Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Mayo 7, 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Pagsasarili: Ang Ikatlong Sugpungan

Matapos madaanan ng isang tao ang pagkabata at kabataan at unti-unti at di-maiiwasan ang pagdating sa pagkahinog sa gulang, ang susunod na hakbang ay ganap na pamamaalam ng tao sa kanyang kabataan, pagpapaalam nila sa kanilang mga magulang, at pagharap sa daan bilang isang nagsasariling may sapat na gulang. Sa puntong ito[c]dapat nilang harapin ang lahat ng mga tao, pangyayari, at bagay na dapat na kinakaharap ng isang taong may sapat na gulang, harapin ang lahat ng mga koneksyon sa tanikala ng kanilang buhay. Ito ang ikatlong sugpungan na dapat madaanan ng isang tao.

1. Matapos ang Pagiging Nagsasarili, ang Isang Tao ay Nagsisimulang Maranasan ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Kung ang kapanganakan at paglaki ay ang “panahon ng paghahanda” para sa paglalakbay sa buhay ng isang tao, ang paglalatag ng panulukang-bato sa kapalaran ng isang tao, samakatwid ang pagsasarili ay ang pagbubukas na pagsasalita ng nag-iisa sa sariling kapalaran sa buhay. Kung ang kapanganakan ng isang tao at ang paglaki niya ay kayamanan na kanilang naimpok para sa kanilang kapalaran sa buhay, samakatwid ang pagsasarili ng isang tao ay kapag nasimulan na niyang gastusin o dagdagan ang yamang iyon. Kapag nilisan ng isang tao ang kanyang mga magulang at nagsarili, ang panlipunang mga kondisyon na kakaharapin, at ang uri ng gawain o karera na makukuha niya ay kapwa iniatas ng kapalaran at walang kinalaman sa kanyang mga magulang. May ilang tao na pumipili ng isang pangunahing pinag-aaralan sa kolehiyo at nagtatapos sa pagkatagpo ng isang kasiya-siyang trabaho matapos siyang makapagtapos, ginagawang matagumpay na unang malaking hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay. May ilang mga tao na natututo at nagiging dalubhasa sa maraming iba’t-ibang kasanayan at ngunit kailanman ay hindi makahanap ng trabaho na angkop sa kanila o matagpuan ang kanilang posisyon, mas higit lalo ang magkaroon ng karera; sa simula pa ng kanilang paglalakbay sa buhay natatagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahahadlangan sa bawat liko, dinadagsa ng mga ligalig, ang kanilang mga tanawin ay malungkot at ang kanilang buhay ay hindi tiyak. Ang ilang mga tao ay masigasig na ginagamit ang kanilang pinag-aralan, ngunit makitid na nakakaligtaan ang lahat ng kanilang mga pagkakataon na makatanggap ng mas mataas na pinag-aralan, at tila itinadhanang kailanma’y hindi makamit ang tagumpay, ang kanilang kauna-unahang hangarin sa lakbayin sa kanilang mga buhay ay nalulusaw sa manipis na hangin. Hindi alam[d] kung ang dadaanan ay patag o mabato, nararamdaman nila sa kauna-unahang pagkakataon kung paanong puno ng mga pagbabago ang patunguhan ng tao, at kung kaya’t tinuturing ang buhay nang may pag-asa at pangamba. May ilang mga tao, sa kabila ng pagiging hindi gaanong nakapag-aral, ay nakakapagsulat ng mga aklat at nakakatamo ng sukat na katanyagan; ang ilan, bagaman halos ganap na walang pinag-aralan, ay nagkakaroon ng pera mula sa negosyo at sa gayon ay nasusuportahan ang kanilang mga sarili…. Anumang trabaho ang piliin ng isa, paano man siya kumita: may kontrol ba ang mga tao tungkol sa kung sila ba ay gagawa ng tamang pagpili o maling pagpili? Sang-ayon ba sila sa kanilang mga pagnanais at mga kapasyahan? Karamihan sa mga tao ay nagnanais na makapagtrabaho nang kakaunti at kumita nang mas malaki, na hindi magtrabaho sa ilalim ng araw at ng ulan, manamit nang mahusay, magningning at kuminang sa lahat ng dako, pangibabawan ang iba, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Ang mga hangarin ng tao ay napakaperpekto, subalit kapag ginawa na nila ang unang mga hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay, unti-unti nilang naiintindihan kung gaano ka-imperpekto ang patunguhan ng tao, at sa kauna-unahang pagkakataon tunay nilang nauunawaan ang katotohanan na, bagaman maaaring makagawa nang mapangahas ng mga plano para sa sariling kinabukasan, bagaman ang isa’y maaaring magtanim sa isip ng matapang na mga pantasya, walang sinuman ang may kakayahan o may kapangyarihan na isakatuparan ang kanyang sariling mga pangarap, walang sinuman ang nasa posisyon na kontrolin ang kanyang sariling kinabukasan. Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng sariling mga pangarap at mga realidad na dapat niyang kaharapin; ang mga bagay kailanman ay hindi ayon sa ninanais ng isa na maging, at sa harap ng ganoon mga realidad hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang mga tao na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malaking mga sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga pinagkakakitaan at hinaharap, bilang pagtangka na mapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at mga pagnanais sa pamamagitan ng kanilang sariling marubdob na paggawa, hindi nila kailanman mapapalitan ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan kung ano ang itinakda sa kanila ng tadhana. Hindi alintana ang mga pagkakaiba sa kakayahan, IQ, at paghahangad, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na walang pagkakaiba sa malaki o sa maliit, sa mataas o sa mababa, sa pinaparangalan o sa hinahamak. Anumang hanapbuhay na sinisikap na matamo, anuman ang ginagawa ng isa upang kumita, at kung gaano na ang naimpok niyang kayamanan sa buhay ay hindi napapagpasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, kundi nang naitadhana ng Manlilikha.
2. Pag-iwan sa Sariling mga Magulang at Seryosong Pag-uumpisa na Gampanan ang Sariling Papel sa Teatro ng Buhay
Kapag ang isa ay nakarating na sa ganap na gulang, maaari nang iwanan ng isa ang kanyang mga magulang at magsarili na, at nandito sa puntong ito ang isa ay makakapag-umpisa na gampanan ang mga sariling papel, na ang sarili niyang misyon sa buhay ay tumitigil sa pagiging mahamog at unti-unting nagiging maliwanag. Sa pangalan lamang ang isa ay nananatiling malapit na nakatali sa sariling mga magulang, subalit dahil ang sariling misyon at ang papel na ginagampanan niya ay walang kinalaman sa sarili niyang ina at ama, sa katunayan ang malapit na panali ay dahan-dahang napapatid habang ang isang tao ay unti-unting nagsasarili. Mula sa perspektibong byolohiko, ang mga tao’y hindi pa rin maiwasan na hindi umasa sa kanilang mga magulang sa mga nakatagong kamalayan na mga paraan, subalit sa tahasang pagsasalita, kapag sila’y malaki na, may ganap na kahiwalay na mga buhay sila mula sa kanilang mga magulang, at magagampanan nila ang mga papel na kanilang natanggap nang nagsasarili. Maliban sa kapanganakan at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay basta bigyan sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, pagkat wala maliban sa naitadhana ng Manlilikha ang may kaugnayan sa kapalaran ng tao. Walang sinuman ang makakakontrol sa anumang uri ng kinabukasang magkakaroon ang tao; ito ay malaon nang naitadhana, at kahit na ang sariling mga magulang ay hindi maaaring makapagpabago ng sariling kapalaran. Kung patungkol sa kapalaran, ang bawa’t isa ay nagsasarili, at bawa’t isa ay may kanyang sariling kapalaran. Kung kaya walang mga magulang ninuman ang makakapagpatigil sa kapalaran ng isa sa buhay o maipipilit ang kaunti mang impluwensya sa papel na gagampanan ng isa sa buhay. Maaaring masabi na ang pamilya na kung saan naitadhana ang isa na maisilang, at ang kapaligiran na kinalakihan ng isa, ay wala nang higit sa mga kondisyon upang matupad ang sariling misyon sa buhay. Ang mga ito’y hindi sa anumang paraan ang nagpapasya sa kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana sa gitna kung saan ang isang tao ay tumutupad sa kanyang misyon. At kung kaya’t walang mga magulang ninuman ang maaaring tumulong sa isa na matupad ang sariling misyon sa buhay, walang kaanak ninuman ang maaaring makatulong sa isa na ipagpalagay ang sariling papel sa buhay. Kung paano isasagawa ng isa ang sariling misyon at sa anong uri ng pamumuhay sa kapaligiran ang isasaganap ng isa sa sarili niyang papel ay ganap na naitadhana na ng sariling kapalaran sa buhay. Sa ibang mga salita, walang ibang nilalayong mga kondisyon ang maaaring makaimpluwensya sa misyon ng isang tao, na naitadhana ng Manlilikha. Ang lahat ng mga tao ay nagiging ganap sa gulang ayon sa kanilang sariling kinalakihang mga kapaligiran, pagkatapos, unti-unti, bawat hakbang, ay tumutungo sa sariling mga daanan sa buhay, tinutupad ang mga kahihinatnan na binalak para sa kanila ng Manlilikha, natural lamang, hindi sinasadyang pumasok sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at ipinapalagay ang sariling mga poste sa buhay, na kung saan masisimulan nila ang pagtupad sa kanilang mga katungkulan bilang mga nilalang para sa kapakanan ng pagtadhana ng Manlilikha, para sa kapakanan ng Kanyang kapangyarihan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento