na nila ang kanilang takdang aralin nang masigasig. Sa nakalipas na mga ilang araw, hindi pa natutunan ng aking pinakamatandang anak ang mga salitang Tsino na itinuro ko sa kanya nang maraming beses, ngunit ngayon ay naalaala niya na ang mga ito pagkatapos na sabihin ko ang mga ito nang isa o dalawang beses at kaya na niyang magbasa ng apat o limang karakter na magkakasama. Ikinagulat ko talaga ito; nang mas hindi inaasahan, kung dati ay madalas mag-away ang aking mga anak kapag magkasama sila, ngayon bigla silang naging mabait at hindi na nagtatalo. Kusang ibinigay ng aking panganay ang mga paborito niyang gamit sa kanyang nakababatang kapatid. Nang makita ng asawa ko ang pagbabagong ito ng aming mga anak, sa pagkamangha ay tinanong niya ako kung paano ko tinuruan ang aming mga anak at kung bakit bigla silang tumalino at tumino. Paano ko ito naituro sa kanila? Ito ay isang kahanga-hangang gawa ng Diyos!
Matapos maranasan ito, kinalma ko ang aking sarili at nagnilay sa mga dati kong pamamaraan ng pagtuturo sa aking mga anak. Palagi ko dating tinuturuan at kinokontrol ang aking mga anak mula sa posisyon ko bilang ina, para makinig sila at kumilos tulad nang sinasabi ko. Inakala ko na ito ang paraan upang turuan sila. Sa katunayan, nang tinuruan ko sa ganitong paraan ang aking mga anak, hindi lang sa sila ay nabigo, kundi mas naging mapangahas pa sila. Ngunit noong itinakwil ko ang aking laman at itinigil kong mamuhay sa pamamagitan ng makasarili, hambog, at mala-satanas na disposisyon at pumayag na sumunod sa kapamahalaan at mga pagsasaayos ng Diyos, ipagkatiwala ang aking mga anak sa Diyos at tupdin ang aking katungkulan at mga pananagutan bilang isang ina, mas naging masunurin at matino ang aking mga anak. Nauunawaan ko na ngayon na tanging ang Diyos lamang ang may awtoridad at kapangyarihan at tanging mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa tao at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng totoong mga tao. Kaya dadakilain ko ang Diyos at hahayaan ang Diyos na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa aming tahanan. Tulad nang sinasabi sa mga pagbabahagi at mga sermon: “Kung dadalhin mo ang Diyos sa iyong totoong buhay, unahin mo Siyang dalhin sa iyong buhay sa tahanan. Sa iyong tahanan, kung may mga taong nagmamando sa iyong pamilya, dapat mo silang tanggalin sa kanilang mga puwesto. Dapat mong iwaksi ang lahat ng mga diyus-diyusan, gawin ang mga salita ng Diyos na panginoon ng iyong tahanan, at pahintulutang mamuno si Cristo. Ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina—dapat nilang basahin at pag-usapan ang mga salita ng Diyos. Kung mayroong anumang mga problema o hindi pagkakasundo, ang mga ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagpapahayag ng katotohanan. Huwag gawin tulad ng iyong nakasanayan, nakikinig sa isang tao. Hindi dapat kumilos ang mga tao dahil sa ito ang sinasabi ng ibang tao, dapat nilang luwalhatiin si Cristo, at hayaang ang mga salita ni Cristo na manguna sa kanilang pamilya, pahintulutan ang mga salita ng Diyos na mangasiwa sa kanilang tahanan. Hindi ba ito pagdadala ng mga salita ng Diyos sa iyong tunay na buhay? (mula sa pagbabahagi sa itaas).
Kaya, sinabi ko sa aking mga anak: “Magmula ngayon, hindi na magagalit si nanay nang wala sa katuwiran o papaluin ka ulit. Kung gumagawa ka ng mali, matiyaga kang pagsasabihan ni nanay at kung si nanay ang nagkamali, manghihingi ng paumanhin sa iyo si nanay. Sama-sama nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos at sabay tayong lumago sa mga salita ng Diyos at huwag tayo gumawa ng mga bagay na hindi gusto ng Diyos, ayos ba ‘yon?” Masayang sumagot ang aking mga anak: “Ayos!” Pagkaraan nito, sinanay ko nang huwag gamitin ang aking posisyon bilang ina upang gipitin sila. Kung nahaharap kami sa ilang mga usapin, kinikilala namin na ang Diyos ang pinakadakila at hinahayaan ang Diyos na gamitin ang Kanyang kapangyarihang kumilos sa aming tahanan. Minsan nagsalita ako sa kanila nang malakas at sinabi nila sa akin: “Nanay, hindi ka mamahalin ng Diyos kung ganyan ka.” Kapag may ginawa silang mali, ipaliliwanag ko rin sa kanila ang dahilan at sasabihin kung paano tayo gustong kumilos ng Diyos at sa bawat pagkakataon ay nakikinig sila nang husto. Unti-unti, ang aking relasyon sa aking mga anak ay lalong naging mas malapit. Madalas ko silang binabasahan ng mga salita ng Diyos at at nakikinig sa mga himno ng salita ng Diyos kasama nila. Kung dati ay nanonood sila ng “Robot” sa iPad pagkauwi galing sa paaralan ngayon madalas nilang sabihin sa akin: “Nanay, saglit lang kaming manonood ng iPad, pero hindi kami manonood ng ayaw mo. Pwede po ba kaming manood ng mga video ng himno ng mga salita ng Diyos?” Pagkatapos ay tahimik silang manonood, minsan ay kaya nilang manood nang mahigit isang oras.
Maraming salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagpapabago ng aking buhay pati ng aking mga anak gamit ang Kanyang mga salita! Noong nakaraan, ako ay walang alam at hangal at dinidisiplina ang aking mga anak batay sa sarili kong mapagmataas na kalikasan. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang aking mga anak sa Diyos at bilang resulta habang lalo ko silang dinidisiplina, mas naging suwail sila. Nauunawaan ko na ngayon na ang mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa atin at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng tunay na mga tao. Mula ngayon, pag-aaralan kong parangalan ang mga salita ng Diyos at aakayin ang aking mga anak na maniwala at sumunod sa Diyos. Lahat ng kaluwalhatian ay pagmamay-ari ng Makapangyarihang Diyos!

Pebrero 25, 2019

Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Xiao Wu

Ako ay may sariling pinagkakakitaan. Pangunahing itininda ko ang lahat ng uri ng tela, at gumawa din ako ng mga damit para sa aking mga parokyano bilang pandagdag ng kita. Pagkalipas ng ilang taon, ang aking negosyo ay naging mas kilala at ang mga tao sa paligid ko ay naging lubhang maiingitin. Hindi nagtagal, isang kapitbahay ang nagbukas ng kaparehong uri ng tindahan kagaya ng sa akin at naging katunggali ko. Mangyari pa, ang negosyo sa aking tindahan ay naapektuhan. Sinasabi ng kilalang kawikaan na ang dalawa sa isang kalakalan ay hindi kailanman nagkakasundo, ngunit ang aking kasama ay hindi lamang basta sinuman, ngunit ang aking lubos na pinagkakatiwalaang mag-aaral, si Xiaochen.
Hindi lamang sa nagbukas si Xiaochen ng kaparehong tindahan katabi ng aking bahay, naghintay pa siya sa labas ng kanyang tindahan upang sadyaing nakawin ang aking negosyo. Sa tuwing may makita siyang isang tao na dadaan sa tindahan, lalapitan niya sila at babatiin sila nang masigasig, aakayin sila papunta sa tindahan, at sadyang nagsasabi pa siya ng kakila-kilabot na mga bagay tungkol sa akin. Habang nakikita si Xiaochen na ginagawa ang lahat ng makakaya niya upang nakawin ang aking negosyo, pinagsisihan ko na kinuha siya bilang aking mag-aaral at nagsimulang kapootan siya mula sa aking puso. Nang makita ko siya, hindi ako nakahanda na lapitan o kausapin siya, at minsan nakapaggsasabi pa ako ng masasamang bagay tungkol sa kanya sa harap ng mga parokyano o sadya akong magbibigay ng diskuwento sa mamimili upang ibalik ang mga umuulit na bumibili, nang sa gayon ay mabawasan ko ang kanyang mga kliyente. Ngunit dahil sa kami ay magkapitbahay, hindi namin maiiwasan na makita ang isa’t-isa. Sa paglipas ng panahon, ako ay mas lalong nasaktan at nasupil sa aking puso, at ang aking poot sa kanya ay lalong naging mas malalim. Ito ay umabot sa punto na sa tuwing makikita ko siya, ang aking puso ay nasasakal nang husto, at ang aking buong pag-iisip ay napupuno ng mga saloobin kung paano siya haharapin. Maging kapag ako ay nanaginip, ako ay nananaginip na nilalabanan ko siya. Ako ay namumuhay na puno ng kapighatian sa pahanong iyon!
Noong 2002, narinig ko na sinabi ng aking kamag-aral na ang paniniwala kay Jesus ay makapagdadala ng kapayapaan at kasiyahan, na kaya nitong palawakin ang ating mga puso upang hindi na tayo magkanlong ng poot, kaya naniwala ako sa Panginoong Jesus. Nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus na: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo, Pagpalain inyo ang sa inyo’y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo’y lumalait. Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo’y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika” (Lucas 6:27-29). Mula sa mga salita ng Panginoon nakita ko na ang Panginoon ay may hindi mauubos at walang hanggang pagmamahal para sa atin. Siya ay may hindi mauubusang pagpaparaya, pagtitiyaga at pagpapatawad para sa atin. Hindi ba’t isinagawa na ng Panginoon ang mga bagay na ito na hiniling Niya sa atin na gawin? Nahikayat ako nang husto ng pag-ibig ng Panginoon, kaya ninais kong sundin ang mga aral ng Panginoon, at sinubukan kong magparaya kay Xiaochen, at huwag makipag-away sa kanya. Ngunit sa totoong buhay, hindi ko parin mapigilan na kamuhian siya, at hindi ko naisasagawa ang salita ng Panginoon sa anumang paraan. Nang maisip ko na sinabi ng Biblia na ang kapootan ang isang tao ay tulad ng pagpatay sa kanila, nakaramdam ako ng higit pang sakit. Naisip ko: Nais kong patawarin si Xiaochen, ngunit bakit hindi ko basta magawa iyon? Naniniwala ako sa Panginoon at alam ko ang Kanyang mga kahilingan, ngunit bakit hindi ko maisagawa ang mga salita ng Panginoon? Ako ay namuhay sa kapighatian, at hindi ko mapalaya ang aking sarili.
the-secret-tip-to-resolving-hatred.jpg

Hindi nagtagal, noong 2003, naging mapalad ako na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa isang pagtitipon, isang kapatid na babae ang nagbasa ng isang bahagi ng salita ng Diyos direkta sa aking paghihirap.: “Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. … Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinahagi din niya sa akin: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang hakbang ng gawaing mapantubos. Ang kasalanan nating mga tao ay napatawad lamang, nang sa ganon ay hindi na tayo masentensiyahan ng mga kautusan. Gayunman, ang ating makasalanang kalikasan ay nanatili pa din, at hindi ito nalutas. Kagaya mo ito na namumuhay sa poot kay Xiaochen, nakokontrol mo lamang ang iyong panlabas na kilos na hindi siya insultuhin, ngunit hindi mo nalutas ang pinagmulan ng poot sa iyong puso. Tayong mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, at tayo ay ganap na nasakop ng lahat ng mga uri ng mga mala-satanas na lason. Ang mala-satanas na mga pilosopiya at kautusan gaya ng “Winawasak ng kalangitan ang mga hindi para sa kanilang mga sarili,” at “Ang isang tao ay namamatay para sa pera; ang isang ibon ay namamatay para sa pagkain” ay naging ating buhay at ating kalikasan. Hindi natin mapigilan na umasa sa mga bagay na ito upang mabuhay, kaya lahat tayo ay naging makasarili, interesado lang sa sarili at interesado lamang sa pakinabang. Tayo ay nakikipaglaban at nangangatuwiran laban sa sarili nating mga kapakanan at naging mapanibughuin at puno ng poot, na nagdudulot sa atin na makagawa ng mga kasalanan na hindi mapigilan at kinakalaban ang Diyos. Bagaman sa ating puso nais nating gampanan ang salita ng Panginoon, sapagkat tayo ay nakagapos at limitado ng mala-satanas na kalikasan, hindi natin maisagawa ang mga ito at tayo ay nabubuhay sa hindi mabatang kapighatian. Sa mga huling araw ang Makapangyarihang Diyos ay darating upang lutasin ang pinakaugat na problema nating mga tiwaling tao na nakagagawa ng mga kasalanan, upang ganap na iligtas tayo mula sasakop ni Satanas. Para sa layuning ito, nagsasabi ng mga salita ang Diyos upang magsagawa ng gawaing paghatol at pagdalisay sa tao, upang sa gayon, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, makikilala natin ang sarili nating mala-satanas na kalikasan, makarating sa pagkaunawa na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay higit sa pagkutya, unti-unting darating upang pagpitaganan ang Diyos, hindi na nabubuhay sa lason ni Satanas, hanapin ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, mamuhay sa salita ng Diyos at palitan ang sarili nating disposisyon ng pagsasagawa ng katotohanan. Sa paraang ito, maisasabuhay natin ang isang normal na pagkatao, malalaman natin kung paano kumilos at kung paano pangasiwaan ang ating mga sarili sa pakikipag-ugnayan sa iba. Kapag iniwan natin ang pagkakagapos sa awtoridad ni Satanas at hindi na kontrolado ng ating tiwaling disposisyon, sa gayon tayo ay nabubuhay sa paglaya at kalayaan. Kapatid, kung madalas kang nagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, madalas na nananalangin sa Diyos, hinihiling sa Diyos na ingatan ang iyong puso, sa gayon makatitiyak ka na mapapakawalan ang poot sa iyong puso, makakawala mula sa tiwaling disposisyon ni Satanas, at mamumuhay nang mahinahon at malaya. Kaya, kailangan mong magkaroon ng kumpiyansa sa Diyos…”
Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit hindi ko kailanman magawang malutas ang poot sa aking puso habang naniniwala sa Panginoong Jesus ay dahil ginampanan lamang Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng kasalanan, ngunit hindi ang gawain ng pagtatakwil sa kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang mala-satanas na kalikasan at tiwaling disposisyon sa loob ko ay hindi pa nawala. Tanging ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang ganap na makapaglilinis at makapagbabago sa akin, inililigtas ako mula sa kasalanan! Sa pagkaunawa nito, naging kumpiyansa akong muli tungkol sa kung paano lutasin ang poot sa pagitan ko at ni Xiaochen, at naging buo ang aking isip na ituloy ang katotohanan at hindi magtagal ay pilasin ang mala-satanas na tiwaling disposisyon.
Isang araw, nakita ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang paggigitgitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang ubusan sa isa’t isa-kailan ito matatapos? … Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatangi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan?” (“Ang Masama ay Dapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, nagsimula akong magbulay-bulay sa aking sarili. Bakit patuloy akong namumuhay sa poot kay Xiaochen? Hindi lamang ba ito dahil sa ninakaw niya ang aking negosyo at nakaapekto ito sa sarili kong mga kapakanan? Upang makakuha ng mas maraming pera at magkaroon ng isang bawas na katunggali, ang naisip ko lang ay ihiwalay siya at masamain siya, at mayroon din akong masasamang kaisipan sa kanya. Sa nakaraan, inaakala ko na ang poot ko sa kanya ay mayroong dahilan. Sinaktan niya ako noong una, iyon ang dahilan kaya napoot ako sa kanya nang ganito katindi. Ngayon, alam ko na ito ay bunga ng sarili kong makasariling kalikasan. Sa pagkakilala ko sa ganitong mga bagay, kaagad akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, ngayon ngayon ko lamang nalaman na napopoot ako kay Xiaochen sapagkat mayroon akong makasariling kalikasan sa loob ko. Diyos ko, nakahanda akong maghimagsik laban sa aking sarili, hindi ako nakahandang mabuhay sa mala-satanas kong kalikasan. Umaasa ako na matutulungan Mo ako, upang mapakawalan ko ang aking poot kay Xiaochen at isabuhay ang isang normal na pagkatao.”
Upang matulungan ako na lumakad palayo sa poot, ang Diyos ay nagsaayos ng isang sitwasyon para sa akin. Isang araw, pinakikinis ni Xiaochen ang kanyang kusina, at sinakop nito ang hagdan na daan na ibinahagi sa pagitan ng salawang bahay namin. Habang pinagmamasdan ito, nakadama ako ng galit sa aking puso, na talagang nagmamalabis na siya. Pagkatapos nakawin ang aking negosyo, ngayon papunta siya upang kunin ang aking teritoryo. Lalo talaga itong nagiging mas magulo! Nang naisin ko na makipagtalo sa kanya, bigla kong naalala na sinabi ng Diyos: “Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili. … dahil ang gawain ng tao ay laging para sa kanyang sarili at hindi para sa iba. Laging makasarili ang tao, habang ang Diyos ay habambuhay na walang pag-iimbot. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng matuwid, mabuti, at maganda, habang ang tao ay ang kahalili at tagapaghayag ng lahat ng kapangitan at masama” (“Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo, ang pagmamahal ng Diyos ay lubhang walang pag-iimbot. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa katawang-tao nang dalawang beses upang iligtas lamang tayong mga tao. Binayaran ng Diyos ang ganap na halaga upang matamo natin ang kaligtasan. Sa nakaraan, isinakripisyo Niya ang Sarili Niya sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at ngayon Siya ay muling nagkatawang-tao sa sa katawang-tao, tinitiis ang paglaban ng mga tao, pagsumpa, pag-uusig at paninirang-puri ng tao upang gampanan ang gawain at iligtas ang mga tao, lahat nang walang anumang mga reklamo o pagsisisi at hindi kailanman hinihiling sa atin na muling bayaran Siya. Ang diwa ng buhay ng Diyos ay ubod ng ganda, lubos na kaibig-ibig, lubhang karapat-dapat sa ating paghanga at pagsamba! At ako ay ginawang tiwali ni Satanas upang maging lubhang makasarili at kasuklam-suklam, lubos na tuso at masama, at ako ay nabuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas, “Lumalaban para sa bawat pulgada ng lupa at kamkamin ang bawat piraso na makukuha mo.” Hangga’t nauugnay ito sa bawat piraso ng aking tmga pakinabang, makikipaglaban ako sa iba, tatawad sa bawat salapi, at hindi ko matatanggap ang anumang nga kalugian. Nakikita ko na ang isinasabuhay kagayang-kagaya ng kay Satanas, na parang ako ay isang demonyong nabubuhay. Ngayon, itinuro ng Diyos ang isang daan sa pagbabago ng aking disposisyon sa buhay. Kailangan kong isagawa ito ayon sa salita ng Diyos, maghimagsik laban kay Satanas, at hindi na nabubuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Kaya, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, ang usapin na aking nakaharap ngayong araw ay Iyong itinakda para sa akin. Maluwag sa kalooban ko na mabuhay sa Iyong salita, at hindi na mabubuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Umaasa ako na pagkakalooban Mo ng tiwala at lakas, upang hindi na ako malinlang ni Satanas at mapakawalan ang aking poot kay Xiaochen sa aking puso.” Pagkatapos manalangin, ang aking puso ay unti-unting naging lalong kalmado, at naramdaman ko ang walang kaparis na kapanatagan sa aking puso. Sa sandaling iyon, naramdaman ko sa aking sarili sa unang pagkakataon na ang pagpapakawala sa poot ay maaaring maging napakatiwasay at mapagpalaya.
Sa pagkakaroon ng ganitong karanasan, ako ay mas nakahandang isabuhay ang aking buhay alinsunod sa salita ng Diyos, at hindi ko na nais malinlang o gawing tiwali ni Satanas. Isang umaga, ang tindahan ni Xiaochen ay hindi pa nagbubukas, at narinig ko na may isang tao na sumisigaw sa labas, “Binibining Mananahi! Buksan mo ang pinto, dali!” Binuksan ko ito at iginala ang tingin at iyon ay ang parokyano ni Xiaochen na dumating upang kunin ang mga damit mula sa kanyang tindahan. Nakita ng parokyano na binuksan ko ang pinto, at tinanong ako kung nasa bahay ba si Xiaochen. Sa sandaling ito, naalala ko ang isang bagay na nangyari noong una: Isang araw, naglilinis ako sa itaas ng bahay, at isang parokyano ang dumating upang hanapin ako sa ibaba. Kahit na alam niya na ako ay nasa bahay, hindi sinabi ng asawa ni Xiaochen sa parokyano. Sa pag-iisip nito, nakaramdam ako ng galit at hindi ko nais sabihin sa parokyano na si Xiaochen ay nasa bahay. Saka ko naalala ang salita ng Diyos na nagsabing: “Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. … Ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ka ni Satanas na sumunod dito, susubukan at uutusan ka na sundin ang mga paniwala sa laman at panindigan ang mga interes ng laman-ngunit ang salita ng Diyos ay magpapaliwanag at magpapailaw sa iyong kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinulot ng pagliliwanag ng salita ng Diyos na makita ko na ang kaiisip ko pa lamang ay pamumuhay pa rin sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Nais kong gawin kay Xiaochen ang mga bagay na kanyang ginawa sa akin. Hindi ba ito pamumuhay pa din sa tiwaling disposisyon ni Satanas? Hinihiling ng Diyos na tayo ay maging matapat na tao at huwag magsinungaling o manlilinlang ng mga tao, ngunit hinahayaan ako ni Satanas na kumilos alinsunod sa tiwaling disposisyon ng laman. Dapat ko bang sundin si Satanas at bigyang kasiyahan ang laman, o dapat ba akong maghimagsik laban kay Satanas, isagawa ang katotohanan at bigyang kasiyahan ang Diyos? Nang puntong ito, naramdaman ko ang Diyos na nagmamasid sa aking bawat salita, bawat kilos at bawat paggalaw. Hindi, dapat akong maghimagsik laban sa lamanat isagawa ang katotohanan upang mabigyang kasiyahan ang Diyos. Sa pag-iisip nito, sinabi ko nang mahinahon sa parokyano, siya ay nasa bahay, maghintay lamang nang kaunti at lalabas din siya.” Nang isagawa ko ito, naramdaman ko ang ganap na kapanatagan sa aking puso.
Kalaunan, nang dumating sa aking bahay ang umuulit na mga parokyano upang gumawa ng mga damit ngunit ako ay lubhang abala at hindi maaasikaso ito, ipakikilala ko sila sa tindahan ni Xiaochen. Nang matuklasan niya kinalaunan, siya din ay naantig nang husto. Sa wakas, isang araw, nang makita niya ako, siya ay nag-isip nang mabuti sa mahabang panahon, at nasasabik na tumawag, “Guro!” Ang “Guro” na ito ay nagparamdam sa akin ng lubos na saya sa sa loob ko. Magmula nang binuksan niya ang kanyang tindahan katabi ng bahay ko, hindi niya kailanman ako tinawag na Guro kahit minsan. Alam ko na sa sandaling iyon na ang dahilan kaya namin malulutas ang aming poot ay dahil sa epekto na natamo sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kung hindi, ang poot sa pagitan namin ay lalalim lang nang lalalim. Salamat sa Diyos! Lahat ng kaluwalhatan at papuri ay sa Makapangyarihang Diyos!

