Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas
Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito? Ang pagiging malabo sa puntong ito ay katumbas ng pagtutol sa Akin nang deretsahan. Tunay ba ninyong nakikita ang kahalagahang ito? Alam ba talaga ninyo kung gaano kalaking pagsisikap, kung gaano kasigasig, ang Aking iginugol sa inyo? Talaga bang nangangahas kayong ilantad ang ginawa ninyo sa harap Ko? At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na mga tao Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan! Di magtatagal, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo! Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sangkatauhan? Kung walang natitira sa iyong mga intensyon at mga layunin, sana’y matagal ka nang nagtungo sa ibang landas. Iniisip mo ba na hindi Ko alam kung gaano karami ang kayang hawakan ng puso ng tao? Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra. Sa nakaraan, karamihan sa inyo ay nakinabang sa ilalim ng Aking bubong; ang katotohanang nakakaya ninyong tumayo nang matatag ngayon ay dahil sa bigat ng Aking mga salita. Sa palagay mo ba ang Aking mga salita ay basta na lamang sinabi nang walang kadahilanan? Imposible! Nakatingin Ako sa lahat ng mga bagay na nasa ibaba mula sa itaas, at pinapatupad ang dominyon sa lahat ng mga bagay mula sa itaas. Sa parehong paraan, ipinadala ko ang Aking kaligtasan sa lahat ng dako ng mundo. Walang sandaling hindi ako nakamasid, mula sa Aking sikretong lugar, bawat galaw ng sangkatauhan, bawat salita nila at bawat bagay na ginagawa nila. Ang sangkatauhan para sa Akin ay isang nakabukas na aklat: Nakikita ko at kilala ko ang bawat isa. Ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan, ang pinakamataas sa langit ang kama na Aking kinahihigaan. Ang mga puwersa ni Satanas ay hindi makakaabot sa Akin, dahil Ako ay umaapaw sa kamahalan, pagkamatuwid, at paghatol. Ang hindi maisaysay na hiwaga ay naninirahan sa Aking mga salita. Kapag Ako ay nagsasalita, kayo ay nagiging parang mga ibon na inihagis sa tubig, napuspos ng pagkalito, o mga batang nagkaroon pa lamang ng sindak, tila walang muwang, dahil ang inyong espiritu ay nahulog sa pagkatuliro. Bakit Ko sinasabi na ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan? Alam mo ba ang mas malalim na kahulugan ng Aking sinasabi? Sino sa lahat ng sangkatauhan ang mayroong kakayahang kilalanin Ako? Sino sa inyo ang mayroong kakayahang kilalanin Ako katulad ng pagkakilala mo sa sarili mong ama at ina? Habang nagpapahinga sa Aking tahanan, nagmamasid Akong mabuti: Lahat ng mga tao sa mundo ay nagmamadali, “bumabiyahe sa buong mundo” at nagsisihangos paroon at parito, lahat para sa ikabubuti ng kanilang tadhana, ng kanilang hinaharap. Ngunit ni isa ay walang lakas na mailaan para sa pagtatayo ng Aking kaharian, ni kahit katiting katulad ng lakas na ginagamit sa paghinga. Nilikha Ko ang sangkatauhan, at iniligtas Ko sila nang maraming beses sa pagdurusa, ngunit ang lahat ng mga taong ito ay mga walang utang na loob: Walang ni isa sa kanila ang magawang bilangin ang lahat ng mga pagkakataon ng Aking kaligtasan. Ilang mga taon, ilang mga siglo ang nakalipas simula nang nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyang panahon, at ilang mga himala ang Aking nagawa, at ilang beses ipinakita ang Aking karunungan? Pero ang tao, katulad ng isang baliw na may demensya at pamamanhid o, mas malala pa, paminsan-minsan ay parang mabangis na hayop na nag-aalsa sa kagubatan, ay walang ni katiting na balak intindihin ang Aking mga kapakanan. Maraming beses Ko nang binigyan ang tao ng senstensya ng kamatayan at hinatulang mamatay, subalit ang plano ng Aking pamamahala ay hindi mababago ng kahit na sinuman. Kung kaya ang tao ay, nasa mga kamay Ko pa rin, nagmamagilas sa lumang mga bagay na kanyang kinakapitan. Dahil sa mga hakbang ng Aking gawain, Ako ay, minsan pa, nagligtas sa inyo, kayong mga nilalang na ipinanganak sa malaking pamilya ng tiwali, sira, marumi, at sakim.
