Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paniwala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paniwala. Ipakita ang lahat ng mga post

Disyembre 8, 2017

Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

Nobyembre 18, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)

Kaharian, Pedro, Biblia, buhay, Paniwala

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ang Landas… (4)


     Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!

Nobyembre 17, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (3)


buhay, Langit, Kaligtasan, Diyos, Paniwala

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Ang Landas... (3)

Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Nobyembre 13, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

Iglesia, Panalangin, Paniwala, katotohanan, Kaligtasan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

       Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.