Enero 3, 2019

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation

    Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.

Enero 2, 2019

New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee

New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee

    Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.

Disyembre 14, 2018

Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength

Tagalog Christian Testimony Video Trailer | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength

    Inaresto ng CCP si Jiang Xinyi at ang iba pang mga Kristiyano; malupit nilang pinahirapan ang mga Kristiyano para kunin ang pondo ng iglesia at arestuhin ang iba pang mga lider ng iglesia. Pagkatapos, para mapilit nila ang mga ito na talikuran ang kanilang pananampalataya, naglunsad sila ng sunud-sunod na brainwashing, pero sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nalagpasan nila ang pagpapahirap at lahat ng panloloko ni Satanas. Umasa sila sa katotohanan para sumali sa matinding pakikipaglaban sa CCP …

Disyembre 12, 2018

Tagalog Christian Testimony Video Trailer | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength

Tagalog Christian Testimony Video Trailer | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength

    Inaresto ng CCP si Jiang Xinyi at ang iba pang mga Kristiyano; malupit nilang pinahirapan ang mga Kristiyano para kunin ang pondo ng iglesia at arestuhin ang iba pang mga lider ng iglesia. Pagkatapos, para mapilit nila ang mga ito na talikuran ang kanilang pananampalataya, naglunsad sila ng sunud-sunod na brainwashing, pero sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nalagpasan nila ang pagpapahirap at lahat ng panloloko ni Satanas. Umasa sila sa katotohanan para sumali sa matinding pakikipaglaban sa CCP …

Disyembre 2, 2018

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya 

    Simula nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay. Noong 1991, Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita at nagsimula ng gawain sa Tsina, nagpahayag ng mga katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Nasindak ang CCP sa mga taong nakikinig sa tinig ng Diyos at lumalapit sa Kanya, kaya para matanggal ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at maprotektahan ang kanilang diktadura, palihim silang naglabas at nag-isyu ng maraming lihim na dokumento para masugpo ang mga Kristiyano, at walang-awa nilang inaaresto at pinahihirapan ang mga Kristiyano sa bawat sulok ng bansa. Nag-imbento rin sila ng maraming kasinungalingan at mga kasong walang katotohanan para maibunton ang sisi at masira ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinagawa nila ang labis na pagpapahirap, ang brainwashing, at binantayan at minanmanan ang mga Kristiyano, at kahit yaong mga may kaugnayan sa kanila ay nadamay. Pinagbubugbog nila ang maraming Kristiyano hanggang sa mamatay nang walang pakundagan at pag-aalinlanlangan. Ang lahat ng ito ay dahil sa nakakabaliw nilang tangka na mapuksa ang mga Kristiyano at magawang isang rehiyong walang Diyos ang Tsina. Sa video na ito, ipinakikita namin ang napakaraming katotohanan upang maisiwalat ang maraming taktika na ginawa ng CCP para mapahirapan ang mga Kristiyano, inilalantad nito ang karumaldumal na kasalanan ng kanilang malupit na pagsugpo at pang-aapi sa mga Kristiyano sa mga bahay-sambahan, ganun din ang malademonyong diwa ng gobyerno ng Tsina.