Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Dapat muling suriin ng bawat isa sa inyo ang inyong buhay sa paniniwala sa Diyos upang tingnan kung, sa paghahangad sa Diyos, tunay na nauunawaan ninyo, tunay na naintindihan, at tunay na humantong sa pagkilala sa Diyos, kung tunay na nalalaman kung anong pag-uugali ang dinadala ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga taong nilalang, at kung tunay na nauunawaan ninyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa inyo at kung paano ipakahulugan ng Diyos ang kanyang bawat kilos. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, na gumagabay sa direksiyon ng iyong pagsulong, na nagtatakda ng iyong tadhana, at nagtutustos ng iyong mga pangangailangan—gaano mo, sa panghuling pagsusuri, nauunawaan at gaano mo talagang nakikilala Siya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawat araw? Alam mo ba ang mga saligan at layunin kung saan ibinabatay Niya ang Kanyang bawat pagkilos? Alam mo ba kung paano kang ginagabayan Niya? Alam mo ba ang mga paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang akayin ka? Alam mo ba kung ano ang ninanais Niya na makamit mula sa iyo at kung ano ang ninanais Niya na matamo sa iyo? Alam mo ba ang pag-uugali na ipinakikita Niya sa sari-saring paraan na ikinikilos mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong iniibig Niya? Alam mo ba ang pinagmumulan ng Kanyang kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan, ang mga kaisipan at mga ideya na nasa likod ng mga ito, at ang Kanyang pinakadiwa? Alam mo ba, sa panghuli, kung anong uri ng Diyos ang Diyos na ito na iyong pinaniniwalaan? Ang mga tanong bang ito at iba pang mga tanong na ganito ay mga bagay na hindi mo kailanman naunawaan o naisip? Sa paghahangad ng iyong paniniwala sa Diyos, hinawi mo na ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at karanasan sa mga salita ng Diyos, ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Kanya? Ikaw ba, pagkatapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay dumating sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay humantong upang malaman ang mapanghimagsik at satanikong kalikasan ng tao at nagtamo ng kakaunting pagkaunawa sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng patnubay at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos, ay nagsimulang magtaglay ng bagong pananaw sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakadama ng Kanyang kawalan ng pagpaparaya para sa mga pagkakasala ng tao pati kung ano ang kinakailangan Niya sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo nalalaman kung ano ang magkamali ng pang-unawa sa Diyos, o kung paano hawiin ang hindi pagkakaunawaan na ito, samakatwid maaaring sabihin ng sinuman na hindi ka kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi kailanman naunawaan ang Diyos, o kahit papaano maaaring sabihin ng sinuman na hindi mo kailanman ninais na maunawaan Siya. Kung hindi mo nalalaman kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman ang pagpapasakop at pagkalinga, o kahit paano hindi ka kailanman tunay na nagpasakop at kumalinga para sa Diyos. Kung hindi mo kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi mo kailanman tunay na taglay ang tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, ngunit ikaw ay nasa kalagayan ng pagkalito at kawalan ng pagpapasiya sa iyong landas sa hinaharap sa buhay, kahit sa punto na nag-aatubili na tumuloy pasulong, samakatwid tiyak na hindi ka kailanman tunay na nakatanggap ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, at maaari ring sabihin ng sinuman na ikaw ay hindi kailanman tunay na natustusan o napunang muli ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa dumaan sa pagsubok ng Diyos, samakatwid hindi na kailangang banggitin na tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang kawalan ng pagpaparaya ng Diyos sa mga pagsama ng loob ng tao, ni mauunawaan mo kung ano ang panghuling kinakailangan sa iyo ng Diyos, at lalong hindi kung ano, sa panghuli, ang Kanyang gawain sa pamamahala at pagliligtas ng tao. Ilang taon man na naniniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi siya kailanman nakaranas o nahiwatigan ng anuman sa mga salita ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi siya lumalakad sa landas tungo sa kaligtasan, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na nilalaman, ang kanyang kaalaman sa Diyos din ay tiyak na wala, at hindi kailangang banggitin na wala siyang ideya ng kahit na ano kung paano igalang ang Diyos.