"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Agosto 22, 2018
Hulyo 2, 2018
Salita ng Diyos | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay karaniwang nanghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan. Nagpapakita ang tao ng napakaraming balakid! Ang pag-iisip ng tao ay masyadong makitid! Walang tao ang may alam sa gawain ng Diyos, gayon pa man lahat sila ay nagpapakahulugan sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos ngunit hindi kayang payagan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang nananatiling nakapirmi. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay sa pagsunod sa kautusan, at habang sila ay nagsisisi at nangungumpisal ng kanilang kasalanan, ang puso ng Diyos ay masisiyahan magpakailanman. Sila ay nasa opinyon na ang Diyos ay maaari lamang na Diyos sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; kanila ring opinyon na ang Diyos ay hindi dapat at hindi maaaring humigit sa Biblia. Tiyak na ang mga opinyong ito ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa kautusan ng nakaraan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Mas marami ang naniniwala na anuman ang bagong gawain ng Diyos, ito ay kailangang mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may katapatan ng puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Bilang karagdagan sa kakatwang puso ng tao at ng kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng malaking pagpapahalaga sa sarili at kayabangan, sa gayon mas higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?
Hunyo 20, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I
════════════❀.❋.❀═════════════
Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”
Mayo 27, 2018
Ang tinig ng Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot
Ang tinig ng Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot
Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang maayos, at upang ang Aking inagurasyon gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, pagbunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bayan at mga tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Sila ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang tumatapos sa habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal ng higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman ang Kordero at uminom ng Aking dugo ang Kordero, at nailigtas dahil sa Akin at Ako ay sambahin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga laman, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga paglabag ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?
Abril 9, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Ang Awtoridad ng Diyos (II)
Ngayon ipagpapatuloy natin ang ating pagsasamahan tungkol sa temang “Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Nagkaroon na tayo ng dalawang pagsasama sa paksang ito, una tungkol sa awtoridad ng Diyos, at ang ikalawa tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Matapos pakinggan ang dalawang pagsasamang ito, nagkaroon ba kayo ng bagong pag-unawa sa pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos? Ang mga kabatiran bang ito ay nakatulong upang magtamo kayo ng isang mas tunay na kaalaman at katotohanan sa pag-iral ng Diyos? Ngayon plano kong palawakin ang paksang “Awtoridad ng Diyos.”
Abril 5, 2018
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala niyo ba kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pakikisama ay ang: Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalagang paksa ba ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Katangian ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa lahat ng aspeto ng Kanyang trabaho, at ang Kanyang disposisyon ay palaging naisisiwalat sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay lahat mula sa bawat isa.
Abril 3, 2018
Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang mga pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Tsino ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos na nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.
Abril 2, 2018
Ang tinig ng Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?
Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?
Marso 28, 2018
Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.
Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi maging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehovah ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kaya sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.
Marso 26, 2018
Salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos
Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.
Enero 26, 2018
Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”
Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
Disyembre 1, 2017
Is Interpreting the Bible the Same as Exalting and Bearing Witness for God?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Video | Is Interpreting the Bible the Same as Exalting and Bearing Witness for God?
Most people throughout the entire religious world believe that those who are most able to explain the Bible are people who know God, and that if they can also interpret the Bible’s mysteries and explain prophecies, then they are people who conform to God’s will, and they exalt and bear witness to God. Many people, therefore, have a blind faith in this kind of person and they worship them. So do pastors and elders’ explanations of the Bible really exalt and bear witness to God? Almighty God says, “Those who read the Bible in grand churches recite the Bible every day, yet not one understands the purpose of God’s work. Not one is able to know God; moreover, not one is in accord with the heart of God. They are all worthless, vile men, each standing on high to teach God. Though they brandish the name of God, they willfully oppose Him” (The Word Appears in the Flesh).
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)