Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 14, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Marso 28, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

Marso 8, 2019

Paghawi sa Hamog para Makita ang Tunay na Liwanag | Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?

Paghawi sa Hamog para Makita ang Tunay na Liwanag | Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?

2018-05-22



    Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

    Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sakit ng ulo para sa sentral na pamunuan ang inyong Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Nakikita kayo ng Partido Komunista bilang numero unong kaaway. Hindi ito titigil hanggang sa mapuksa kayo. Alam mo ba kung gaano karaming tao at pera ang ginamit ng Partido Komunista para sa pagpigil at pagbabawal ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Masyadong mataas ang kabayaran! Hindi mo ba nakikita ang kahulugan sa likod ng lahat ng ito? Patuloy pa rin ninyong ipinalalaganap ang ebanghelyo, sumasaksi para sa Diyos at ipinapalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos kahit saan. Para itong inuumpog ninyo ang inyong dibdib laban sa bariles ng baril. Hangal ba kayo? Ganito kung paano namin dapat kayong pangalagaan! Kung tahimik kayong nakaupo sa bahay, walang gagambala sa inyo.

    Han Lu (Isang Kristiyano): Laging itinuturing ng Partido Komunista ang mga naniniwala sa Diyos bilang mga kaaway. Hindi ito makapaghintay na puksain sila. Sa palagay ba ninyo'y kaya ninyong ipagbawal ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawaing mapantubos, hindi ba't ipinako Siya sa krus ng relihiyosong komunidad kasama ang mga awtoridad? Akala nila ay nagtagumpay sila, at tiyak na nabigo ang gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus. Pero ang hindi inaasahan ay sinabi ng Panginoong Jesus sa krus, "Naganap na." Natupad ang gawaing mapantubos ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapako sa krus ng Panginoong Jesus. Ano ang ibig-sabihin nito? Nabuo ang karunungan ng Diyos sa panlilinlang ni Satanas. Naipalaganap sa buong mundo ang mapantubos na ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Ito ang tinatanggap na katotohanan. Sa mga taong ito, galit na galit na sinusugpo at inuusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinagmalaki pa nito, "Hindi aalisin ang mga tropa hanggang sa matapos ang pagbabawal." Gayunman, ano ang naging kinalabasan? Hindi lamang hindi naipagbawal Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa halip ay lumalago pa ito. Alam ba ninyo kung bakit ganoon? Awtoridad ito ng Diyos, kapangyarihan ito ng Diyos! Anuman ang nais tuparin ng Diyos, walang bansa o puwersa ang makakahadlang. Bakit kami matatag na naniniwala sa Diyos, ikinakalat ang ebanghelyo at sumasaksi sa Diyos? Alam ba ninyo kung bakit? Malapit nang matapos ang kapanahunang ito. Malapit nang dumating ang kalamidad. Ang mga tumanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at tumanggap ng paglilinis ang makakatanggap ng kaligtasan ng Diyos at makakatakas sa mga panganib. Paanong hindi namin maipapalaganap ang ebanghelyo nang tulad nito? Kung hindi namin gagawin, maraming tao ang hindi makakabalik sa Diyos at mamamatay sa kalamidad. Maraming kaluluwa ang mapupunta sa impiyerno para sa kaparusahan! Alang-alang sa mga kaluluwang ito, maaari ba kaming umupo nang tamad sa aming tahanan para sa makalamang kaginhawaan? Maaari ba kaming maligtas nang kahiya-hiya lamang mula sa pagkatakot sa pag-aresto at pag-uusig ng pamahalaan ng CCP? Kung gayon, hindi matatahimik ang aming konsensiya! Kaya, maraming Kristiyano ang nakikipagsapalaran na mabilanggo at mamatay para maipalaganap ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos. Anong uri ng espirutu ito? Naiintindihan niyo ba ito? Ngunit natatrato ninyo ang mabubuting tao na naniniwala sa Diyos bilang mga pinakapinaghahanap sa bansa? Hindi ko lang ito maintindihan. Anong mabuti ang maidudulot nito para sa pagpapatatag ng kapangyarihan ng estado? Sa buong kasaysayan, ang mga bansa at lahi na galit na galit na nilabanan at tinutulan ang Diyos ay sinira ng Diyos. Totoo ang lahat ng ito. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Walang bansa o kapangyarihan ang makapipigil sa anumang nais makamit ng Diyos. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Ang banal na disposisyon ng Diyos ay hindi magkakasala. Lahat ng lumaban sa Diyos ay dapat magdusa ng kaparusahan ng Diyos.

mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan

Enero 12, 2018

Kidlat ng Silanganan - Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) - Buhay sa Sayawan


Kidlat ng Silanganan - Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) - Buhay sa Sayawan

    Nabubuhay sa kanyang balatkayo, unti-unting naging bahagi at nilamon si Xiaozhen ng mundong ito. Nawalan siya ng dangal sa gitna ng kasamaan ng masamang mundo …

Enero 11, 2018

Kristianong video | Kuwento ni Xiaozhen (3) - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaa



Kidlat ng Silanganan Kristianong video | Kuwento ni Xiaozhen (3) - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan

   Sa mundong ito ng ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …

Enero 3, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

    
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha."