Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.
mula sa “Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hindi tungkol sa pagtatamasa sa biyaya ang pagdanas sa Diyos, nguni’t higit ay tungkol sa pagdurusa dahil sa iyong pag-ibig sa Kanya. Yamang tinatamasa mo ang biyaya ng Diyos, dapat mo ring tinatamasa ang pagkastigo Niya—kailangang maranasan mo ang lahat ng ito. Mararanasan mo ang pagliliwanag ng Diyos sa iyo, at mararanasan mo rin ang Kanyang pakikitungo sa iyo at ang Kanyang paghatol. Sa gayong paraan, nararanasan mo ang lahat ng panig. Nakagawa ang Diyos ng gawain ng paghatol sa iyo, at nakagawa rin Siya ng gawain ng pagkastigo sa iyo. Pinakitunguhan ka ng salita ng Diyos, nguni’t niliwanagan ka rin nito, nilinawan ka. Kapag gusto mong tumakas, hinahatak ka pa rin ng kamay ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay upang ipaalam sa iyo na nasa habag ng Diyos ang lahat ng bagay tungkol sa tao. Maaari mong isipin na tungkol sa pagdurusa ang paniniwala sa Diyos, o ang paggawa ng maraming mga bagay para sa Kanya, o para sa kapayapaan ng iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa iyo, upang maging maginhawa ang lahat—nguni’t wala sa mga ito ang mga layuning dapat mayroon ang mga tao para sa paniniwala sa Diyos. Kung iyan ang iyong paniniwala, kung gayon di-tama ang iyong pananaw at hindi ka basta magagawang perpekto. Ang mga pagkilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang mga salita, at ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok ay ang lahat ng mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Gamitin ang pagkaunawang ito upang tanggalin ang pansariling mga kahilingan gayundin ang mga indibiduwal na mga pag-asa at mga paniwala sa iyong puso. Sa pagtanggal lamang sa mga ito matutugunan mo ang mga kundisyon na hinihingi ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito magkakaroon ka ng buhay at mapalulugod ang Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay para sa pagpapalugod sa Diyos, at upang isabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang maipamalas ang Kanyang mga pagkilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng mga taong di-karapat-dapat. Yaon ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at layunin din na dapat mong hanapin. Mayroon ka dapat na tamang pananaw sa paniniwala sa Diyos at hanapin na matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at magawang isabuhay ang katotohanan, at bukod-tanging nakikita ang Kanyang praktikal na mga gawa, nakikita ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawain na Kanyang ginagawa sa laman. Sa pamamagitan ng kanilang aktwal na mga karanasan, mapapahalagahan ng mga tao kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila, at kung ano ang Kanyang kalooban tungo sa kanila. Lahat ng ito ay upang tanggalin ang kanilang tiwaling maka-Satanas na disposisyon. Tanggalin sa sarili mo ang di-malinis at di-matuwid na nasa loob mo, hubarin ang iyong maling mga layunin, at mabubuo sa iyo ang totoong pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng totoong pananampalataya totoo mong maiibig ang Diyos. Maiibig mo lamang nang tunay ang Diyos sa mga saligan ng iyong paniniwala sa Kanya. Matatamo mo ba ang pag-ibig sa Diyos nang hindi naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka dapat hangal tungkol dito. Napupuno ng kalakasan ang ilang mga tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay magdudulot sa kanila ng mga pagpapala, nguni’t nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nilang magdurusa sila ng mga pagpipino. Paniniwala ba sa Diyos iyan? Sa katapusan, ang pananampalataya sa Diyos ay tungkol sa ganap at lubos na pagsunod sa harap Niya. Naniniwala ka sa Diyos nguni’t mayroon ka pa ring mga hinihingi sa Kanya, mayroon pa ring maraming mga relihiyosong pagkaintindi na hindi mo mabitiwan, pansariling mga kapakanan na hindi mo mapakawalan, at naghahangad pa rin ng mga pagpapala sa laman at nais mong iligtas ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pagpapahayag ng mga tao na may maling pananaw. Bagama’t may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahanap ng pagbabago sa disposisyon, hindi naghahabol ng pagkakilala sa Diyos, at ang hinahanap lamang nila ay ang mga kapakanan ng kanilang laman. Marami sa gitna ninyo ang mayroong mga pananampalataya na kabilang sa kategorya ng relihiyosong mga paniniwala. Hindi iyan totoong pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos kailangang angkin ng mga tao ang isang puso na magdurusa para sa Kanya at handang isuko ang kanilang mga sarili. Hangga’t hindi nila natutugunan ang dalawang kalagayang ito hindi ito nabibilang na pananampalataya sa Diyos, at hindi nila matatamo ang pagbabago sa disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahanap sa katotohanan, naghahanap ng pagkakilala sa Diyos, at naghahabol sa buhay ay yaong mga totoong naniniwala sa Diyos.
mula sa “Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makakatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na mga katanungan ay hindi magpapalago ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matánggáp, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binago nila ang kanilang mga interes, binago ang kanilang pananaw sa buhay, at binago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mabago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-áabálá sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan gaano naging desperado ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ang mga tao ay inilubog ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakagunita kung gaano kahiya-hiya at hindi-magandang-tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.
Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na ang tao ay nagsasagawa ng kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos at walang pagsasaalang-alang sa pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay naroon sa kung paanong, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya, ang tao ay bumubuo ng kanyang sariling minimithing paroroonan at tinutuos kung paano makatatanggap ng pinakamalaking pagpapala at ng pinakamagandang paroroonan.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hinilingan Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi Ko siya kinilala at nakadama ng pagkamuhi para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinangad ang paraan ng mga mangkukulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, sa gayon nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang.
mula sa “Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang iyong hinahabol ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos—upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang-lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak-na-lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak-na-babae ay makatagpo ng disenteng asawang-lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng mabuting panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba isa ka sa mga yaong naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob ko ang tunay na pantaong buhay sa iyo, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba’t hindi ka naiiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahabol ng buhay ng tao, hindi nila hinahabol na malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawa’t araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay ko na sa iyo ang tamang daan, gayunma’y hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, nguni’t kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol.
mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.
mula sa “Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang tanging hinahanap mo ay magawang perpekto ng Diyos at mapagpala sa pinaka-dulo, sa gayon hindi dalisay ang pananaw ng iyong pananampalataya sa Diyos. Dapat ay hinahabol mo kung paano makita ang mga gawa ng Diyos sa tunay na buhay, kung paano Siya mapalulugod kapag ibinubunyag Niya ang Kanyang kalooban sa iyo, hinahanap kung paano sumaksi sa Kanyang pagiging- kamangha-mangha at karunungan, at kung paano ipinakikita ang Kanyang pagdisiplina at pakikitungo sa iyo. Ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat sinusubukan mong alamin ngayon. Kung para lamang makabahagi ka sa kaluwalhatian ng Diyos matapos ka Niyang gawing perpekto ang pag-ibig mo sa Diyos, hindi pa rin ito sapat at hindi makaaabot sa mga kinakailangan ng Diyos. Kailangang makaya mong sumaksi sa mga pagkilos ng Diyos, matugunan ang Kanyang mga hinihingi, at maranasan ang gawain na Kanyang nagawa sa mga tao sa praktikal na paraan. Maging ito man ay pasakit, mga luha, o kalungkutan, kailangan mo talagang maranasan itong lahat sa pagsasagawa. Ito lahat ay upang maaari kang maging isang saksi ng Diyos. Sa ilalim ng anong dominyon ka ba talaga ngayon nagdurusa at naghahanap ng pagka-perpekto? Ito ba ay upang sumaksi sa Diyos? Ito ba ay para sa mga pagpapala ng laman o mga pag-asa sa hinaharap? Lahat ng iyong mga layunin, mga pangganyak, at hinahabol na mga personal na tunguhin ay dapat mailagay sa tama at hindi maaaring mapatnubayan ng iyong sariling kalooban. Kung ang isang tao ay naghahanap ng pagka-perpekto upang makatanggap ng mga pagpapala at upang maghari sa kapangyarihan, habang yaong isa ay naghahabol ng pagka-perpekto upang mapalugod ang Diyos, upang tunay na maging isang saksi sa mga gawa ng Diyos, alin sa dalawang paraang ito ng paghahabol ang pipiliin mo? Kung pinili mo ang una, sa gayon napakalayo mo pa rin sa mga pamantayan ng Diyos. Sinabi Ko dati na hayaan ang Aking mga pagkilos na hayagang makilala sa buong sansinukob at na Ako ay mangingibabaw bilang Hari sa buong sansinukob. Sa kabilang dako, ang naipagkatiwala sa inyo ay upang maging saksi para sa mga gawa ng Diyos, hindi para maging mga hari at magpakita sa buong sansinukob. Hayaang mapuno ang buong kosmos ng mga gawa ng Diyos. Hayaang makita ang mga ito ng lahat at kilalanin ang mga ito. Binabanggit ito na may kaugnayan sa Diyos Mismo, at ang dapat gawin ng mga tao ay sumaksi sa Diyos. Gaano na ang pagkakilala mo ngayon sa Diyos? Gaano na kalaki ang maari mong saksihan tungkol sa Diyos? Ano ang layunin ng Diyos sa pagpeperpekto sa tao? Sa sandaling maunawaan mo ang kalooban ng Diyos, paano mo dapat ipakita ang ang pagsasaalang-alang sa Kanyang kalooban? Kung handa kang maging perpekto at handang sumaksi sa mga gawa ng Diyos gamit ang iyong pagsasabuhay, kung mayroon ka ng nag-uudyok na puwersang ito, sa gayon walang napakahirap. Pagtitiwala ang kailangan ng mga tao ngayon. Kung mayroon ka ng nag-uudyok na puwersang ito, sa gayon madaling pakawalan ang anumang pagiging-negatibo, ang pagiging-walang-kibo, katamaran at mga paniwala tungkol sa laman, mga pilosopiya sa buhay, mapaghimagsik na disposisyon, mga emosyon, at iba pa.
mula sa “Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento