Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post

Pebrero 3, 2018

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

1. Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay. 

      Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
   Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Siya ang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang maaaring maglabas ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang kataasan? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang kataasan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang tunay na umiiral at Siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang iba pang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ang palaging pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at maaabot ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.
     mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”
     sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang        makatatakas sa Kanyang kontrol.

Pebrero 2, 2018

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo-min

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang DiyosMinamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

     
      Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

      Tinutuya natin ang lahat ng laban sa Panginoong Jesus; sa katapusan, silang lahat ay pupuksain. Sino ang nagsabi sa kanila na huwag maniwalang Tagapagligtas ang Panginoong Jesus? Tiyak na may mga pagkakataong tayo ay natututo mula sa Panginoong Jesus at tayo ay mahabagin sa mundo, dahil hindi nila nauunawaan, at tayo ay nararapat na maging mapagparaya at mapagpatawad sa kanila. Ang lahat ng ating ginagawa ay alinsunod sa mga salita ng Biblia, dahil ang lahat ng hindi tumatalima sa Biblia ay maling pananampalataya, at isang masamang kulto. Ang mga ganoong paniniwala ay nakatanim nang malalim sa ating mga isipan. Ang ating Panginoon ay nasa Biblia, at kapag tayo ay hindi lalayo sa Biblia, tayo ay hindi rin malalayo sa Panginoon; kapag tayo ay sumunod sa mga alituntunin, tayo ay tiyak na maliligtas. Inuudyukan natin at inaalalayan ang bawat isa, at sa tuwing tayo ay magsasama-sama, inaasahan natin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay alinsunod sa kalooban ng Panginoon, at maaaring tanggapin ng Panginoon. Sa kabila ng malubhang hamon ng ating kapaligiran, ang ating mga puso ay puno ng kasiyahan. Kapag ating iniisip ang mga pagpapala na madaling makamit, mayroon pa ba tayong hindi kayang talikuran? Mayroon pa ba tayong hindi kayang gawin upang maging bahagi nito? Ang lahat ng ito ay tiyak, at ang lahat ng ito ay pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos. Tayo, isang dakot na mga nangangailangan na iniangat mula sa tambak ng dumi, ay walang pinagkaiba sa mga karaniwang tagasunod ng Panginoong Jesus: Tayo ay nangangarap ng pag-agaw sa alapaap, at pagiging-mapalad, at ng pamamahala sa mga bansa. Ang ating katiwalian ay nakalatag sa harap ng mga mata ng Diyos, at ang ating mga hangarin at kasakiman ay nahatulan sa mga mata ng Diyos. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay pangkaraniwang nangyari, napakamakatuwiran, at wala sa atin ang nagtaka kung ang ating pananabik ay nararapat, wala rin sa atin ang nagduda tungkol sa katiyakan ng lahat ng ating pinanghahawakan. Sino ang maaaring makaalam ng kalooban ng Diyos? Hindi natin alam kung paano maghanap, o magsiyasat, o kahit maging abala sa landas na tinatahak ng tao. Dahil ang tanging inaalala natin ay kung kasama tayo sa mga sasalubong sa Panginoon, kung tayo ba ay pagpapalain, kung mayroon bang lugar para sa atin sa kaharian sa langit, at kung tayo ba ay may bahagi ng tubig mula sa ilog ng buhay at ang bunga mula sa puno ng buhay. Hindi ba tayo naniniwala sa Panginoon, at hindi ba tayo mga tagasunod ng Panginoon, para lamang sa kapakanan ng mga bagay na ito? Pinatawad na ang ating mga kasalanan, tayo ang nagsisi, ininom natin ang mapait na saro ng alak, at ating inilagay ang krus sa ating likuran. Sino ang makapagsasabi na ang ating pagdurusa ay hindi tatanggapin ng Panginoon? Sino ang makapagsasabi na tayo ay hindi nakapaghanda ng sapat na langis? Hindi natin nais na maging katulad ng mga birheng mangmang, o isa sa mga tinalikdan. Higit pa rito, tayo ay madalas nananalangin, at hinihingi sa Panginoon na tulungan tayo upang hindi malinlang ng mga bulaang Cristo, dahil ang sabi sa Biblia ay “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Ating itinatak sa ating mga kaisipan ang mga bersikulo na ito ng Biblia, alam natin ang mga ito mula likod hanggang harap, at itinuturing natin itong mahalagang kayamanan, katulad ng buhay, at mga katibayan para sa ating pagkaligtas at pagsalubong sa Panginoon …

     Sa loob ng libu-libong taon, ang mga nabubuhay ay namatay na, dala-dala ang kanilang mga inaasam at mga pangarap, at walang tunay na nakakaalam kung sila ay napunta sa kaharian ng langit. Ang mga patay ay nagbalik, at kanilang nakalimutan ang mga kwento na minsang nangyari, at patuloy pa ring sinusunod ang mga turo at mga landas ng mga ninuno. At sa paglipas ng mga taon at pagdaan ng mga araw, walang nakakaalam kung ang ating Panginoong Jesus, ang ating Diyos, ay talagang tinatanggap ang ating mga ginagawa. Tiningnan lamang natin ang kalalabasan at nagpapapalagay kung ano ang mga maaaring mangyari. Ngunit, pinanatili ng Diyos ang Kanyang katahimikan, at hindi nagpakita sa atin, o nakipag-usap sa atin. At dahil doon, namimihasa tayong hinahatulan ang kalooban at disposisyon ng Diyos alinsunod sa Biblia at ang mga katibayan. Tayo ay nasanay sa katahimikan ng Diyos; tayo ay nasanay sa pagsukat ng mga tama at mali sa ating pag-uugali gamit ang ating sariling paraan ng pag-iisip; tayo ay nasanay sa paggamit ng ating kaalaman, pagkakaintindi, at pamantayang moral upang palitan ang mga kahilingan ng Diyos sa atin; tayo ay nasanay sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos; tayo ay nasanay na ang Diyos ay nagbibigay ng tulong tuwing ito ay ating kailangan; tayo ay nasanay na inilalahad na lamang ang ating mga palad sa Diyos para sa lahat ng bagay, at inuutusan ang Diyos; tayo rin ay nasanay sa pagsunod sa mga doktrina, hindi binibigyang-pansin kung paano tayo pangunahan ng Banal na Espiritu; higit pa rito, tayo ay nasanay sa mga araw na ang ating sarili ang ating panginoon. Naniniwala tayo sa Diyos na ito, na hindi pa natin nakikita. Ang mga tanong katulad ng kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga pag-aari at pagiging Siya, ano ang Kanyang imahe, kung makikilala ba natin Siya kapag Siya ay dumating, at marami pang iba—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay Siya ay nasa ating mga puso, na Siya ay ating hinihintay, at maaari nating isipin kung ano Siya. Pinahahalagahan natin ang ating paniniwala, at pinagyayaman ang ating espirituwalidad. Itinuturing nating dumi, at tinatapakan ang lahat ng nasa paanan. Dahil tayo ang mga tagasunod ng maluwalhating Panginoon, gaano man katagal at nakakapagod ang paglalakbay, anumang paghihirap at panganib ang ating sapitin, walang makapagpapahinto sa ating mga yapak habang tayo ay sumusunod sa Panginoon. “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Diyos at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Diyos: at sila’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 22:1-5). Sa tuwing aawitin natin ang mga salitang ito, ang mga puso natin ay napupuno ng kagalakan at kasiyahan, at ang mga luha ay tumutulo mula sa ating mga mata. Salamat sa Panginoon sa pagpili sa atin, salamat sa Panginoon sa Kanyang biyaya. Tayo ay binigyan Niya ng makasandaang ulit ngayon, tayo ay binigyan Niya ng buhay na walang hanggan sa mundong darating, at kapag hiningi Niya ang ating mga buhay, ito ay ibibigay natin sa Kanya nang walang daing. Panginoon! Pakiusap na dumating Ka na! Huwag ka nang maantala ng isang minuto, dahil kami ay labis na naghahangad sa Iyo, at aming kinalimutan ang lahat para sa Iyo.

   Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya. Pinapanood Niya ang lahat ng ating mga kilos, lahat ng ating mga kaisipan at mga kuro-kuro ay nakalatag sa Kanyang harapan. Walang sinuman ang nagkakaroon ng hangarin sa Kanyang pag-iral, walang sinuman ang nakakaisip ng Kanyang tungkulin, at higit sa lahat, walang sinuman ang mayroong hinala kung sino Siya. Ipinagpapatuloy lamang natin ang ating mga gawain, na tila Siya ay walang kinalaman sa atin …

    Kung sakali, ang Banal na Espiritu ay nagpahayag ng ilang salita “sa pamamagitan” Niya, at kahit na ito ay hindi inaasahan, kinikilala natin na ito ay mga pagbigkas ng Diyos, at ito ay bukas-palad nating tinatanggap mula sa Diyos. Iyon ay sa dahilang hindi alintana kung sino ang nagpapahayag ng mga salitang ito, hangga’t ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu nararapat natin itong tanggapin, at hindi maaaring tanggihan. Ang susunod na pagbigkas ay maaaring sa pamamagitan ko, maaaring sa pamamagitan mo, o maaaring sa pamamagitan Niya. Hindi alintana kung sino ito, ang lahat ay dahil sa biyaya ng Diyos. Ngunit kahit na sino pa man iyon, hindi nararapat na sila ay sambahin, anuman ang mangyari, hindi sila maaaring maging Diyos, hindi tayo maaaring humanap at mamili ng isang karaniwang tao na katulad nito upang maging ating Diyos. Ang ating Diyos ay napakadakila at kagalang-galang; paano Siya kakatawanin ng isang hamak lamang? Higit sa lahat, hinihintay nating lahat ang pagdating ng Diyos upang tayo ay dalhin Niyang muli sa kaharian ng langit, kaya papaanong ang isang hamak na tao ay maging angkop para sa napakahalaga at napakahirap na gawain? Kapag nagbalik nang muli ang Panginoon, ito dapat ay sa puting ulap, nakikita ng lahat. Napakaluwalhati nito! Paano Siyang tahimik na makapagtatago sa kalagitnaan ng mga karaniwang kalipunan ng mga tao?

       Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. Tayo ay nagsisimulang magtaka kung talagang mahal tayo ng Diyos na nasa puso ng taong ito, at kung ano talaga ang Kanyang binabalak gawin. Marahil kailangan natin munang pagtiisan ang sakit na ito upang masalubong natin ang Panginoon? Sa ating mga isipan, ating tinutuos … tungkol sa hantungang parating, at tungkol sa ating hinaharap na kapalaran. Gayunman, wala sa atin ang naniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao at gumawang kasama natin. Kahit na nakasama natin Siya sa matagal na panahon, kahit na Siya ay nagsalita nang madalas sa ating harapan, ayaw pa rin nating loobing tanggapin ang isang karaniwang tao bilang Diyos ng ating hinaharap, hindi rin natin maipagkatiwala ang pamamahala ng ating hinaharap at kapalaran sa isang hamak na tao. Mula sa Kanya ay ating tinatamasa ang walang tigil na agos ng buhay na tubig, at salamat sa Kanya tayo ay nabubuhay kasama ng Diyos. Tayo ay nagpapasalamat lamang sa biyaya ng Panginoong Jesus sa langit, at hindi kailanman nagbigay-pansin sa nararamdaman ng karaniwang taong ito na nagtataglay ng pagka-Diyos. Patuloy Niya pa ring ginagawa ang Kanyang gawain habang mapagkumbabang nasa katawang-tao, ipinapahayag ang boses ng Kanyang puso, na tila walang kamalay-malay sa hindi pagtanggap sa Kanya ng sangkatauhan, wari’y walang katapusang nagpapatawad sa kamusmusan at kamangmangan ng tao, at walang hanggang nagpaparaya sa kalapastanganan ng tao sa Kanya.

        Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ngunit sa kabila nito, nananatili ang kayabangan sa ating mga puso, at ayaw pa ring nating loobing masigasig na tanggapin ang taong ito bilang ating Diyos. Kahit na binigyan Niya tayo ng maraming manna, na ating tinatamasa, wala sa mga ito ang makakaagaw sa lugar ng Diyos sa ating mga puso. Ating pinararangalan ang natatanging pagkakakilanlan at katayuan ng taong ito sa pamamagitan lamang ng malaking pag-aatubili. Kapag Siya ay hindi nagsalita upang Siya ay ating makilala bilang Diyos, hindi rin natin Siya tatanggapin bilang ang Diyos na malapit nang dumating ngunit nagsasagawa na nang matagal sa ating kalagitnaan.

       Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.

     Ang panlulupig ng Diyos sa atin ay parang paligsahan ng sining ng pakikipaglaban.
Ang bawat salita ng Diyos ay tumatama sa ating mortal na bahagi, at nililisan tayong malungkot at takot. Ibinubunyag Niya ang ating mga paniniwala, ibinubunyag ang ating mga guni-guni, at ibinubunyag ang ating tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa at naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, iniiwan tayong napahiya at nanginginig sa takot. Sinasabi Niya ang lahat ng ating mga ginagawa, ang ating mga layunin at mga balak, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, at nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad, at higit nating nararamdaman na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, tayo ay Kanyang pinarurusahan dahil sa ating kalapastanganan at paghusga sa Kanya, at ipinararamdam Niya na sa Kanyang mga mata tayo ay walang kabuluhan, at tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na gumawa ng anumang hindi makatuwirang pangangailangan at pagtatangka sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglaho sa magdamag. Ito ang katotohanan na hindi natin inakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa isang sandali, ang mga isip natin ay tumabingi at hindi natin alam kung papaano magpapatuloy sa daan na hinaharap, hindi alam kung papaano magpapatuloy sa ating paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay bumalik sa umpisa, at tila hindi pa natin nakikilala ang Panginoong Jesus. Naguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating naramdaman na parang tayo ay naitangay ng alon. Nasira ang ating loob, tayo ay nabigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinubukan nating magbulalas, sinubukang maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, tinangka natin na ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Jesus na Tagapagligtas, at ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong hindi man tayo mapagmayabang o mapagpakumbaba sa labas, sa ating mga puso tayo ay tinablan ng pakiramdam ng pagkawala na hindi tulad ng dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay tiwasay sa panlabas, sa loob tinitiis natin ang mga lumiligid na dagat ng pagdurusa. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay binaklas ang lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, iniwan tayong walang mga napakaluhong pagnanais, at ayaw loobing paniwalaan na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng malalim na agwat sa pagitan natin at Niya at walang sinuman ang nais tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking sagabal at ganoon kalaking kahihiyan. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pinayagan tayo na lubusang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at kawalang-pagpaparaya nito sa pagkakasala ng tao, paghahalintulad na kung saan tayo ay mababa at marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatalos sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o nasa kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa tiwaling disposisyon, at nagawang magnasa na tanggalin ang ganoong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kaniya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay ginawa tayong masayang sumusunod sa Kanyang salita, at hindi na kailanman susuway laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang tayo binigyan ng pagnanais na hanapin ang buhay, at ginawa tayong masaya na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Iniwan natin ang gawain ng panlulupig, lumabas mula sa impiyerno, lumabas mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

    Tayo ay mga karaniwang kalipunan lang ng tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon ni Satanas, tayo ang mga itinalaga ng Diyos noon, at tayo ang mga nangangailangan na iniangat ng Diyos mula sa tambak ng dumi. Minsan na nating tinanggihan at hinusgahan ang Diyos, ngunit ngayon tayo ay Kanyang nalupig. Tayo ay nakatanggap ng buhay at nakatanggap ng daan ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos. Kahit saan man tayo sa lupa, sa kabila ng pag-uusig at kapighatian, hindi tayo maaaring hiwalay sa kaligtasan na mula sa Makapangyarihang Diyos. Dahil Siya ang ating Manlilikha, at ang ating tanging pagtubos!

      Ang pag-ibig ng Diyos ay umaabot sa malayo katulad ng tubig sa batis, at ibinigay sa iyo, at sa akin, at sa kanya, at sa lahat ng tunay na naghahanap ng katotohanan at naghihintay sa Kanyang pagpapakita.

Katulad ng laging pagsunod ng buwan sa araw, ang gawa ng Diyos ay hindi matatapos, at matutupad sa iyo, sa akin, sa kanya, at sa lahat ng sumusunod sa yapak ng Diyos at tumatanggap sa Kanyang paghatol at pagkastigo.

Ipinahayag noong Marso 23, 2010

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Enero 30, 2018

Salita ng Diyos | Punong Salita

   Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Punong Salita

   

      Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

     Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring mapag-usapan bilang magkapantay. Ang Kanyang sustansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka di-maaarok at hindi kayang unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at nagbibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, samakatwid ang tao ay hindi kailanman mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagkat ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa sa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “umalam” sa Diyos at Kanyang gawain ay walang saysay, lahat sila ay mayabang at mangmang. Ang tao ay hindi dapat limitahan ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa sa isang langgam, kung kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalanin ang ganoong mga tao, na siyang galing sa laman, na lahat ay sinira ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano gabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat pasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagkat ang tao ay alabok lang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat ipaibabaw ang ating mga kabatiran sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalo na sa lahat hindi dapat natin gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya nito gawin tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyan-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at hanapin ang paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat patigasang-leeg na nakikipagpaligsahan sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring manggaling mula sa ganoong mga pagkilos?

         Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo matanggap ang mga salitang ito, maaaring sila ay may kakaibang iparamdam sa iyo, subalit ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagkat tanging yaon na tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaon na tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo papansinin ang mga katagang ito, marahil kinamumuhian mo sila, o marahil ikaw ay may malaking interes sa kanila. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat yaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Napakainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.

       Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a]kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang panlabas na kaanyuan ay hindi tumutukoy ng sustansya; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga kabatiran ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaayuan ni Jesus ay salungat sa mga kabatiran ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi kaya ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Pariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagkat tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Pariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isip kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawat isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ang mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag padadala o iwaglit ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!

         Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may balak na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi madaliang isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subalit iyon ay nababatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi ang tao na ginamit ng Diyos; may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, hindi mo tatanggapin na iyon ay mga salita ng Diyos, at tanging tatanggapin lamang sila bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na napaliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao. Kung titingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, samakatwid ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o pag-usapan ang mataas bilang mababa, o pag-usapan ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawat isa na naniniwala sa isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay pupuksain ng Diyos.

       Matapos ang gawa ni Jehovah, si Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nag-iisa, subalit itinatag sa gawa ni Jehovah. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawa ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagkat ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at kapag ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ng Diyos ay ang ikalawang pagkakatawang-tao kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyari nang mag-isa, ngunit ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Sa gayon din may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, Kanyang paraan ng paggawa, sa lugar ng Kanyang gawa, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, samakatwid, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit hindi alintana kung paano Siya sinalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya’s naging tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

       Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya, samakatwid sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay kasama ang kasaganaan ng biyaya subalit walang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyan-kasiyahan ang Diyos, samakatwid hindi kailanman nila tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na tanging ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; tanging ngayon na natitigan mo ang mukha ng Diyos, nadinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at Makapangyarihang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahong. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, samakatwid ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa bandang huli ay may kasalanan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?

         Ang aklat na ito ay isang pagpili mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at mangyari pa ay mga salita rin ng Espiritu sa mga simbahan. Ang mga salitang ito ay katuparan ng mga salita sa Pagbubunyag na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sinasaklaw nila ang isang mayamang nilalaman ng mga ilang uri ng mga pagbibigkas at mga salita tulad ng propesiya, ang pagbubunyag ng mga hiwaga, at ang paraan ng pamumuhay. May mga hula sa panghinaharap ng kaharian, mga pahayag sa mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos, mga pagsuri sa kalikasan ng tao, mga pangaral at mga babala, mahigpit na mga kahatulan, taos-pusong mga salita ng kasiyahan, usapan ng buhay, usapan ng pagpasok, at iba pa. Sa madaling salita, kung anong mayroon ang Diyos, kung ano Siya, at ang disposisyon ng Diyos ay lahat napapahayag sa Kanyang mga gawain at mga salita. Mangyari pa, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Nais mo bang pumasok sa bagong kapanahunan? Nais mo bang tanggalin sa iyong sarili ang tiwaling disposisyon? Nais mo bang makamtan ang mas mataas na katotohanan? Nais mo bang makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao? Nais mo bang mamuhay ng isang buhay na kapaki-pakinabang? Nais mo ba na gawing perpekto ka ng Diyos? Samakatwid, paano mo malugod na tatanggapin ang pagbabalik ni Jesus?
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Punong Salita

Rekomendasyon:

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Disyembre 30, 2017

Kabanata 9. Paghahanap ng Kalooban ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Abot ng Makakaya

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 9. Paghahanap ng Kalooban ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Abot ng Makakaya

    Sa sandaling ang mga tao ay magpadalus-dalos habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin, hindi nga nila alam kung paano danasin ito; sa sandaling maging okupado sila sa mga bagay, ang kanilang espirituwal na mga katayuan ay nababagabag; hindi nila mapanatili ang isang normal na kalagayan. Paano maaaring maging ganito? Kung hihilingin sa iyo na tuparin ang isang kaunting gawain, ikaw ay nalilihis sa kalakaran, nagiging maluwag, hindi lumalapit sa Diyos at nalalayô sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang mga tao ay hindi nakababatid kung paano ang makaranas. Kahit na anuman ang gawin mo, marapat na unawain mo muna kung bakit talaga ginagawa mo ito at kung ano ang katangian ng bagay na ito. Kung ito ay ilalagay sa kategorya na pagtupad sa iyong tungkulin, samakatuwid ay dapat mong pagnilay-nilayin: Paano ko ba dapat gawin ito? Paano ko ba dapat tuparin ang aking tungkulin nang mabuti para di ko ito ginagawa nang walang kainteres-interes? Ito ay isang bagay kung saan ay nararapat kang lumapit sa Diyos. Ang paglapit sa Diyos ay paghahanap ng katotohanan sa bagay na ito, ito ay paghahanap ng daan ng pamumuhay, ito ay paghahanap ng kalooban ng Diyos, at ito ay paghahanap kung paano masisiyahan ang Diyos. Ito ang mga pamamaraan para mapalapit sa Diyos habang abala ka; ito ay hindi pagsasagawa ng isang relihiyosong seremonya o isang panlabas na pagkilos; ito ay isinasagawa para sa layong kumilos alinsunod sa katotohanan matapos hanapin ang kalooban ng Diyos. Kung lagi mong sinasabing "Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos" gayong wala kang anumang bagay na ginagawa, ngunit kapag mayroon kang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ito ayon sa iyong sariling kalooban, ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang panlabas na kilos. Kapag tumutupad ka ng iyong tungkulin o may ginagawang isang bagay, nararapat na isipin mo palagi: Paano ko tutuparin ang tungkuling ito? Ano ang intensyon ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, magiging malapit ka sa Diyos, at sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos, hinahanap mo ang mga prinsipyo at katotohanan upang magawa ang mga bagay, hinahanap mo ang kalooban ng Diyos mula sa loob mo at hindi mo iniiwan ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo. Ito ang isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Ngayon kapag may dumating na ilang bagay sa mga tao, anuman ang totoong kalagayan, iniisip nila na magagawa nila ang ganito’t ganoon, ngunit ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso, at ginagawa nila ito ayon sa kanilang mga sariling intensyon. Kahit na ang kahahantungan ng pagkilos ay angkop o hindi, o kung ito ay alinsunod sa katotohanan o hindi, sila ay nagmamatigas lamang at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Karaniwan sa wari ay Diyos ang nasa kanilang mga puso, ngunit kapag abala sila sa ibang bagay, ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso. May ilang tao na nagsasabi: "Hindi ako napapalapit sa Diyos sa mga bagay na ginagawa ko; dati ay nahirati ako sa pagganap ng mga seremonyang relihiyoso, at sinubukan kong mapalapít sa Diyos, ngunit ito ay walang ibinunga; hindi ako mapalapit sa Kanya.” Wala ang Diyos sa puso ng ganitong uri ng tao, sarili lamang niya ang nasa kanyang puso at hindi niya maisagawa ang katotohanan sa mga bagay na kanyang ginagawa. Ang hindi paggawa ng mga bagay alinsunod sa katotohanan ay paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban, at ang paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban ay paglisan sa Dios; kung kaya, ang Diyos ay wala sa iyong puso. Ang mga kaisipang pantao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao at tila ang mga ito ay hindi gaanong lumalabag sa katotohanan. Sa pakiwari ng mga tao ang paggawa sa ganitong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan, na sa palagay nila ang paggawa sa ganitong paraan ay pagpapasailalim sa Diyos. Sa totoo lang, ang mga tao ay hindi tunay na naghahanap sa Diyos at hindi nananalangin sa Diyos tungkol dito. Hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti upang maging kasiya-siya sa kalooban ng Diyos, ni nagsusumikap na gawin ito nang napakainam ayon sa Kanyang mga hinihingi. Wala sa kanila ang ganitong totoong kalagayan, at wala sila ng ganoong pagnanais. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagkilos, dahil sa naniniwala ka sa Diyos, ngunit wala sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi naging isang kasalanan? Paano ito hindi naging pandaraya sa iyong sarili? Ano ang magiging epekto ng pagpaniwala sa ganitong paraan? Nasaan ang praktikal na kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?

Nobyembre 10, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos


I
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
II
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Promosyonal na MV para sa Bata, "Umuwi ka na!
Hindi na ako muling maglalaro ng kompyuter!
Sa ika-pito ng gabing ito magtataas ako ng aking lansungan.
Ngunit ako ay nanalangin na sa Diyos
at sinabi na hindi na ako maglalaro ng kompyuter.


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.