Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 7, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

        
     Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay."

     Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Abril 4, 2018

Salita ng Diyos | Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)

Ipinangaral ng Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, kahalili ng kaligtasan ay mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at pagka-perpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang isang tao, ang kanilang buong sambahayan ay pagpapalain, o ang kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. Sa panahong iyon, Si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming mga taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa din ang iba ng maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: dinadala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tinatapos ang gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang naisakatuparan. Ngunit sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain ni Jesus at Jehova, nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang gawain sa mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang katapusan ng gawain ng Diyos, ang panahon ng konklusyon ng gawaing ito. Liliwanagin para sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at sangkap nitong anim na libong taong plano ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan pareho ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga salitang Kanyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas nang ganap. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming mga salita ang nanatiling hindi nahayag, o hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng lahat ng gawain sa isang konklusyon. Kung hindi binibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay naihahatid sa isang katapusan at natapos sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam na mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang masama ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang kanilang mga pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng masamang sangkatauhan. Ito ay hindi upang sabihin na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang pagkaintindi ng tao ay magkakapareho lahat, at bagamat ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon maaaring kinakalaban nila Siya. Bakit sinasalungat at kinakalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan Siya ni Judas? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakikilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling bumangon, hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig sila ay magiging isang modelo at ispesimen at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang kasamaan, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mahina, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang lahat ng pagiging suwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto na isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi masama sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehova, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang gawain ng Diyos sa kanila. Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Ngunit bakit ang Biblia ay hindi naglalaman ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay ipinatupad sa Israel, sapagkat ang mga tao sa Israel ay ang mga pinili—iyon ay upang sabihin na sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinaka-hindi masama sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas ang pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari o mga korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mas mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang katuwiran ng kanilang pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makapagsilbi bilang mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay pinagtibay ang sa loob ng ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.

Pagkatapos ng pagkakatatag ng mundo, ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ipinatupad sa Israel, at kaya ang Israel ay ang bayang sinilangan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ang himpilan ng gawain ng Diyos sa lupa. Sinasakop ng saklaw ng gawain ni Jesus ang buong Judea. Sa panahon ng Kanyang gawain, kakaunti sa kanilang mga nasa labas ng Judea ang nakaaalam nito, sapagkat hindi Siya gumawa ng anumang gawain lampas sa Judea. Sa kasalukuyan, ang gawain ng Diyos ay dinala sa Tsina, at ito ay pinatutupad lamang sa loob ng saklaw na ito. Sa yugtong ito, walang gawain ang inilunsad sa labas ng Tsina; ang paglaganap nito lampas sa Tsina ay gawain na darating na mas huli. Ang yugtong ito ng gawain ay sumunod mula sa yugto ng gawain ni Jesus. Ginawa ni Jesus ang gawain ng pagtubos, at ang yugtong ito at ang gawain na sumunod; ang pagtubos ay naganap na, at sa yugtong ito ay walang pangangailangan para sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sapagkat ang yugtong ito ng gawain ay hindi kagaya ng huling yugto, at, higit sa rito, sapagkat ang Tsina ay hindi kagaya ng Israel. Ang yugto ng gawain na ipinatupad ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Nakita ng tao si Jesus, at hindi nagtagal pagkatapos, ang Kanyang gawain ay nagsimulang lumaganap sa mga Gentil. Sa kasalukuyan, marami ang naniniwala sa Diyos sa Amerika, sa UK at Rusya, kaya bakit mas kaunti sa Tsina? Sapagkat ang Tsina ang pinakasaradong bansa. Bilang gayon, ang Tsina ang pinakahuling tumanggap sa daan ng Diyos, at maging ngayon mas mababa sa isandaang taon mula nang ginawa nito—mas huli kaysa sa Amerika at sa UK. Ang huling yugto ng gawain ng Diyos ay ipinatutupad sa bayan ng Tsina upang dalhin ang Kanyang gawain sa isang katapusan, at upang ang lahat ng Kanyang gawain ay maisakatuparan. Tinatawag lahat ng mga tao sa Israel si Jehova na kanilang Panginoon. Sa panahong iyon, Siya ay itinuturing nilang puno ng kanilang sambahayan, at ang kabuuan ng Israel ay naging isang dakilang sambahayan kung saan sinasamba ng bawat isa ang kanilang Panginoong Jehova. Ang Espiritu ni Jehova ay madalas magpakita sa kanila, at Siya ay nagsasalita at binibigkas ang Kanyang tinig sa kanila, at gumamit ng isang haliging ulap at tunog upang gabayan ang kanilang mga buhay. Sa panahong iyon, tuwirang inilaan ng Espiritu ang Kanyang paggabay sa Israel, sinasalitaat binibigkas ang Kanyang tinig sa mga tao, at nakita nila ang mga ulap at narinig ang mga dagundong ng kulog, at sa ganitong paraan ginabayan Niya ang kanilang mga buhay sa loob ng ilang libong taon. Kaya, ang mga tao lamang ng Israel ang palaging sumasamba kay Jehova. Nananampalataya sila na si Jehova ang kanilang Diyos, at hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ito ay hindi nakakagulat: Si Jehova, pagkatapos ng lahat, ay gumawa sa gitna nila nang halos 4,000 taon. Sa bayan ng Tsina, pagkatapos matulog sa loob ng libu-libong taon, ngayon lamang nalaman ng mga mababang-uri na ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng mga bagay ay hindi likas na nabuo, ngunit ginawa ng Manlilikha. Sapagkat ang ebanghelyong ito ay nanggaling sa ibayong dagat, yaong mga piyudal, mayroong konserbatibong mga pag-iisip ay naniniwala na lahat niyaong mga tumanggap sa ebanghelyong ito ay nakagagawa ng kakila-kilabot na krimen, sila ang masasama na nagtaksil kay Buddha—ang kanilang ninuno. Higit sa rito, marami sa mga may pag-iisip na piyudal ang nagtatanong, paano nangyaring ang mga taong Tsino ay naniniwala sa Diyos ng mga banyaga? Hindi ba nila pinagtataksilan ang kanilang mga ninuno? Hindi ba sila gumagawa ng masama? Sa kasalukuyan, matagal na panahon nang nakalimutan ng mga tao na si Jehova ay ang kanilang[a] Diyos. Matagal na nilang inilalagay sa likod ng kanilang mga pag-iisip ang Manlilikha, at sa halip sila ay naniwala sa ebolusyon, na nangangahulugan na ang tao ay unti-unting nabuo mula sa mga unggoy, at ang likas na mundo ay palaging umiiral. Ang lahat ng mainam na pagkain na tinatamasa ng sangkatauhan ay inilaan ng kalikasan, mayroong kaayusan sa buhay at kamatayan ng tao, at walang umiiral na isang Diyos na namamahala sa ibabaw ng lahat ng ito. Higit sa rito, maraming mga ateista ang nagsasabi na ang maniwala sa dominyon ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng mga bagay ay pamahiin. Ngunit mapapalitan ba ng agham ang gawain ng Diyos? Makapamamahala ba ang agham sa ibabaw ng sangkatauhan? Ang pangangaral sa ebanghelyo sa gayong bansa ay hindi magaan na gampanin, at kaakibat nito ang malaking mga kahadlangan. Sa kasalukuyan, hindi ba marami ang sumasalungat sa Diyos sa ganitong paraan?

Maraming mga tao ang pinanghahawakan ang gawain ng Diyos laban doon sa kay Jehova, at nang sila ay nakakita ng pagkakasalungatan, ipinako nila si Jesus sa krus. Ngunit bakit mayroong pagkakasalungatan sa pagitan ng Kanilang gawain? Ito ay, sa bahagi, sapagkat gumawa si Jesus ng bagong gawain, at dahil na rin bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain, walang sinuman ang nagsulat sa Kanyang talaangkanan. Kung mayroon sanang isa, kung gayon hindi na kailangang mag-alala, at sinong magpapako pa kay Jesus sa krus? Kung sinulat ni Mateo ang talaangkanan ni Jesus nang mas maaga ng ilang mga dekada, kung gayon hindi magtitiis si Jesus ng gayong kalaking pag-uusig. Hindi ba gayon? Sa sandaling mabasa ng mga tao ang talaangkanan ni Jesus—na Siya ang anak ni Abraham, at pinanggalingan ni David—kung gayon ititigil na nila ang kanilang pag-uusig sa Kanya. Hindi ba kahabag-habag na ang Kanyang talaangkanan ay masyadong huli na nang isulat? At kawawa naman na dalawang yugto lamang ng gawain ng Diyos ang naitala ng Biblia: isang yugto na ito ang Kapanahunan ng Kautusan, at isa na ay ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; isang yugto ay ang gawain ni Jehova, at isa ay ang gawain ni Jesus. Gaano pa kahusay ito magiging kung nahulaan ng isang dakilang propeta ang gawain sa kasalukuyan. Magkakaroon ng dagdag nabahagi sa Biblia na mayroong pamagat na “Ang Gawain sa mga Huling Araw”—hindi ba magiging higit na mahusay ang gayon? Bakit dapat sumailalim ang tao sa napakaraming kahirapan sa kasalukuyan? Nagkaroon kayo ng gayong kahirap na panahon! Kung nararapat na kamuhian ang sinuman, ito ay sina Isaias at Daniel dahil sa hindi paghula sa gawain sa mga huling araw, at kung mayroon mang maaaring sisihin, ito ang mga apostol ng Bagong Tipan na hindi itinala ang talaangkanan nang mas maaga ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Yaon ay kahiya-hiya! Kailangan ninyong maghanap sa lahat ng dako para sa katibayan, at kahit pagkatapos makahanap ng ilang maliliit na piraso ng mga salita hindi pa rin ninyo masasabi kung ang mga ito ay katibayan talaga. Kahiya-hiya! Bakit masyadong malihim ang Diyos sa Kanyang gawain? Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang hindi pa nakakahanap ng kapani-paniwalang katibayan, ngunit hindi rin nila magawang ikaila ito. Kaya ano ang dapat nilang gawin? Hindi nila sinusunod ang Diyos nang may katatagan, ngunit hindi rin sila makapagpatuloy sa gayong pag-aalinlangan. At kaya, maraming “mautak at matalinong mga iskolar” ang yumayakap sa isang saloobing “subukan at makita” kapag sila ay sumusunod sa Diyos. Ito ay malabis na kaguluhan! Hindi ba magiging napakadali ng mga bagay kung nagawa nina Mateo, Marcos, Lukas at Juan na hulaan ang hinaharap? Mas naging mainam kung nakita ni Juan ang panloob na katotohanan ng buhay sa kaharian—kahabag-habag na nakita lamang niya ang mga pangitain at hindi nakita ang totoong, materyal na gawain sa lupa. Kahiya-hiya ang gayon! Ano ang mali sa Diyos? Bakit, pagkatapos na ang Kanyang gawain ay naging napakaaayos sa Israel, dumating Siya ngayon sa Tsina, at, bakit kailangan Niyang maging tao, at personal na gumawa at mamuhay sa gitna ng mga tao? Ang Diyos ay masyadong walang pakundangan sa tao! Hindi lamang sa hindi Niya sinabi sa mga tao nang mas maaga, ngunit biglang dinala ang pagkastigo at paghatol. Wala talaga itong saysay! Ang unang pagkakataon na ang Diyos ay naging tao, nagdanas Siya ng maraming paghihirap bilang resulta sa hindi pagsasabi sa tao nang mas maaga tungkol sa lahat ng panloob na katotohanan. Tiyak na hindi Niya malilimutan iyon? At bakit hindi pa rin Niya sinasabi sa tao sa pagkakataong ito? Sa kasalukuyan, gaano kasawing-palad na mayroon lamang animnapu’t anim na aklat sa Biblia. Kinakailangang may isa pa na hinuhulaan ang gawain sa mga huling araw! Ano sa palagay ninyo? Maging si Jehova, Isaias at David ay walang binanggit ukol sa gawain sa kasalukuyan. Sila ay lalong inalis mula sa kasalukuyan, na mayroong agwat sa panahon na mahigit 4,000 taon. Hindi rin ganap na hinulaan ni Jesus ang gawain sa kasalukuyan, sa pagsasalita nang kaunti ukol rito, at nakakahanap pa rin ang tao ng hindi sapat na katibayan. Kung ihahambing mo ang gawain noong una sa kasalukuyan, paano magkakapareho ang dalawa sa isa’t-isa? Ang yugto ng gawain ni Jehova ay nakatuon sa Israel, kaya kung ihahambing mo iyon sa kasalukuyan magkakaroon ng higit pang malaking pagkakaiba; hindi talaga maaaring paghambingin ang dalawa. Ni hindi kayo sa Israel, o isang Judio; ang iyong kakayahan at ang lahat ng tungkol sa iyo ay kulang—paano mo maihahambing ang iyong sarili laban sa kanila? Posible ba ito? Alamin na ang kasalukuyan ay ang Kapanahunan ng Kaharian, at ito ay naiiba mula sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Anu’t anuman, huwag subukan at gumamit ng isang pormula; hindi masusumpungan ang Diyos sa anumang gayong mga pormula.

Paano nabuhay si Jesus sa panahong 29 taon pagkatapos ng Kanyang pagsilang? Walang naitalang anuman ang Biblia ukol sa Kanyang kamusmusanat kabataan; alam mo ba kung ano ang nakakatulad ng mga ito? Posible ba na wala Siyang kamusmusan at kabataan, at nang Siya ay isilang Siya ay tatlumpong taong gulang na? Masyadong kaunti ang iyong nalalaman, kaya huwag maging masyadong padalus-dalos sa pagsasabi ng iyong mga pananaw. Hindi ito magdudulot ng mabuti sa iyo! Nakatala lamang sa Biblia na bago ang ika-30 kaarawan ni Jesus, Siya ay nabautismuhan at inakay ng Banal na Espiritu sa ilang upang sumailalim sa pagtukso ng diablo. At itinatala ng Apat na mga Ebanghelyo ang Kanyang tatlo at kalahating taong gawain. Walang tala ukol sa Kanyang kamusmusan at kabataan, ngunit hindi pinatutunayan nito na hindi Siya nagkaroon ng kamusmusan at kabataan; ito lang, sa pasimula, hindi Siya gumawa ng anumang gawain, at isang karaniwang tao. Sa pagiging isang karaniwang tao, kung gayon, possible bang nabuhay Siya sa loob ng 33 taon nang walang kabataan? Posible bang hindi Siya nagkaroon ng kamusmusan? Posible bang bigla Niyang maabot ang gulang na 33.5 nang hindi pinagdadaanan ang gulang na of 11 or 12, or 17 o 18? Ang lahat ng iniisip ng tao tungkol sa Kanya ay di-pangkaraniwan. Hindi taglay ng tao ang katotohanan! Walang anumang pag-aalinlangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng karaniwan at normal na pagkatao, ngunit kapag ipinatutupad Niya ang Kanyang gawain ito ay tuwirang sa pamamagitan ng Kanyang pagka-Diyos at hindi ganap na pagkatao. Dahil dito kaya ang mga tao ay mayroong mga pag-aalinlangan tungkol sa gawain sa kasalukuyan, at maging tungkol sa gawain ni Jesus. Bagamat ang gawain ng Diyos ay nagkakaiba sa dalawang beses na Siya ay naging tao, ang Kanyang sangkap ay hindi. Mangyari pa, kung babasahin mo ang mga tala sa Apat na Mga Ebanghelyo, malaki ang mga pagkakaiba. Paano ka makakabalik sa buhay ni Jesus sa panahon ng Kanyang kamusmusan at kabataan? Paano mo uunawain ang normal na pagkatao ni Jesus? Marahil mayroon kang matibay na pagkaunawa ukol sa pagkatao ng Diyos sa kasalukuyan, subalit wala kang taglay na pagkaunawa sa pagkatao ni Jesus, lalong hindi mo ito naiintindihan. Kung hindi ito itinala ni Mateo, hindi ka magkakaroon ng ideya ukol sa pagkatao ni Jesus. Marahil, kapag sinabi Ko sa iyo ang mga kuwento ukol kay Jesus sa panahon ng Kanyang buhay, at sasabihin sa iyo ang ukol sa panloob na mga katotohanan sa kamusmusan at kabataan ni Jesus, iiiling mo ang iyong ulo: Hindi! Hindi Siya maaaring maging ganoon. Hindi Siya maaaring magkaroon ng anumang kahinaan, lalong hindi Niya tataglayin ang anumang pagkatao! Sisigaw ka pa at hihiyaw. Ito ay dahil hindi mo nauunawaan si Jesus na taglay mo ang mga pagkaintindi ukol sa Akin. Pinaniniwalaan mo si Jesus na masyadong banal, na walang taglay na laman tungkol sa Kanya. Ngunit ang mga katotohanan ay nananatili pa ring mga katotohanan . Walang sinuman ang mayroong pagnanais na magsalita kasalungat ng katotohanan ng mga katunayan, sapagkat kapag Ako ay nagsasalita ito ay may kaugnayan sa katotohanan; ito ay hindi haka-haka, ni hindi ito hula. Alamin na makakaya ng Diyos na tumaas hanggang sa kaitaas-taasan, at, higit sa rito, na makakapagtago Siya sa kailaliman. Siya ay hindi malilirip ng iyong karunungan, Siya ang Diyos ng lahat ng mga nilikha, at hindi isang personal na Diyos na ipinaglihi ng isang partikular na tao. Hindi ba ito tama?

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “inyong(maramihan).”

Ang pinagmulan:Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2) Rekomendasyon:


Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



Marso 22, 2018

Tagalog Christian Song | "Saan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbor



Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTagalog Christian Song | "Saan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbor


Pinupulot ko'ng maliit kong brush
at nagpinta ng maliit na bahay,
Nasa loob si Inay, pati na rin si Itay.
Ako at ang aking babaeng kapatid ay naglalaro sa araw,
naaarawan kami at punong-puno kami ng init.
Nakangiti si Inay na at pati rin si Itay,
ako at ang aking babaeng kapatid ay nakangiti rin.
Ito ang aking pamilya, nasa aking papel
ito'y nasa aking panaginip, sa'king panaginip.

Dala ko'y maliit na maleta sa kakaibang lugar.
Nasa loob si itay ngunit nasa labas si inay.
Dala ko'y maliit na maleta sa minsan kong naging bahay.
Nasa loob si Inay, ngunit nasa labas si Itay.
Dala ko'y maliit na maleta, pagala-gala sa daan,
pagala-gala sa daan,
pagala-gala sa daan.
Ang maliit kong maleta ang tangi kong kasama.
Ito ang tanging tahanan na 'di ko matatakasan.

Nasaan ang aking tahanan?
Sa malaking mundong ito, walang para sa akin.
Sinong makapagbibigay ng tahanan na nasa'king mga drowing
at mga panaginip?
Tahana'y nasaan?
Sa mundong napakalaki, wala pa ring tahanan para sa akin.
Sinong makapagbibigay ng tahanan na nasa aking mga drowing
at mga panaginip?

Dito'y mayroon akong, mayro'n akong tahanan.
'Di ito 'yong ginuhit ko sa aking papel.
'Di ang maliit na maleta kundi ang pangarap kong lugar.
Si Inay, Itay at babaeng kapatid ay nasa loob.
Ito'y lugar na makakapagpahinga ang aming kaluluwa.
Ito'y lugar ng kaluwalhatian at pag-asa.
Tahanang may kapahingahan ng aming kaluluwa,
puno ng kaluwalhatian at pag-asa.
[Da La La]
Tahanang puno ng gloria, punong-puno ng gloria at pag-asa.


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Marso 21, 2018

Kristianong Awitin | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

Nagyeyelo'ng taglamig napalitan ng mundo na tagsibol buong-taon,
kung kelan 'di na harapin ng tao ang hirap o pagdurusa ng mundo.
Wala ng labanan ng mga tao, mga bansa'y wala nang digmaan.
Wala nang patayan, wala nang dugo.
Bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos ay narito, kaharian ng Diyos narito sa lupa.

Diyos gumagalaw dito sa buong mundo,
nagtatamasa mula sa Kanyang trono.
Namumuhay Siya sa gitna ng mga bit'win,
mga anghel umaawit' sumasayaw sa Kanya.
Mga anghel 'di na umiiyak sa kahinaan nila.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.
Di na kailanman maririnig ng Diyos iyak ng mga anghel.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.

Wala nang dadaing sa mga paghihirap.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Di ba ito pinakadakilang pagpapala na ibinigay Niya sa tao?
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Marso 17, 2018

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]

    
     Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.

Marso 14, 2018

Salita ng Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Pag-bigkas ng Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

      

       Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.

Marso 12, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

I
Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.
II
Diyos, Pinuno ng anim-na-libong taong plano ng pamamahala.
Walang ibang makakagawa ng gawa Niya.
Walang sinumang makatatapos ng gawain Niya,
pagka't Siya ang may hawak sa lahat.
Pagka't nilikha Niya ang mundo,
aakayin N'ya ang buong mundong mamuhay sa liwanag N'ya.
Pagka't nilikha Niya ang mundo,
aakayin N'ya ang buong mundo,
aakayin N'ya ang buong mundong mamuhay sa liwanag N'ya,
tatapusin Niya ang buong kapanahunan
upang dalhin ang Kanyang plano sa kaganapan,
upang dalhin ang Kanyang plano sa kaganapan!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Marso 3, 2018

Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita

I
Ang mga resulta ng gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay nakamit sa salita, sa salita.
Ang salita ay tumutulong sa tao na maunawaan ang mga misteryo
at gawain ng Diyos sa buong kasaysayan.
Ito ay nagdudulot sa tao ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu,
kaalaman ng mga misteryong selyado sa loob ng maraming siglo.
Ipinaliliwanag nito ang gawa ng mga propeta at mga apostol
at ang mga alituntunin nang ipinatupad nila ito.
Ang salita ay nagpapakilala sa tao sa disposisyon ng Diyos,
pati na rin ang Kanyang sariling paghihimagsik at diwa.
II
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain
at lahat ng mga salitang nabigkas,
nalalaman ng tao ang gawain ng Espiritu,
at nalalaman ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos,
bukod pa sa kabuuan ng Kanyang disposisyon.
Ang iyong kaalaman sa anim na libong-taong gawain ng Diyos
ay nakamit din sa pamamagitan ng salita.
Alamin ang iyong mga lumang paniniwala at isantabi sila—
ay hindi ito masyadong nakamit sa pamamagitan ng salita?
III
Sa nakaraang yugto nagpakita si Jesus ng mga himala,
ngunit hindi ito sa huling yugtong ito.
Hindi ba sa pamamagitan ng salita na sa wakas
iyong naintindihan kung bakit hindi mo makita
ang anumang mga palatandaan ngayon?
Ang mga salitang binigkas sa yugtong ito ay nilalampasan
mga ginawa ng mga apostol at mga propeta ng nakaraan.
Kahit para sa mga propesiya na ginawa ng mga propeta,
ang mga naturang resulta ay hindi maaaring mangyari.
IV
Ang mga propeta ay nagpropesiya lamang
kung ano ang mangyayari sa hinaharap,
ngunit hindi sa gawain na gagawin ng Diyos sa panahong iyon.
Hindi sila nagsasalita upang ihantong ang tao,
bigyan ng katotohanan,
magbubunyag ng mga misteryo,
at tiyak na hindi sila nagsasalita,
at tiyak na hindi sila nagsasalita upang ipagkaloob ang buhay.
V
Ang mga salita na sinasalita sa yugtong ito
ay naglalaman ng propesiya at katotohanan,
ngunit higit sa lahat ay naglilingkod
upang magbigay ng buhay sa tao.
Hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta,
ang mga salita sa kasalukuyan ay isang yugto ng gawain
para sa buhay ng tao, upang baguhin ang kanyang disposisyon.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Pebrero 26, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
II
Nais kong tamasahin ang Iyong salita sa lahat ng araw.
Tumitingala ako sa'Yo, Diyos ko, para sa liwanag sa bawat paraan.
Dinidiliga't kinakandili Mo sa pag-ibig ang 'Yong bayan.
Sa sulsol ng diablo'y inilalayo Mo kami.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
III
Mga kapatid! Tayo'y bumango't magpuri!
Mahalin ang sandaling itong ating pinagsamahan.
Nakaalpas na sa tanikalang pasan ng laman,
ipakita natin sa gawa ang pag-ibig sa Diyos,
tupdin ang ating tungkulin nang buong puso't lakas.
Iniibig Ka namin, Diyos na Makapangyarihan! Kailanma'y di Ka namin iiwan!
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa 'Yo.
IV
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
Sapagka't kami'y Iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Pebrero 23, 2018

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan


   Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

Pebrero 16, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


 Ebangheliyong pelikula | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."

Pebrero 5, 2018

1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

1.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

     
       Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)



Pagpapahayag ng Makapangyarihang DiyosAng Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

Pebrero 4, 2018

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.

3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalatayasa Makapangyarihang Diyos.

      Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya’s naging tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan.
Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan.
Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo.
Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya.
Buhay nati'y laging makabuluhan.
Pinagtitibay nating si Cristo ang katotohana't buhay!
Niyayakap ang hiwaga ng buhay ng tao.
Paa nati'y nasa pinakamaliwanag na landas tungo sa buhay.
Di na naghahanap, maliwanag ang lahat.
Mamahalin Ka namin nang walang pagsisisi, o Diyos.
Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Buhay ng pagmamahal sa Diyos, makahulugan, hindi hungkag.
Tuparin ating tungkuling sa Kanya'y sumaksi.
Papuri't kaligtasan Niya'y ating nakakamtan.
Buhay nati'y makabuluhan, ganap at mayaman.
Mamahalin Ka namin nang walang pagsisisi, O Diyos.
Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Sino ang mas pinagpala kaysa sa atin?
Ngumiti na ba ang kapalaran nang ganun kayaman?
Pagka't higit ang ibinigay ng Diyos sa atin
kaysa mga nagdaang kapanahunan.
Mumuhay tayo para sa Diyos na sa ati'y nag-angat.
Dapat nating ibalik ibinuhos sa ating pagmamahal.
Mamahalin Ka namin lagi nang walang pagsisisi, o Diyos.
Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Mamahalin Ka namin lagi nang walang pagsisisi, o Diyos.
Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Pebrero 1, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos  

Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono,
puno ng dalangin sa puso.
Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya;
sila'y buhay sa liwanag.
Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin
nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.
Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos
at sikaping kilalanin ang Diyos.
Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya,
nang ating disposisyo'y mabago.
Nawa'y gawin tayong perpekto
upang lubos na isa sa Kanya sa puso't isipan.
Nawa'y disiplinahin tayo ng Diyos
upang tungkulin sa Kanya'y ating matugunan.
Nawa'y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu
sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

Nawa'y malaman ng bayan ang mabuti sa masama,
katotohana'y isagawa.
Nawa'y parusahan ng Diyos masasama't Kanyang iglesia'y panatag.
Nawa'y buong baya'y maghandog ng tunay na pag-ibig sa Diyos,
kaaya-aya't kalugod-lugod.
Nawa'y alisin ng Diyos lahat ng balakid
nang maibigay natin lahat para sa Diyos.
Nawa'y panatilihin ng Diyos na tayo'y umiibig sa Diyos,
di Siya iiwanan.
Nawa'y mga itinalaga ng Diyos magbalik sa Kanyang presensya.
Nawa'y buong baya'y umawit ng papuri sa Diyos
na nakatamo ng kaluwalhatian.
Nawa'y makasama ng Diyos Kanyang bayan,
manatiling buhay sa pag-ibig ng Diyos.
Nawa'y makasama ng Diyos Kanyang bayan,
manatiling buhay sa pag-ibig ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin