Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV)
Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.