Ang gawaing Aking binalak ay parating sumusulong nang walang tigil kahit isang saglit. Sa paglipat sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pagdadala sa inyo sa Aking kaharian bilang Aking mga tao, magkakaroon Ako ng ibang mga hihingin sa inyo; ang ibig sabihin, sisimulan Ko nang ihayag sa inyong harap ang konstitusyon ng Aking pamumuno sa panahong ito:
Dahil tinatawag kayong Aking mga tao, kailangan ninyong luwalhatiin ang Aking pangalan, iyan ay, maging patotoo sa gitna ng pagsubok. Kung sinuman ang magtatangkang linlangin Ako at magtatago ng katotohanan mula sa Akin, o sumali sa masamang gawain sa likod Ko, sila ay walang pasubaling hahabuling palabas, paalisin mula sa Aking tahanan upang maghintay ng paglilitis. Yaong mga naging taksil at hindi masunurin sa Akin sa nakaraan, at ngayon ay tumatayong muli upang hatulan Ako, sila rin ay hahabulin palabas sa Aking tahanan. Yaong Aking mga tao ay dapat palaging nagmamalasakit para sa Aking mga pasanin at naghahangad din na malaman ang Aking mga salita. Ang mga taong katulad lamang nito ang Aking liliwanagan, at sila ay siguradong mabubuhay sa ilalim ng Aking patnubay at pagliliwanag, nang wala kailanmang matatagpuang pagkastigo. Yaong sinumang hindi nagmamalasakit para sa Aking mga pasanin, nag-iisip nang mabuti sa pagpaplano ng kanilang sariling mga hinaharap, iyan ay, yaong walang pakay sa paggawa para masiyahan ang Aking puso ngunit sa halip ay upang manghingi ng libreng tulong, ang mga tila pulubing nilalang na ito ay walang pasubaling tatanggihan Kong gamitin, dahil nang sandaling sila ay isinilang wala silang alam kung ano ang kahulugan ng pagmamalasakit sa Aking mga pasanin. Sila ang mga taong walang matinong pag-iisip; ang mga taong tulad nito ay may sakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa ilang “pagkain.” Wala Akong kapakinabangan sa mga taong katulad nito. Sa Aking mga tao, ang bawat isa ay kinakailangang magpalagay na ang paggkilala sa Akin ay isang obligadong tungkuling tutuparin hanggang sa katapusan, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, bagay na hindi nakalilimutan ng isang tao kahit saglit, upang sa katapusan ang pagkakilala sa Akin ay magiging isang pamilyar na kasanayan katulad ng pagkain, bagay na ginagawa mo nang walang hirap, ng praktisadong kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasabi, bawat isa nito ay dapat tanggapin nang may sukdulang katiyakan at ganap na unawain; dapat ay gawin nang kumpleto nang hindi nawawalan ng interes. Sinuman ang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ipagpapalagay na deretsahang tumututol sa Akin; sinuman ang hindi kumakain sa Aking mga salita, o hindi naghahangad na malaman ang mga ito, ay ipagpapalagay na hindi Ako binibigyang pansin, at deretsahang wawalisin palabas ng pinto ng Aking tahanan. Dahil, tulad ng sinabi ko na sa nakaraan, ang nais Ko ay hindi ang dami ng bilang ng mga tao, kundi ang iilang pinili lang. Mula sa isang daang katao, kung iisa lamang ang nakakikilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, kung gayon ay maluwag sa kalooban Ko ang itapon ang natitirang iba upang ituon ang pagliliwanag at pag-iilaw sa nag-iisang ito. Mula dito ay makikita ninyo, hindi talagang totoo na sa malaking bilang lamang Ako maihahayag, ang isabuhay Ako. Ang Aking gusto ay trigo (kahit na ang pinakaubod ay hindi puno) at hindi mga tara (kahit na ang pinakaubod ay halos puno na para makatawag-pansin). Tungkol naman sa mga hindi nagsaalang-alang sa paghahanap kundi sa halip ay kumikilos nang pabaya, dapat na sila ay umalis nang kusa; ayaw Ko na silang makitang muli, baka patuloy silang magbigay ng kahihiyan sa Aking pangalan. Kung ano ang kinakailangan Ko sa Aking mga tao, titigil Ako sa mga alituntunin na ito sa ngayon, at maghihintay upang gumawa ng karagdagang mga parusa depende kung paano magbabago ang mga pangyayari.
Sa nakaraang mga araw, ang karamihan sa mga tao ay nag-iisip na Ako ang Diyos Mismo ng karunungan, na Ako ang siyang Diyos na nakakita sa kaibuturan ng puso ng mga tao; ngunit lahat ay mababaw na usapan. Kung ang tao ay totoong nakakilala sa Akin, hindi sana siya kaagad-agad maghuhusga, ngunit sa halip ay susubukang kilalanin Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Tanging kapag nakarating siya sa yugto kung saan totoong nakita niya ang Aking mga gawa, saka siya karapat-dapat na magsabing Ako ay Marunong, na Ako ay Kahanga-hanga. Ang kaalaman ninyo sa Akin ay napakababaw. Sa buong mga kapanahunan, ilang katao ang naglingkod sa Akin nang maraming taon at, yaring nakakita sa Aking mga gawa, tunay na may nalamang bagay tungkol sa Akin; at kung kaya sila ay palaging may mapagkumbabang puso para sa Akin, hindi mangangahas na magtanim sa isip ng kaunti mang intensyon na tumutol sa Akin, dahil napakahirap na hanapin ang Aking mga yapak. Kung wala ang Aking patnubay sa gitna ng mga taong ito, ay hindi nangahas na kumilos nang padalos-dalos, at kaya, pagkatapos mamuhay sa maraming taon ng karanasan, sa huli'y kanilang ipinakahulugan bilang pangkalahatan ang kaunting bahagi ng kaalaman tungkol sa Akin. sinasabing Ako ay Marunong, Kahanga-hanga at Tagapayo, na ang mga salita Ko ay parang may dalawang talim na espada, na ang mga gawa ko ay dakila, lubhang kataka-taka, at nakamamangha, na Ako ay nakasuot ng kamahalan, na ang Aking karunungan ay lampas sa papawirin, at ibang mga kabatiran. Ngunit sa araw na ito ay kinikilala lamang ninyo Ako sa pundasyon na kanilang inilatag, kaya ang karamihan sa inyo, tulad ng mga loro, ay nagsasabibig lamang ng mga salita na kanilang sinabi. Ito ay dahil lamang sa isinaalang-alang Ko kung gaano kababaw ang paraan ng pagkakilala ninyo sa Akin at gaano kababa ang inyong “pinag-aralan” kaya iniligtas Ko kayo sa napakaraming pagkastigo. Magkagayunman, ang karamihan sa inyo ay hindi pa rin kilala ang inyong mga sarili, o iniisip ninyo na nakamtan na ang Aking kalooban sa mga nagawa ninyo, at sa katuwirang ito ay nakaligtas na sa paghatol. O iniisip ninyo na, pagkatapos maging katawang-tao, ay ganap kong nawala ang pagsubaybay sa mga ginagawa ng tao, at sa kadahilanang ito ay nakaligtas kayo sa pagkastigo. O iniisip ninyo na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi umiiral sa malawak na mga bahagi ng daigdig, at kaya ibinaba ninyo na ang pagkilala sa Diyos sa isang pang-araw-araw na gawain na gagawin sa libre ninyong oras sa halip na panghawakan ninyo ito sa inyong mga puso bilang isang tungkulin na dapat tuparin, gamit ang paniniwala sa Diyos bilang isang paraan ng pampalipas-oras kaysa naman gugulin sa kawalang-kwenta. Kung hindi Ako naaawa sa inyong kakulangan ng pagiging karapat-dapat, katuwiran, at mga kabatiran, kung gayon lahat kayo ay malilipol sa gitna ng Aking pagkastigo, papawiin mula sa pag-iral. Ngunit hanggang sa ang Aking gawain sa mundo ay matapos, mananatili Akong maluwag sa sangkatauhan. Ito ay isang bagay na dapat malaman ninyong lahat. Tigilan na ang pagkalito sa kabutihan at kasamaan.
Pebrero 25, 1992
Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikalimang Pagbigkas
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento