Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 23, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Tanging ang Pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ang Pag-agapay sa mga Yapak ng Cordero"


      Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

Agosto 10, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"



I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Agosto 4, 2018

Buhay musika | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao" (Tagalog Dubbed)

I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Agosto 1, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

Hunyo 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I



════════════..═════════════
      
   Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

Hunyo 15, 2018

Ang Masama ay Dapat Parusahan



   Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang atas ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pagkaintindi upang sukatin at balangkasin ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong estatuwa na gawa sa putik, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Biblia, at pinagkakasya ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na kinondena ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Judio sa panahon ng Lumang Tipan ay hinulma ang Diyos sa hugis ng isang diyos-diyosan, na parang ang Diyos ay matatawag lamang Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinatawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan Siya nila ng kamatayan—at pinarusahan ang walang-kasalanang si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at walang pag-aalinlangang hinatulan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki. Gaano man kalaki ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at walang iba pang mas tumututol sa Diyos, at kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t masyado siyang maraming mga pagkaintindi, at sapagka’t, sa halip na tuparin ang realidad, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, at matigas at di-matinag. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang naipako ng tao sa krus. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang paggigitgitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang ubusan sa isa’t isa—kailan ito matatapos? Sinalita ng Diyos ang daang-libong mga salita, nguni’t walang isa man ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatangi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinusgahan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na mga mababangis na hukom ang naghusga sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

  Sa harap ng Diyos, ganoon lang ba kadaling gawing perpekto, maging isang banal, o maging taong matuwid? Isang katotohanan na “walang matuwid na tao sa lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa lupa.” Kung haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat pananalita at pagkilos, ang lahat ng inyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng ito ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang Kanyang pagsasaayos bilang isang hulog ng langit na pagkahilig, hindi alintana ang oras o lugar, tulad ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Na maaring tawaging matuwid na tao si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana para sa ano ang natamo o nawala niya; ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang sa nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel. Nguni’t hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumakatawan sa pagkamatuwid, kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw ng lupa.” Kahit sa kalagitnaan ng mga nasa daloy ng pagbuti, walang sinuman ang matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga gawa, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, at hindi mo sila ninanakawan o inuumitan, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang mga ito ay maaaring angkin ng sinumang normal na tao. Ngayon, ang susi ay hindi mo kilala ang Diyos. Maaari lang masabi na ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subali’t ikaw ay salat sa pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang patunay ng iyong pagkakilala sa Diyos.

  Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa gitna ng mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—nguni’t basta gumagawa lamang ang tao sa Diyos, sinusubukang linlangin ang Diyos. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Judas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Judas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan pinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon magiging katulad kayo ni Judas, at ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, na libu-libong taon na ang nakaraan, ay muling isasadula. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay isang katunayan! Sa ngayon, maraming tao ang nasa mga ganitong kalagayan—maaaring sinasabi Ko ito nang mas maaga—at ang gayong mga tao ay gumaganap sa papel ni Judas. Hindi Ako nagsasalita nang mababaw, kundi ayon sa katunayan—at dapat kang maniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa kanilang mga puso ay walang iba kundi di-umaagos, mabahong tubig. Sa ngayon, marami sa mga nasa iglesia ang katulad nito. Iniisip ninyo na wala Akong alam; ngayon, ang Aking Espiritu ay gumagabay sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Iniisip mo ba na wala akong alam? Iniisip ninyo bang wala akong naiintindihan sa mapanlinlang na kaisipan sa inyong mga puso at ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Ang Diyos ba ay napakadaling malinlang? Iniisip mo ba na matratrato mo Siya sa anumang paraan mong naisin? Sa nakaraan, nag-aalala Ako na nakakadena kayo, kung kaya’t patuloy Akong nagbigay sa inyo ng kalayaan sa pagkilos, ngunit walang nakatanto na Ako ay nagiging mabuti sa kanila. Sinamantala nila ang kabutihan Ko. Tanungin ninyo ang isa’t-isa: Hindi Ako nakitungo sa halos kahit kanino, at hindi kaagad-agad pinagagalitan ang sinuman—gayong alam Ko ang lahat ng motibo at mga pagkaintindi ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo kung kanino nagpapatotoo ang Diyos ay isang hangal? Kung gayon nga, masasabi Kong ikaw ay lubhang bulag. Hindi kita pupunahin, at tingnan natin kung gaano ka lalong maging ubod ng sama. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlalansi mo, o kung maililigtas ka ng iyong pinakamahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi Kita huhusgahan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita kung paano ang Kanyang paghihiganti sa iyo. Wala Akong oras para sa walang kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw kong pagtagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa iyong kapakanan, ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat paglaanan ng Diyos ng panahon Niya sa pakikitungo sa iyo—kaya tingnan natin kung paano ka magpalayaw sa iyong sarili. Ang gayong mga tao ay hindi nagsisikap na magkaroon ng kahit katiting na kaalaman sa Diyos, at wala silang anumang pag-ibig sa Diyos, ngunit nagnanais pa rin silang tawaging matuwid ng Diyos—hindi ba ito isang biro? Sapagka’t talagang kaunti na lamang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iniintindi Ko ay walang iba kundi ang pagbibigay buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat magawa ngayon, at pagkatapos, ang paghihiganti ay ipapataw sa bawat isa alinsunod sa kanyang pag-uugali. Nasabi Ko na ang nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang gawain na Aking isinasagawa. Ginagawa Ko ang nararapat Kong gawin, at hindi Ko ginagawa ang hindi Ko dapat gawin, nguni’t umaasa pa rin akong maglalaan kayo nang higit pang panahon sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka ba sa mga muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa wakas, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

**********************
Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Hunyo 10, 2018

Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"


      Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ipinako sa krus, sa gayo'y winakasan ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, lubusang inililigtas ang tao mula sa nasasakupan ni Satanas. Ang Diyos na dalawang beses na nagkatawang-tao ay may napakalaking kahalagahan, tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng 'ang Salita ay kasama ng Diyos': Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng 'ang Salita ay nagkatawang-tao,' nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa 'ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,' ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (4) - Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?


      
  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan


Hunyo 7, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos

      Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, datapwa’t ginampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahati sa mga taong iyon. Kapwa sa panahon ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Nanahan Siya sa Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ibinunyag Niya ang Kanyang sarili bilang ang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gampanan ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo at normal na katauhan, hindi nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gampanan ang Kanyang ministeryo na ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, sumasangkap sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit-sa-karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao ay na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumulang, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay nagsimula ng Kanyang ministeryo nang maalab, gumaganap ng higit-sa-karaniwan na mga tanda at mga himala, kung gayon Siya ay hindi magkakaroon ng mala-pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang mala-pisikal na kakanyahan; hindi magkakaroon ng laman kung walang katauhan, at ang isang persona na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Ang pagsasabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito lamang ay na sa panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin ng pagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagka’t Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gampanan ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, tanging Siya lamang mismo ang katawang-taong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay mga nilikhang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay mayroong pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit-sa-karaniwan na naguguni-guni ng tao tungkol dito, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong kakanyahan ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong kahaba, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang kakanyahan ay isang kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

Hunyo 5, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos


I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.
II
Nabubuhay Siyang kasama ng tao, dinaranas ang hirap,
at hinahandog Kanyang salita.
Tanging nahihipo ng tao'y katawang-tao ng Diyos.
Sa Kanya'y natatanggap ng tao ang kaligtasan at
nauunawaan lahat ng salita't katotohanan.
Ikalawang pagkakatawang-tao'y sapat upang dalisayin ang tao,
kaya nakukumpleto lahat ng gawai't
kahulugan ng Kanyang pagkakatawang-tao.
Matatapos na gawain Niya sa katawang-tao,
di na magkakatawang-tao.
Pagkatapos ng katawang-taong ito,
gawain Niya sa katawang-tao at pagliligtas ay hihinto.
'Pagka't hinati na Niya ang tao
at nakamit Kanyang mga hinirang.
Ililigtas ng ikalawang pagkakatawang-tao mga pinatawad.
Mababago na ang mga disposisyon at sila'y magiging malinis.
Malaya na kay Satanas, babalik na sa trono ng Diyos.
Ito ang tanging paraan upang ganap na mapabanal.

mula sa ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos





Abril 30, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaanim na Pagbigkas

Ang Kalooban ng DiyosAng Ikaanim na Pagbigkas

   
     Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman para sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-tao ay walang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao ng kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa loob ng maraming taon. Ngunit ngayon, marami na Akong ginawa sa inyong himala at mga bagay na hindi maunawaan, at gayon din ang mga salita na Aking sinabi. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyo Akong bigyang ilang halimbawa.

Abril 24, 2018

Dumating na ang Milenyong Kaharian

Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.

Abril 23, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)

     
   Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)

     
     Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Abril 21, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

Ang tinig ng Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

  
    Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?