Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post

Marso 19, 2019

Kuwento sa Biblia | Pagpapala ng Diyos kay Abraham

Kuwento sa Biblia | Pagpapala ng Diyos kay Abraham


(Gen 22:16-18) Sa aking sarili ay sumumpa ako, ang sabi ni Jehova, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak: Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong lahi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong lahi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.
Ito ay isang walang bawas na pahayag ng pagpapala ng Diyos kay Abraham. Kahit maikli, ang nilalaman nito ay sagana: Kabilang dito ang dahilan, at pinagbabatayan, ng regalo ng Diyos kay Abraham, at kung ano ang ibinigay Niya kay Abraham. Puspos din ito ng kagalakan at kasiyahan na kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito, pati na rin ang pangangailangan ng madaliang pagkilos ng Kanyang pag-asam upang makakuha ng mga taong magagawang pakinggan ang Kanyang mga salita. Dito, nakikita natin ang kasiyahan ng Diyos, at kalinga tungo, sa mga sumusunod sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanyang mga utos. Gayundin naman, nakikita natin ang halaga ng Kanyang binabayaran upang makamit ang tao, at ang kalinga at pagtuon na Kanyang binibigay sa kanila. Bukod dito, ang sipi, na naglalaman ng mga salitang “Sa aking sarili ay sumumpa ako,” ang nagbibigay sa atin ng matinding pag-iisip ng kapaitan at pasakit na taglay ng Diyos, at tanging Diyos, ang nasa likod ng gawaing ito ng Kanyang plano sa pamamahala. Ito ay isang nakakapukaw-isipang sipi, at isang may natatanging kabuluhan na pinanghahawakan, at nagkaroon ng napakalalim na epekto para sa mga taong dumating pagkatapos noon.
Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin
Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham sa ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: “At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa,” na nagpapakita na tinanggap ni Abraham ang pagpapala na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o pagkatapos. Nang, gaya ng hiningi ng Diyos, ibinalik ni Abraham ang kanyang nag-iisang anak na lalaki—ang kanyang pinakamamahal at kaisa-isang anak na lalaki— sa Diyos (paalala: Hindi natin maaaring gamitin dito ang salitang “inalay”; dapat nating sabihing ibinalik niya ang kanyang anak sa Diyos), hindi lamang hindi pinahintulutan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, kundi binasbasan din Niya siya. Anong pangako ang Kanyang naging pagpapala kay Abraham? Ang pangako na paramihin ang kanyang lahi. At gaano karami sila pararamihin? Ibinibigay ng Banal na Kasulatan ang sumusunod na talaan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong lahi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa;” Ano ang konteksto kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito? Na ang ibig sabihin, paano tinanggap ni Abraham ang pagpapala ng Diyos? Tinanggap niya ito tulad ng sinasabi ng Diyos sa Banal na Kasulatan: “sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Iyan nga, dahil sumunod si Abraham sa utos ng Diyos, dahil nagawa niya ang lahat ng sinabi, hiningi at iniutos ng Diyos nang wala ni katiting na pagdaing, kung kaya’t gumawa ng ganitong pangako ang Diyos sa kanya. May isang mahalagang pangungusap sa pangakong ito na tumuon sa kaisipan ng Diyos sa pagkakataong iyon. Nakita ba ninyo ito? Maaaring hindi ninyo gaanong binigyang pansin ang mga salita ng Diyos na “Sa pamamagitan ng aking sarili, ako ay nanumpa.” Ibig nilang sabihin, nang bigkasin ng Diyos ang mga salitang ito, ay nanunumpa Siya sa Kanyang Sarili. Ano ang ipinapangako ng mga tao kapag nanunumpa sila? Sumusumpa sila sa pamamagitan ng Langit, na ang ibig sabihin ay nangangako at sumusumpa sila sa ngalan ng Diyos. Maaaring walang gaanong pag-unawa ang mga tao sa kababalaghan kung saan nanumpa ang Diyos sa Kanyang Sarili, ngunit mauunawaan ninyo rin ito kapag naibigay Ko sa inyo ang tamang paliwanag. Kapag kaharap ang isang tao na naririnig lamang ang Kanyang mga salita ngunit hindi naman nauunawaan sa Kanyang puso nadarama Niyang muli ang kalungkutan at kawalan. Sa kawalan ng pag-asa—at, maaaring sabihin, na bunga ng pag-iisip—ginawa ng Diyos ang isang napakalikas na bagay: Inilagay ng Diyos ang Kanyang kamay sa Kanyang puso at kinausap ang Kanyang Sarili nang ibigay ang pangakong ito kay Abraham, at mula sa taong ito narinig ang sinabi ng Diyos “Nanumpa ako sa aking sarili.” Sa pamamagitan ng pagkilos ng Diyos, maaari mong isipin ang iyong sarili. Kapag inilagay mo ang iyong kamay sa iyong puso at makipag-usap sa iyong sarili, malinaw ba sa iyo ang iyong sinasabi? Taos-puso ba ang iyong saloobin? Ikaw ba ay nagsasalita nang matapat, nang iyong buong puso? Kaya, nakikita natin dito nang nagsalita ang Diyos kay Abraham, Siya ay maalab at taos-puso. Kasabay ng pagsasalita at pagpapala kay Abraham, nangungusap din ang Diyos sa Kanyang Sarili. Sinasabi Niya sa Kanyang Sarili: Pagpapalain Ko si Abraham, at gagawin ang kanyang mga supling na kasing dami ng mga bituin sa langit, at kasing sagana gaya ng buhangin sa baybayin ng dagat, sapagka’t dininig niya ang aking mga salita at siya ang Aking pinili. Nang sabihin ng Diyos “Sa aking sarili ay sumumpa ako,” pinagpasiyahan ng Diyos na magmumula kay Abraham ang Kanyang lahing hinirang na Israel, pagkatapos ay pangungunahan Niya ang mga taong ito ayon sa bilis ng Kanyang gawain. Iyan nga, gagawin ng Diyos ang lipi ni Abraham bilang taga-dala ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang gawain ng Diyos at ang ipinahayag ng Diyos ay magsisimula kay Abraham, at magpapatuloy sa lipi ni Abraham, kaya’t maisasakatuparan ang hangarin ng Diyos na iligtas ang tao. Anong masasabi ninyo, hindi ba ito isang pagpapala? Para sa tao, wala nang hihigit pang pagpapala kaysa rito; ito, na maaaring sabihin, ay ang pinaka-mapalad na bagay. Ang pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi ang pagpaparami sa kanyang supling, ngunit ang tagumpay ng Diyos sa Kanyang pamamahala, ang Kanyang komisyon, at ang Kanyang gawain sa lipi ni Abraham. Ibig ipakahulugan ng mga ito na ang mga pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi pansamantala, ngunit patuloy na sumulong ayon sa plano sa pamamahala ng Diyos. Nang nagsalita ang Diyos, nang mangako ang Diyos sa Kanyang Sarili, nakapagpasiya na Siya. Totoo ba ang proseso ng pagpapasiyang ito? Tunay ba ito? Napagpasiyahan ng Diyos mula noon na ang Kanyang mga pagsisikap ang halagang Kanyang binayaran kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang lahat sa Kanya, at maging ang Kanyang buhay ay ibibigay kay Abraham at sa lipi ni Abraham. Maging yaon ay napagpasiyahan ng Diyos, magmula sa grupong ito ng tao, na ipapakita Niya ang Kanyang mga gawain, at papayagan ang taong makita ang Kanyang karunungan, awtoridad, at kapangyarihan.
Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos
Kasabay ng pakikipag-usap sa Kanyang Sarili, nangusap din Siya kay Abraham, ngunit maliban sa mga narinig na pagpapapala na ibinigay ng Diyos sa kanya, ganap nga bang naunawaan ni Abraham ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga salita sa sandaling iyon? Hindi! At kaya, sa sandaling iyon, nang nangako ang Diyos sa Kanyang Sarili, malungkot at nagdadalamhati pa rin ang Kanyang puso. Wala pa rin kahit isang tao ang nakaunawa o nakaiintindi ng Kanyang balak at plano. Sa sandaling iyon, walang sinuman—kabilang si Abraham—ang buo ang loob na makipag-usap sa Kanya, at lalong walang sinuman ang kayang makipagtulungan sa Kanya sa paggawa ng mga dapat Niyang gawin. Sa panlabas, nakamit ng Diyos si Abraham, at nakamit ang isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa katunayan, ang kaalaman ng taong ito sa Diyos ay halos salat na salat. Kahit na pinagpala ng Diyos si Abraham, ang puso ng Diyos ay hindi pa rin nasiyahan. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay hindi nasiyahan? Ito ay nangangahulugan na ang Kanyang pamamahala ay kailan lamang nasimulan, ito ay nangangahulugan na ang mga taong nais Niyang makamit, ang mga taong inasam Niyang makita, ang mga taong inibig Niya, ay malayo pa rin sa Kanya; kailangan Niya ng oras, kailangan Niyang maghintay, at kailangan Niyang maging matiyaga. Dahil sa panahong yaon, bukod sa Diyos Mismo, wala ni isa ang nakakaalam ng mga pangangailangan Niya, o mga nais Niyang makuha, maging Kanyang mga inaasam na makamit. Kung kaya, kasabay ng naramdaman na matinding kasiyahan, nakaramdam din ng kabigatan ng puso ang Diyos. Ngunit hindi Niya pinigilan ang Kanyang mga hakbang, at nagpatuloy na magplano ng susunod na mga hakbang na dapat Niyang gawin.
Ano ang nakikita ninyo sa pangako ng Diyos kay Abraham? Nagbigay ng maraming biyaya ang Diyos kay Abraham dahil lamang nakinig si Abraham sa mga salita ng Diyos. Kahit na, sa panlabas na anyo, tila normal ito, at mangyari pa, sa loob nito nakikita natin ang puso ng Diyos: Pinahahalagahang lalo ng Diyos ang pagkamasunurin ng tao sa Kanya, at minamahal ang pag-unawa ng tao sa Kanya at ang katapatan nito tungo sa Kanya. Gaano minamahal ng Diyos ang katapatang ito? Maaaring hindi ninyo maunawaan kung gaano Niya ito minamahal, o maaaring wala ni isa ang nakakatanto nito. Ibinigay ng Diyos ang isang anak na lalaki kay Abraham, at nang lumaki ang batang ito, hiningi ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang anak sa Diyos. Sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos nang walang labis at walang kulang, sinunod niya ang salita ng Diyos, at nakapagpalambot sa damdamin ng Diyos ang kanyang katapatan at pinahalagahan ng Diyos. Gaano ito pinahalagahan ng Diyos? At bakit Niya ito pinahalagahan? Sa panahong walang nakaunawa sa mga salita ng Diyos o nakaintindi sa Kanyang puso, may ginawa si Abraham na nagpayanig sa kalangitan at nagpanginig sa kalupaan, at nagbigay ito ng di matatawarang kasiyahan sa Diyos, at nagbigay sa Diyos ng kagalakan sa pagkamit ng isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ang kasiyahan at kagalakan na ito ay nagmula sa isang nilalang na gawa ng sariling kamay ng Diyos, at ang unang “sakripisyo” na inialay ng tao sa Diyos na lubos Niyang pinahalagahan, mula nang nilikha ang tao. Naging napakahirap para sa Diyos ang paghihintay para sa sakripisyong ito, at trinato Niya ito bilang unang pinakamahalagang regalo na mula sa tao, na nilikha Niya. Ipinakita nito sa Diyos ang unang bunga ng Kanyang mga pagsusumikap at ang halaga ng Kanyang binayaran, at hinayaan Siyang makita ang pag-asa na mayroon ang sangkatauhan. Pagkatapos, nagkaroon ng higit pang pananabik ang Diyos para sa isang grupo ng mga naturang tao upang samahan Siya, na tratuhin Siya nang may katapatan, na kalingain Siya nang may katapatan. Umasa rin ang Diyos na patuloy na mabubuhay si Abraham, dahil ninais Niyang magkaroon ng gayong uri ng puso upang samahan Siya sa pagpapatuloy Niya sa Kanyang pamamahala. Anuman ang nais ng Diyos, isa lamang iyong hangarin, isa lamang ideya—dahil si Abraham ay isa lamang taong nagawa Siyang sundin, at walang kahit kakaunting pag-unawa o kaalaman sa Diyos. Siya ay isang taong masyadong malayo ang agwat sa mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos para sa tao: sa pagkilala sa Diyos, sa kakayahang magpatotoo sa Diyos, at sa pakikiisa sa isipan ng Diyos. At sa gayon, hindi siya makalakad kasama ng Diyos. Sa paghahandog ni Abraham kay Isaac, nakita ng Diyos ang katapatan at pagkamasunurin ni Abraham, at nakitang napagtagumpayan niya ang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kahit pa tinanggap ng Diyos ang kanyang katapatan at pagkamasunurin, hindi pa rin siya karapat-dapat na maging katiwala ng Diyos, na maging isang nilalang na kilala ang Diyos at naunawaan ang Diyos, at binigyang kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos; malayo siya sa pagiging kaisa sa isipan ng Diyos at sa pagpapatupad ng Kanyang kalooban. At sa gayon, sa Kanyang puso, ang Diyos ay malungkot at nababahala pa rin. Habang mas nalulungkot at nababahala ang Diyos, mas kinailangan Niyang ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala sa lalong madaling panahon, at makapili at makatamo ng isang grupo ng mga tao upang matupad ang Kanyang plano sa pamamahala at makamit ang Kanyang kalooban sa lalong madaling panahon. Ito ang masugid na pagnanais ng Diyos, at nanatili itong hindi nagbago mula sa pinakasimula hanggang ngayon. Mula pa nang nilikha Niya ang tao sa simula, nananabik ang Diyos sa grupo ng mga mananagumpay, isang grupo na kasabay Niyang lalakad, na nauunawaan, naiintindihan at nalalaman ang Kanyang disposisyon. Ito ang pagnanais ng Diyos na hindi nagbago kailanman. Hindi alintana kung gaano katagal pa Siyang maghintay, hindi alintana kung gaano kahirap ang daan sa hinaharap, gaano man kalayo ang mga layuning Kanyang kinasasabikan, hindi kailanman nagbago ang Diyos o sumuko sa mga inaasahan sa tao. Ngayong nasabi Ko na ito, may napagtanto ba kayo tungkol sa hangarin ng Diyos? Marahil kung ano ang inyong natanto ay hindi masyadong malalim—ngunit unti-unti itong darating!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Enero 26, 2019

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?


Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon, at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain. Lalo na ang mga pinuno ng relihiyon na walang anumang paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso, at lahat ng uri ng masasamang tao at hindi naniniwala na hindi nagmamahal sa katotohanan ay nailalantad. Lantaran silang gumagawa ng masasama, itinatanggi ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, at tinatanggihan ang katotohanan. Ipinangangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon na ito ang kaalaman at teolohiya ng biblia. Nagsisikap silang protektahan ang kanilang sariling katayuan, impluwensiya, at kita, pero tumatanggi silang sundin ang daan ng Panginoon o ipalaganap ang salita ng Panginoon. Hindi talaga sila nagpaparangal o nagpapatotoo sa Panginoon. Sa halip ipinangangaral nila ang mga bagay na nagtataksil sa katotohanan sa salita ng Diyos, at ginagamit ang mga kamalian at tradisyon ng tao para linlangin at kontrolin ang mga tao, ipinagpipilitang tahakin ang landas ng mga Fariseo na pagtutol sa Diyos. Marami ring pastor at elder ng relihiyon ang nahahanap ng mga makamundong kasiyahan, naghahanap sila ng moda, pagnanasa para sa pera, at pakikibaka para sa posisyon. Lubos silang mga makamundong tao, lubos na hindi naniniwala. Ang pinaka-nakakagalit ay ginagamit ng mga pinuno, pastor at elder ng relihiyon na ito ang kanilang labis na pagkokondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para linlangin at kontrolin ang mga naniniwala, at nakikipagsabwatan pa sila sa rehimeng CCP, kasama si Satanas laban sa Diyos, nagsisikap na bumuo ng kanilang sariling mga kaharian at muling ipinapako ang Diyos, kung kaya kinamumuhian at isinusumpa sila ng Diyos. Ang mga labag sa batas na gawaing ito ay mga katotohanang maliwanag sa ating lahat. Hindi ito naiiba sa pagtataksil mula sa salita ng relihiyon. At dahil sa paglala ng mga labag sa batas na gawaing ito, lumamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming mananampalataya, at negatibo at mahina sila. Dahil pinili ng mga pinuno ng relihiyong ito ang kanilang sariling landas, at hindi na sinusunod ang daan ng Diyos, binawi ang gawain ng Banal na Espiritu, at naabandona ang mga lugar ng relihiyon. Lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. At nakikita natin sa mga bagay na ito na hindi nagpaparaya ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa pagkakasala ng tao.

    Katatapos lang naming magbahagi ng ilang dahilan ng kalungkutan ng mundo ng relihiyon. Ngayon gusto kong idagdag ang sarili kong pananaw at opinyon sa mga ugat ng kalungkutan sa mundo ng relihiyon. Magbasa tayo ng dalawang talata mula sa Makapangyarihang Diyos, makakatulong ito para mas maintindihan ninyo kung bakit may kalungkutan sa relihiyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“Dumating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nilinaw na ng Makapangyarihang Diyos kung bakit may taggutom sa mundo ng relihiyon. Pinahihintulutan tayo nito na makita ang walang hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Hindi inabandona ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan at nauuhaw sa Kanyang pagpapakita. Ginamit ng Diyos ang taggutom para pilitin silang hanapin ang totoong daan, at para hanapin nila ang kalooban at mga yapak ng Diyos sa kalungkutan sa mga iglesia. Ginawa Niya ito para tulungan ang nasa bawat sekta at denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at talagang naniniwala sa Diyos na pumunta sa harapan ng Kanyang trono. Sabi ng Diyos, “Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao.” Mula dito makikita natin na naantig ang mga tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa gawain ng Banal na Espiritu. At ito ang katibayan ng katotohanan na gusto ng Diyos na lahat ng lumalapit sa harapan ng Kanyang trono ay hangarin ang puso ng Diyos. Ito ang mga tao na gagawin ng Diyos na mananagumpay bago ang sakuna, at mapatutunayan ang mga propesiya ng Panginoong Jesus sa matatalinong dalagang dumadalo sa piging ng kasalan kasama ang Cordero. Ang mga mangmang na dalaga, na kahit gaano pa kalungkot o kadilim ang kanilang mga iglesia, ay mananatili sila sa mga ito at maghihintay ng kamatayan, ay tulad ng mga Israelita na namatay sa parang matapos akayin palabas ng Egipto. Naging lugar ng kasiraan ang buong mundo ng relihiyon, unang-una dahil sinusunod ng mga pinuno ng mundo ng relihiyon ang landas ng mga Fariseo, at nagtataksil sa intensyon ng Panginoon. Hindi nila sinusunod ang kalooban ng Diyos, hindi sinusunod ang mga utos ng Panginon, at matagal nang inabandona ng Diyos. Sa pamamagitan ng katotohanan na ipinahahayag ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, nailalantad ang kanilang anticristong kalikasan at buod, at sila ang muling nagpapako sa Diyos, at isinusumpa sila ng Diyos. Ano ang layunin ng Diyos sa pagdudulot ng taggutom sa mundo ng relihiyon? Gusto niyang puwersahin ang mga tao na hanapin ang totoong daan. Ang mga gustong maghanap sa tinig ng Diyos, at tumatanggap sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang ang muling makakatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, pagtutustos ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa Kanyang trono, at sa wakas ay maililigtas at mapahihintulutang pumasok sa kaharian ng langit. Ito ang mga tao na iprinopesiya ng Panginoong Jesus na madadala sa kaharian ng langit. Kung itatanggi natin ang paghatol, pagkastigo, pagdadalisay, at pagliligtas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, walang hanggan tayong maaabandona at maaalis. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ikaw ay lumaban kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Enero 30, 2018

Salita ng Diyos | Punong Salita

   Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Punong Salita

   

      Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

     Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring mapag-usapan bilang magkapantay. Ang Kanyang sustansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka di-maaarok at hindi kayang unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at nagbibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, samakatwid ang tao ay hindi kailanman mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagkat ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa sa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “umalam” sa Diyos at Kanyang gawain ay walang saysay, lahat sila ay mayabang at mangmang. Ang tao ay hindi dapat limitahan ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa sa isang langgam, kung kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalanin ang ganoong mga tao, na siyang galing sa laman, na lahat ay sinira ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano gabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat pasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagkat ang tao ay alabok lang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat ipaibabaw ang ating mga kabatiran sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalo na sa lahat hindi dapat natin gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya nito gawin tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyan-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at hanapin ang paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat patigasang-leeg na nakikipagpaligsahan sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring manggaling mula sa ganoong mga pagkilos?

         Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo matanggap ang mga salitang ito, maaaring sila ay may kakaibang iparamdam sa iyo, subalit ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagkat tanging yaon na tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaon na tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo papansinin ang mga katagang ito, marahil kinamumuhian mo sila, o marahil ikaw ay may malaking interes sa kanila. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat yaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Napakainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.

       Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a]kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang panlabas na kaanyuan ay hindi tumutukoy ng sustansya; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga kabatiran ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaayuan ni Jesus ay salungat sa mga kabatiran ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi kaya ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Pariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagkat tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Pariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isip kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawat isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ang mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag padadala o iwaglit ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!

         Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may balak na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi madaliang isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subalit iyon ay nababatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi ang tao na ginamit ng Diyos; may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, hindi mo tatanggapin na iyon ay mga salita ng Diyos, at tanging tatanggapin lamang sila bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na napaliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao. Kung titingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, samakatwid ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o pag-usapan ang mataas bilang mababa, o pag-usapan ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawat isa na naniniwala sa isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay pupuksain ng Diyos.

       Matapos ang gawa ni Jehovah, si Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nag-iisa, subalit itinatag sa gawa ni Jehovah. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawa ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagkat ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at kapag ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ng Diyos ay ang ikalawang pagkakatawang-tao kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyari nang mag-isa, ngunit ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Sa gayon din may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, Kanyang paraan ng paggawa, sa lugar ng Kanyang gawa, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, samakatwid, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit hindi alintana kung paano Siya sinalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya’s naging tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

       Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya, samakatwid sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay kasama ang kasaganaan ng biyaya subalit walang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyan-kasiyahan ang Diyos, samakatwid hindi kailanman nila tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na tanging ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; tanging ngayon na natitigan mo ang mukha ng Diyos, nadinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at Makapangyarihang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahong. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, samakatwid ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa bandang huli ay may kasalanan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?

         Ang aklat na ito ay isang pagpili mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at mangyari pa ay mga salita rin ng Espiritu sa mga simbahan. Ang mga salitang ito ay katuparan ng mga salita sa Pagbubunyag na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sinasaklaw nila ang isang mayamang nilalaman ng mga ilang uri ng mga pagbibigkas at mga salita tulad ng propesiya, ang pagbubunyag ng mga hiwaga, at ang paraan ng pamumuhay. May mga hula sa panghinaharap ng kaharian, mga pahayag sa mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos, mga pagsuri sa kalikasan ng tao, mga pangaral at mga babala, mahigpit na mga kahatulan, taos-pusong mga salita ng kasiyahan, usapan ng buhay, usapan ng pagpasok, at iba pa. Sa madaling salita, kung anong mayroon ang Diyos, kung ano Siya, at ang disposisyon ng Diyos ay lahat napapahayag sa Kanyang mga gawain at mga salita. Mangyari pa, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Nais mo bang pumasok sa bagong kapanahunan? Nais mo bang tanggalin sa iyong sarili ang tiwaling disposisyon? Nais mo bang makamtan ang mas mataas na katotohanan? Nais mo bang makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao? Nais mo bang mamuhay ng isang buhay na kapaki-pakinabang? Nais mo ba na gawing perpekto ka ng Diyos? Samakatwid, paano mo malugod na tatanggapin ang pagbabalik ni Jesus?
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Punong Salita

Rekomendasyon:

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Enero 16, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

  
    Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

Disyembre 31, 2017

Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosGinising Ako ng mga Salita ng Diyos

Miao Xiao Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong
     Noong nakaraan, parati kong iniisip na nung sinabi ng Diyos na “sunud-sunuran at taksil na lumalayo sa dakilang puting luklukan”, tinutukoy Niya ang mga taong tinatanggap ang yugto ng gawain na ito ngunit nauuwi sa pag-atras dahil ayaw nilang tiisin ang pagdurusa mula sa Kanyang pagkastigo at paghatol. Kaya, sa tuwing nakakakita ako ng mga kapatid na umaatras mula sa landas na ito sa anumang dahilan, ang aking puso ay napupuno ng pagkasuklam sa kanila: Ayan na naman ang isa pang tau-tauhan at taksil na tumatakas mula sa dakilang tronong puti na makakatanggap ng kaparusahan ng Diyos. Kasabay nito, palagay ko na kumikilos ako nang wasto sa pagtanggap ng paghatol ng Diyos at hindi malayong makatanggap ng pagliligtas ng Diyos.

Disyembre 30, 2017

Kabanata 9. Paghahanap ng Kalooban ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Abot ng Makakaya

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 9. Paghahanap ng Kalooban ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Abot ng Makakaya

    Sa sandaling ang mga tao ay magpadalus-dalos habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin, hindi nga nila alam kung paano danasin ito; sa sandaling maging okupado sila sa mga bagay, ang kanilang espirituwal na mga katayuan ay nababagabag; hindi nila mapanatili ang isang normal na kalagayan. Paano maaaring maging ganito? Kung hihilingin sa iyo na tuparin ang isang kaunting gawain, ikaw ay nalilihis sa kalakaran, nagiging maluwag, hindi lumalapit sa Diyos at nalalayô sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang mga tao ay hindi nakababatid kung paano ang makaranas. Kahit na anuman ang gawin mo, marapat na unawain mo muna kung bakit talaga ginagawa mo ito at kung ano ang katangian ng bagay na ito. Kung ito ay ilalagay sa kategorya na pagtupad sa iyong tungkulin, samakatuwid ay dapat mong pagnilay-nilayin: Paano ko ba dapat gawin ito? Paano ko ba dapat tuparin ang aking tungkulin nang mabuti para di ko ito ginagawa nang walang kainteres-interes? Ito ay isang bagay kung saan ay nararapat kang lumapit sa Diyos. Ang paglapit sa Diyos ay paghahanap ng katotohanan sa bagay na ito, ito ay paghahanap ng daan ng pamumuhay, ito ay paghahanap ng kalooban ng Diyos, at ito ay paghahanap kung paano masisiyahan ang Diyos. Ito ang mga pamamaraan para mapalapit sa Diyos habang abala ka; ito ay hindi pagsasagawa ng isang relihiyosong seremonya o isang panlabas na pagkilos; ito ay isinasagawa para sa layong kumilos alinsunod sa katotohanan matapos hanapin ang kalooban ng Diyos. Kung lagi mong sinasabing "Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos" gayong wala kang anumang bagay na ginagawa, ngunit kapag mayroon kang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ito ayon sa iyong sariling kalooban, ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang panlabas na kilos. Kapag tumutupad ka ng iyong tungkulin o may ginagawang isang bagay, nararapat na isipin mo palagi: Paano ko tutuparin ang tungkuling ito? Ano ang intensyon ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, magiging malapit ka sa Diyos, at sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos, hinahanap mo ang mga prinsipyo at katotohanan upang magawa ang mga bagay, hinahanap mo ang kalooban ng Diyos mula sa loob mo at hindi mo iniiwan ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo. Ito ang isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Ngayon kapag may dumating na ilang bagay sa mga tao, anuman ang totoong kalagayan, iniisip nila na magagawa nila ang ganito’t ganoon, ngunit ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso, at ginagawa nila ito ayon sa kanilang mga sariling intensyon. Kahit na ang kahahantungan ng pagkilos ay angkop o hindi, o kung ito ay alinsunod sa katotohanan o hindi, sila ay nagmamatigas lamang at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Karaniwan sa wari ay Diyos ang nasa kanilang mga puso, ngunit kapag abala sila sa ibang bagay, ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso. May ilang tao na nagsasabi: "Hindi ako napapalapit sa Diyos sa mga bagay na ginagawa ko; dati ay nahirati ako sa pagganap ng mga seremonyang relihiyoso, at sinubukan kong mapalapít sa Diyos, ngunit ito ay walang ibinunga; hindi ako mapalapit sa Kanya.” Wala ang Diyos sa puso ng ganitong uri ng tao, sarili lamang niya ang nasa kanyang puso at hindi niya maisagawa ang katotohanan sa mga bagay na kanyang ginagawa. Ang hindi paggawa ng mga bagay alinsunod sa katotohanan ay paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban, at ang paggawa ng mga bagay ayon sa iyong sariling kalooban ay paglisan sa Dios; kung kaya, ang Diyos ay wala sa iyong puso. Ang mga kaisipang pantao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao at tila ang mga ito ay hindi gaanong lumalabag sa katotohanan. Sa pakiwari ng mga tao ang paggawa sa ganitong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan, na sa palagay nila ang paggawa sa ganitong paraan ay pagpapasailalim sa Diyos. Sa totoo lang, ang mga tao ay hindi tunay na naghahanap sa Diyos at hindi nananalangin sa Diyos tungkol dito. Hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti upang maging kasiya-siya sa kalooban ng Diyos, ni nagsusumikap na gawin ito nang napakainam ayon sa Kanyang mga hinihingi. Wala sa kanila ang ganitong totoong kalagayan, at wala sila ng ganoong pagnanais. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagkilos, dahil sa naniniwala ka sa Diyos, ngunit wala sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi naging isang kasalanan? Paano ito hindi naging pandaraya sa iyong sarili? Ano ang magiging epekto ng pagpaniwala sa ganitong paraan? Nasaan ang praktikal na kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?

Disyembre 5, 2017

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)



Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)
  Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

  Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ngMakapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos

Rekomendasyon: Ano ang Ebanghelyo 

Nobyembre 12, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

Kaharian, kapalaran, pananampalataya, buhay, katotohanan


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

      Sa isang pagsiklab ng kidlat, naibunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati nilang pag-aari. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, lumulubog sa ilalim mula sa ibabaw, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang kahulilip. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakakakilala sa Akin ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningningmaliwanag ang sikat ng araw.

Nobyembre 7, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Kaharian, buhay, Diyos, Pananampalataya, sundin

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

     1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

Oktubre 24, 2017

Salita ng Diyos | Ang mga Pangako para sa mga Naging Perpekto


Salita ng Diyos|Ang mga Pangako para sa mga Naging Perpekto

  
  Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay papayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na halaga ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatili nang matagal. Kung nalulugod lamang siya dahil sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring masiyahan sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang magaang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari rin silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ito ay isa lamang biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong imoral. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung kayo lamang ay nakadadama ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang kapares ang katamisan, na parang hindi ninyo maaaring tamasahin ang mga ito nang sapat, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katotohanan ang salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom at mga panalangin ay ganap na may alalahanin sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makukuha ng Diyos. Ang lahat ng mga nakuha ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Kung ano ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao o ang kanyang mga ari-arian, kundi ang mga bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kaya sinasabi ko na ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang mga puso ng tao ay makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ang Diyos ang gumagawang perpekto sa tao subalit ang Diyos ang gumagawang perpekto sa puso ng tao upang ito ay magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.

Oktubre 18, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

    Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.