Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang nang ibang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.
mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Kaya naman, nagkaroon ang tao ng mga magulang at mga kamag-anak at hindi na nag-isa. Magmula nang unang makita ng mga mata ng tao ang materyal na mundo, siya ay itinadhanang mamuhay sa loob ng pagtatalalaga ng Diyos. Ito ang hininga ng buhay mula sa Diyos na siyang sumusuporta sa bawat buhay na nilalang mula sa kanyang paglaki hanggang sa pagtanda. Sa prosesong ito, walang naniwala na ang tao ay nabubuhay at lumalaki sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa halip, pinanghahawakan nila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng pagmamahal at pangangalaga ng kanyang mga magulang, at ang kanyang paglaki ay saklaw ng batas ng buhay. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi kung paanong ang likas ng buhay ay lumilikha ng himala. Ang alam lamang ng tao ay ang pagkain ang basehan ng pagpapatuloy ng buhay, na ang tiyaga ay ang pinagmulan ng pag-iral ng buhay, at ang paniniwala sa kanyang utak ang siyang kayamanan sa kanyang kaligtasan sa buhay. Hindi nararamdaman ng tao ang grasya at panustos mula sa Diyos. Kung kaya’t aaksayahin ng tao ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.…
mula sa "Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginagawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung maaari mong malaman ang iyong sariling mga inaasam, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa bang isang nilikha? Sa madaling sabi, sa papaano mang paraan gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Ipagpalagay, bilang halimbawa, ang kalangitan at ang kalupaan at ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos upang magsilbi sa tao: Ang buwan, ang araw, at ang mga bituin na ginawa Niya para sa tao, ang mga hayop at mga halaman, tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig, at iba pa—lahat ay para sa kapakanan ng pag-iral ng tao.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.
Sa pagkagat ng dilim, ang tao ay nananatiling walang malay, sapagkat ang puso ng tao ay hindi nakakaunawa kung paano lumalapit ang dilim o kung saan ito nanggaling. Habang tahimik na tumatakas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng umaga, ngunit ang puso ng tao ay lubhang mas malabo o hindi batid kung saan nanggaling ang liwanag at paano nito naitaboy ang kadiliman ng gabi. Ang paulit-ulit na salitan ng araw at gabi ang nagdadala sa tao sa isang panahon patungo sa isa pa, sumasabay sa galaw ng panahon, habang tinitiyak na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ay maisakatuparan sa bawat panahon at sa lahat ng oras. Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw.
mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mula pa noong likhain ang mundo nasimulan Ko nang italaga at piliin ang grupo ng mga taong ito, samakatuwid nga, kayo sa kasalukuyan. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, sambahayan kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at ang iyong buhay may asawa, ang iyong kabuuan, maging ang kulay ng iyong balat at ng iyong buhok, at ang panahon ng iyong pagsilang ay isinaayos ng Aking mga kamay. Maging ang lahat ng iyong ginagawa at ang mga tao na iyong nakatatagpo sa bawat isang araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayan na ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya sa kasalukuyan ay Aking pagsasaayos talaga. Huwag mong ibulid ang sarili mo sa kaguluhan; dapat kang magpatuloy nang mahinahon.
mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula
Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng mga bagay, nagsimulang maihayag ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimulang maibunyag, dahil gumamit ng mga salita ang Diyos para lumikha ng lahat ng mga bagay. Kahit ano pa man ang paraan ng paglikha Niya sa kanila, ano man ang dahilan kung bakit Niya sila nilikha, ang lahat ng mga bagay ay nagkaroon ng buhay at itinatag at umiral dahil sa mga salita ng Diyos, at ito ang bukod-tanging awtoridad ng Maylalang. Noong mga panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Maylalang ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para lumikha ng lahat ng mga bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging paraan para maghanda nang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, kung saan kalaunan ay makatatanggap ng Kanyang hininga. Ibig sabihin, noong panahon bago likhain ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa mga nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing-lawak ng mga kalangitan, ang mga liwanag, ang mga karagatan, at ang lupa, at sa mga maliliit na mga hayop at mga ibon, gayon din sa iba’t-ibang mga insekto at mga sobrang maliliit na mga nilalang, kasama na ang mga iba’t-ibang mikrobyo na di nakikita ng mata. Nabigyan ng buhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita ng Maylalang, at lumaganap ang bawat isa dahil sa mga salita ng Maylalang, at namuhay ang bawat isa sa ilalim ng kapangyarihan ng Maylalang dahil sa mga salita ng Maylalang. Kahit na di nila natanggap ang hininga ng Maylalang, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t-ibang anyo at mga istruktura; kahit na di sila nakatanggap ng abilidad para makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Maylalang, nakatanggap ang bawat isa ng paraan ng pagpapakita ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang, at kung saan ay iba sa salita ng tao. Hindi lang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay ang awtoridad ng Diyos sa mga animo’y di gumagalaw na mga materyal na bagay, para di sila kailanman mawala, ngunit, higit pa rito, ay nagbibigay ng kalikasan para manganak at magparami sa bawat buhay na katauhan, para hindi sila maglaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang na mga batas at mga prinsipyo para mabuhay. Ang paraan kung saan nagpapakita ang Maylalang ng Kanyang awtoridad ay hindi masusing sumusunod sa pananaw na malawak o maliit, at hindi limitado sa anumang anyo; Kaya Niyang utusan ang takbo ng sansinukob, at hawakan ang kapangyarihang maghari sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng mga bagay, at, higit pa rito, kayang kontrolin ang lahat ng mga bagay para sila’y makapagsilbi sa Kanya; Kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng mga ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng mga bagay na nakapaloob sa kanila, at, bukod pa rito, ay kayang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng mga bagay. Ito ang pagpapahayag ng natatanging awtoridad ng Maylalang sa lahat ng mga bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapahayag ay di lang sa buong buhay, at di kailanman hihinto, o titigil, at di maaaring baguhin o sirain ng sinumang tao o bagay, ni hindi kayang dagdagan o bawasan ng sinumang tao o bagay—dahil hindi maaaring palitan ang pagkakakilanlan ng Maylalang, at, samakatuwid, hindi maaaring palitan ang awtoridad ng Maylalang ng sinumang katauhan, at hindi maaabot ng anumang di-nilikhang katauhan.
mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakapulupot sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Manlilikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Manlilikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng mga bagay nakakarating ang tao sa pagkaunawa ng mga pagsasaayos ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng kaligtasan nararamdaman niya ang pamamahala ng Manlilikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng mga bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan na isinasagawa ng Manlilikha ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at may buhay at tunay na sumasaksi sa kung paanong ang mga pagsasaayos at paghahandang 'yon ay humahalili sa lahat ng maka-lupang batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na kilalanin na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang, na walang puwersa ang maaaring makialam ni palitan ang mga pangyayari at mga bagay na itinakda ng Manlilikha. Sa ilalim ng mga sagradong batas at mga patakarang ito nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na diwa ng awtoridad ng Manlilikha?
mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
(Piniling Talata ng Salita ng Diyos)
Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.
Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.
Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, inabandona ang kanilang mga sarili sa kahindik-hindik na kabuktutan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat inabandona nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katuwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at napasailalim ng galit at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.
Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang ganitong matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at iwasan ang kasamaan, ay tumigil na sa pag-iral. Ngunit ang Diyos ay magandang-loob pa rin sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala ang sangkatauhan sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos yaong inaasam na Siya’y magpakita. Hinahanap niya ang yaong may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, yaong hindi nakalimutan ang Kanyang komisyon, at inihandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya yaong masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di-nahahadlangan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, kung gayon titingnan ka ng Diyos na may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, nagmamay-ari ng masaganang kaalaman, ang may-ari ng saganang mga ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ang mga bagay na ito ay hindi pumipigil sa iyo mula sa pagharap sa Diyos para tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang komisyon, para gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinaka-makabuluhan sa lupa at ang pinaka-matuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at ng iyong mga sariling layunin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos. Maaring ikaw ay isang presidente, o isang siyentipiko, isang pastor, o isang nakatatanda, ngunit gaano man kataas ang iyong katungkulan, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, kung gayon ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi tumatanggap ng anumang iyong ginagawa, at hindi ka Niya binibigyan ng isang matuwid na propesyon, o tinatanggap na ikaw ay gumagawa para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, ay upang gamitin ang kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang alisan ang tao ng pag-iingat ng Diyos, at upang tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at patungo sa simula ng isang pag-iral na walang mga limitasyon na kung saan nawalan ang tao ng Diyos at ng Kanyang pagpapala.
Mula sa panahon na ang tao ay unang nagkaroon ng araling panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming mga panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan.… Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang patutunguhan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng sibilisasyon ng tao na sila’y nawalan ng kakayanang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong sanlibutan, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagka’t kung walang patnubay ng Diyos, gaano man karami ang mga pinuno at mga sosyolohista na mag-isip nang malalim mapanatili lamang ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa kawalang siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawaan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Kahit na ikaw ay ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga misteryo, at patutunguhan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang nasabing pangyayari, na kung saan pangkaraniwan sa lahat ng sangkatauhan, ay tinatawag na panlipunang pangyayari ng mga sosyolohista, ngunit wala pang dakilang tao ang dumarating upang lutasin ang naturang mga problema. Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi maaaring mapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang tama at pantay-pantay at malaya, ngunit ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang paglalaan ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap na ng mga tao ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang paglalaan ng buhay sa kanila saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, matinding pagnanasang maggalugad, at espirituwal na kawalan ng tao. Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng kaligtasan at pag-aalaga ng Diyos, kung gayon ay tatahakin ng naturang bansa o nasyon ang landas tungo sa pagkawasak, patungo sa kadiliman, at lilipulin ng Diyos.
Marahil ang iyong bayan ay kasalukuyang yumayabong, ngunit kung pinapayagan mo ang iyong mga tao na maligaw papalayo sa Diyos, kung gayon ang iyong bayan ay matatagpuan ang sariling unti-unting pinagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos. Ang sibilisasyon ng iyong bayan ay lalong tatapak-tapakan, at hindi tatagal ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. At kaya ang kapalaran ng isang bayan ay hindi sinasadyang madala sa pagkawasak. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bayan upang harapin ang mga bayang sinumpa ng Diyos, at maaaring alisin ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang pagbangon at pagbagsak ng isang bayan o bansa ay nababatay kung ang mga tagapamahala ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. At gayunma’y, sa huling kapanahunang ito, dahil sa ang mga taong tunay na naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas nagiging kaunti, ibinibigay ng Diyos ang natatanging pabor sa mga bayan kung saan ang Kristiyanismo ay ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga ito upang bumuo ng iilang matuwid na kampo ng mundo, habang ang mga ateistikong mga bayan o yaong mga hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay magiging kalaban ng matuwid na kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan na kung saan maaaring magsagawa ng Kanyang gawain, ngunit may mga bayang nakamtan na maaaring gawin ang matuwid na awtoridad, upang magpataw ng mga pagbabawal at paghihigpit sa mga bayang iyon na tinatanggihan ang Diyos. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga tao na hindi lumalapit upang sumamba sa Diyos, sapagkat ang tao ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at ang Diyos ay wala sa isipan ng tao sa matagal nang panahon. Ang nanatili lamang sa lupa ay ang mga bayan na gumagawa nang may pagkamatuwid at nilalabanan ang di-pagkamatuwid. Ngunit ito ay malayo mula sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang namumuno sa bayan ang papayagan ang Diyos na mamuno sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ang titipunin ang kanyang mga tao upang sambahin ang Diyos; nawala ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bayan, bansa, namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na ang matuwid na pwersa ay umiiral sa mundong ito, ang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay marupok. Kung wala ang pagpapala ng Diyos, ang mga pampulitikang arena ay mabubuwal sa kaguluhan at magiging mahina laban sa pag-atake. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katulad ng kawalaan ng sikat ng araw. Hindi alintana kung gaano kasipag ang namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, walang pagtatangi sa kung gaano karaming mga matuwid na panayam ng sangkatauhan ang ganaping sama-sama, wala sa mga ito ang makapagpapaganda ng kalagayan o makapagbabagong kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bayan kung saan ang mga tao ay pinakain at dinamitan, kung saan sila ay nakatirang magkasama nang matiwasay, ay isang mahusay na bayan, at ang isang may mabuting pamumuno. Subalit hindi sa palagay ng Diyos. Siya ay naniniwala na ang isang bayan kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay isa sa dapat Niyang lipulin. Ang paraan ng pag-iisip ng tao ay masyadong salungat sa Diyos. Kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi sumasamba sa Diyos, kung gayon ang kapalaran ng bayang ito ay magiging isang trahedya, at ang bansa ay walang patutunguhan.
Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay kontrolado ng Diyos. Kinokontrol ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, kung gayon dapat siyang humarap sa Diyos. Pangyayarihin ng Diyos na yaong sumusunod at sumasamba sa Kanya ay sumagana, at siya’y magdadala ng pag-unti at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.
Alalahanin ang pangyayari sa Biblia noong ginawa ng Diyos ang pagkawasak sa Sodoma, at isipin din kung paano naging isang haligi ng asin ang asawa ni Lot. Isipin muli kung paano ang mga tao ng Ninive ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa kayong magaspang at abo, at isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ginawa upang batahin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.
Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at nagpapakalat ng ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan ng Diyos. Sa Tsina, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral. Hinihikayat ko ang mga tao ng lahat ng bansa, mga bayan, at kahit na mga industriya na makinig sa tinig ng Diyos, upang masdan ang gawain ng Diyos, upang bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, sa gayon ginagawa ang Diyos na kabanal-banalan, ang pinaka-kagalanggalang, ang pinakamataas, at ang tanging pinag-uukulan ng pagsamba sa sangkatauhan, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, kung paanong ang mga inapo ni Abraham ay nanirahan sa ilalim ng pangako ng Jehova, at tulad ng kay Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, ay nanirahan sa Hardin ng Eden.
Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento